webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Realista
Classificações insuficientes
100 Chs

5.2 Heated Conversation

[Nobunaga Kiyota…]

Okay class, I know this is a little bit bad news for all of you pero kailangan niyong makapasa sa exams niyo next week since this is your last chance para mahabol ang grades niyo." saad ni Ma'am Nikki sa kanyang announcement sa aming klase kanina sa online.

The same routine as before was implemented. Halos pitong oras akong nagkukulong sa loob ng kwarto para sa summer classes. Early dismissal ang ganap ni Ma'am ngayon na di namin mawari kung may bago ba siyang boyfriend na nagtangkang ligawan siya para iligaw muli sa mga huwad na pangako.

Di na lingid sa kaalaman ng lahat na minalas iyan sa love life at wala ako sa posisyon para pakialaman pa ang buhay niya gayong may sarili din kaming bagahe na dapat ring solusyonan.

"Napag-uusapan na din lang iyang exams niyo bakit hindi ka magpatutor sa kakilala ko..." Natigilan ako sa paglalaro ng mobile games dahil sa bwisitang hindi man lang marunong kumatok sa pintuan ng may kwarto. Sana lang talaga may lakas ako ng loob na mag-akyat bahay sa mga ito diba?!

"Hanggang kailan niyo pa ako sinisilipan dyan?" bulyaw ko sa tatlong barkada ko na walang ibang inatupag kung hindi gamba- lain ang mga gusto kong gawin.

"A little while longer... Sa palagay ko ay makalipas ang tatlumpung segudo." at namimilosopo ka pa sa akin ng ganyan Gian.

"Tigilan mo iyan brad baka isumpa ka pa ni Renz dahil ginagaya mo siya." birong sabi ni Dominic na siguradong hindi palalampasin ng pabida sa aming grupo.

"Tsk! Wala talaga kayong sariling originality." nagyabang ka pa sa amin ng ganyan Renz.

"Hundred percent confidence na ba iyan? Kaya pala walang pumapansin sa'yong babae dahil..." at mukhang dito na mag-uumpisang magbago ang lahat dahil sa suggestion nila sa akin.

"Magbihis ka na. May irereto kami sa'yo na magandang dilag." ngising sabi ni Renz sa akin na talagang walang hiyang hinablot ang cellphone ko para lang piliting sumama ako sa lakad nila.

"Sandali nga, ano naman ang mapapala ko sa sinasabi ni- yong magandang dilag na iyan?" tanong ko sa kanila habang pa- paalis kami ng bahay namin.

Wala na akong pagkakataon na magsalita pa dahil sa kanilang ginawa. Nilibot kong muli ang bahay namin para lang makaiwas sa kanilang mga masamang plano sa akin at sadyang nakakapagtaka kung saang lupalop ba naglalakwatsa ang kapatid ko. Bakit ngayon mo pa ako iniwan Kim este ate?!

- BACK TO SCENE -

Labinlimang minuto matapos ang kanilang biyahe patungong Kitamura District ay nagpasya silang lakarin na lamang ang bahay ng sinasabing tutor nila Gian na lubos na nakatulong sa ka- nila sa pag-aaral tuwing nasa online.

"Hindi niyo naman siguro ako ibubugaw sa sindikato." birong sabi ni Kiyota sa harap ng kanyang mga barkada pero tinitigan nila ng masama ang binata.

"Nakakarami ka na ng sama ng loob Kiyota. Hanggang nga- yon wala ka pa ring tiwala sa amin? Syempre kaibigan namin kaya hindi ka mapapahamak sa kanya." sabi ni Dominic sa kanya.

"Tinatamad ako. Bigla kayong nag-aaya ng outing sa labas ng bahay pero wala man kayong pasabi na pupuntahan niyo ako ngayon." wika ni Kiyota sa kanilang pamimilit sa kanya.

"Kaya nga surprise visit ang tawag eh..." pamimilosopong tugon ni Gian na mukhang nakukulitan na din sa mga walang katapusang tanong ni Kiyota.

"At isa pa, sasamahan ka ba namin kung mapapahamak din kami? Parang gunggong naman kami kung magpapakamartir kami sa wala." pangungumbinsi ni Renz na siyang nagpahupa sa namumuong tensyon sa kanilang debate.

