webnovel

Chapter 12

February 14, nasa quadrangle ako at nag hihintay ng turn ko, ngayong araw ako mag peperform sa isang spoken word contest. Isang buwan na mula ng mag usap kami ni Jonathan and after that agad ko siyang iniwasan ang hirap lang dahil nung nakaraang araw ay hinahanap siya sakin ng mama niya

"Hello hija, nakita mo ba si Jonathan? Susunduin ko sana para sabay na kami maka punta sa party na dadaluhan namin" tanong ni tita Athena

"Ah t-tita hindi ko po kasi siya nakita eh.. Ah sorry po may gagawin pa po kasi ako eh sige po bye" sunod-sunod kong sabi at umalis na agad

Aaminin ko na sa unang linggo galit ako sakanya kaya ako umiiwas pero ng napagisipan ko ng mabuti, may kasalanan din ako kasi umasa ako, nag expect ako. Naisip ko din na baka na pressure siya sa tanong ko, kaya ngayon ang dahilan ko nalang ng pag-iwas ay dahil ayoko ng masaktan.

"And for our last contestant, Annie Chiu from grade 10!!!" Nag palaklakan ang mga tao ng nag simula na kong umakyat sa stage, hindi ako kinabahan kahit pa maraming nanonood sakin, hindi ko na din iniisip kung mananalo ba ko basta ang gusto ko lang ay mapalaya ang sakit, mapalaya kung ano mang damdamin na gustong lumaya...

Napatingin ako sa langit dahil medyo maulan para bang nakikiramay sakin ang ito

"Good morning every one!" masiglang bati ko sa mga tao "ahm, ang pamagat ng tulang ito ay... Imahinasyon"

Tumugtog ang background music na River flows in you na instrumental

Bumwelo ako bago nag simula...

"Sa bawat pag hakbang

Inaalala ang masasayang memorya

Nating dalawa

Naalala ko yung unang beses na binigyan niya ko ng bulaklak, na kahit ayoko ay tinanggap ko dahil sakanya galing, galing sa taong gusto ko

Sa kung paanong ang mga simpleng

Salitang ikaw at ako

Ay nauwi sa tayo

Hindi, hindi nauwi sa tayo pero ito ang pangarap ko.

Sa kung paanong nabihag tayo

Sarili nating mga bitag

At sa kung paanong ang

Simpleng 'kamusta ka na?'

Ay nauwi sa 'mahal kita'

Tingin ko, mahal na nga kita. Napatingin nanaman ako sa langit na medyo makulimlim

Umuulan nanaman pala,

Ako'y napapikit at habang dinadama

Ang hangin na may konting lamig

Galing sa tubig,

Aking inaalala at sinasariwa

Ang bawat parte ng iyong muka

Hanggang sa....

Inalala ko ang mga emosyon sa kanyang muka tuwing lumalapat ang labi niya saakin.

May sumaglit na mapait na memorya

Aking naalala...

Naalala ko kung pano niya sinabing mag kaibigan lang kami, kung pano umiwas ang mga mata niya sa bawat tingin ko,kung pano ako unti-unting nadurog nung tumalikod siya at nag lakad palayo

Na ika'y imahinasyon ko nga lang pala"

Siguro nga imahinasyon ko lang ang lahat, siguro yun ang kasalanan ko, masyado akong nag ilusyon..

Tumingin ako sa paligid ng pumalakpak ang lahat at bago ako bumaba ng entablado nahagip ng aking mga mata ang tingin niya, ang tingin ng nag iisang taong gusto ko, sa sandaling iyon parang gusto kong tumakbo palapit sakanya, parang gusto ko siyang yakapin ngunit naalala ko, ako lang pala ang may gusto sakanya, ako lang pala... Imahinasyon ko lang pala...

"Thank you" sabi ko kay Ethan ng binigyan niya ko ng iaang boquet ng white rose

"B-Basahin mo yung n-note" kinakabahang sabi niya kaya medyo nag taka ako pero binasa ko pa rin ang note na kasama ng bulaklak

Can you be my date?

Nanlaki ang mga mata ko dahil dun, wala na sana kong plano na umattend sa prom kaso masyadong pinaghandaan ni mommy iyon at nag pagawa pa siya ng gown kaya ayoko man na pumunta pupunta pa rin ako, hindi ko nga lang inexpect na may mag aaya sakin.

"S-Sure"

Nanlaki ang mga mata sa gulat "talaga?!"

"Oo" napatawa pa ko kasi yung itsura niya parang hindi talaga maka paniwala

Napayakap siya sakin"thank you!!"

Nagulat ako ng makita si Jonathan sa likod ni Ethan, may hawak siyang isang boquet ng red rose. Naka tingin siya sakin ngunit ng makitang nakatingin din ako sakanya nag iwas siya at ibinigay kay Yasmin ang bulaklak. Napa ngiti ako ng malungkot

"Thank you talaga!" Natutuwang sambit ni Ethan ng humiwalay siya sa yakap

Naka tingin pa din ako kay Jonathan at Yasmin na sabay nag lalakad palayo samin "w-wala yun, ahm balik na ko sa classroom ah"

"Sige hatid na kita"

Dumating ang gabi ng prom... Nandito pa rin ako sa bahay at inaayusan ng make up artist ni mommy.

