webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Realista
Classificações insuficientes
101 Chs

8.21 Inhumane Guilt Trips

"Mula bukas ng umaga ay kailangan niyong magtungo sa bayan, siyudad, kabahayan, at maski na sa mga paaralan ng may maiprisinta tayo sa supreme leader na mga dalaga para pagsilbihan siya. Dakpin niyo silang lahat kung kinakailangan at kapag pumalag, turuan niyo ng leksyon." bilin ni Dalton sa kanyang mga tauhan sa loob ng prison camp ng gabing iyon.

"Masusunod po." Tugon ng mga guards na pinangangasiwaan ng warden. Pagkaalis nila sa opisina ni Dalton ay hindi niya maiwasang mabagabag sa pagtakas ni Lizette.

Napaupo na lang ang binata sa kanyang silya at tutok ang kanyang mata sa naiwang mga larawan ni Lizette na kinunan niya na walang pahintulot. "Hay nako! Puro na lang problema ang binigay mo sa akin, Lizette. Kung hindi ka lang sana nakinig sa mga panlilinlang ni Hyun-ji sa'yo, malamang eh kasama kita ngayon dito at nagpapakaligaya hanggang sa sumapit ang umaga." Ngising saad nii Dalton at saka niya hinahalik-halikan ang mga bulgar na larawan ni Lizette.

Dumaan na ang ilang oras ay tila abala pa rin ang warden sa kanyang sariling pagpapantasya at hindi na niya nagawa pang matulog sa sobrang kahibangan sa katawan ng ibang tao. Matapos sumibol ang bukang-liwayway sa prison camp ay tila wala naman itong pinagbago sa pananaw ng isang bilanggong ibon na hirap tanawin ang mundo sa pinakatuktok ng alapaap.

Gaya ng pinapakahulugan na mga katagang iyon ay kaakibat na sa kanilang sistema ang sakripisyo ng kaligayahan para sa kanilang kaligtasan. Nakakarindi man sa pandinig ang mga yabag ng paa sa palibot ng bilangguan ngunit walang mapagsidlan ng poot si Hyun-ji matapos siyang puntahan ni Dalton sa madilim na bahagi ng prison camp dala ang sarili nitong kahambugan.

"Gumising ka dyan." Umaga pa lang ay umaalingasaw na ang pananamantala ni Dalton sa mga itinuturing niyang mababang uri.

Maang-maangang tinanggap ni Hyun-ji ang kasabikan sa pagbisita ni Dalton sa kanyang bangunot. "Ough! ough! Hindi ko inakala na aabot tayo sa ganito, Dalton." aniya habang pinipilit niyang kinakalas ang mga lubid na nakabuhol sa kanyang katawan

Nang mapansin ni Dalton na balisa ang kalamnan ni Hyun-ji ay sinadya nyang matumba ang binata kasama ng upuan at tinadyakan niya iyon ng walang pag-aalinlangan.

"It's warden for you, naiintindihan mo?!" Pangangatwiran ni Dalton sa isipan ni Hyun-ji dahil iyon naman ang katotohanan. Bagamat may namagitang relasyon sa pagkakaibigan nilang tatlo ni Lizette ay magkaibang mundo na ang kanilang ginagalawan.

Blangko ang tugon ng binata sa autoridad at dahil sa hindi makontrol na emosyon ay kinuwelyuhan ng warden ang pasaway niyang inmate. "Ang akala mo ba eh hindi ko malalaman kung anong binabalak niyong dalawa ni Lizette huh?!" pagpaparatang ni Dalton kay Hyun-ji.

"Ano bang sinasabi mong plano? Hindi mo nga kami pinapayagang mag-usap man lang ng masinsinan pagkatapos eh sa akin mo ibubunton ang lahat ng galit mong wala sa katwiran." Tugon ni Hyun-ji na labis ang pagtataka sa kanyang mga naririnig na pasaring.

"Argh!!!" Napapailing na lang si Hyun-ji sa nagaganap sa kanya sa prison camp.

"Sumasagot ka pa talaga ng pabalang." Inis na turan ni Dalton at saka niya ito sinapak ng harapan at walang pagtitimpi.

"Kaya mong tiisin lahat basta huwag lang nila mahanap o saktan si Lizette." Pagpapalakas ng kanyang loob habang dinadaing ang kabaliwan ng lalaking nanghahamak sa kanya.

"Nasaan si Lizette?" ani Dalton na nagpipigil ng ngitngit sa sarili.

