webnovel

Platonic Hearts

Meeting her was DESTINY… Becoming his boon companion was a CHOICE… But falling in LOVE with each other was out of CONTROL… Haley Miles Rouge and Reed Evans loved each other but their love is kind of platonic… They don’t realize that they’ve been ignorant of the magic that pulls the beauty of one other and heed the attraction they felt to each other. Love is never as painless as sharing the same track kaya hindi rin nila alam kung pa’no nila ito sisimulan. For them, mas kumportable sila na magkaibigan lang pero lagi silang magkasama. But what if one day, may isa sa kanila ang sumuko para mahanap ang totoong kasiyahan? Will their reach their love or this will be the downfall for the both of them?

Yulie_Shiori · Urbano
Classificações insuficientes
52 Chs

Caleb's Route IV - Connected 

Chapter 40: Caleb's Route IV - Connected 

Haley's Point of View 

  Rinig na rinig mula sa kabilang linya ang paraan ng pagbuntong-hininga ni Mirriam matapos kong maikwento ang dapat kong ikwento. 

"I actually expected that a lot," She paused at tiningnan naman si Jasper na patuloy pa rin sa kanyang pagkain. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, Jasper?" 

  "Wala rin talaga akong ideya na ganoon 'yung nangyari dahil hindi naman nagkukwento si Reed sa akin. Ayoko naman din siyang pilitin." Sabay tusok ng beef niya. 

  Muling ibinaling ni Mirriam ang tingin sa akin habang nanatili lang na nakababa ang aking tingin. "Ano naman sabi mo sa kapatid ko?" Tukoy niya kay Caleb kaya napatingala ako para makita siya. "Ayaw mo ba siyang pagbigyan?" Tanong pa niya sa akin. Wala pa rin naman siyang kaekspre-ekspresiyon habang tinatanong ang katagang iyon. 

  Pagbigyan…? 

  Ulit ko sa kanyang nabanggit. Umawang-bibig ako pero itinikum din para maglayo ng tingin. Bumaba rin ang mga hawak ko sa kutsara't tinidor at napangiti nang mapait. "As if I can do that." 

 

  "I know one of your reason. Pero maliban sa rason na mahal mo si Reed. Ano pa 'yong ibang rason kaya hindi mo magawang pagbigyan both you and my brother to work things out?" Tanong niya, tila parang may hinahanap pang ibang sagot mula sa akin. Ano pa ba'ng gusto niyang malaman sa akin? 

  "Hindi pwede kasi..." I paused. Naalala ko lang ulit 'yong nangyari kay Mirriam kaya napayuko na ako. 

  "No, I'm sorry. Hindi ko na dapat tinanong dahil natural lang na hindi mo magagawang pagbigyan si Kuya for the reason that you still love that person," Tukoy niya kay Reed. "And I know you, madali kang makonsensiya lalo na't tingin mo may masasaktan ka." Sagot niya kaya parang lumuwag 'yong dibdib ko, nabunutan ako ng tinik. "But moving on. Alam ko namang maaayos n'yo 'yan. It takes time. 'Yong sa akin lang, sana magkaroon kayong dalawa ng maayos na pag-uusap para sa huli, wala kayong pagsisihan." 

  Hindi lang ako umimik at tumungo pa nang kaunti. Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pag-ayos ni Mirriam ng kanyang pag-upo. Sandali namuo ang katahimikan. Nag-aalanganin ako kung sasabihin ko sa kanya 'yong iniisip ko, pero! "Mir--" Hindi ko naituloy 'yong sasabihin ko nang bigla siyang sumagot. 

  "Haley." Tawag niya sa pangalan ko na nagpaputol sa pagtawag ko sa kanya. "I want to tell you that I'm okay." Aniya. Umangat ang tingin ni Jasper sa kanya habang nanatili lang akong nakatitig sa screen. 

  Nakababa ang tingin niya. "We didn't talk that much since we're both busy kaya gusto ko sanang sabihin sa'yo, right at this moment that I'm fine." Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin. Doon ko lang napagtanto 'yung nagawa ko. 

  "I miss you so much, Haley." Paglinya ng ngiti sa kanyang labi na nagpabuka sa bibig ko. 

 

  Sinusubukan ko talagang umiwas kay Mirriam. Matagal na. Habang siya, sinusubukan niya akong abutin. 

  Naramdaman ko ang pagsakit ng mata't lalamunan ko. I'm actually trying to forget, all of it to move on.

  Napakagat labi ako. 

  …and Mirriam already knew that. 

  Mabilis akong nagpunas ng mata nang maramdaman ko ang mabilis na pagluha.

