webnovel

Please, Laniel

A transexual woman's story

pencoloredman · LGBT+
Classificações insuficientes
18 Chs

XVII.

"SAAN ka... galing?" Napanganga si Risza nang makita niya kami ni Laniel na magkasamang dalawa. Nakangiti at masaya ako na nakayakap kay Laniel. Oo, bobo na siguro ako dahil hindi ko alam ang tunay na nararamdaman ko. Magagalit, maiinis, magtatampo o ano kay Laniel dahil sa inaakto ko pero seryoso na ito.

"Anong ibig nitong sabihin, ha?!" usisa ni Mama.

"Mars, si Laniel at Carina ay ayos na naman. Official na sila. Wala ng atrasan," nakangiting sagot ni Tita Loraine. Kumunot ang noo ni Papa at Mama.

"Ibig ba nitong sabihin ay—" Hindi na naituloy pa ni Papa ang sasabihin nang mabilis na sinagot ito ni Tito Cronus.

"Tama ka! Alam na naming ang tungkol kay Carina. And it doesn't matter. Hindi naman ikasisira ng Sargo's Company iyon. Ang mahalaga ay masaya ang mga bata sa naging desisyon nilang dalawa," Tito Cronus said.

"Ang iintindihin na lang ng mga batang ito ay kung paano nila malalagpasan ang pangungutya ng tao," dugtong pa ni Tita Loraine. Napayakap ako nang mahigpit kay Laniel dahil sa tuwang nakikita ko na masaya ang aming pamilya.

"Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito," bulong ko kay Laniel habang nakayakap sa kaniya.

Ang init na nanggagaling sa katawan ni Laniel ay damang-dama ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa piling niya. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakasuwerteng transexual woman sa buong mundo.

"Carina, if you won't mind," ani nito.

Napatingin ako sa kaniya. "Ano?"

"Magpakasal kaya tayo sa Thailand? Para alam ko na rin kung saan ka binago ng mundo. At least hindi na ako magtatanong na ano bang mayroon sa Thailand ng wala rito sa bansang ito," sagot nito.

"Dito na lang sa Pilipinas, Laniel. Wala naman nakakaalam na transexual woman ako, e. Unless may maglabas." Natawa ako nang bahagya pero nanaig pa rin ang kaba na baka nga mayroon.

"Kung saan mo gusto, Carina, basta maitali ka lang sa akin at maipagsigawan kong pagmamay-ari kita." Matatamis na salita ang tuluyan sa akin na mahulog muli sa kaniya.

Ngumiti ako. "Hahanap ako ng magandang simbahan o kaya simple na lang para sa kasal."

"Ibig ba nitong sabihin ay pumapayag ka na pakasalan ako?" takang tanong nito. Tumango ako bilang sagot.

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, e 'di 'wag na lang." Natatawa ako. Gusto ko talaga ang inaasar si Laniel dahil lumalabas ang guwapong mukha nito kahit na nakakunot na ang mukha.

"Seryoso ako, Carina. Ano?" inis na tanong nito.

"Seryoso rin ako Mr. Mon Laniel... Sargo," sabi ko rito saka bumitiw sa pagkakayap sa kaniya at tumakbo papunta sa dalampasigan. Magdadapit-hapon na kaya naman nagiging kulay kahel na ang kalangitan.

"Hoy! Carina! Bumalik ka rito! Tinatanong kita!" Rinig kong sigaw nito. Nang lingunin ko ay nakasunod na rin pala sa akin. Nahabol niya ako at binigyan niya ako ng isang yakap kaya naman muntik na akong matumba at buti na lang ay sa tubig. Basa ako at basa na rin siya. Sabi ko pa naman din ay hindi ako maliligo ng dagat pero dahil kay Laniel ay nabaligtad ito.

Sinabuyan niya ako ng tubig mula sa dagat gamit ang dalawang kamay dahilan para mapapikit ako. Binawian ko siya pero wala akong laban sa lakas na taglay niya.

Pumikit ako at tumakbo kahit hirap dahil nasa dagat kami at nang mahagip ng kanang kamay ko ang katawan nito ay pilit na binilisan ko ang takbo ko hanggang sa tuluyan ko na siyang maabot at niyakap siya dahilan para mapahinto siya sa ginagawa niya.

"Laniel, this is what I've dreamed. And every gay's dream," sabi ko rito.

"Carina, hindi naman natin hawak ang mundo— hindi natin hawak ang pag-iisip ng bawat tao o sa medaling salita ay ang mga lalaki. Marami ang nagmamahal sa tulad niyo pero mas marami rin naman ang kinamumuhian kayo. Parte na iyan ng mga kakaharapin ninyong problema," sagot nito.

He has a point. Hindi naming hawak ang pag-iisip ng tao lalo na ang pag-iisip ng mga lalaki. Pero hindi ba man lang nila naisip na ang Diyos ay minahal kami ng buo at sila— hindi naman sila Diyos para kamuhian kami. Oo, nagkamali kami pero hindi ba nila naiisip na ang kaligayahan ay isa sa pangangailangan ng tao? It is hard to please them because of their egos.

"Kaya magpasalamat ka sa akin dahil kaya kitang mahalin kahit sino ka pa. You are more special to me. Hindi kaso sa akin kung saan ka nanggaling at sino ka noon. Ang mahalaga ay ang kung sino ka ngayon sa buhay ng guwapo at hot na businessman na si Mon Laniel Sargo." Napahampas ako sa kaliwang braso niya. Tama naman siya pero iba kasi ang pakiramdam ng inaalala ko ang mga malapit sa puso ko. If I am special for Laniel, LGBT is more special to my heart because they're one who taught me to be strong enough.

"Tandaan mo, Carina, na may mga bagay na dapat isinasantabi na lang muna. Isipin mo na lang na balang-araw ay makakatagpo rin sila ng para sa kanila."