"Ewan ko. Hindi ko alam." deretsahang sabi ni Hyun-ji na walang kadala-dala sa mga pangyayari kung kaya't dinuraan niya ang paanan ni Dalton sa sobrang inis sa kanya. "At kung sakali mang alam ko ang detalye kung nasaan siys ay hindi ko ipagakaktiwala sa iyo ang impormasyon. Nasiraan ka na kasi ng bait." Dagdag pa nitong insulto sa warden at lalo lamang siyang nadiin sa tanong.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Saan mo tinago ang babaeng iyon?" tanong ni Dalton na may kasama pang tadyak sa tagiliran dahil sa panggigigil ng binata sa mukha ni Hyun-ji.

"Wala talaga akong alam sa sinasabi mo." Pagmamatigas muli ni Hyun-ji at kitang kita sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro.

Balahurang maituturing sa pagkalalaki ni Dalton ang masapawan ng kahit sino maski sa taong pinakamamahal niya. Mula nang mangyari ang malagim na insidente sa kanilang dalawa ni Lizette ay batid niyang wala kapatawaran ang ginawa niyang pananamantala sa muwang ng dalaga. Ramdam ni Dalton ang malaking competition sa pagitan nilang dalawa ni Hyun-ji sa atensyon ni Lizette kung kaya't hindi niya matanggap na ang babaeng pinaglalaruan niya ng matagal na panahon ay bigla na lang mawawala sa isang iglap.

"Hindi niyo nga ginagamit ng maayos ang mga utak niyo. Paano kung matagpuan ng ibang military men si Lizette? Gusto mo siyang mamatay sa kamay nila?!" galit na sabi ni Dalton kay Hyun-ji.

"Woah! Nag-aalala ka na ngayon sa kanya matapos mong sirain ang buhay niya bilang babae?! Sandali nga... Maayos pa ba ang pag-iisip mo warden?! Malamang hindi." ani Hyun-ji at saka lamang natahimik ang warden sa mga salita ng binata.

"Wala akong alam kung anong leksyon ang sinasabi mong tinuturo sa kanya. Mas masaklap pa ata ang ginagawa mo sa posibleng kahinatnan ni Lizette sa labas eh." ani Hyun-ji at saka na nagdilim ang paningin ni Dalton sa katigasan ng ulo ni Hyun-ji.

"Hindi yan totoo." pagtanggi na sabi ni Dalton nang gulpihin niya muli ang kanyang preso. Maraming dugo na ang nagkalat sa kulungan at ang ilan sa mga iyon ay galing pa sa mga inmates na sumakabilang buhay na dahil sa sobrang pagpapahirap sa kanila ng mga makapangyarihang tao sa pasilyo ng kulungan.

"Gusto ni Lizette ang ginagawa ko sa kanya kaya anong karapatan mong kwestiyunin ang kaligayahan namin, huh?!" dagdag pa nitong sabi kay Hyun-ji.

"Ano kamong kaligayahan ang pinagsasabi mo?! Sa pagkakaalam ko ay kinasusuklaman ka ng taong mahal mo dahil sinasaktan mo siya at kung sakali mang minamahal ka talaga ni Lizette ay hindi niya magagawang iwan ka dito pero mukhang nasa iyo ang problema kung bakit siya nangahas na tumakas dito. Di kaya ganun ang totoong nangyari?!" Nang-aasar na tugon ni Hyun-ji kay Dalton na lalong nagpakomplikado ng kanyang sitwasyon.

"Husto na ang pambabastos mo sa akin. Sana pala pinatay na kita noon pa lang mga bata tayo dahil masama ang impluwensiya mo sa relasyon namin ni Lizette." Pag-uusig ni Dalton sa kanyang naging matalik na karibal sa atensyon ng dalaga.

"Matatanggap ko naman kung kayo ang nagkatuluyan sa huli pero sa ginawa mo kay Lizette for the past years of her life, hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil hinayaan lang kitang pagsamantalahan siya. Kaya kahit patayin mo pa ako hanggat kailan mo gusto, wala na akong dapat ipangamba dahil nakalaya na si Lizette sa kagaspangan ng ugali mo." ngiting saad ni Hyun-ji sa pagmumukha ni Dalton.

The warden finally realized what he should be doing for someone like Hyun-ji. He faced him in awe at tila nang-uudyok pa siya ng away sa pagitan nilang dalawa. "Di ka nakasisiguro dyan. Alam kong babalik din dito si Lizette para kamustahin at itakas ka dito sa abot ng kanyang makakaya pero masyado naman kayong sinuswerte kung mangyayari ang lahat ayon sa plano niya." ani Dalton na may ngisi sa kanyang labi.

