webnovel

Psycho Stalker

WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story tinaguriang tigasin pero uubra kaya kay Azami ang ugali niyang iyon.

Yu_ChenXi · Outros
Classificações insuficientes
2 Chs

Chapter One: Jacob

Chapter one: Jacob

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters,

businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

P.S

I do not owned any of the pictures used in this story. All Credet go to the artist/ owners of the images.

This is a BOYSLOVE story. It is related to a men-to-men relationship. If you were not into these relationship nor even a certified homophobic, better leave the book.

There are some matured scenes in the book that is not suitable for minor ages below. Read at your own risk.

*******

Hindi ko mapigilan ang magalit. Magalit sa sarili ko. Ang lakas pa ng loob kong maghamon kay Zoey, pero napahiya lang ako sa harapan niya.

Hindi ko naman akalain na sa liit ng katawan niya at magandang mukha ay may bilis at lakas siya sa katawan na itinatago.

Oo! Alam ko namang sumasali ito sa mga martial art compitetion at napapanuod ko minsan ang mga laban niya dahil kay Master Clyde. Palagi itong panalo sa mga laban. Halos siya ang nangunguna sa mga kasabayan niya. Pero naisip ko na sadyang mahina lang ang nakakalaban niya kaya siya siniswerteng manalo. O di kaya naman pinagbibigyan siya dahil sa ganda ng mukha niya at ayaw nilang makitang magalusan ang ganda niya.

Lalo na ng makita namin ng isang araw si Master Clyde na dumating sa Monster Club na may pasa sa mukha at napag alaman namin kay Zoey niya iyon natamo. Kaya mas lalong hindi ako naniwala na malakas siya. At umigting ang pagnanasa kung masubukan ang galing nito. Dahil hindi ako naniniwala na ang isang Clyde Alcaide, na master namin.Na si Master Clyde na walang sinasanto pagdating sa laban? Na ni minsan hindi ko nabigyan ng pasa kapag nag prapractice kami o di kaya naman nagkakainitan kaming dalawa. Ay binigyan ng pasa ng isang Zoey Salvador lang. Na isang Zoey Salavador na mas makikita sa future look nito ang isang babae kaysa sa lalaki? Sino ang maniniwala doon. At naisip ko din na ayaw lang niya itong saktan kaya hindi tinutoo ni master Clyde ang paglaban sa kanya.

Kaya naglakas loob akong hamunin ito mismo para mapatunayan ko mismo sa sarili ko na hindi siya malakas. Na pinagbigyan lang siya ni Master Clyde. Pero iyon nga, napahiya ako sa harapan ng mga kaibigan ko dahil inilampaso lang niya ako. Hindi lang ako kundi pati sina Sunny ay nadamay pa.

Kaya nag aapoy ang galit ko ngayon. Lalo na ng hindi mawala wala sa isip ko ang huling sinabi niya sa akin bago niya kami iniwan. Na kung gusto ko siyang labanan, kailangan ko na munang matalo si Master Clyde. Dahil kung hindi ko siya matatalo, lalong wala akong laban sa kanya. Para na ring niyang sinabing puro lang ako salita at wala sa gawa.

Fuck! Sino ang hindi magagalit sa sinabi niyang iyon. Minaliit niya ang kakayahan ko. At ako si Jacob Sandoval. Isa sa tinagurian athlete master. Tinalo ng isang bagong estudyante lang ng walang kahirap hirap.

Kaya hiyang hiya ako sa sarili ko. Dahil hindi ko man lang siya nabigyan ng kahit na anong pasa sa mukha. Paano pa kaya kung sa harap ng lahat ng estudyante sa AU ang nakasaksi. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kung malaman nila na tinalo ako ng isang transfery lang.

Kaya ngayon pakiramdam ko para akong pagong na hiyang hiya at gustong magtago lang sa loob ng bahay sa harapan nila master kanina.

Kaya kahit pinigilan ako ni master kanina ay binaliwala ko na lang. Dahil wala akong mukhang ihaharap dito.

Ngayon, nagpapalamig ako ng ulo. Nag iisip ng dapat gawin kung paano ko siya mahahamon muli. Kaya bago iyon. Kailangan kong maghanda para hindi na niya ako mapahiyang muli.

Napabuntong hininga ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kaya heto ako ngayon. Nakaupo sa isang bench sa likuran ng building namin. At nakatingin sa langit habang nakaunan ang ulo ko sa mga kamay ko.

Binibilang ang mga ibong malayang nagliliparan sa kalangitan na sumasabay sa bugso ng hangin. Pinagmamasadan ang mga dahon na nagsasayawan.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Para kahit papaano mawala ang galit sa sarili ko.At pinapayapa ang isip at pinakikinggan ang ibat ibang ingay ng paligid.

"Anata wa mae ni hitori no otokodesu." Nagmulat ako ng mata at napatindig ng upo ng biglang may kung sinong nakatunghay na mukha sa akin sa likuran ko. Nauntog pa ako mismo dito kaya bahagyan akong napayuko at sinapo ang nuo ko.

Ng makabawi marahas ang ginawa kong pag lingon dito. Siya iyong tumulong kay Zoey kanina sa laban namin. Parang nawili pa ito sa naging reaction ko sa pagkakita sa kanya.

"What are you doing here. Fuck off."galit na tanong at taboy ko dito. And damn! Ano yong sinabi niya kani kanina lang. Minumura ba niya ako o dinadasalan ng mawala sa mundong ito. What a damn thought.

Pero sa aliwalas ng mukha nito parang mali naman ang naisip kong ibig sabihin ng sinabi nito.

