webnovel

Queen and the Nine Tailed Fox

Sa mundo ninyong mga mortal, ako ang iyong tagasunod ngunit dito sa aming mundo... ...ikaw ay alipin ko. -Isagani Simeon Sa pagsikat nang sobra ni Queenzie Ruiz na kinilala nang Queen sa pagkanta, kinain na siya ng kasikatang iyon at sumama ang ugali niya. Biktima naman ng pagbabago niyang iyon ang mga P.A. niya na kaunting mali lang ay sinisisante niya na kaagad. Kasabay ng pagdating sa buhay niya ng bago niyang P.A. na isang misteryosong lalaki ay ang pagkasira ng boses niya dahil sa isang sakit at doon nangyari ang pagbagsak ng career niya. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang mundo na bago sa kaniya. Doon, magtatagpo ang landas nila ng misteryoso niyang P.A. at ang mas nakapanglito pa sa kaniya sa mga nangyayari ay sinasabi nito na nasa mundo siya ng mga ito na tinatawag na Sargus at... ...siya na ay alipin na nito.

BonVoyage_Ten · Fantasia
Classificações insuficientes
26 Chs

Chapter 18

Kailaliman ng gabi...

Nailumpungatan si Leighnus nang humangin nang malamig. Kahit nakakumot siya ay ramdam na ramdam pa rin niya ang lamig sa paligid.

Tiningnan niya ang malapit sa kaniya na nakahiga ring si Ragel, ang karwahero. Nangangatal din ito sa lamig kahit nakakumot ngunit tulog pa rin.

Tiningnan niya ang siga nilang apoy na nagbibigay ng init sa paligid kanina. Upos na iyon at naging uling na ang mga kahoy roon.

Bumangon siya ng upo at napakamot-kamot pa sa ulo ngunit napatigil nang makitang tumayo ang nagising ding si Isagani. Tahimik na inilipat nito ang latag nito sa tabi ng nilalamig ding Queen at ang sumunod na nangyari ang nakapagpasinghap sa kaniya nang may tunog.

Maraming mga puting-puting buntot ang lumabas mula sa likuran nito.

Napalingon naman ito sa kaniya sa pagkarinig ng pagsinghap niya at nagtama ang tingin nilang dalawa.

Kitang-kita niya ang pagbabago sa mga mata nito. "F-f-fox..." wala sa sarili niyang naiwika habang nanlalaki ang mga mata.

"Shhh..." pagpapatahimik nito sa kaniya kaya napatikom naman siya ng bibig niya.

Humiga na si Gani sa tabi ni Queen at ipinaunan nito sa braso nito ang ulo ng dalaga saka niyakap ito. Ang mga buntot naman ng Gisune ay bumalot sa mga ito na nagmistulang kumot para sa dalawa.

Nakatulala pa rin siya rito na nakatalikod sa kaniyang gawi at napupuno na ang isipan niya ng tanong na kung anong klase ba talaga itong nabubuhay.

Kinaumagahan...

Nagising na ang diwa ni Isagani nang masinagan na ng sikat ng araw ang kaniyang mukha. Nagmulat na siya ng mga mata at pumasok kaagad sa kaniyang isipan na tinabihan niya sa higaan si Queen.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na tiningnan ang tabi niya ngunit wala na ito roon.

Agad siyang napabalikwas ng bangon at tumayo saka nagpalinga-linga. Siya na lamang ang naroroon at wala na sila Queen.

Lubusan na sana siyang maaalarma ngunit dumating na si Leighnus na nanggaling sa isang direksyon kasama si Ragel. May dala ang mga ito na mga prutas.

"Magandang umaga! Gising ka na pala." masiglang bati sa kaniya ni Leigh.

Agad naman niya itong nilapitan saka hinawakan nang mahigpit ang kwelyo nito. "Nasaan.si.Queen?" madidiin ang bawat salita niyang tanong dito at matalim din ang kaniyang tingin. Nagtaasan din ang mga balahibo ng nakalabas pa rin niyang mga buntot.

"Kumalma ka Gani. Naroroon siya sa may batis upang—"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kwelyo nito. "Nang mag-isa?!"