"Tigilan mo na ang kakabuntot sa kanya. Hindi mo maabot ang kayang patunayan ni Lizette sa sarili niya dahil nakatanikala pa din ang utak mo sa utos ng mga mas nakakataas sa'yo kahit alam mo namang mali at nakakasira sa iba ang gustong mangyari ng first family sa bansang ito. Hindi mo ba naaalala ang ginawa ng mga gwardya sa nanay mo noon?" Paliwanag ni Hyun-ji na nakapukaw ng atensyon kay Dalton.

"Inilipat lang naman siya ng ibang prison camp noon dahil malala ang sakit ng pangangatawan niya at hindi ko na siya nakita kahit kailan. Aaminin kong nakakagalit ang hakbang na ginawa nila para iligtas ang nanay ko pero salamat talaga sa tulong nila at may kinabukasan ako dito. At bakit kasali sa usapan ang nanay ko dito?" Tugon ni Dalton sa kanyang kausap.

"Nabubulagan ka nga sa mga pinaggagawa mo. Hindi mo ba naiisip na kaya nila inilipat ng prison camp ang nanay mo para pampalipas oras ng mga gwardya doon sa loob?!" Pangangatwiran ni Hyun-ji at hindi na natiis pa ang sakit ng ulo ni Dalton sa pakikipag-usap sa kanya at kusa na lang siya umalis na may kasama pang pagbabanta.

Halos mabali na ang mga bakal sa rehas dahil sa init ng ulo ni Dalton noong mga oras na iyon. "Hindi pa ako tapos sa'yo. Sa palagay mo ba ay paniniwalaan kita huh?! At isa pa, hindi naman ako pinanganak na mangmang na gaya mo." Naiinis na sabi ni Dalton at saka niya iniwan si Hyun-ji na puno ng pasa at duguan sa sarili niyang selda.

"Nakokonsensya ka pa ba sa paunti-unti mong pagsira sa pagkatao ni Lizette? Hmmp... At bakit ko pa nga ba tinatanong iyon kung alam ko naman na din ang sagot. Hahahahaha!" narinig na bulong ni Dalton mula kay Hyun-ji at tinago na lamang ng warden sa sarili ang kanyang saloobin dahil walang sinuman doon sa prison camp ang nakakaintindi sa mga rason niya sa kanyang gawain.

"Just pull the trigger now kung itututok mo sa akin ang baril na meron ka kung matapang ka talaga." Pang-uudyok muli ni Hyun-ji sa warden.

"Matuto kang lumugar at maghintay sa hudyat ko. Ibibigay ko din sa'yo ang kamatayang hinihiling mo." huling habilin ni Dalton para sa naturang preso at saka na siya tuluyang nawala sa paningin ni Hyun-ji.

───※•☞💉ﮩ٨ﮩ٨ـ📑☜•※───

"Hyun-ji!!" Biglang napabalikwas ng gising ang dalaga sa kanyang papag.

Sa parehong umaga na iyon ay tila kaba ang namutawi sa kamalayan ni Lizette dahil sa pangamba niya para sa kaligtasan ni Hyun-ji sa prison camp oras na makabalik doon si Dalton.

Gayunpaman ay hindi na kailangan pa ni Eiji ng alarm clock dahil sa bulyaw ni Lizette sa kwarto. "Lizette?! Ayos ka lang ba? Anong problema?" Sunod-sunod na pahayag ni Eiji na kakabangon lang sa sahig.

"Teka... Huwag mong sabihing minamanmanan mo ako habang tulog ako?!" Nagitlang saad ni Lizette sa naging reaksyon ni Eiji. Niyakap niya pa ang sarili dahil nahihiya si Lizette na humarap sa binata na hindi maayos ang sarili.

Samantala ay napakamot na lang si Eiji dahil totoo ang lahat ng ibinibintang sa kanya ng dalaga. "Hindi kasi mapalagay ang loob ko kapag hindi ka kasama o hindi natututukan. Alam mo naman na nagkalat sa lugar niyo ang masasamang loob." Nag-aalala ng sobra si Eiji dahil sa takot na may mangyaring masama sa kanilang dalawa at napakalma din nila ang bawat isa matapos nun.

"Kung sabagay may punto ka naman." Pagsang-ayon ni Lizette at saka ipinagtapat ni Eiji ang mga nakaligtaan niyang sabihin sa dalaga matapos niyang mabalitaan ang mga pagbabago sa patakaran ng mga authorities.

