webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · História
Classificações insuficientes
41 Chs

Chapter 29

"Good news, hindi naging critical ang condition nya," Pagtatapos ni Lia ng kwento noon habang kumakain ng popcorn.

It's been a month at dalawang buwan na akong walang komunikasyon sa kanila except kay Lia na ka video call ko sa Skype

"Edi magiging maayos na ang buhay nila,"

Kumunot ang noo nya at tinignan ako." Ano na naman bang pinagsasabi mo? alam mo ikaw, hanggang ngayon ay wala kapa ring pinagbago ano, sinisisi mo pa rin yung sarili mo kahit wala ka namang kasalanan."

"Lia, kung hindi siya nagpakabasa sa ulan at pumunta sa mansion ay hindi mangyayari sa kanya yon." Pagpapaliwanag ko pero inirapan lang ako ng kaibigan ko.

"Ikaw lang naman ang magulo, akala ko nga magiging maayos na kayo nang magka aminan kayo pero hindi pa pala tapos."

"Wala akong magagawa at ayoko rin siyang idamay sa magulong buhay ko."

"Then tell him! Ang hirap manghula Xy. Mas pinapahirapan mo lang yung taong limang taon na nasa tabi mo. Maiintindihan ka niya-"

"I know! Pero hinding hindi niya ako papayagan sa gusto ko. Kahit na alam nyang ganito na talaga ang papasukin ko."

Namatay bigla ang ilaw sa loob ng hotel room at nawalan ng signal kaya agad kong kinuha ang silencer na barili ko. Naglakad ako sa pinto at binuksan iyon ngunit maliwanag naman ang hallway.

Nang maramdaman ko na may tao sa likod ko ay agad kong sinipa ito at siniko. Binuksan ko ang ilaw ng room ko bago itinutok sa kanya ang baril ko.

"Who are you?" Sambit ko at itinutok sa kanya ang baril sa noo niya.

Tumawa ito at agad tinanggal ang black mascara at napairap ng si Jacob lang pala. Kasama ko na rin 2 months from now at nalalapit na rin ang kasal naming dalawa.

"Ano ba yan Melendes, ilang buwan na tayong magkasama at yung kaibigan mo pa rin ang bukang bibig mo." Tumalon ito sa kama ko kaya sinipa ko sya.

"Sa kabila ang kwarto mo, umalis ka diyan"

"Magiging future wife na kita, ngayon kapa ba mag-iinarte?" Umirap ito at lumipat sa kabilang kama.

"You wish, mas gugustuhin ko na lang na sa iba magpakasal kaysa sa iyo."

"Pero hindi kana pwedeng mag back out Xy."

Kahit kailan ay palaging may ngisi sa labi nito na para bang nang-aasar o ano. Sa dalawang buwan ko siyang nakasama sa Hotel dahil sa misyon na kasama-pala-siya ay doon ko lamang siya nakilala.

Hindi kabaitan ang lalaking ito pero matino mo namang makaka-usap. Totoong may gusto siya sa akin ngunit hindi na siya iyong tipong dumidikit dikit na sa akin.

Nagiging mabait pala ang masamang damo tulad nya noon. Nakikita ko na dumidistansya na rin sya sa akin at bibigyan ako ng privacy kapag may ginagawa ako.

"Alam ko,"

Naalala ko nang pinili kong umalis sa amin ay saktong pagdating ni Daddy. Paparating na rin sina Lola at ie-excuse na lamang ako ng mga kapatid ko.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa and it's already 9 pm. Nakatitig lang sa akin si Jacob at nang tignan ko siya pabalik ay umiwas ito ng tingin at humiga nang ayos.

Nakita kong parang naluluha siya dahil namumula ang ilong niya. "You're the worst,"

Sambit nya na ikinalingon ko. Naka upo lang ako sa dulo ng kama ko habang ang paa ko ay nasa sahig at naka harap sa kanya. "I am."

Because I hurt boy's or man so many times. Ako ang nagiging dahilan kung bakit may nasasaktan at umiiyak ng dahil sa akin.

"Do you think I am worth it to be loved?" Tanong ko sa kaniya, at nang mapansing nagbabago siya ay hindi ko na rin siya tinuturing na kaaway.

"What question is that, iiyakan kaba naman kung hindi?" Sambit nya at bumangon upang iharap ako. "Ang daming nasasaktan pero nagrereklamo ba sila, diba hindi naman?"

Paninimula niya. "Maraming mga oras ang tao pero mas piniki nilang mag drama o umiyak ng dahil nasaktan sila nang dahil sayo. Kapag ganoon ba, kailangan sisihin mo ang sarili mo dahil naka sakit ka?"

Wow, I really can't believe na magiging ganito siya at parang hindi kami naging magkaaway noon. And now I realky see his true him, parang unti unti ko na siya nakikilala bilang tao na may mabuting puso.

"Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo doon, Melendes. Tao lang tayo at nasasaktan din. Don't always blame yourself because of love. Because that is love you can't control."

****

Kinabukasan ay lumipad kami ng Spain dahil sa misyon namin at sabay na rin kaming nag almusal, hindi na pinapansin ang pagtingin-tingin niya sa akin.

Nang makarating kami doon ay agad kaming binati ng mga tauhan ni Boss kasabay nang pag tungo.

"¡Bienvenido Bienvenido!" Palakpakan ang lahat ng makarating kami sa malaking mansion.

Tl: Welcome, Welcome!

"Xyria is that you? You're really growing now." Leana said.

"Of course," Nagbeso kaming dalawa habang hawak ni Jacob ang bewang ko.

"Is that your fiancé?" Halos mapa irap ako sa tanong niya.

"Yes, and she is my soon-to-be wife." Humigpit ang hawak nya sa akin at mas inilapit pa ako sa kanya.

"Llévate a ese chico y quería hablar con Xyria." Singit ni boss kung kaya naman inilayo na muna ng tauhan si Jacob at naramdaman ko na rin na umalis si Leana.

TL: Take that boy away, and I wanted to talk with Xyria.

Naglakad ako papalapit sa kanya at tumungo ng magsimula siyang magsalita gamit ang espanyol na salita.

"Seré directo al grano. Tu destino y el futuro son peligrosos." Sambit nya na hindi ko na ikinagulat.

Tl: I will be straight to the point. Your fate and the future is dangerous.

"Ya sabia eso" It means I already knew at kung hanggang saan ang itatagal ko dito.

"Tu vida está en peligro, podrías ser tú o tu amor. Si no ganaras este juego." Malamig na sambit nya kaya nanlamig ako sa sinabi ninya.

Tl: Your life is in danger, it might be you or your love will. If you didn't win this game.

It might be me, because this is my work and I have an enemy. If I didn't win this game, I know what will be the news. Their game is a risky and dirty, because they are no heart and wanted to involved the people we loved.

I wanted to end this soon. Para hindi na magpakalat kalat pa ang masasamang tao sa mundo.

And now.

I will face my fear.