webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · História
Classificações insuficientes
41 Chs

Chapter 36

"Thank you!" Sambit ko sa babae at inamoy ang bulaklak bago lumabas ng store.

"Are you sure na ibibigay mo sa kanya yan?" Bungad ni Cedric nang makapasok ako sa sasakyan.

"Why not? Pwede naman nya itapon kung ayaw nyang tanggapin. I wanted to make moves from now." Confident na sabi ko at natawa lang sya bago paandarin ang sasakyan.

Nang makarating kami sa office ay umakyat ako nang 23rd floor bago ako umikot pakanan at nakita agad ang sekretary nyang lalaki na yumuko upang mag bigay galang sa akin.

"Nandito ba sya?"

"Yes po ma'am, pasok po." Nagpasalamat naman ako nang pagbuksan nya ako ng pinto.

Nakita ko ang gulat sa mukha nya nang makita ako. Ngumiti ako sa kanya nang malaki bago ipatong sa kanyang lamesa ang bulaklak.

"Para saan to, at bakit nandito ka na naman?" Masungit na sabi nya sa akin at tinignan ang bulaklak na dala ko.

"Nanliligaw kasi ako sayo e," I joked. Pinagkunootan naman nya ako nang noo. "Pang bawi lang, from now on ako na ang manliligaw mo, and no pressure if you don't want to fall in love with me again." Sambit ko at niyakap sya mula sa upuan nya.

Ramdam ko ang gulat sa kanya. "Kahit yakap lang, kahit hanggang dito lang ok na. Makita kalang o maka usap, kahit hanggang doon na lang veil, tatanggapin ko at rerespetuhin ko ang desisyon mo." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan sya sa noo.

"Accept the flowers, para sayo yan." Pagdadaldal ko. "Don't throw it okay?"

Hindi sya nakapagsalita at halos tingnan na lang nya ako. Nang tumingin ako sa kanya ay nginitian ko sya ngunit umiwas sya nang tingin.

"Talk to me please?" I begged at umupo sa tapat nang mesa nya.

"Ito ba yung pang bawi na ginagawa mo?"

Tumango ako. "Oo naman, gusto ko lang makabawi sa mga pagkukulang ko noon."

"Pero noon na iyon, hindi mo kailangan gawin to-"

"Still not appreciate it?" Tumingin ako sa kanya at hindi sya nakapag salita. "I was so tired of crying every night, Veil." I confessed at gulat nya akong tinignan.

"What do you mean by that?" Dumaan ang pag-aalala nya sa mata at gustong sagutin ko ang tanong nya.

So, he is still care for me huh? Or with love? Hindi ko alam. Ang hirap mangapa, at alam kong nasaktan ko na sya noon. Alam naman nyang hindi ko na mababawi pa yung sakit na ipinaranas ko sa kanya at alam kong hindi madali.

"Can't we just move on from the past?" Halos pabulong na sabi ko sa kanya.

"I said, what do you mean by that?" Inis na sabi nya at hindi pinansin ang tanong ko.

"I just wanted to us be okay, not for me. Para din sayo at sa friendship na nasayang natin." Pabuntong hininga kong sabi. "Pero wala akong pinagsisihan Veil, maging ok lang tayo ayos na ako doon."

For four years stayed in U.S, pag uwi ko after ay akala ko makakapag pahinga ako. Halos hindi na ako kumain noon, gusto ko na lang mawala bigla dahil sa paghihirap.

"Fine." Napatingin ako agad sa kanya.

Ngumiti ako agad na napatayo sa tuwa. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "Thank you so much." Bulong ko sa kanya.

Nagtaka ako nang nakatingin lang sya sa akin na parang may gustong sabihin. "Just spill it." Sambit ko at napabuntong hininga naman sya.

"Can I just eat lunch?" Patanong na sabi nya at pinakita ang orasan sa relo nya.

"Okay! Basta dito rin ako kakain. Kwits na tayo diba?" Sambit ko sa kanya kaya wala syang ginawa kundi tumango nalang.

Pinadala ko na lang kay Cedric ang food ko at pina akyat para hindi na ako bababa. Gusto kong magpa-party dahil napatawad na nya ako pero masyado nang OA ang datingan kung gagawin ko iyon.

"Thank you-" Sambit ko kay Cedric nang makapasok sya ng magsalita si Ace.

"Anong ginagawa mo dito? At bakit magkasama kayo?" Tanong nya bigla sa kanya kaya natuwa ito.

"Chill ka lang pre, inihatid ko lang sya dito dahil hindi nya pa magamit ang sasakyan-"

Kinuha agad ni Veil ang pagkain ko at inilagay sa mesa nya. "Makaka alis kana."

"Suss, hindi mo man lang ako kinamusta-"

"Alis na!" Inis na sabi nya kaya natawa ako sa kanilang dalawa. Kumaway ako kay Cedric nang may ngiti sa mukha.

Paglingon ko kay Veil ay nawala ang ngiti ko nang tingnan nya ako nang masama. Umiwas nalang ako ng tingin at binuksan ang kfc upang kumain.

Medyo awkward nga lang dahil tahimik lang syang kumakain ng caldereta at adobo na binaon nya siguro. Hindi o maiwasan tanungin tuloy sya.

"So, friend's?" Tanong ko sa kanya na ikinatigil nya sa pag nguya.

"Friend's.. then," Parang hindi pa sya sigurado sa tanong nya kaya nangunot ang noo ko.

"You don't want to be my friend again?" Kinakabahan tanong ko at halos hindi na maubos ang pagkain ko dahil busog na ako.

"I'm still adjusting, and real talk. I really missed you, a lot of times." Hindi ko inaasahang sasabihin nya iyon kaya nabulunan ako bigla. Bigla naman nya akong pinainom ng tubig, nagpapanic.

"Thank you" Sabi ko at hindi na makatingin sa kanya. Natawa sya doon kaya nagtaka na naman ako.

He is still adjusting pero parang walang nangyari sa amin noong panahong hindi pa kami ayos. Napaka komportable nya agad sa presensya ko, o hindi kaya kinalimutan na lang nya agad iyon?

"Welcome."

Tiningnan ko ang pagkain ko bago sya tignan na nakatingin na pala sa akin. "Ako na ang uubos, iwan mo na lang dyan."

Tumango ako at tinignan ang oras kaya napatayo agad ako na ikinalingon nya. "Kailangan ko nang umalis."

"Bakit naman?"

"Kakausapin ko pa ang mga kapatid ko, ngayon din ang dating ni Kuya Drake with his fiancé." Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng halik sa noo. "I missed you too, I'll see you later."

Halos hindi na sya makatingin at gulat pa ako nang makitang namumula ang tenga nya. Natawa ako bago nagpaalam sa kanya.

"Ingat." Ngumiti lang ako at lumabas na nang office nya.

Buong araw ako good mood at halos i kwento ko lahat kay Cedric ang nangyari. Muntikan na naman ako maiyak doon kanina! Good thing, napatawad na nya ako.

At least.. alam ko sa sarili ko na deserve pa din akong patawarin ng iba kahit na nakagawa ako ng ikakasakit nila.