webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Realista
Classificações insuficientes
100 Chs

7.7 Blessing in Disguise

"Ms. Hillary, pakiayos na lang ang editing mamaya sa mga nakuhanan niyong best moments ko sa speech kanina. Feeling ko kasi parang nanalo ako sa Q&A portion ng beauty pageants eh." pabirong sabi ni mayora sa kanyang bagong PR campaign advisor who is formerly known as HilariousHillary sa kanyang sariling social media page.

"Sige po. Ako na po ang bahala sa lahat. Salamat nga po pala sa pagkakataong makatrabaho ko po kayo sa munisipyo. Ang totoo po niyan ay wala talaga akong ideya kung saan papunta ang direksyon ng buhay ko kung hindi po kayo ang naging mayor dito sa amin." tugon naman ni Hillary habang pinapanood ang mga nakuhanan niyang video. Natigilan lamang siya noong biglang may nagmessage sa kanya.

"Malapit na ako diyan. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka pang ipabili sa akin. I love you darling." - Mitsui

Agad namang nagreply si Hillary ng text sa kanya dahil hindi na niya matiis ang pagkasabik muli sa kanilang pagsasama sa iisang bubong.

"I love you too sweetheart. Thank you pero wala naman na akong iba pang kailangan kung hindi ikaw. Bilisan mo na and I'm excited na mamayang gabi na kasama kita ulit." - Hillary

"I know that he is trying his best na subukan niya akong mahalin pero nakakahiya. Para akong baliw na pangiti-ngiti rito sa reception hall." bulong ni Hillary sa kanyang sarili.

Napansin mismo ng mayora ang maaliwalas na ngiti ni Hillary mula sa nabasa niyang mensahe. "Payo ko lang sa'yo na huwag mong iaasa sa dikta ng ibang tao kung paano mo gustong mabuhay. Among all applicants na nag-apply ng trabaho sa administrasyon ko, nakita ko sa mga output mo na deserving sa'yo ang trabaho dahil magaling ka kumpara sa ibang mga nakatapos ng kolehiyo kaya sana pahalagahan mo ang mga sinasabi ko sa'yo." ani mayora Celine kay Hillary na para bang nagsilbing magulang at kapatid sa panahong hindi niya mismo mapagkatiwalaan ang sarili niyang pamilya.

"Naku! Maraming salamat po talaga sa inyo." Hindi na napigilan ni Hillary ang kanyang emosyon at bigla na lamang siyang yumakap sa kalinga ng mayora.

"It's alright iha. Go back to work na." ngiting sabi ni Mayora Celine sa dalaga at saka niya pinuntahan ang iba pang mga bisita para kamustahin sila at itanong ang kanilang mga request at pangangailangan para sa ikakaayos ng kanilang community.

Natapos na ang solemn part ng event at excited ang lahat because it's party time na. Kung iniisip ninyo na magwawakas na lang ng ganoong kaboring ang kasiyahan nila, tiyak na marami pang pakulo ang inihanda ng management sa Plantito's Ville para maging mas masaya ang event. Pagkatapos ng wedding ceremony ay agad munang pinapunta sa harap ang mga kaibigan at kamag- anak ng newlyweds para sa picture taking ng bawat grupo.

Nauna na ang mga kaibigan nila Jin na ngayon ay alumni na sa Kainan High School. Halos sunod-sunod na photoshoot ang ginawa nila hanggang sa magkapalitan na sila ng mukha bago pa ma- puntahan ni Mayora Celine ang kanyang next appointments sa mga vaccination sites na nakaschedule pagkatapos ng wedding ceremony sa puder ng mga Maki.

"Miyamasu at pati sina Muto at Takasago, mabuti na lang at nakarating din kayo." bati nina Gian at Dominic sa kanilang sen- ior habang nakapila na sila sa buffet table.

"Kayo pala iyan. Kamusta na ang basketball team?" tanong ni Muto sa kanila at sinagot naman siya ni Renz.

