webnovel

re;live - THE PROLOGUE

Ophir's Pi Programs Artificial Intelligence Incorporated... in short, OPPAI Inc. Maraming company ang sumikat dahil sa pag gawa ng gadgets at dahil na rin sa kanilang mga AI. Sa lahat ng mga kompanyang ito, ang pinaka nasa tuktok ay ang OPPAI Inc. Kadalasang ginagamit ang mga AI upang mapabilis ang trabaho ng karamihan. Kahit saan ka pumunta meron kang makikitang AI, at kahit ang kanilang smartphones ay may AI narin. Merong iba't ibang klase ng AI. Ito ay ang Narrow AI, General AI, at Super AI. Sa ngayon ay puro narrow ai at general ai ang kalimitang ginagamit ng ilan at hindi pa nag eexist ang Super AI... pero yan ang alam ng karamihan. ======================== [INFO] Title: re;live - THE PROLOGUE Date Created: 8.26.2023 Language: Tagalog, English, & Random Author: Virtual Pusa Editor: (Anonymous daw) ======================== re;live list: The Prologue (on going) Into The New World (soon) Bizzare Adventures (soon) The Ancient War (undecided / soon)

VirtualPusa · Ficção Científica
Classificações insuficientes
19 Chs

News

[TV - Channel 15]

NEWS: "Isang dalaga sa Laguna, gumala pagkatapos ng school... PATAY!

*click* Nilipat nya ulit sa ibang channel.

[TV - Channel 2]

NEWS: "Binatang lulong sa droga, ginahasa ang kanyang 70 years old na lola! Ayon sa mga kooperatiba, nangrerape din daw ito ng mga dalagang umuuwi mag-isa!"

*click* Nilipat nya ulit sa ibang channel. 

[TV - Channel 12]

NEWS: "Sumisikat ngayon at nauuso ang mga streamers, vtubers, at content creators. Ang mga ito ay may kanya kanyang talento sa pag gawa ng kanilang mga content mapa live man o video." sabi sa balita at naisip nyang 

("eto mejo ok dito").

NEWS: "Dahil dito ay may mga sumikat, may mga yumaman-" at bigla niyang nasabi na 

"oo tats manyami nyin hinyi finyalas" (oo tas marami din hindi pinalad) habang nakalabas ang dila.

Hinipan nya ang kanyang kape at dahan dahan itong ininom habang iniisip na ("mweyon nyin nyanmank.. Este.. meron din namang mga hindi sumusuko. Pero.. meron ding mga nawalan na ng pag-asa at sumuko nalang dahil na din sa mga nagiging issue nila, tas bigla na lang silang...") "aakk! gulaglasleyts" (aakk! gragraduate) napaso ulit ang kanyang dila at napahinto sa pag inom. 

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at tinitigan ang kape ng limang sigundo dahil meron siyang narealize... tumingin sya sa tv at sinabing "aym hanyis nyan asha nyan himlak ho!" (ampangit ng lasa ng timpla ko!) habang nakalabas ang dila. 

Tumingin sya ulit sa kape at naisip nya rin na ("Pero.. maganda man or pangit ang kalabasan..") "mey ihkla nyalant nyak yayawo" (may bigla nalang naglalaho) nasabi nya ito habang nakalabas parin ang dila. 

Naisip niyang ("Shiguwo.. um.. siguro bigla nalang silang umayaw at nahiyang mag graduate?.. hay ewan!"). 

Ibinaba nya ang kape at kumuha ng cookies sa platito. Tumingin ulit sya sa tv at sinabing "akish alang nay nya kokolei nyusan alka" (bakit parang may nakakalimutan ako).

Natapos na mag almusal ang apo at naghanda na para pumasok sa school. "hoy iho! ano bat napakatagal mo mag ayos. Nanonood ka pa ng bold dyan. Bilisan mo na at malelate ka na!" pasigaw na sinabi ng lola. 

"hanhaleee" (sandaleee) pasigaw na sagot ng apo. 

Nakaupo ang apo sa harap ng computer habang iniisip ang ("hiheo... ah.. video uploaded, nice! mamaya ko nalang ichecheck yung views at comments nito. Sana marami, nahirapan kaya ako sa pag edit kagabi. Tsaka... 228 palang followers ko. Sana naman madagdagan dahil isang buwan na tong ganito.") 

Lumabas na ang apo sa kwarto at bumaba sa hagdan. Nagmamadali syang maglakad sabay sabing "ahis ha oh" (alis na ko). Tumakbo na palabas ang apo habang nakalabas ang dila kaya nag muka siyang tanga.. masakit parin ang dila nya dahil sa pagkaka paso. 

Balak nyang takbuhin papuntang sakayan dahil malelate na sya. Habang tumatakbo ay sinabi nya na "selt, si nyak ho mahakfak imsey nya ihelk yeuk malsher hishk ho, HA-HA-HA!" ("shet, di na ko makapag hintay na icheck yung masterpiece ko, HA-HA-HA!") at inisip nya na ("Feeling ko eto na yung way para sumikat ako. Wag lang biglang mamamatay pag sumikat na, hahaha ang korni non"). 

Nananakbo parin sya habang nakalabas ang dila at nagmumukang tanga... pero muka naman syang masaya... pero muka paring tanga. Ngumingisi sya nang nakapikit habang nananakbo nang nakalabas ang dila. At nang malapit na sa kanto, binuksan nya ulit ang kanyang mga mata para hindi sya maaksidente sa pag takbo at inisip na ("Mag iingat nga ako pag liko dito sa kanto at baka mabangga pa ak-")

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP* *DRIFTING SOUND*

Thanks for reading!

Feel free to leave a comment~

Please leave a vote as well~

Updates will be 3 to 7 days or sometimes 2 weeks...

VirtualPusacreators' thoughts