Napahawak na ito sa kamay niya sa pagkasakal. "O-oo kasi—"

Binitawan na kaagad niya ito saka tumakbo paalis para tunguhin ang sinabi nitong kinaroroonan ni Queen.

"Gani!" habol na tawag pa sa kaniya ni Leigh ngunit hindi niya ito pinakinggan.

Ang lakas-lakas na ng tibok ng kaniyang puso sa lubos na pag-aalala para sa kaligtasan ni Queen. Hindi sila pamilyar sa lugar na kinatitigilan muna nila kaya hindi pa nila batid ang mga kapahamakang maaaring maranasan nila roon.

Pinagsisisihan niya nang lubos na hinayaan niyang mahimbing sa pagtulog kaya hindi niya namalayang umalis na sa tabi niya si Queen.

Narating niya na ang batis na tinutukoy ni Leigh sa pamamagitan ng matalas niyang pandinig at ang agos ng tubig niyon. Si Queen kaagad ang nais matagpuan ng kaniyang mga mata at nang makita niya ang kasuotan nito na nakapatong sa isang malaking bato, kinain na ng kaba ang kaniyang dibdib. "QUEEN!" malakas na pagtawag niya sa pangalan nito at lumusong pa sa tubig na hanggang dibdib niya ang taas.

Palinga-linga pa siya sa paghahanap nang bigla namang may umahon na saktong-sakto sa kaniyang harapan kaya namilog ang kaniyang mga mata. Ganoon din naman ang naging reaksyon nito at napasinghap pa sa pagkakakita sa kaniya.

Napababa ang tingin niya sa walang saplot na katawan nito sa ilalim ng tubig kaya agad naman itong napayakap sa sarili upang itago iyon. "Aaaaaaahhhh!" malakas na tili nito saka pinaliparan siya ng kamao sa kaniyang isang mata.

* * *

Naglalakad na pabalik ng kampo si Gani habang nakangiwi dahil sa sakit ng kaniyang napasaang kanang mata. Sinubukan niyang hawakan iyon ngunit sumasakit kaagad kapag nadadampian.

Nang makarating na siya ng kanilang kampo ay sabay na napatingin sa kaniya ang nakaupo sa sapin at naghihintay na sila Leigh at Ragel. Kaharap ng mga ito ang mga prutas na pinanguha na nasa sapin din.

"Pffft." nagpipigil na tawa ni Leigh at napatayo pa nang makita na siya lalo na nang mapansin ang kulay lilang pasa sa kaniyang isang mata. "Hahahah! Hindi mo muna kasi ako pinapatapos Gani! 'Yan tuloy! Wahahhahah!" paghalakhak nito at napahawak pa sa sikmura sa kakatawa.

"Tsk." pagpalatak niya dahil hindi niya ito masisi sa nangyari. Maling-mali nga sa kaniya na hindi niya muna ito pinatapos sa sinasabi nito kanina. Hindi naman kasi niya inakalang naliligo pala roon si Queen kaya hinayaan itong mag-isa nila Leigh. Masyado siyang naging padalos-dalos sa lubos na pag-aalala para rito.

Lumapit na siya sa mga ito at kumuha ng mansanas na napitas ng mga ito saka nakasimangot pa rin na nginata na iyon. Tawa pa rin nang tawa si Leigh habang itinuturo ang kaniyang pasa.

Nakatitig lang naman sa kaniya ang karwaherong si Ragel kaya napatingin siya rito. Ang tiim ng tingin nito sa kaniya. "Ginoo... Nais ko lamang malaman. Isa ka bang Gisune?"

Natigilan naman siya at kahit si Leigh ay napatigil din sa pagtawa saka napabaling ng tingin dito.

Dahil sa paglalabas niya ng kaniyang siyam na buntot magdamag ay hindi na nakapagtatakang nabatid na nito ang tunay niyang katauhan.

"Bakit? May problema ba?" seryosong-seryosong tanong niya rito. Ang kanilang lahi talaga ay labis na nakakakuha ng interes para sa ibang mga nabubuhay dahil sila ay puntirya ng mga masasama na gawing alipin o alaga (Pet).