  "Hala, Mirri! Pinaiyak mo!" Paghagod ni Jasper sa likuran ko dahil nagsisimula na akong humikbi. 

 

  "I'm sorry. I'm sorry…" Sunod-sunod na paghingi ko nang sorry habang mariin na nakapikit. Wala akong narinig na kahit na anong salita sa kanila, hindi rin naman sila nagtanong kung bakit ako humihingi nang sorry. 

  Subalit alam ko, alam nila 'yong pinaka dahilan ng mga luhang ito. 

That's because we're connected. 

  Kaya patuloy lang ako sa aking pag-iyak. "Ang tapang tapang ng mukha pero iyakin ka naman talaga." Pang-aasar ni Jasper tsaka niya ako niyakap. Naramdaman ko rin 'yung pagtango niya, siguro sumesenyas siya kay Mirriam. 

  At nang sumilip ako sa screen. Nakikita ko rin 'yung pagluha niya pero nandoon pa rin 'yong nakaguhit na ngiti sa kanyang labi hanggang sa labas ngipin niya akong nginitian. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa dibidb ni Jasper. 

 

*** 

  MAGAGAWA MONG magtuloy-tuloy sa destinasyon na pupuntahan mo pero hindi ibig sabihin, makakalimutan mo 'yung mga karanasan na nagbigay sa'yo ng sakit at paghihirap. Nandoon pa rin 'yon sa puso't utak mo pero hindi ibig sabihin, hihinto ka na lang doon at hindi na magpapatuloy. 

  Inayos ko ang itim kong neck tie at pinitik ang buhok ko bago ako nagpameywang na humarap sa salamin. Inayos ko ang bangs ko tsaka ngiting tumango. 

  Kinuha ang aking shoulder bag bago umalis sa kwarto para pumasok. 

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng skirt ko at tiningnan ang sent photo ni Mirriam at Kei sa GC naming tatlo. Nag send si Kei ng dinner niya samantalang walang ekspresiyon na naka peace sign si Mirriam habang on the way sa training niya para sa umaga. 

  Napangiti na lang ako at ngiting nag peace sign para sabihin sa kanila na papasok na ako. Pero wacky face selfie iyon na binigyan din nila ng "haha" react sa photo tsaka ko ipinasok ang cellphone bulsa ng skirt ko. 

  Binuksan ko ang gate ng bahay at tumambad sa akin si Caleb na naghihintay ro'n sa labas. Nakangiti siya at kinawayan ako. "Papasok ka na? Sabay na tayo, commute." 

  Taas-kilay ko siyang nginitian tsaka ako iling na nilapitan siya. 

  Lumipas 'yung dalawang araw na hindi pa rin ako kinakausap ni Reed, at wala na rin talaga akong balak na pilitin 'yung sarili ko lalo pa't siya na rin talaga ang gumagawa ng rason na huwag na akong umasa. 

Sa ilang beses na paglapit ko ay siya namang paglayo niya.

  Kaya naisip ko na, hayaan ko na lamang. Kasi kung gusto niya akong makuha, matagal na sana niyang ginawa. 

  Hinawakan ni Caleb ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa jeep terminal. "Sigurado ka na? Hindi mo siya kakausapin?" Tanong niya at yumuko para masilip ako. "Kasi hindi ako magdadalawang-isip na landiin ka sa harapan niya." 

  Natawa ako. "Are you saying that you're still holding back?" Tanong ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. "Tsaka wala na akong balak," Sagot ko sa tanong niya kanina. "Pero kung sakali man na kakausapin niya ako, didiretsuhin ko na 'yung intensiyon ko gayun din 'yong mga saloobin ko." 

  Pumamilog ang mata niya nang ibalik din niya sa dati. "Hmm, straight-forward, eh?" Reaksiyon niya na may ngisi sa kanyang labi. "Basta sabihin mo sa akin kung ano man ang magiging desisyon mo sa huli, okay?" Naramdaman ko 'yung kaunting lungkot sa boses niya kaya huminga ako nang malalim.

 

  Tumango ako matapos kong magbuga nang hininga. "I will." Sagot ko at naunang naglakad kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa aking kamay. "And…" Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likuran ko't paharap na huminto sa harapan ni Caleb na siyang nagpatigil sa kanyang paglalakad. 

  Tumingala ako sa kanya at seryoso siyang tiningnan. "I have something to tell you." 

  Nakahinto lang siyang nakababa ang tingin sa akin. "Hmm?" 