"Hay sana ganito rin ka daling ayusan ang mga model ko madam!" Puri sakin ng baklang make up artist, tumayo ako pag katapos niya kong ayusan at tiningnan ang sarili sa salamin. Naka lugay ang mahaba kong buhok na kinulot sa dulo, naka suot ako ng isang black gown na bagsak ang tela na may slit na hanggang hita medyo kita ang cleavage ko pero maganda pa rin namang tingnan.

"Nandyan na si Ethan!" Anunsyo ni mommy kaya agad akong bumaba.

"Hi" tumayo agad si Ethan mula sa pag kaka upo sa sofa at sinalubong ako "ang ganda mo"

"Thank you" ngumiti ako

Nang makarating sa venue hindi ko alam kung bakit hindi ako excited samantalang nung mga nakaraang buwan hindi ako makatulog sa kakaisip kung anong mangyayari sa prom

"Let's go?" Aya sakin ni Ethan habang naka hawak ang isang kamay sa bewang ko upang igiya sa table namin. Nagulat ako ng makita kung sino-sino ang kasama namin sa table, si Alvin na katabi si Jenny, si David na may kasamang isang senior high na babae at si Jonathan na katabi si Yasmin, nakita kong sumulyap sa bewang ko ngunit agad ding nag iwas ng tingin nung makitang naka tingin ako sakanya.

Pinag hatak ako ni Ethan ng upuan "thanks"

"Oyy sana all may date!!!"

"Oo nga" sabi nila Lea at Chellesy ng mapadpad sa table namin

"Nasan si Charlene?" Tanong ko

"Ay naku! Diba hindi daw siya pupunta" sagot naman ni Chellesy kaya napatango nalang ako "oh bakit hindi kayo mag katabi ng date mo?" Napakunot ang nuo ko dahil dun at napatingin kay Ethan na katabi ko naman

"Mag katabi naman kami ni Ethan ah"

"Ow! Akala ko si Jonathan ang date mo!" Napatingin ako kay Jonathan na nakatingin din pala saakin

"Ako ang date ni Jonathan" nag mamalaking sabi ni Yasmin

"Walang nag tanong" mataray naman na sabi ni Jenny na agad inawat ni Alvin. Maya-maya pa tinawag ang banda nila upang tumugtog. Tinugtog nila ang Perfect ni Ed Sheeran, habang kumakanta naka tingin sakin si Ethan ngunit wala sakanya ang atensyon ko kundi nasa lalaking may hawak ng gitara, nag angat siya ng tingin at nang sundan ko ito nakita kong na kay Yasmin ang tingin niya na nasa likod ko lang. Napa ngiti ako ng mapait.

Pag katapos nilang tumugtog agad akong sinalubong ni Ethan "maganda ba ang boses ko?"

"Oo naman!" Masiglang sagot ko, inisip ko na lang na dapat na kay Ethan ang aking atensyon dahil siya ang date ko kaya iyon ang ginawa ko buong gabi. Nang dumating ang sayawan inaya niya ko.

"Ang ganda mo talaga" sabi ni Ethan ng ilagay niya na ang kanyang mga kabay sa mag kabilang bewang ko

"Salamat"

"Annie" tumingin siya sa mga mata ko "Gusto kita"

Napatitig ako sakanya ng unti-unti niyang ilapit ang kanyang muka saakin, sa ganitong pag kakataon noon kapag may lalaking umamin sakin ay gagawin ko agad na ka-fling ngunit ngayon parang hindi ko kaya "E-Ethan"

"Hmmm?" Namumungay na ang mga mata niya ng tingnan ko ito

"Alam mo namang si Jonathan ang gusto ko"

Tumigil siya sa pag lapit at napangiti ng malungkot "napaka straight forward mo talaga"

"Pwede bang ako naman ang mag sayaw sakanya?" Nagulat ako ng makita si Jonathan na nasa tapat namin at naka tingin ng seryoso kay Ethan "pwede ba kitang isayaw?" Sakin naman siya ngayon nakatingin habang naka lahad ang kamay sa harap, walang pag aalinlangan kong inilagay ang hamay ko sa kanya

Jusko ang rupok mo self!

Hinatak niya ko at agad na inilagay ang mga kamay sa bewang ko, nagulat ako dahil sa sobrang lapit namin at para bang naka yakap na siya sakin

"I don't like you" nag salita siya matapos ang mahabang katahimikan naming dalawa

"Alam ko, hindi mo naman kailangan ipamuka pa sakin yun, alam ko namang—"

"I don't like you because I love you" napatingin ako sakanya ng gulat

"W-What?"

Mas inilapit niya pa ko sakanya at hinigpitan lalo ang hawak saakin "I love you"

"P-Pero sabi mo...f-friends—"

"Natatakot ako na malunod at hindi na makaahon sa nararamdaman ko kaya ko yun na sabi" tiningnan niya ko sa mga mata at unti-unting inilapit ang muka saakin hanggang sa naramdaman ko na ang pag lapat ng labi niya "pero wala na kong pake, ang hirap na makita kang hawak ng iba"

"I love you Annie Chiu" bulong niya sa gitna ng malalim na halik at kasabay ng tugtog na Eternal Love

Sobrang saya ang nararamdaman ko, hinihiling na sana hindi na matapos ang gabing ito, na sana habang buhay kaming ganito.. Nang gabing yun aking ipinangako na wala kong ibang mamahalin kundi itong taong kayakap ko ngayon...

I promised that I will love this man eternally... I promised

Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana...