"AHHHHH!"
Habang nag hahahap ng card narinig ni Kenny yung sigaw at sa hindi kalayuan ganoon rin si Thew.
"Barbie?" Anila sa mag kaibang lokasyon.
"Sino?" Ang tanong naman ni Quinley kay Kenny dahil ito ang kasama nya bilang sya ang naatasan ni Manix na umalalay dito dahil injured.
"Si Barbie baka kung ano ng nangyare sa kaniya."
"Ha?"
Hindi naman pinansin ni Kenny si Quinley.
"Teka lang!!! Hoy!!! Kenny!!!"
Sa magkaparehong oras naman hinanap na rin naman agad ni Thew si Barbie at nakasalubong n'ya si Jemie.
"Si Barbie? Ka group n'yo s'ya di ba? Nasan na sya?"
"Ha? Kasama n'ya si Sam nag hahanap ng card."
"Saan sila nandoon?"
"Hindi ko alam by 2 pairs kasi ang paghahanap namin kasama ko si Dana..." pero pag lingon n'ya sa likuran... "eh? Dana? Nasan na yon? Nakita mo ba?"
"Tsk! Dyan ka na nga! Hahanapin ko si Barbie."
"Sandali lang... Bakit ba hinahanap mo si Barbie? Hindi ka naman namin ka group. Tsaka gusto mo bang ma violate ka hindi pwedeng mag sama ang mag kaibang group kung hindi naman kailangan."
"I don't care! Narinig ko si Barbie na sumisigaw kanina kaya nag aalala ako."
"Ano?! Bakit? Nasan ba sya?!"
"You said kasama n'ya si Sam so don't worry ako ng bahala sa kaniya hanapin mo nalang ang kasama mo baka kailangan ka nya, Mr. Student Council President." Then he smirked and left.
"Ho— Hoy!!! Thew!!! Bumalik ka dito!!!"
Bigla namang lumitaw si Dana na humahangos.
"Captain... andito lang pala kayo narinig n'yo ba si Barbie? Sumigaw s'ya eh baka kung napano na naman sya."
"Hindi, pero teka nga bakit ba ngayon ka lang? Hindi ba sabi ko sayo wag na wag kang lalayo sakin!"
"Ah... Eh... natanggal po kasi ang sintas ng sapatos ko tapos nung natapos ako mag ayos ng sintas ko eh... wala na kayo sa paligid ko. Pero, hindi na po yun ang importante ngayon dahil baka napahamak na naman si Barbie."
Bigla namang nag bend down si Jemie at nagulat si Dana na inayos nito ang sintas nya na natanggal palang muli.
"Gusto mong hanapin si Barbie eh ni hindi mo nga kayang ayusin ang knot ng shoes mo." Sambit ni Jemie na inayos ang tali ng shoes ni Dana.
Thud!
"Aray..." Reaction ni Dana dahil nga nakatungo sya tumama ang ulo ni Jemie sa noo nya.
"So— Sorry..." Sambit ni Jemie na hinipan ang noo ni Dana.
Samanatala huminto naman ang mundo ni Dana sa ginawang iyon sa kaniya ni Jemie.
Pero sa isip-isip ni Dana habang concern sa kaniya si Jemie na hinihipan nga ang noo nya. "Ang fair ng color ng skin nya ang ilong ang tangos ang eyelashes ang haba sobrang perfect ni Pres. Jemie totoo ngang sya ang fairy ng AGA. Gagaling lahat ng nasakit sayo mahawakan kanilang ng malambot nyang kamay kahit yung hininga nya ang perfect din ang bango."
"Dana? Hey!"
"P— Po?"
"Ano gusto mo bang bumalik na tayo sa tent para malagyan ng cold compress yang bukol mo!"
Tinago naman ni Dana ng bangs ang bukol nya at nahiyang bigla kay Jemie.
"Ahm... okay lang po ako tara na hanapin na natin si Barbie."
Nauna na si Dana pero biglang nag madali si Jemie at hinawakan ang kamay nito.
"Baka mawala na naman kita mahirap na parehas na kayong dalawa ni Barbie ang hahanapin ko."
Gulat na gulat naman si Dana at nag sawalang kibo at umayon nalang kay Jemie.
***
Sa pagsigaw na yon ni Barbie na ang akala ng lahat ay nasa panganib sya ay kabaliktaran pala dahil nakarami sila ni Sam ng hanap ng cards.
"Ayos! Matutuwa satin si Senior nito ang dami nating nakuhang cards." Sambit ni Barbie na ginagawa pang pamaypay ang nga cards.
"Pero hindi ka ba nagtataka?"
"Ha? San naman?"
"Tignan mo ha, kanina nung may una tayong nakitang card naging sunod-sunod na tapos nagkakatabi pa? Parang imposible namang ilalagay ng mga teacher ang mga cards sa iisang lugar? Parang unfair naman yun sa ibang group di ba?"
Barbie bonked the cards to Sam's forehead.
"You think too much. Hindi imposible yon swerte ang tawag dun gagi!"
"Ewan ko ha. Pero feeling ko may tumutulong satin. Well, sayo lang pala."