"Hanggang ngayon wala pang napipiling kapitan si Coach Takato para sa team pero nakakapagpractice pa naman kami na gaya ng nakagawian noon sa Kainan." kwento ni Renz na diskukpiyado sa desisyon ng coach na nakaupo pa naman sa kabilang dako ng event's place na nakikipagkwentuhan sa newlyweds.

"Nasaan nga pala si Maki?" tanong ni Takasago na palinga-linga sa kanyang paligid.

"Kasama niya ang kapatid niyang babae sa labas. Nakita ko lang silang pumuslit habang hinahanda ang mga pagkain para sa atin." sabi naman ni Kiyota na kakagaling lang sa banyo.

Lubos namang nagulantang ang iba sa kanila dahil wala naman nabanggit sa kanila si Maki tungkol kay Sandy sa kanila noon. "Sino naman daw ang sinasabing kapatid niya?" Intrigang tanong ng mga alumni gayon din ang mga outsider sa kanilang naging topic.

"Sandy Margaux ang pangalan niya mga pre. Basta, kakaiba talaga ang tabas ng dila niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila." nababanas si Kiyota tuwing naaalala niya ang mga nasabi sa kanya ni Sandy.

"Sa totoo lang, matagal ko na kayong gustong makita ng personal ulit kaya lang ang dami kong kailangang asikasuhin para sa pag-alis ko." kwento sa kanila ni Miyamasu na ikinalungkot rin ng kanilang former teammates.

"Ano bang nangyari?" concerned na tanong ng karamihan sa kanila.

"Naayos na kasi ang appointment namin para mapagamot na ang mata ko sa Spain. Naroon na din naman kasi ang mga magulang ko kaya kailangan ko ding maging hands- on sa mga papeles na kailangan sa embassy." paliwanag ni Miyamasu sa kanila.

"Nakakaawa ka naman pala alien. Mabuti na lang at gawa sa bakal ang katawan ko." Abot kisame ang simpatyang pinaparamdam ni Sakuragi sa kanya at natrigger lalo ang inis ni Kiyota sa mortal niyang kaaway.

"Tsk. Bakit ba sa lahat ng oras at pagkakataon ay dito pa kita makikitang unggoy ka?!" pagpaparinig na sabi ni Kiyota kay Sakuragi nang makita niya ito sa buffet table kasama ang barkada nito.

"Ano bang pakialam mo? Isa pa hindi na ako magtataka kung nandito ka sa lugar na ito. Ilang metro lang naman ang layo ng bahay niyo at siguradong naglalambitin ka lang sa labas ng bahay ni lolo Maki." natatawang sabi naman ni Sakuragi.

"Huwag mo nga siyang tawaging lolo at anong sinasabi mong ilang metro lang naman? Hindi mo ba napapansin iyong puting sasakyan na iyon, kami lang naman ang nagmamay-ari nun ngayon. Ibig sabihin, nakakotse kami ni ate Kim papunta dito. Nagets mo na ba?!" bweltang sabi ni Kiyota.

"Hindi nga?! Sa itsura mong iyan parang hindi ka nagsuklay. Siguradong ang pangit mong naglalambitin sa puno ng saging noh?! Nyahahahaha..." nang-iinis na sabi Sakuragi kay Kiyota.

Nabulabog ang mga bisita sa agaw eksenang bangayan sa pagitan ng dalawang makukulit na manlalaro ng kanilang mga paaralan. Napag-isip na rin si Ayako na awatin ang tensyon nang tinawag niya ang mga pasaway para takutin sila.

"Hanggang kailan pa kayo magpapatayan dyan? Baka gusto niyo pang bigyan ko pa kayo ng itak tig isa nang matapos na iyan." bulyaw niya kina Kiyota at Sakuragi at bigla silang nawalan ng gana na makipagbuno.

"Kayong dalawa, hindi na kayo bata para sa ganyang kababaw na pagtatalo." seryosong sabi ni Miyagi sa dalawa.