"W-wala naman po." Napaiwas na ito ng tingin sa kaniya saka kumuha na rin ng prutas at kumain.

Si Leigh naman ang napansin niya na nakatitig sa kaniya ngunit walang nababakas na masamang intensyon doon kundi pagkamangha.

Narinig na nila ang mga yabag ng paparating na si Queen kaya napatingin na sila rito.

Iba na ang suot nito at basa pa ang buhok dahil bagong ligo. Mahabang kasuotan pa rin iyon na kulay itim ang pang-itaas at lila ang mahabang palda na sumasayaw sa paglalakad nito. Sakbit din nito ang lagan nito.

Kinilabutan si Gani nang maramdaman ang hindi nakikitang nag-aapoy nitong galit sa kaniya kaya napatungo kaagad siya at pinagbuhusan ng atensyon ang kinakain na mansanas. Ang bilis-bilis niyang ngumuya dahil sa takot dito.

Umupo na ito sa tabi niya dahil doon na lamang naman ang may malawak na espasyo sa kanilang pagkakabilog. Pasimple siyang tumingin dito at sakto naman niyang nasalubong ang tingin nito.

Nag-aapoy iyon sa galit. "Mamboboso." walang boses na sabi nito sa kaniya.

Namilog naman ang kaniyang mga mata. "Q-q-queen... Hindi ko naman iyon inten—"

"Queen, kumain ka nitong mansanas. Maganda sa health 'yan kapag sa umaga kinakain." alok ni Leigh ng prutas dito na halatang sinasadyang hindi siya pagpaliwanagin dito.

Sinamaan naman niya ito ng tingin ngunit hindi naman siya pinapansin na halatang patay malisya sa kaniyang pagkaasar.

Kumain naman na si Queen at napipilitan na rin siyang kumain na muli. Sa inis ay malaking kagat ang ginawa niya sa kaniyang mansanas at dahil doon ay kumirot ang isa niyang mata na sinuntok nito kanina kaya napangiwi siya nang kaunti.

Napansin naman iyon ni Queen kaya napatingin ito sa kaniya. Nabakas ang pagkausig sa mga mata nito nang makita ang malaking pasa sa isa niyang mata ngunit nang bumaling naman siya rito ay sinungitan siyang muli.

Napahinga na lamang siya nang malalim ngunit naramdaman niyang muli ang matiim na pagtitig sa kaniya ni Ragel kaya napunta ang atensyon niya rito.

Agad naman itong napaiwas ng tingin.

* * *

Sakay muli ng karwahe na inilabas ni Leigh mula sa kaniyang baraha ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakbay. Naging matiwasay naman ang sumunod na araw nilang iyon ng paglalakbay kahit na hindi pinapansin ni Queen si Gani dahil sa nangyari sa batis.

Gumaling na rin kaagad ang pasa ni Gani sa mata dahil sa pagiging Gisune nito.

Nang pinalitan na ng buwan ang araw sa kalangitan ay nagpahinga na silang muli sa isang kagubatan at malapit ang kinampuhan nilang iyon sa isang malawak na bulaklakan.

Kilala ang kontinenteng Zephyrus kung nasaan sila sa pagiging sagana niyon sa mga halaman, puno at bulaklak kaya maraming malawak na bulaklakan talaga ang kanilang madadaanan.

Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila ng kanilang tutulugan.

Nang pagtabihin ni Gani ang sapin nila ni Queen, lubos naman ang naging pagrereklamo nito roon. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang nangyari sa batis at hindi naman niya maipaliwanag ang sarili dahil lagi siyang hinaharang ni Leigh na halatang inaasar talaga siya. Dahil doon ay ang layo ng latag nito sa kaniya.

Naisin niya mang pilitin ito na huwag lumayo nang ganoon dahil baka hindi niya ito maprotektahan kung mayroong panganib sa paligid ngunit hindi naman niya magawa dahil siya na mismo ang nakikita nitong panganib.

Doon ay natulog na silang apat upang makapagpahinga.

~Queen~

Madaling araw...

