webnovel

Chapter 10

"Ang sexy mo girl" bulong ni Charles sakin, ang ka-duo ko sa badminton, susunod na kaming lalaban pero imbis na kabahan lumipad nanaman ang isip ko sa nangyari noong sabado. Hindi na namin napag usapan ni Jonathan ang tungkol sa halik na yun at ayoko na rin naman na i-open ang topic kasi baka para sakanya friendly kiss lang yun

Hoy Annie sinong niloko mo? May mag kaibigan bang nag hahalikan?

"Hoy gaga tara na lalaban na tayo, lutang ka nanaman" napatingin ako kay Charles ng hilahin niya ko patungo sa mismong court. Pag karating

natanaw ko agad si Jonathan, nag tama ang mga mata namin at nakita kong nag goodluck siya sabay turo sa tarpaulin na hawak, nanglaki ang mga mata ko ng makitang ang tarpaulin na hawak niya ay ang ginawa nila Lea at Chellesy na tarpaulin para sakin, tinaas kong muli ang mga mata ko sa muka niya, nakita kong ngumiti siya kaya napabaling ang paningin ko sa labi niya. Shit naalala ko nanaman yung halik.

Mamaya kana mag isip ng kalandian

"Hoy start na gaga ka pag natalo tayo sasabunutan ko yang hairlalu mo" maarteng sabi ni Charles kaya napabaling ang utak ko sa laro at sinubukang mag focus kahit napaka hirap dahil naririnig ko ang pag chi-cheer ni Jonathan saakin.

Natapos ang laro at kami ang nanalo pero hindi pa ko dapat mag diwang dahil first game palang ito at hindi pa finals

"Woooooohhh pannaloooo!!!!!" Naririnig kong sigaw ni Jonathan habang palapit ako sakanya kaya hindi ko mapigilang ngumisi

Hindi ko inakala na ganito pala siya

"Congrats!!!" Salubong niya sakin sabay punas sa pawis ko

"Naks ang sweet"

"Sana all"

"Kayo na!"

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na katabi pala ni Jonathan

"Congrats Annie!" Bati ni Alvin na kasama si Jenny

Mag papasalamat na sana ko ng may biglang yumakap sakin mula sa likod "congrats" narinig kong bulong ni Ethan. Napatingin ako kay Jonathan ng siya mismo ang nag kalas ng mga braso ni Ethan na nakayakap saakin

"Buti hindi ko nabali" narinig kong bulong niya matapos kalasin ang braso ni Ethan saakin

"Hiii girl! Ang sexy mo talaga!!!" Narinig kong tili ni Charles sabay pisil ng pwet ko

"Hoy bastos ka ah!" Nagulat kami sa biglang pag sigaw ni Jonathan ngunit sabay-sabay ding natawa pag-katapos

"Fafa magiging bastos lang ako kung pwet mo ang pinisil ko" sabi ni Charles sabay tingin ng malagkit sa katawan ni Jonathan habang naka lipbite pa

"Baklang toh uunahan mo pa ko! Umalis ka na nga" pabirong sabi ko habang tinutulak tulak si Charles, napatingin naman ako kay Jonathan na masama parin ang tingin kay Charles "ano ka ba bakla yun"

"Lalaki pa din yun!"

"Bakla nga! Baka nga ikaw pa ang type nun eh" nag tawanan ang lahat sa sinabi ko, bukod syempre sa masungit na lalaking nasa harap ko ngayon

"Tss"

Lumipas ang araw at dumating ang finals sa kabutihang palad nanalo kami at narito ngayon sa bahay upang mag celebrate. Iilang mga kaklase at kaibigan ko ang nandito.

Natanaw ko si mommy na kausap si Ethan "kilala pala ng mommy mo si Ethan?"

"Ah oo, madalas kasing sumama si Ethan ng mga magulang niya sa maga bussiness gatherings kaya siguro kilala din ni mommy" sagot ko kay Jonathan

"Let's take a sit" sambit ni mommy ng makalapit na sila ni Ethan sa lamesa "Annie hija this is Ethan Ang"

"Tita kilala ko na po si Annie schoolmate po kami at medyo close din po"

"Oh really? Kung ganon diyan kana tumabi kay Annie" umupo naman si Ethan sa tabi ko, bale napagigitnaan nila ko ngayon ni Jonathan.

Umuwi na ang ilang bisita at nag yaya si mommy ng dinner kasama ang ilan sa mga kaibigan ko na kilala niya.

Nagulat ako ng lagyan ni Ethan ng kanin ang plato ko "ah a-ako na" ngumiti lang siya sakin at pinagpatuloy ang ginagawa

"So I assume that you two are in a relationship?" Tanong ni mommy, sasagot na sana ako ngunit nagulat ng inunahan ni Jonathan

"Hindi po 'sila' tita"

"Oh" saglit na sumulyap si mommy kay Jonathan ngunit agad ding ibinalik ang tingin kay Ethan "hmm I guess nililigawan mo ang anak ko?"

"Kung papayag po si Annie tita" nagulat ako sa sinagot ni Ethan kaya napatingin ako sakanya ngumiti lang naman siya saakin at pinag patuloy muli ang pagkain

"I'm sure my daughter will agree if you ask her, anyway bagay naman kayong dalawa at kung ako ang tatanungin gusto ko kayong i-arrange—"

"Excuse me" napatingin ang lahat kay Jonathan ng bigla siyang tumayo, imuwinestra ang kanyang phone at lumabas

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi parin bumabalik si Jonathan, alam kong walang tumawag sakanya sa phone at gusto lang niyang umalis sa hapag kaya nag aalala ko "ah mom restroom lang ako"

Agad kong hinanap si Jonathan, nag aalala na baka naka uwi na siya ngunit nabuhayan din agad ng makitang nasa terresa lang siya nag mamasid

"Ehem" kunwaring ubo ko para mapansin niya ngunit hindi man lang ito lumingon kaya lumapit na ko at tumabi sakanya "bakit ka umalis?"

Tiningnan niya lang ako saglit ngunit hindi sumagot

"Hey" hinawakan ko ang braso niya upang maagaw ang kanyang atensyon, napatingin naman siya dun "may problema ba?"

Nag tiimbagang siya bago sumagot "boto ang nanay mo kay Ethan"

"So?"

"Anong so? Mahalaga—"

Agad kong pinutol ang mga sasabihin sana niya "hindi ko siya gusto"

"Sinong gusto mo kung ganon?" Nag hahamon ang kanyang mga titig kaya sinuklian ko ito ng tingin

"Isn't it obvious? Syempre ikaw—" nagulat ako at halos mahulog na ng bigla niya kong siniil ng halik, malalim, mapusok at tila galit. Nasisigurado kong magsusugat ang labi ko dahil sa halik na iginawad niya saakin.

Sinundan niya ito ng mababaw at mapanuyang halik bago humiwalay ang labi saakin "ako?"

"I-ikaw" hinihingal at nanghihinang sagot ko

"Ako lang" madiin na sabi niya habang naka tingin sa aking mga mata "ako lang dapat Annie, say it"

"I-ikaw lang"

Hinalikan niya ang noo ko at labi ng isa pang beses "good"

Matapos ang sandaling iyon, hindi ko alam kung makakaahon pa ba ko dahil...

Tuluyan na kong nahulog