"Iyon na nga ang problema Miyagi. Matanda ka na nga pero kung sakali mang magdedate kayo ni Ayako eh hindi ka papayagang sumakay ng roller coaster dahil sa tangkad mong iyan. Midget ba ang tawag doon o bite size?" sarcastically said by the red-headed Sakuragi at tila silang dalawa pa ni Miyagi ang nagbabangayan ngayon.

"Kung hindi lang nagkatrangkaso si Noma, malamang walang gulo na mangyayari dito." Mahinang sabi ni Mito sa natitirang miyembro ng dakilang extra troops ni Sakuragi.

"Pasalamat na lang talaga si Hanamichi at may hapunan siyang kakainin mamaya." side comment naman ni Ohkusu habang naghahain ng portion ng pagkain sa mga bisita.

"Parang naagawan ka na ata ng papel rito Ms. Emcee." pangangamusta ni Hayato kay Jessie na tila namamalat na ang boses kanina matapos ang ceremony.

"Ayos lang po ako sir. Maraming salamat nga pala sa tubig na inabot mo." ngiting sabi ni Jessie na hindi ikinatuwa ni Sakuragi kaya nilapitan niya ang dalawa malapit sa rostrum ng stage.

"Hoy! Sino ka ba at bakit mo kinakausap ang kaibigan ko?! Sa henyo lang iyan nakikipagkwentuhan kaya umalis ka na bago pa dumanak ang dugo dito." pagbabanta ni Sakuragi kay Hayato dahil sa kakaibang titig na pinapakita niya sa dalaga.

"Woah! I'm sorry naman kung kinakausap ko ang girlfriend mo brad. Aalis na ako para wala na lang gulo." kinakabahang sabi ni Hayato at tila kumaripas ito ng takbo patungo sa kinaroroonan ng iba pang bisita.

Matapos marinig ni Jessie ang komento ni Hayato ay tila hin- di na ito mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Girlfriend? Ako para kay Sakuragi?" namumulang bulong nito sa sarili habang palihim niyang tinititigan ang mukha ng taong kinababaliwan niya mula ng lumipat silang magbabarkada ni Sakuragi sa apartment na pinangangasiwaan ng pamilya ni Jessie.

"I mean kung pwede lang sana eh bakit naman hindi." aniya sa kanyang sariling imahinasyon.

"Kumain ka na baka malipasan ka pa ng gutom dito." paanyaya ni Sakuragi kay Jessie ng inabutan siya nito ng pinuslit niyang fried chicken mula sa catering services nila sa kitchen.

"Welcome back sa inyong mga ulirat. Sa ngayon ay kailangan po nating pasalamatan ang Plantito's Ville dahil imposibleng matupad ang wish ng couple na ito kung walang nagmando ng mga kailangan nila for this event. Let's give them a round of applause." Paanyaya ni Jessie at iyon ang kanyang paraan ng pagtanaw ng utang na loob sa pagtanggap sa kanya ng organizer bilang emcee.

"And of course, sa atin pong mayora Celine na naglaan ng panahon sa aming imbitasyon; Thank you so much po at sana kayo pa rin po ang mag-officiate sa kasal ng mga soon to be married if ever dahil po sa inyong inspiring message." birong sabi ni Jessie kay Mayora Celine habang tinititigan niya si Sakuragi na tila proud sa kanyang ginagawa.

Pinalakpakan siya ng audience sa kanyang naging trabaho kasama ang barkada ni Sakuragi. Samantala ay busy naman ang ibang mga young adults sa kanilang imbento na kasiyahan sa pinakamalalim na swimming pool nila Maki sa tuktok ng bangin.

Makalipas ang ilang oras ay nakaayos na ang lahat ng mga gagamitin para sa gagawing aftermath ceremonies pero hanggang sa mga pagkakataong ito ay tila hindi nagpapadaig ang grupo na mula sa Kamakura City Colleges sa kakulitan.

"Gusto niyo bang maglaro?" tanong ni Sendoh sa kanila and almost everyone seems to agree with him except his killjoy friend.

