webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Realista
Classificações insuficientes
101 Chs

3.2 Weak Trust

Sa kabutihang palad ay naging kontrolado na ang sitwasyon ng pandemiya sa Kanagawa Prefecture. Karamihan sa mga nagkasakit ay agad ring nakakarecover at ang isang patunay dito ay ang pagbisita ng tatlong tropa ni Kiyota na masiglang nambubulabog ngayon ng kanilang umaga.

"Tao po!!" sigaw ng tatlo sabay kinalampag ang gate ng bahay ni Kiyota. Samantala ay nasa loob ng kwarto si Kim at halos sampung minuto din niyang hindi pinapansin ang tumatawag sa kanila.

Magmula ng matutong maglakwatsa ang kanyang kapatid ay batid niyang nawawala na parang bula ang grocery stocks nila kapag nagtatangkang lumusob sina Dominic, Renz, at Gian sa loob ng kanilang bahay.

"Masisira na naman ang budget list ko sa mga patay-gutom na iyan." inis na bulong ni Kim sa kanyang sarili.

"Bakit hindi mo naman sila pinapasok?" nagtatakang tanong ni Kiyota kay Kim na halos kakatapos lang din maghilamos ng mukha sa mga oras na iyon.

Nagkainitan muli ang dalawa dahil sa kanilang bisitang hindi inaasahan. "May gana ka pa talagang utusan ako?! Ikaw ang mas malapit sa pinto kaya bahala kang mag-asikaso sa mga iyan." mataray na utos ni Kim at ipinagpatuloy na lang ang kanyang pag-eedit sa blueprints na due date ngayon for final revisions.

"Tsk... Andyan na." irap na tugon naman ni Nobunaga at nagtungo siya sa labas. Laking gulat nito nang makita silang nagtatago sa halamanan.

"Anong ginagawa nyo dyan?" naguguluhan si Nobunaga sa kinikilos ng tatlo habang nagtatago sa likod ng mga bushes.

"Ah... eh ikaw pala iyan. Ginulat mo naman kami." sabi ni Dominic at nakahinga na siya ng maluwag mula sa pananahimik at pinagpag niya ang alikabok na dumapo sa kanila kanina.

"Hindi naman ako multo." naiinis na turan ni Nobunaga sa kanila at nagtatawanan sila sa kawirduhang iniisip niya.

"Akala ko kasi katapusan na namin kaya nagtago kami doon." birong sabi ni Renz sa kanya.

"Palagi kasi kaming pinagbubuntunan ng galit ni Manang Sita kaya nagkaroon kami ng phobia tuwing nakikita siya." ito ang kasalukuyang tumatakbo sa isip nilang tatlo.

"At para saan naman iyan?" nakakrus ang mga braso ni Nobunaga at matalim niyang tinitigan ang tandang na hawak ni Gian.

"Ayuda ito galing kay Coach Takato. Si Jin ang may dala niyan kaso lang mukhang nagmamadali siya kaya inihabilin na lang niya sa akin na ibigay ito sa inyo." tugon nito kay Nobunaga sabay iniabot sa kanya ang delivery.

"O sige iwanan niyo na lang dito sa balkonahe. Si ate na ang bahalang mag-asikaso niyan." paninigurong sabi ni Nobunaga at sabay-sabay silang nagtungo sa basketball court ng kanilang village.

Makalipas ang dalawang oras, napansin ni Kim na walang umuugong na ingay mula sa sala kaya't lumabas siya sandali sa kwarto para kamustahin ang itinuturing niyang parasites sa kanyang refrigerator. Only to find out na tinakasan na naman siya ni Kiyota at ang mas masaklap pa nito…

"Arrrgh! Sasamain talaga sa akin ang unggoy na iyan." sabi ni Kim noong nabasa niya ang text message mula kay Kiyota.

