webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · História
Classificações insuficientes
41 Chs
avataravatar

Chapter 34

"How are you, Xy?"

"I'm fine." Ngiti ko kay Cedric na kasama ko sa Bar ngayon. Napapangiti ako dahil mukhang hindi na siya naiilang sa akin.

"Are you sure? Your eyes is telling the truth, not your mouth." Titig nito sa akin bago uminom ng wine.

"Para saan pa kung sasabihin ko ang totoo? Wala na rin namang magbabago" Umiwas ako ng tingin sa kanya habang nilalaro ang hawak kong baso na may wine.

"So you're hopeless now?" Tanong nito.

"Siguro," Tumingin ako sa kanya. "Mukhang malabo na ulit maibalik e."

"I'm willing to help you Xy, kahit na naging crush kita noon" Sabi nya na ikinagulat ko.

"Crush huh? Kaya pala ilang na ilang ka sa akin noon." Ngisi ko bigla at tinignan siya. Umiwas naman ito at napa kamot sa tungki ng ilong, nahihiya.

"Pero alam ko naman na hindi mo ako magiging type, loyal ka kay Veil e." Tawa nito. "At least naging crush lang, hindi ako lumalagpas doon kapag alam kong hindi interesado sa akin ang tao."

Tumango ako sa sinabi nya. Noong una ay kinabahan pa ako dahil baka dumagdag pa siya sa problema ko kung sakaling may gusto pa siya sa akin ngayon.

Nagkakilala sila ni Veil dahil mag kaibigan din daw sila. Kay Cedric pala siya lumalapit at hindi ko alam na kaibigan nya pala ang kasama ko ngayon.

"There's a time na grabe na siya kung maiyak. Palagi nya akong inaaya sa Bar para uminom ang kaso ay dinadamay nya ako, kapag nalalasing na siya bigla na lang siyang umiiyak dahil nami-miss kana daw." Pag ku kwento nya.

"Diba may sakit sya? How about his heart condition?" Pag-aalala ko bigla.

"Ayun nga din ang sabi ko pero hindi marunong makinig ang kumag,"

Hindi ako makapaniwala sa kinuwento nya at nanahimik nang matapos siyang magsalita. Tumingin ako sa kanya at agad siyang hinatak papalabas ng Bar na ikinagulat nya.

"Nasa condo ba siya?" Tanong ko bigla dahil gusto ko suyang puntahan upang maka-usap.

Umiling ito. "Nasa batangas Xy, may appointment siya at doon mi-neet ang kliyente."

"Cedric please, kailangan ko siyang maka-usap. Puntahan natin siya"

"But Xy, busy siya at hindi mo siya makaka usap nang maayos."

"I can handle that." Pagmama kaawa ko pa. Nakahinga ako ng maluwag na wala siyang magawa kundi pumayag sa gusto ko.

If he has a girlfriend right now, then fine. I'll be happy with him kahit na hindi ako. At yung mga sinabi ni Cedric ay kakalimutan ko na lang. Wala namang sigurado sa mundong ito e, hindi lahat nang mga sinasabi nang tao ay napapatunayan.

But at least I'll do everything for him para makabawi sa kanya. Cedric was driving smoothly at nang maalala ang kwento nya kanina ay nabigyan ako nang pag-asa.

Na baka ako pa, na baka pwede pa. Pwede pa siyang mahalin ulit at makabawi sa pangalawang pagkakataon. Ayoko na muling tumakbo palayo sa kanya at balewalain ang pagmamahal nya.

Ngayon, ayoko nang maging kampante pa, gusto ko na rin kumilos dahil walang mangyayari kung palagi lang akong iiyak at magkukulong sa kwarto.

Dahil hindi rin naman ako ang hahabulin ni Ace, dahil ako ang nang-iwan sa kanya. Bigla na lang akong napatigil sa pagmumuni muni na nandito na pala kami at wala masyadong traffic.

"Thanks for the ride," Ngiti ko sa kanya at palabas na sana nang magsalita siya.

"Welcome Xy, but don't forget that I am always here for you. As a.. friend."

"Thank you,"

"Just be careful what you say." Sambit nya habang nakatingin lang ng deretso sa labas.

Kahit man nagtataka ay tumango na lamang ako at lumabas. Mabuti na lamang at naka sapatos ako dahil sa buhanginan ang daan ko.

Nang makarating sa pinaka loob ng resort ay natanaw ko siya na may kausap na babae, kliyenta yata nya. Hindi ko sya pwedeng tawagin kaya mas pinili ko na lamang na hintayin sya sa may tabi at piniling magpahangin.

Humangin nang malakas kaya napa pikit ako. Bumuntong hininga ako bago ngumiti at tumingin sa kalangitan.

Bigla na lamang pumasok sa isip ko na kung hanggang kailan pa ako mabubuhay sa mundong ito. Na kung hanggang kailan ko pa kayang labanan ang mga problema na dumarating sa akin.

"Mas pipiliin kong lumaban kaysa sumuko." Bulong ko sa sarili ko bago tumungo. Pinaglalaruan ang buhanginan sa paa ko.

Nang may nakita akong dalawang paa ay itiningala ko ito. Nagulat bigla at napatayo nang seryoso lamang na nakatingin si Veil sa akin.

Napansin ko rin ang pagbabago nya, mas nakaramdam ako ng lamig kahit na hindi naman gaano kalamig ang panahon.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong nito at parang naiinis nang makita niya ako dito.

"Gusto ko lang, sana kitang maka-usap." Halos pabulong ko na sabi at kinakabahan na magsalita.

"Edi magsasalita kana?" Tumango ako sa tanong niya at tinignan ang oras bago tumango.

"May trabaho ako bukas. Meet me at my company before lunch. Alam mo naman kung saan iyon dba?" Sambit nya kaya tumango ulit ako.

"S-sige, salamat." Ngiti ko sa kanya ngunit umiwas lamang siya nang tingin na para bang ayaw nya akong tignan.

Napabuntong-hininga sya. "Makaka-alis kana, wala na akong oras ngayon."

"Thanks for the short time," Sambit ko at nilagpasan na siya. Napangiti sa aking sarili na maging successful ang pakikipag-usap sa kanya.

Sabihan man nya ako nang masasakit na salita ay tatanggapin ko. Nasa akin na rin halos ang kamalian ko noon. Kaya deserve ko din ang tratuhin nya nang ganoon.

Nang matanaw ko si Cedricnay nag thumbs up ako. "That's good. Kailan daw kayo mag-uusap?"

"Tomorrow, before lunch." Ngiting sambit ko ang bubuksan na sana ang pinto ng kotse nya nang hawakan nya ako.

Lumingon ako sa kanya at nagtatanong ang mga tingin. "Can I fetch you tomorrow, uh before lunch if it is okay to you?"

Nag isip pa muna ako bago tumango. "Sure, tinatamad naman din ako mag drive. Now, let's go back to Manila."

He chuckled. "Thanks."