Reed's Point of View 

  Nagbuga ako ng usok mula sa sigarilyo habang nakatingin sa pangalan ng mga magulang ko na nakaukit doon sa batong na sa harapan ko. Narito ako sa simenteryo para dalawin sila ngayon kahit pa na mag gagabi na. 

  Nakaupo ako sa bermuda grass, dinalhan ko sila ng pagkain. Nakapatong iyon sa gilid habang wala lamang akong imik na nakatulala.

  Pabagsak kong ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng aking tuhod na kanina'y na sa tapat ng aking mukha kasama ang hawak kong isang stick ng sigarilyo. 

Napayuko rin ako dahil sa panghihinang nararamdaman. Ilang oras na rin talaga akong narito at ngayong mukhang uulan nanaman. Wala pa rin sa isip kong umuwi. 

  Mas lalo lang akong mababaliw kapag na sa bahay. Mas mararamdaman ko lang 'yung lungkot. 

  "Mom. Dad." Ang bawat pagtawag ko sa kanila ay siya rin ang kasabay na pagpasok ng mga mukha nila sa utak ko. "I'm sorry… for being a coward 'till now." Pakikipag-usap ko sa kanila tsaka bumagsak ang iilang butil ng ambon. Subalit may nagsilong sa akin sa payong, naalala kong ginawa rin 'yon ni Haley noong ramdam na ramdam ko 'yung matinding kalungkutan kaya mabilis akong tumingala, inaasahang si Haley ang na sa likuran ko nang makita ko si Irish. 

  Nakababa ang tingin niya sa akin. "Hindi talaga kita namukhaan nung una kaya nag-alanganin pa akong lumapit, pero buti ginawa ko." Pagtango ko kaya ibinaba ko na ang tingin. 

  "Oh." Nasabi ko lamang. 

  Lumipat naman siya sa tabi ko. "Hoy, hoy… Wala kang balak na umuwi?" Tanong niya kaya mas tumungo ako. 

  "Bakit ka nandito?" Tanong ko nang hindi sinasagot 'yung tanong niya. 

Naaamoy ko na 'yung lupa dahil sa pagkabasa nito mula sa ulan. 

Mayamaya, baka sipunin na nga ako kung mananatili pa ako rito't magtatagal.

  "Dinalaw ko lang 'yung isa sa kaibigan ko," Sagot niya tsaka ko naramdaman ang paglipat niya ng tingin sa gravestone ng mga magulang ko. "Hmm…" Paggawa niya ng tunog, hindi na niya ako tinanong kung sino 'yung dinalaw ko dahil nakita naman na niya. "Gusto mo bang tumambay na muna sa pwesto namin kaysa 'yong mabasa ka rito? Tutal ayaw mo pa namang umuwi." 

  Sandali akong nag-isip bago ako tumango. 

Irish's Point of View 

  Pagkarating na pagkarating pa lang namin ni Reed sa pwesto. Nag order kaagad siya ng beer, at nakakatatlong can na talaga siya ngayon kaya no doubt, tungkol nanaman 'to kay Haley kaya siya nagkakaganito kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga bago ko siya silipin. 

  "Hoy, Reed. Baka nakakalimutan mong magda-drive ka pa pauwi, ah?" 

  Lumapit naman sa amin si Mickey kung nasaan kami. Nag-aayos na kasi ng mga gamit 'yung mga kasamahan namin dahil magsasara na kami. Maaga 'yung closed ngayong gabi dahil may special occasion pa tomorrow ng afternoon. Kaya kailangan na nilang magpahinga para bukas, maaga rin kaming makakapag prepare. 

  "Bakla, patulugin mo na muna sa 'yo." Sabay baba ng tingin niya kay Reed na patuloy pa rin sa kanyang paglagok ng beer. "Lasing na, eh. Hindi na 'yan makakauwi." 

  Tumutol kaagad ako. "Eh. Hindi pwede, may klase pa ako bukas, 'no?" Ibinaba ko rin ang tingin kay Reed. "Marunong ka ba mag drive ng sasakyan? Ihatid mo naman siya sa kanila." 

  "Gusto ko gurl, pero hindi ako nagda-drive. Ako ang ipinagda-drive, shuta ka." 

  Napakamot ako sa ulo ko at napatingin sa isa sa empleyado na lumapit sa akin. "Ma'am. Tapos na kami mag-ayos. Bukas na lang po ulit." Paalam niya na tinanguan ko. 

  "Thank you! Ingat kayo, ah?" Tiningnan ko 'yung iba pa na nagpapaalam at kinawayan sila na papaalis na ng resto. "Agahan n'yo bukas." Habol kong pasabi sa kanila. 