"Malapit na tayong masunog sa init ng araw. Huwag na kayong magreklamo dyan mga brad. Andito na tayo." seryosong sabi ni Gian na nakadungaw ngayon sa gate nina Akagi.

The doorbell was ringing all the time. "Ang tagal naman nyan." bulong na sabi ni Kiyota sa kanyang isip habang naghihintay na pagbuksan sila ng pinto mula sa entrada ng gate.

Sa loob naman ng bahay ay abot tenga ang ngiti ni Sakuragi dahil kasama niya si Haruko. "Pwede mo bang pakitignan kung sino ang nasa labas Sakuragi?" pakiusap na sabi ni Haruko na kasalukuyang naliligo sa banyo.

"Walang problema iyon sa akin Haruko." masayang tugon naman ni Sakuragi habang kumakain sa dining area nila.

[Hanamichi Sakuragi…]

Sa totoo lang, kahit naiinis ako sa mukha ni Gori ay mas na- naisin ko na lang magtiis sa sermon niya kaysa hindi na masilayang muli si Haruko my labs. Pagkatapos ba naman ng ilang taong paghihintay ay hindi pa ba ako aamin na gusto ko siya lalo na't wa- la na din akong nababalitaan tungkol sa Rukawa na iyon.

Sino ba naman ako para makialam sa gunggong na iyon eh hindi naman siya importante pero sadyang masama talaga ang kutob ko sa taong nag-aabang sa labas ng gate nila kaya gamit ang ipinagbabawal na teknik ay agad kong nilusob ang teritoryo nila.

"Ang ingay niyo mga gunggong!" bulyaw ko sa kanila at gamit ang aking killer eyes ay paniguradong tumba ang mga istor- bo sa date ko kay Haruko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Ang sama nilang makatingin itong mga siraulo na ito.

"Nakatayo malamang." katwiran ko sa kanila at tuluyan ng nawala ang inaasam kong quality time namin ni Haruko my labs noong nagpakita itong unggoy kasama ang kauri niya mula sa Kainan.

Bakit ba lagi kayong wrong timing mga animal?! Sayang ang paghahanda ko kung uuwi lang ako na walang napala. Ayaw kong masiraan ng loob nang dahil lang manggugulo ang tulad nila sa diskarte ko.

"Kung makaasta ka parang pagmamay-ari mo ang bahay na iyan. Dyan ka ba nakatira?" Pinagmukha pa talaga nila akong tresspasser sa lugar na ito. Palibhasa, sila ang mga unggoy sa liblib na kagubatan kaya hindi makasagap ng totoong balita.

"Hindi pero bakit niyo ako sinusundan? Siguro mga espiya kayo na ipinadala ng amo niyo diba?! Nyaahahahahahaha!" sabi na nga ba at henyo ako. Wala silang ibang maidadahilan kundi aminin ang pagkakamali nilang nakaharap ang isang tulad ko.

"Sigurado ba kayong makakatulong sa akin ang pagsama ko sa inyo huh?!" Ang angas ng pagsasalita ng Kiyota na ito sa mga disipulos niya. Akala mo naman kung sinong magaling. Di hamak namang mas bihasa ako sa kanya sa basketball lalo pa't ilang beses ko na siyang nasupalpal ng harapan.

- BACK TO SCENE -

"Hindi ko talaga inasahan ito. Sinabihan ko naman si Haruko na bibisitahin natin sila pero ito ang nadatnan natin." dismayadong sabi ni Renz sa kanyang mga barkada.

"Sabi na nga ba at matutulala kayo sa henyong ito. Nyaha- hahahahaha..." pagyayabang na turan ni Hanamichi na tila nagbubuhat ng sariling bangko.

"Gano'n ba Renz?! Ngayon ko lang nakita ng personal ang Hanamichi Sakuragi na iyan. Lumulutang talaga ang kagunggungan, sobra." saad pa ni Gian habang inaayos ang sarili niyang buhok.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" naiinis na tanong ni Sakuragi sa kanila dahil sa kaguluhang sinimulan nila Kiyota kuno kaya nabigla sila sa lakas ng tama ni Hanamichi sa kahibangan niya.