Napatingin si Sam sa likuran nila at nandun parin sila Aljon.
"Pinagsasabi mo? Bakit ba ayaw mo nalang na maniwalanna swerte tayo? Tsaka lima lang naman ang cards natin kaya sure naman akong maraming cards na pinakalat ang mga teachers kaya bumalik na tayo baka okay na to."
Nakatingin pa rin si Sam kila Aljon habang kausap si Barbie "sige bumalik na tayo."
Pagkaalis nung dalawa... Naiwan sila Aljon at Marvick.
"Vick!"
"Senyorito?"
"Call Ms. Jena tell her na mag pa deliver ng food dito."
"Po? Pero bawal po nasa camping po tayo Senyorito."
"Then, anong kakainin ko?!"
"Po?"
"Remember, binigay natin ang mga cards na nahanap natin kila Barbie? Ano ngayon ang magiging pagkain natin? Ha aber?"
"Pero yun naman ang inutos nya sakin. Tapos ngayon mag rereklamo na wala kaming kakainin." Pabulong na sambit ni Marvick.
"I heard you."
"So— Sorry po."
"Tsk! Sabihan mo sila Hardee na kapag wala silang nahanap na card humanda sila sakin!"
"O— Opo Senyorito."
"Nga pala, yung intimate na moment namin kanina ni Barbie nakunan mo ba?"
"Intimate moment? Pero Senyorito... hinawakan nyo lang naman ang mga kamay ni Ms. Barbie nung muntik na syang madulas. Niyapakan nya pa nga ang paa nyo kasi kala nya manyak kayo."
"Masaya ka na nyan? Well detailed ah! Baka gusto mong mag munggo nalang buong taon."
"Se— Senyorito naman wag naman pong ganyan. Pero may picture po ako dito ni Ms. Barbie."
"Really? Where is it? Lemme see."
"Nasa phone ko po kaso nasa tent po..."
"Tsk! Teka bakit may picture ka nya? Close kayo?"
"Hi— Hindi po sabi nyo po kasi "Vick, check her background" nagkataon lang pong may nakita ako pic nya baka po kasi interesado kayo."
"Tsss! Send mo agad sakin."
"Pero Senyorito, akala ko po ba gusto nyo lang i-hire si Ms. Barbie as your personal bodyguard bakit parang iba na po yan?"
"I— Iba? What are you talking about? You know me hindi gaya ni Barbie ang type ko."
Marvick sneered and he thought "at kilala ko rin kayo kapag nagsisinungaling nginangatngat nyo ang kuko nyo."
"What? Bakit ganyan ka makatingin?"
"Nothing Sir. Sa tingin ko po kailangan na nating bumalik tapos ako na pong bahala mag sabi kila Harold ng pinapasabi nyo."
"Umorder ka ng energy drink gusto ko yung napakalamig."
"Ho? Pero nasa camping nga po tayo."
"Gumawa ka ng paraan kung ayaw mong mag ang steak ay maging munggo."
Marvick sighed "opo senyorito masusunod."
Sa kabilang banda nagkita naman na si Barbie at Kenny.
"Ano Ayos ka lang ba? Anong nangyare sayo?" Ang pag aalalang sambit ni Kenny at chinecheck si Barbie.
"Anong nangyayare sayo? At yang kamay mo kung san-san na pupunta!" Sambit ni Barbie at tinapik ang kamay ni Kenny.
"Sorry... Narinig kasi kitang sumisigaw kala ko..."
Di naman natapos ni Kenny ang sinasabi nya ng biglang dumating si Thew at nakisingit at gaya ni Kenny ganoon rin ang tinanong nito kay Barbie.
"Sabi ngang AYOS LANG AKO!!!"
Nanahimik namang bigla si Barbie at hinila na si Sam.
"Te— Teka lang!!! San kayo pupunta?" Sambit nung dalawa na nagkatinginan pa ng masama.
Hinawakan naman ni Sam ng mahigpit ang kamay ni Barbie at tinaas ng bahagya na para bang iniinggit yung dalawa.
"Don't worry about her. I can manage..." Sambit ni Sam then he smirked at tuluyan ng umalis kasama si Barbie.
"Aba't! Hoy Sam!!!" Sabay na namang sambit nung dalawa na susunod na sana ng biglang dumating si Quinley na hingal na hingal.
"Sandali!!! Time out naman muna pagod na ko."
"Heh!" Reaction nung dalawa at hinabol na sila Barbie at Sam.
"Teka lang naman!!! Hoy!!! Bumalik kayo!!! Hindi si Barbie ang ipinapahanap, yung card!!! Bwiset!!!"
At the same time...
Sumimple naman si Principal Bruce na makipag usap kay Director Tang habang busy ang mga guro sa pagdating ng mga students...
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa... Tantanan mo si Barbie alam kong iniisip mong anak sya ni Amanda. At sasabihin ko sayo, oo anak sya ni Amanda at wala kang kinalaman sa kanila."
Mr. Tang smirked "oh really? Then why all of a sudden pinapalayo mo ako dun sa bata? Didiretsohin na din kita sino ang ama ni Barbie once and for all? Don't tell me ikaw. Huh!"