  Ibinalik ko ang tingin kay Reed na bigla na lang bumagsak ang ulo sa lamesa kaya hinawakan ko ang balikat niya para yugyugin siya. "Hoy! Huwag kang matulog dito! Umuwi ka sa inyo!" Pero hindi na niya nagawang magising at malakas lamang na humilik. "Luh!" 

  "Sige na, doon mo na lang siya patulugin sa kwarto ng kuya mo tutal hindi naman 'yun uuwi ngayon," Kinhua ni Mickey ang kamay ni Reed para maiakbay sa kanya. "Dadalhin ko siya ro'n-- oy, ang bango naman ng papi na 'to." At inamoy-amoy niya ang leeg nito kaya hinampas ko siya sa braso. 

  "Tigilan mo nga 'yan." Suway ko sa kanya kaya nagdikit labi siya. Tumalikod na ako. "Tara na, para naman kasing may magagawa ako." 

  Tumabi siya sa akin at binulungan ako. "Sis, pagkakataon mo na 'to. Minsan ka lang maka mmh" Pag-ungol niya. "…ng ganitong kapapi." 

  "Mickey!" Pasita kong tawag sa hiya kaya humalakhak siya habang nauna na akong naglakad para pumasok na sa loob. 

Dinala ni Mickey si Reed sa kwarto ng kuya ko na katapat lang naman nung kwarto ko. Pinalitan din nito ang pantaas. 

  Lumabas na si Mickey sa kwarto. "Ikaw na bahala rito bruha, ha?" Sabay kindat niya. "Good luck." 

  "Gaga! Mag kaibigan lang kami! Umuwi ka na nga sa inyo!" Pagpapauwi ko sa kanya pero malandi lamang itong tumawa habang naglalakad paalis. "Isara mo nang mabuti 'yung gate pagkalabas mo." 

  "Okay ~" 

  Nagpameywang lang ako tsaka ko tiningnan ang kwarto ni Kuya at pumasok para ma-check si Reed. 

Natutulog na ito kaya hindi ko na siya inisturbo at isasara ko na nga ang pinto nang umungol siya na animo'y parang may masakit sa kanya kaya binuksan ko ang ilaw at dali-dali siyang pinuntahan. "Hoy, Reed! Bakit?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at niyugyog siya sa braso. 

  Nakapikit siya nang mariin nang marahan niyang imulat ang kanyang mga mata para makita ako. Sandali pa siyang nakatitig sa akin nang may banggitin siyang pangalan. "Haley…" Tawag niya ro'n sa babaeng nagugustuhan niya kaya napataas-kilay ako. 

  Nagdidiliryo na yata 'to. 

  "Ano kailangan mo? Gusto mo ba ng tubig?" Alok ko at bumuntong-hininga na umiling-iling. "Kung alam ko lang na ganito ang tama sa'yo, hindi na sana kita hinayaang uminum." Humawak ako sa noo ko. "Gigisingin kita nang maaga bukas, ha? Hindi ka pwedeng magtagal dito dahil maraming marites sa tabi-tabi, kapag nakita ka nila baka iba isip--" Hindi ko pa nga natatapos 'yung sinasabi ko ay hinawakan na niya ang kamay ko para ihila ako papunta sa kanya. Napaluhod ako dahil sa pagkaka out of balance. "Ho--" Nanlaki ang mata ko dahil kaunting kaunti na lamang ay didikit na ang labi ko sa kanya. 

Shet! Ito ba 'yung nangyayari sa mga pelikula at nababasa ko sa manga?! 

  "Haley…" Muling tawag pa niya sa pangalan niya tsaka ko nakita 'yung pagtulo ng luha sa kanyang mata. "Mahal… na mahal kita. Pasensiya na, kung hindi ko magawang masabi nang diretsyo sa'yo." Kumurap-kurap ako bago ko ilayo ang ulo ko sa kanya. 

  "Sabihin mo 'yan sa kanya kapag hindi ka lasing! Tado ka! Napaka ano…" Unti-unti akong napatigil sa pagsasalita ko dahil inangat niya ang kalahati niyang katawan habang nakasuporta lamang ang siko niya. 

Ta's ay hinawakan niya ang likurang ulo ko para muli nanaman akong ihila sa kanya. 

Sa pagkakataon na 'to, laking gulat ko na lang 'yung nangyari. 

  Suminghap ako nang mapagtanto ko sa sarili ko na magkalapat na 'yung labi naming pareho. 

Hi! I know ang tagal nung update ko. :(

I'm sorry, dami lang ding ginagawa at medyo burned out lately.

Haha! But still, thank you for your patience. I appreciate it.

Yulie_Shioricreators' thoughts