Naglalakad ako ngayon papunta sa nadaanan naming flowerfield kanina. Malapit lang naman 'yon doon sa kampo namin kaya hindi ako natatakot na puntahan 'yon kahit gabi na. Madaling araw na nga ata.

Hindi kasi ako makatulog dahil... Basta.

Nang marating ko na 'yon, humalimuyak na sa ilong ko ang nostalgic na amoy ng mga bulaklak dito. Namiss ko tuloy bigla ang Leibnis dahil may flowerfield doon... kung saan ako nireject ni Gani.

Speaking of Gani. Ang lalaking 'yon...

Ang lalaking 'yon na dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Nakuyom ko ang mga kamao ko nang maalala ko ang nangyari sa batis kung saan ako naligo kaninang umaga.

Umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa mukha at nag-iinit ang pisngi ko dahil tatak na tatak sa memorya ko ang nanlalaki niyang mga mata nang umahon ako sakto kaharap niya lalo na nang sinubukan niya pang tingnan ang katawan ko sa ibaba.

Impit tuloy akong napatili habang nakatakip na sa mukha ko ang pareho kong kamay sa sobrang pagkahiya. Tapos, kaninang umaga rin, nagising na lang ako na katabi siya at nakayakap sa'kin habang nakabalot sa'min ang mga buntot niya. Ang huli kong natatandaan, nakasakay pa kami ng karwahe bago ako makatulog nang malalim.

Sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko no'n at siguradong pulang-pula rin ako lalo na at ang lapit-lapit ng mukha niya sa'kin.

Kapag na-i-imagine ko nga na ganoon kami kalapit sa isa't isa habang natutulog nang buong magdamag, parang gusto kong magkikisay dahil hindi ko mahandle nang maayos ang kilig ko.

Kainis ka talaga Gani! Paano ko pa gugustuhing bumalik sa'min kapag gan'yan ka magpakilig sa'kin?!

"Queen." biglang bulong ng kung sino sa'kin.

"Ay palakang Queen!" gulat na gulat na sabi ko at napaigtad pa ako nang kaunti. Napatingin ako sa taong 'yon. "Leigh! Nakakagulat ka naman!"

Napatawa naman siya. "Palaka ka pala Queen?" nagbibiro niyang sabi.

"Asa naman. Sa ganda kong 'to." Nagtoss hair pa ako.

"Wala naman akong angal do'n. Pero teka. Bakit ka nagpunta rito ngayon? Dapat ginising mo muna kami ni Gani para sabihin na pupunta ka rito."

Napangiwi naman ako ng ngiti. "Wala lang. Gusto ko lang munang magpahangin dahil hindi ako makatulog. Malapit lang naman 'to sa kampo natin kaya hindi ko na kayo ginising. Ikaw? Bakit ka nandito ngayon?"

"Wala lang din. Gusto ko lang din magpahangin. 'Di rin ako makatulog eh."

"Share?"

Napakamot naman siya sa ulo na halatang nahihiya sa'kin. "May tao kasing hindi maalis-alis sa isip ko. Sa lahat ng ginagawa ko, siya lang ang tumatakbo rito." itinuro niya pa ang ulo niya.

Napakurap-kurap naman ako. Dahil may lesson learned na ako kay Gani, hinding-hindi na ako mag-a-assume sa mga ganitong bagay. "Ahhh... Sa totoo lang. Ako rin eh."

Dahil ang kumportableng kausap nito ni Leigh, kahit hindi ako mahilig magshare ng problema, kusa na lang 'yon lumalabas sa bibig ko dahil siya 'to .

"Hulaan ko. Si Gani 'yon, 'no?"

Nanlaki naman ang mga mata ko. "L-lah. 'Di ah!" defensive kong sabi.

"Sows. Parang hindi naman halatang-halata." Napabungisngis pa siya.

Para 'tong si Eirin. Alam na pala, nagtatanong pa. "Tss. Oo na."

"Hindi sa chismoso ako ha pero nagtataka lang ako sa inyong dalawa lalo na sa'yo Queen. Kung may gusto ka naman pala kay Gani, bakit ang kapal ng pader na inihaharang mo sa kaniya? Parang ilag ka sa kaniya na hindi ko maintindihan."