"Ang kapal naman ng apog mong kausapin kami ng ganyan. Una sa lahat, hindi ka namin inaaway o gustong makita. Sadyang istorbo ka lang kaya pwede ba naming makausap si Haruko Akagi na nasa likuran mo ngayon?" paliwanag ni Dominic na uminit din ang ulo dahil sa katirikan ng araw sa labas at sabayan pa ng walang saysay na bangayan sa pagitan ng dalawang kampo.

Tila hindi makapaniwala si Haruko sa bangayang nangyayari sa kanilang dalawa, "Ano bang nangyayari dito? Inaway mo ba sila Sakuragi?" nagtatakang tanong niya sa binatang pula ang buhok.

"Ah... eh kasi kanina pa sila sumisilip sa bahay niyo. Mukhang may pinaplanong masama kaya napagsalitaan ko ng masama. Sorry... Hehehe!" nahihiyang paliwanag naman ni Sakuragi na todo maang-maangan school of acting ang mood sa mga oras na iyon.

"Naku, kaya pala ang ingay niyo at kanina ko pa kayo naririnig sa kwarto ko. Tara! Pasok na kayo." ngiting sabi ni Ha- ruko sa kanyang mga bisita.

Hindi din nagtagal ay humupa na din ang bangayan maliban na lamang sa dalawang unggoy na si Kiyota at Sakuragi. Ito ang unang beses na nakalabas muli si Kiyota ng bahay mula ng magsimula ang lockdowns sa kanilang village kaya medyo naninibago din siya sa kanyang mga nakikita.

"Pasensya na at hindi masyadong maayos ang bahay namin. Mamayang gabi pa kasi uuwi sina kuya Takenori sa bahay kaya ako lang mag-isa ang naglilinis ngayon. Magtimpla na lang kayo ng juice o kape kapag nauhaw kayo. Kaya niyo na iyan noh?! Matanda na din kayo para pagsilbihan ko pa kayo ng engrandeng banquet, diba?!" Saad ni Haruko na medyo hinihingal sa sobrang pagod.

"Huwag mo kaming alalahanin. Hindi din kami magtatagal dito." Simpleng pasabi naman ni Gian kay Haruko.

At dahil sa sinabi ni Haruko ay nagtaka tuloy sina Gian sa pakay ni Hanamichi sa bahay na iyon. "Siya lang daw mag-isa ang naglilinis ng bahay? Kung gano'n eh ano pa ang silbi mo dito unggoy na pula ang buhok kung hindi ka din naman maglalam- paso ng kinalat mo?" pang-iinsulto ni Kiyota sa walang modong asal ni Hanamichi.

"Wala talagang preno iyang bibig mo eh noh?!" komento ni Hanamichi habang pinariringgan niya si Kiyota.

"Naku… Huwag mo ng alalahanin iyon. Konting alikabok na lang naman ang kailangan kong pagpagin sa mga furniture at matatapos na muna doon ang gawaing bahay ko dahil ang kuya ko naman ang bahala sa paglilipat ng ibang gamit namin dito." nahihiyang sabi ni Haruko at tila natahimik naman si Kiyota sa kinatatayuan niya.

"Ughm… may dumi ba sa mukha ko?" nagtatakang tanong ni Haruko kay Kiyota dahil napako na ang titig ng binata sa kanya magmula pa kanina.

Tila nataranta ng husto si Kiyota sa kung paano niya ka- kausapin si Haruko na walang bakas ng kahit anong kaba sa kanyang dibdib. "Ah… wala naman. Nakakapagtaka lang kasi kung paano mo nakilala ang mga ito?" nagdadalawang-isip na tanong ni Kiyota kay Haruko sabay turo sa kanyang mga barkada.

"Si Renz nga pala ang pamangkin ng tito ko na kapatid ng nanay ko na anak ng lolo at lola ko na pinakamalapit naming kamag-anak dahil sampung kanto lang ang pagitan bago marating ang bahay ng lola niya kung saan siya nakikitira nitong mga nakaraang buwan." paliwanag ni Haruko na mukha namang hindi nagbibiro.

"Sa katunayan niyan ay magkababata kaming apat dahil simula pa noong elementary kami ay palagi ko siyang binubully kapag uwian na kaya lagi kaming inaaway ng kapatid niyang gorilya." natatawang kwento ni Dominic kay Kiyota.