webnovel

POWERFUL PRINCESS

Blue_BJAE · Fantasia
Classificações insuficientes
5 Chs

Prologue

"Anak magingat ka doon. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Mami-miss kita." paalam ng ina ni Shaina sabay yakap.

Hinatid na ng kanyang ina si Shaina sa station ng bus patungong maynila. Upang doon magaral at magtrabaho Kahit masakit sa kanyang kalooban na malayo sa kanyang pinakamamahal na anak ay pinayagan niya na rin ito na pumunta ng maynila.

Nang nakasakay na si Shaina sa bus tinignan na muna niya ang mukha nang kanyang ina bago umalis. Hindi inalis ni Shaina sa ina ang tingin hanggang sa hindi niya na ito nakita dahil nakalayo na sila mula dito. Pinigilan ni Shaina ang nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata dahil sa tagal ng pag sasama nila ng kaniyang ina ay ngayon lang siya mapapalayo dito. Pinilit ni Shaina na maging matatag dahil para rin naman sa kanila iyon. Sa halip na magmuknok ay itunuon na lang niya ang kanyang sarili sa ibang bagay.

~|~

Habang bumabyahe si Shaina manghang mangha siya sa tanawin ng bawat lugar na dinaaranan nila. Lingid sa kanyang kaalaman mali ang nasakyan niyang bus hindi ito ordinaryo. Imbis na patungong maynila papunta ito sa isang lugar na walang nakaalaman kundi ang mga makakapangyarihan nilalang at mga taong mayroong magic o tinatawag nilang "gicam" ang nagaaral o nakatira dito. Hindi namalayan ni shaina na siya ay nakatulog habang nakasakay sa bus.

****

Naalimpungatan siya dahil naramdaman niyang hindi na umaandar ang bus.Nang dahil sa taranta na baka nawawala na siya ay agad agad niyang kinuwa ang mga gamit niya at bumaba ng bus. Pagkababa niya nagulat siya sa kanyang nasaksisahan.Isang gate na sobrang laki at taas. Naglakad siya sa harapan nito upang silipin ngunit wala siyang makita.

"Nakakatakot naman ng lugar na ito. Ito na ba yung maynilang sinasabi nila sabi nila maganda daw pero bakit ganito ang creepy. " bulong ni shaina sa hangin habang pinagmamasadan ang lugar.

Nagulat siya ng biglang bumukas ang malaking gate at bumungad sa kanya ang isang babaeng May maladyosang mukha...

--

A/N: Enjoy Reading!