"Sorry to interupt you."paumanhin nito saka kampanting nakiupo sa tabi ko. "You didn't understand it right?" At tinanong pa talaga. Sino naman ang makakaintindi ng salita ng hapon na ito.

"Is none of you fucking business, and who told you to sit beside me, you fucking asshole." Sita ko dito pero kampanting tumingin lang ito sa akin.

"Your fiery headed dude. I said, your the one from earlier."sabi nito. So, iyon ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"So! What now if I am the one of those." Angil ko dito.

"Look at you now, you haven't treat your bruise and wound."hindi pinansin ang pag angil ko dito bagkus walang babalang hinawakan ang pasa ko sa pisngi. Masuyo niya iyong hinaplos.

Nakaramdam ako bigla ng pagkailang sa ginawa niya kaya agad ko iyong tinabig.

"What the fucking are you doing. And you fucking bastard, who allowed you to fucking touch my face." Hindi ko mapigilan dagdagan ng mura ang bawat salitang binitawan ko at agad na lumayo sa lalaking ito.

Tumawa ito ng pagak. At makahulugang tumingin sa akin. Tingin na parang gusto akong sunggaban kahit na anu mang oras.

"Kawaii!" Sabi niya habang nakangiti parin.

Walang hiya. Nagkalukuhan na. Ano ang sinasabi ng hapon na ito. May pakaway kaway pang sinasabi.

"By the way Im Azami Tanaka. And I hope you will tell me yours."

"I'm not interested for your fucking name, and I didn't ask for your damn name."

"Come on! Even our first meeting is not that good. I want to apologize for beating you and your friend. I just don't like to saw Zoey, bullied by someone if I am around."sabi nito saka inilahad ang kamay sa akin para makipagkamay.

Tinignan ko ang palad niya. Ganito ba ka friendly ang mga hapon ngayon. At parang baliwala lang ang nangyaring laban sa amin kanina? Ni hindi nito alintana ang ginagawa kong pagmumura dito.

Hindi ko iyon tinanggap bagkus tinabig ko lang iyon. Tinalikuran ko na ito.

"Hey! You haven't tell me your name yet."pigil nito sa kamay ko at pinaharap ako sa kanya. "I won't stop bothering you, if you don't tell me your name." Hindi parin nawawala dito ang mga ngiti nito sa labi. At ang lagkit ng tingin niya sa akin. Bigla tuloy nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan sa klase ng tingin niyang iyon sa akin.

Galit na iwinaksi ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. Saka tinignan ng masama.

"You fucking asshole, I don't care if you keep fucking bothering me. So you must fucking back off." Hindi natapos tapos ang pagmumura ko. At mabilis na tinalikuran ito para makaalis na ako sa lugar na ito.

Hindi na nga mawala wala ang galit ko kay Zoey at sa sarili ko, dinadagdagan pa ng hapon na iyon. Nakakagigil. Nag aapoy na nga ako sa galit kanina lalo pa niyang sinisilaban.

At ano ang ibig sabihin ng mga ngiti ngiyang iyon at malagkit na tingin sa akin.

Fucking shit.. Fuck. Huwag naman sana tumama ang iniisip ko sa taong iyon. Dahil hindi kami talo. At wala akong balak pumatol sa kagaya kong lalaki. Tama na si master Clyde na sumunod sa mga yapak ng mga magulang niya. Pero ako, nunka kung papasukin ang mundong ginagalawan nila. Hindi ko pinangarap iyon. Ang dami dyang mga babae na pagtuunan ng pansin kaysa sa lalaking ito. Hindi ako galit sa third sex dahil isa sa mga tinitingala ko ay ganun din. At iyon ay si Master Clyde. Buy still, hindi ko siya tutularan.

"I have my own way to know what your name is Kawaii."narinig ko pang sigaw nito pero hindi ko na siya pinansin. At ano naman ang kinalawan ng kawaii sa mga sinasabi niya. That fucking asshole.  Tagalugin ko kaya ng makita niya. Para lalo kaming hindi magkaintindihan.

Pero matignan nga sa google kung ano ang ibig sabihin ng pakaway kaway nito. Baka lihim na niya akong kinukulam ay hindi ko pa nalalaman. Kaya habang naglalakad nakatingin ako sa cellphone ko and busy searching kawaii mean in english.

What a fucking shit is kawaii mean?

Cute- he address me and called cute. Bigla tuloy akong napalingon dito ng wala sa oras.

Nakatayo parin sa bench kung saan ako kanina. Kumaway pa ito at ngumiti ng makita akong lumingon sa kanya.  At nagpalipad pa ito ng flying kiss.

Damn! Binawi ko agad ang tingin ko dito. At mabilis ang ginawa kong paglalakad. Parang gusto ko na ngang lumipad kung makakalipad lang ako para agad akong makaalis sa lugar kung nasaan ang hapong ito. Bigla akong kinilabutan dito. Lantaran ang ipinapakita nito na may gusto sa akin. But don't tell me, nagustuhan niya ako sa una pa lang niyang pagkakita sa akin. Kalukohan.

Hindi ko na alintana ang mga nakaasalubong ko at nababangga ko. Hindi naman nila ako kayang sitahin dahil takot lang nilang maparusahan. Ang mahala ngayon makalayo layo ako ng hindi ko makita ang hapon na iyon. Nakakapangilabot sa katawan. Hindi ko lubos maisip na magugustuhan ako ng isang lalaki. At sa hapon pa talaga. No! Over my dead body na pumatol dito.

*********

@YuChenXi