Kinuwelyuhan naman ni Bruce si Mr. Tang "sinasabi ko sayo tantanan mo si Barbie wala syang kinalaman sa nakaraan nyo ni Amanda! Nanahimik ang buhay nya wag mo ng gulohin pa." Then he let go of him ng makita nyang paparating ang assistant nitong si Drei.
"Wag mo kong simulan Bruce. Kilala mo ko at alam kong alam mong ayoko ng may inililihim sakin. Kapag nalaman ko na ako ang tatay ni Barbie sinasabi ko sayo kukunin ko sya sayo gaya ni Amanda." He glared at Bruce ng biglang dumating si Drei.
"Director? Ready na po yung... may problema po ba?"
Hindi naman nag salita si Bruce at umiwas nalang.
"Director? Wag nyong sabihin na sinabi nyo na kay Principal na alam nyo na ang katotohanan?"
"What do you mean?"
"Eh? Akala ko po binuksan nyo na yung email nyo?"
"Ano?"
"Sir, naisend na po yung result sa email nyo at nakasaad po doon na tama nga ang hinala nyo anak nyo po si Ms. Barbie kaya nga po kakausapin kayo ni Dr. Baysantos ngayon."
"Wait, are you sure of that? I... Ako talaga ang biological father ni Barbie?"
"Opo Sir. Pero wag po kayong maingay hindi po ba ang sabi nyo secret lang po muna ito?"
"I... I know. It's just that... I... I'm... sobrang saya ko Drei!" Nangingilid ngilid pa nga ang mga luha niya sa labis na kagalakan.
Drei patted Mr. Tang's shoulder "okay lang po yan Sir, dahil ngayon panatag na kayong kayo nga ang tatay ni Ms. Barbie. Ano pong plano nyo?"
"Kukunin ko sya Drei gusto kong makilala nya kong daddy nya. Hindi ako papayag na ilayo na naman sya sakin ng mommy nya. Kaya tawagan mo si Atty. Mendrozo ipaayos mo agad ang mga papers na kakailanganin ko para makuhang ko ang custody ni Barbie."
"Yes Sir. Pero... paano po si Ms. Amanda? Hanggang ngayon po kasi wala pa po kaming lead kung nasasaan sya. Paano po kung hindi sumama sa inyo si Ms. Barbie? Isa pa po si Principal Bruce ngayon ang legal guardian nya baka mahirapan po kayo."
"By hook or by crook, babawiin ko ang anak ko..."
"Anak? May anak po kayo?" Bungad ni Barbie na kinagulat naman ni Mr. Tang. "Sir? Ay, Mr. Director? Ano pong problema? May... dumi po ba ako sa mukha?" Dagdag pa ni Barbie dahil natutulala nalang bigla sa kaniya si Mr. Tang.
Siniko naman ni Drei si Mr. Tang at pumulong "Si— Sir... kinakausap nya po kayo."
At di na nga napigilan ni Mr. Tang ang sarili napaluha na sya habang nakatingin kay Barbie.
"A— Ayos lang po ba kayo?" Kinuha nya sa bulsa yung panyo nya at iniabot kay Mr. Tang.
"Salamat... at pasensya na hindi ko kasi napigilan maluha ng makita ka."
"Po?"
"Ahm... yung anak ko kasi gusto ko ng yakapin."
"Oh... miss nyo na po sya? Bakit nasan po ba sya? Hindi nyo po kasama I mean nasa malayong lugar po ba sya?"
"Hindi nasa harapan ko lang pero hindi ko sya magawang yakapin." Pabulong na sagot ni Mr. Tang.
"Ano po yon? Ang ingay po kasi ng mga students."
"Wa— Wala... Bakit nga pala andito ka? Kamusta ang nga sugat mo ayos na o masakit pa? Gusto mo bang dalhin na Kota sa hospital?"
Napa facepalm naman si Drei at palihim na iniwanan yung dalawa.
"Ah... Eh... Hindi na po ayos lang po ako. Sabi nga ni mommy kulang ang sugat para sa future. Tsaka gusto ko pong personal na mag pa salamat sa inyo sabi po kasi ng kaklase ko kayo po mismo ang tumawag ng rescue para mailigtas kami ni Kenny."
"Wala yon para san pa at ako ang da... I mean ang director ng Academy."
"Ahm... Salamat po ng marami dahil makikita ko pa si mommy."
"Bakit? Nasan ang mommy mo?"
"Ah, nag tatatrabaho po sya sa ibang bansa lam nyo na para po sa future namin single mom po kasi sya eh. Miss na miss ko na nga po si Mommy eh."
"Single mom? Bakit nasan ang daddy mo?"
"Namatay daw po nung baby palang ako kaya lumaki po akong si mommy lang ang kasama."
"A— Ano? Patay na? Eh ano pala ko? Multo?" Pabulong na sagot ni Mr. Tang.
"Ano po yon? Medyo mahina po kasi ang pandinig ko ata? Ang lumanay nyo po kasi mag salita. He... He..."
"A— Ano..."
"Barbie!"
"Tito Bruce?"