"Anong klaseng kalokohan na naman ba iyan Sendoh?" naiinis man si Koshino sa kapilyuhan ng kanyang barka- da ay hinayaan na lamang siya na gawin ang nais niya.

"Masyado nga namang plain ang party kung walang entertainment value." sabi naman ni Mikee sa kanila.

"Huwag ka ngang masyadong kill joy Koshino. Kahit hindi ko gusto ang trip nila, wala naman tayong magagawa dahil damay tayo dito." mahinang sabi sa kanya ni Fukuda at tila natatawa si Cheska sa reaksyon nilang dalawa.

"Kung ganoon, anong klaseng laro naman ang naiisip mo?" intriga ni Koshino at tila hindi interesado sa kanilang binabalak na gawin.

"Agawan ng lupa." natatawang sabi ni Sendoh and they all went dumbfounded.

"Tignan mo ito Fukuda. Talagang wala sa ayos ang sagot niyan pagkatapos pipilitin mo pa akong makijoy ride sa takbo ng utak niya? Uso lang naman iyan tuwing family reunion at anong naman ang mapapala natin sa larong iyan?!" ratsadang sabi ni Koshino na hindi na halos pinagbigyan si Sendoh na buksan pa mu- li nito ang bibig niya.

"Tayo-tayo lang naman ang nandito so paano nga ba iyan laruin Sendoh?" ngiting sabi ni Miyagi at pumunta silang lahat sa swimming pool maliban kina Maki, Sandy at ang newlywed couple na tila busy sa pag-aasikaso sa wedding reception.

"Tug of war lang naman ito sa madaling sabi ngunit with a twist." ngising sabi ni Sendoh at tila inihabilin na niya sa pamunuan ng villa ang kanyang balak before pa magsimula ang wedding ceremony.

"Talagang pinaghandaan mo ito Sendoh. Nahiya naman ako kay Maki dahil sa request mong iyan." komento ni Cheska nang makita nila ang lubid na nakalagay sa magkabilang gilid ng pool na may nakabuhol na panyo sa gitna.

"Syempre just to lessen the weight, hubarin niyo na ang mga damit niyo. Sa mga babae naman kahit magpalit lang kayo ng tshirt ay okay na iyon." sabi ni Sendoh na halos hindi sinang- ayunan ng iba.

Violent reactions take place within their area. "SAY WHAT?!" sabi ng karamihan sa kanila.

"Nahihibang ka ba? Ni wala naman kaming extrang damit na dinala." reklamong saad ni Ayako at nasorpresa noong dumating si Hayato na dala ang kailangan nilang pamalit.

"Sendoh, ito nga pala ang pinapabigay ni Maki. Mag-enjoy kayo sa paggamit ng swimming pool." ngiting bati niya sa binata at tila naayos na nila ang nangyaring di pagkakaunawaan noong pareho silang nag-aaral sa Ryonan High School.

"Talagang unbelievable ito sa tanan ng buhay ko dahil ngayon ko pa lang nararanasang malibre ng extrang damit." Koshino was dumbfounded sa nakikita niya sa tila customized shirt na galing mismo sa management ng Plantito's Ville.

"Teka lang... Is that you Hikoichi?" birong saad ni Sendoh at bago pa man mag-umpisa ang laro nila ay una na siyang nag- tampisaw sa pool upang hindi lang siya mahabol ng sama ng loob ni Koshino.

"Huwag mo akong ikukumpara sa lalaking iyon, siraulo ka Sendoh!" galit na pahayag ni Koshino at tinawanan lamang sila sa kakulitan nila.

Kung sabagay, ano pa nga ba ang makakahadlang sa birthday na hindi man lang naipagdiwang ng masaya sa kasagsagan ng krisis kung sa wedding reception lang naman ang una at huling pagkakataon na makakasama niyang muli ang mga kaibigan niya.

Sa unang tingin ay pawang kasiyahan lang ang pinapa- ramdam sa kanila ng pagmamahal ngunit hindi din nila akalain na ang pag-ibig ay magdudulot rin ng delubyong kailangang malam- pasan ng sinumang nakakaranas nito.