Iniabot ng binata kay Lizette ang ternong damit na ayon sa disenyong napili ng tindera para sa kliyente nito. "Para sa'yo nga pala." Ani Eiji kay Lizette at malugod naman iyon tinanggap ng dalaga.

"Huh?! Eh... hindi ko naman kailangan ng mga magagarang damit pero salamat sa lahat ng tulong mo Eiji." Napapangiting saad ni Lizette at lubos ang kasiyahan ng binata sa mga ngiti ng dalaga sa kanya.

"Kakailanganin mo iyan. Ang totoo niyan eh may hindi pa ako nasabi sa'yo kagabi." Kinakabahan ng husto si Eiji sa posibleng sermon na aabutin niyang muli mula kay Lizette.

"Tungkol saan?" nag-aalalang tanong ni Lizette kay Eiji.

"Bago kasi ako umuwi dito, nabalitaan ko mismo doon sa Sunam ang lockdown sa buong siyudad." Panimula ni Eiji. Dagdag niya pa, "Kung kaya kailangan na nating makaalis dito dahil mahihirapan tayong makagalaw para asikasuhin ang lahat ng mga papeles nang makaalis na tayo dito ng walang sabit."

"Ngayon na agad?" Paniniguro ni Lizette kay Eiji dahil iyon na din marahil ang huling pagkakataon para alalahanin pa nila ang kalagayan ni Hyun-ji sa prison camp.

"As soon as possible kaya ayusin na natin ang mga kailangan nating gamit bago umalis." Sabi ni Eiji at tinulungan niyang mag-impake ng gamit ang dalaga.

Samantala ay bakas sa itsura ni Lizette ang pagdadalawang-isip. Pinigilan niya lamang si Eiji ng ilang sandali sa kanyang gawain nang hawakan nito ang kamay ng binata at nagwikang, "Ughmm... alam kong aksaya lang ito sa oras natin pero pwede ba nating puntahan si Hyun-ji sa prison camp kahit masulyapan ko lang siya bago tayo umalis, Eiji?" Pakiusap ng dalaga habang nagmamakaawa sa harap ng binata.

Nanlalamig ang mga kamay ni Lizette sa mga oras na iyon at sinuklian na lamang iyon ni Eiji ng katotohanan ayon sa kanyang mga naobserba sa bansang Hermit. "Lizette, hindi ko alam kung ano ang aasahan natin sa prison camp kapag pumunta tayo doon pero sige, sasamahan kita this time." Ngiting saad ni Eiji sa kanya at bigla na lang siyang niyakap ni Lizette dahil sa utang na loob.

"Naku... Maraming salamat talaga sa'yo, Eiji." sabi ni Lizette na may halong tears of joy.

"Wala iyon. Ni hindi nga kita mapigilan sa mga trip mong gawin eh." Tipid na tugon ng binata hanggang sa napalitan ang masayang ngiti ng kalungkutan.

Mula sa bahay nina Hyun-ji, they took another quarter day long journey to Chongori Prison Camp para lang datnan ang cruelty in front of their eyes. A mass of skeleton walkers almost let their guard down dahil mahahalata sa itsura nilang lahat kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanang problema ng mga preso sa pangangasiwa ng mga tiwaling iilan.

"Bawal ang kukupad-kupad! Hila!" Just like any other form of slavery, jail wardens always slash their whips everywhere para lang makuha ang atensyon ng kanilang mga tao.

Samantala ay nakatago naman sila ni Eiji at Lizette sa masukal na halamanan malapit sa prison camp kahit ilang beses na silang nagdetour mula sa bisikleta. "Teka, may kinakaladkad sila sa truck. Napansin mo ba iyon Lizette...?" Natigilan silang dalawa mula sa natunghayan na nagpa-udyok lalo ng masamang epekto para sa mental health nilang pareho ni Eiji.

She was already helpless on his shoulders at natuyo na halos ang mga luhang ibinuhos niya mula sa pagkamatay ng kaibigan. "Kitang-kita ko nga Eiji na nakalas ang ulo sa katawan ni Hyun-ji."

"Ano?! Siya iyon?" nabiglang tugon ni Eiji nang isiwalat sa kanya ni Lizette ang detalye.

"Jusko po... Hindi ko talaga deserve ang second chance para mabuhay. Lagi na lang sila namatay sa harap ko at ako ang dahilan nun." Paninisi ng lubos ni Lizette sa kanyang sarili at hinayaan na muna ni Eiji si Lizette na magluksa.

"I'm sorry din Lizette kung dinala pa kita dito. I hope na this is for the best kahit masakit lahat sa puso ang mga pangyayari." ani Eiji sa kanyang isip.