Alam kong ayaw mo sa dugo pero ibuhos mo na ang lahat ng inis mo sa pagkatay ng manok na iyan. Please lang nakakasawa na ang pangat. Labyu ate.

- From Kiyot na Nobunaga

Sa basketball court nagdecide ang magbabarkada na magpractice ulit ng basics dahil matagal-tagal na din sila na hindi nakakasabak sa matinding training. For the past hours of dribbling, passing, and shooting, mapapansin na ang lowered stamina rate nila maliban sa isa.

"Sandali, water break muna." hinihingal na sabi ni Renz at sabay siyang humilata sa gitna ng court.

"Nakakaya naman nating magtagal dati sa practice ng mag- damagan pero parang mamamatay na ata ako sa sobrang pagod." sarkastikong sabi ni Gian habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

"Pero bakit hindi pa din humihinto si Kiyota?" tanong na- man ni Dominic sa kanila.

"Siya lang kasi ang unggoy sa atin kaya huwag na kayong magtaka sa kaya niyang gawin." birong sabi ni Renz sabay lagok ng Wilkins na tig-kinse sa tindahan.

"Hoy narinig ko yon!" bulyaw ni Kiyota sa kanila.

"Pasensya ka na brad. Oo nga pala, kailan magsisimula ang summer classes mo?" curious nilang tinanong si Kiyota.

"Wala pang balita at ayokong pag-usapan iyan." naiinis na turan ni Kiyota sa kanila at ipinagpatuloy ang pagpapractice.

"Hindi mo naman kailangan solohin ang problema mo." concern na sabi ni Dominic sa kanya.

"Pero hindi niyo kasi naiintindihan..." Hindi na naituloy ni Kiyota ang sasabihin nang biglang sumabat si Gian sa usapan.

"Ang alin? Iyong magretake at bumagsak sa remedial exams?" bulalas na tanong ng tatlo sa kanya.

"Masyado kasing strikto sina mama at papa pagdating sa academics." seryosong tugon naman ni Kiyota sa kanila.

"Gano'n ba? Alam mo maswerte ka pa nga sa lagay na iyan dahil ang iba kailangan pang umulit sa umpisa." panimula ni Renz.

"At saka bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataon sa ganyang pribilehiyo, iyong second chance para makahabol sa passing grades." sabi ni Dominic at naging panatag ang awra ni Kiyota.

"Pwede ka naman kasi magsabi sa amin ng problema mo." sabi naman ni Gian and Kiyota's expression was blank.

"Akala ko kasi huhusgahan niyo na ako dahil required akong mag-attend ng summer class session." ani Kiyota sa kanila.

"Ang saklap. Wala ka palang tiwala sa amin." nagtatampong sabi ni Dominic sa kanya.

"Ano bang gusto niyong palabasin?" tanong ni Kiyota na tila hindi alam ang dapat niyang maramdaman sa pagkakataong iyon.

"Nasa iisang village at team tayo. Pareho tayo ng grade level at eskwela na pinapasukan. Hindi ka naman namin huhusgahan dahil gaya mo ay nahihirapan din kami sa setup ng edukasyon ngayon." sabi pa ni Gian.

"At isa pa, para saan pa ang samahan na ito kung hindi ka namin tutulungan." They assured him na hindi nag-iisa si Kiyota sa labang nararanasan nila and for the first time ever, ngayon lang nila nasaksihan ang matatawag na tears of joy mula sa kanya.

"Salamat sa inyo." Humahagulgol na si Kiyota at nagulat sila sa reaksyon niya.

"Grabe palang magdrama iyan." bulong nila sa kanilang isip.

"Basta lagi mong tatandaan na ang taong maraming kalokohan ang pinakatotoong tao sa lahat." sabi ni Renz kay Kiyota.

"Saang planeta mo ba napupulot iyong sinasabi mo?" walang ganang tanong ni Kiyota sa kanya at nagkibit-balikat na lamang sina Dominic at Gian sa katwiran ni Renz.