Hindi naman ako kaagad nakaimik.

Napapansin niya pala 'yon? Akala ko, natural kong naiiwasan si Gani pero may nakakahalata pa rin pala.

"Kung sasabihin ko ba sa'yo, 'di mo 'ko pagtatawanan o aasarin?"

"Oo naman. Promise." Itinaas niya pa ang kamay niya kalevel ng mukha niya sa pagpapromise.

"'Di mo rin ipagsasabi?" paninigurado ko pa.

Sobra naman ang naging pagtango-tango niya.

Humugot muna ako ng hininga para maikwento sa kaniya ang kasawian ko sa pag-ibig. Yack. Corny Queen. "Nakakahiya mang sabihin pero sa ganda kong 'to, nireject pa rin ako ni Gani at pinagsabihan ng mga harsh na salita para lang itigil ko na 'tong nararamdaman ko... na kalokohan lang para sa kaniya." Naramdaman ko na naman ang kirot sa loob ng dibdib ko at sumasariwa na naman ang sugat doon na gawa ng rejection sa'kin ni Gani.

Sobra namang nangunot ang noo niya. "Nireject ka ni Gani?!" malakas na tanong niya na hindi makapaniwala.

"Shhhh! 'Wag mo namang pagkasigawan Leigh!"

"P-pero seryoso ka talaga? Nireject ka niya?"

"Oo nga. Paulit-ulit? Pero sa bagay, hindi naman talaga kapani-paniwala 'yon na isang Queen ay tinanggihan nang ganoon."

Nanlalaki pa rin ang mga mata niya at halatang napaisip pa sa nalaman sa'kin. "Pero base sa mga kilos niya, halatang may gusto siya sa'yo."

Napahinga lang ako nang malalim. "Tch. 'Wag kang magpapaniwala sa lalaking 'yon. Kahit ako nga, nag-assume dahil sa pagiging ganoon niya sa'kin pero irereject lang naman pala ako. Isang malaking pafall."

Nakatitig pa rin siya sa'kin. "Bakit naman kaya? Anong reason niya para ireject—" Bigla siyang natigilan kaya nagtaka naman ako.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti na siya at ang charming-charming talaga n'on sa mga mata ko. "Gusto mo bang mapatunayan na may gusto talaga siya sa'yo?"

Napataas naman ang isang kilay ko. "Wala nga raw siyang gusto sa'kin kaya bakit kailangan ko pa ng proof?"

"Basta. Sundin mo ang sasabihin ko. Malalaman mo rin ngayong gabi kung nagsasabi talaga siya ng totoo sa'yo na hindi ka niya gusto... pero ngayon, may talent fee na 'to Queen ha. Bigyan na lang kitang discount." Nakakaloko na ang ngiti niya ngayon.

Nakatingin lang ako sa kaniya at mukhang may pinaplano talaga siya kaya nakisakay na lang ako. "Sige bahala ka. Sa mortal world na lang kita babayaran. Ano bang gagawin ko?"

Hinawakan naman niya ako sa magkabila kong balikat. "Ilapit mo ang mukha mo sa'kin. Pagkatapos n'on, magkakaalaman na kung ano ang totoo."

Sobra naman ang naging pagkunot ng noo ko. "'Yun lang tapos malalaman ko na agad?"

"Magtiwala ka sa'kin Queen. Promise." determinado niyang sabi.

Kahit nagtataka pa rin ako, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at hindi ko naman inaasahan na inilapit din niya ang sa kaniya na handa na akong halikan kaya nanlaki ang mga mata ko pero biglang may naghiwalay sa'ming dalawa at sinuntok siya ng taong 'yon kaya napaupo siya.

"Aaahhhh!" hilakbot na tili ko nang tumalsik ang dugo mula sa bibig niya sa mga bulaklak malapit sa'min.

Napatingin ako sa nagtatagis ang mga bagang na si Gani na siyang sumuntok kay Leigh... at sa isang fox ngayon ang mga mata niya.

Ipagpapatuloy...