Chapter 21. Stupid
"SAYANG naman, hindi tayo natuloy sa Zambales. Ang sabi pa naman ni Cadence, maganda roon. Parang paraiso raw ang hometown niya."
Kasalukuyang kumakain ng almusal, o mas tamang sabihin ng merienda sina Jasel at Vince. Halos kagigising lang niya dahil nakatulog siya kanina sa sobrang pagod. Nang gumising siya ay nakabihis na siya ng mga damit niya at hindi na niya kailangang manghula na binihisan siya ni Vince.
"Who's Cadence?"
"Ah, hindi mo pa siguro siya nami-meet," nilunok niya muna ang pagkain at uminom ng malamig na pineapple juice. "One of my staffs. Mid-shift siya, sila ni Leira."
Naningkit ang mga mata nito. "He's a guy?" paninigurado nito.
Tumango siya.
"Why would he talk about his hometown to you?"
"Napagkwentuhan lang namin ng mga staffs ko nang minsang lumabas kaming lahat. Caruso was born in Misamis Oriental but raised in Manila, Chaye's from Aurora, pinsan ni Ice. Iggy's from Makati, Arielle's from Batangas while Mocha was born in the United States, pero rito sa Manila lumaki."
Mahilig talaga siya sa mga lugar kaya sa tuwing may makikilala siya ay agad niyang tinatanong kung saan nakatira ang mga ito. At isa pa, may alam na rin siya tungkol doon dahil nakalagay naman sa resume ng mga staffs niya ang basic information na iyon nang mag-apply sa shop niya. Sinigurado rin kasi niyang malapit lamang ang location ng mga h-in-ire niyang mga staffs sa shop.
Napanguso ito, tanda na naniniwala pero nahihiya dahil pinagselosan nito ang maliit na bagay na iyon.
"Ka-cute mo!" Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito.
"Kumain ka na nga," saway nito pero nagpatuloy siya sa pang-aasar.
"Hay, bakit ba sinayang natin ang mga taon? We shouldn't have broken up, you know?"
Sumeryoso ito at mataman siyang tinitigan.
"Ano ka ba? Huwag ka nang tumitig ng ganyan. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko," she joked about it so he wouldn't get real serious and would feel guilty about the past again. Pero kahit wala yatang gawin ay ganoon at ganoon pa rin ang magiging reaksyon niya rito.
"I was stupid for leaving you."
"Buti alam mo." Sumubo ulit siya ng pagkain at tumingin ulit kay Vince. Hindi pa rin nito inaalis ang titig sa kanya. Nang malunok ay nagsalita ulit siya, "Alam mo bang pinahanap kita kay Stone noon?"
Mataman lang siya nitong tinitigan.
"But he didn't help me. Said he won't find a shithead like you." Natawa siya pagkasabi niyon.
"I also asked him how do you do, but my cousin said you already have a boyfriend. At wala akong karapatang magtanong dahil ako ang umalis. Ako ang nang-iwan."
Ngumuso siya. "Marami," amin niya. Hindi na pinansin ang huling mga kataga. Ayaw niyang sinisisi nito lagi ang sarili.
Napamura si Vince. "I don't want to talk about your exes."
"But I want to talk about a particular ex of mine."
"Don't torture me."
She laughed out loud. "Ikaw ang gusto kong pag-usapan natin. Bakit hindi mo sinabi sa aking pinsan mo si Stone noong una pa lang? Kung hindi pa sa plano mong papuntahin ako sa bahay ninyo, hindi ko malalamang magkamag-anak kayo ng kumag na iyon."
"Why are you curious about Stone? Do you like him?"
"Of course! He won't be my friend if I don't. Huwag mong sabihing nagseselos ka?"
Natawa na naman siya nang umigting ang panga nito.
"We kept in touch for years. Hindi katulad ng ilang mga ahente niya, parang nakalimutan na yatang may kaibigan pa silang sawi." Tinutukoy niya ang dalawang kaibigan niya pa na nagtatrabaho sa prestigious security agency ni Stone.
"Why did you keep in touch with Stone?" Nangunot ang noo nito. Hindi na talaga ginalaw ang pagkain.
Napakagat-labi siya't nagkunwaring abala sa pagkain.
"Vince, stop blaming yourself for not keeping in touch with me. Tapos na ang lahat ng iyon, okay?"
Tumango ito. Hindi naman na siya pinilit ni Vince na magsalita tungkol sa kung bakit hindi naputol ang komunikasyon niya sa pinsan nito habang kumakain siya. Iyon nga lang, pagkatapos na pagkatapos ay binalik nito ang usapan.
"Why did you?"
"I feel sticky. Magsa-shower muna ako," palusot niya. It was because she woke up while he was lapping her down there. Until now, her womanhood was still aching to be pleasured. He also did dry humping to her while he was on top of her, then splashed his sticky fluids all over her body. Napahagikgik siya nang mapagtanto kung gaano sila kapusok. Daig pa nila ang mga nagmumurang kamatis.
She never thought that it would still be pleasurable without penetration at all. Pero syempre, mas iba pa rin talaga ang ginawa nila kanina. Full package. She just hoped that tomorrow she wouldn't be sore anymore so they could make love all over again. She just could not stop herself from thinking about worldly things.
Lumambot ang ekspresyon nito. "I'm sorry, hindi yata kita nahilamusan ng maayos."
Napakurap-kurap siya. Parehas sila ng iniisip.
"I only used the wet tissues, remember?"
Sabay silang natigilan nang maalala ang nag-aalab na pinagsaluhan nila kaninag umaga. Napansin niyang pumula ang tainga nito at mukha habang siya naman ay ramdam din niya ang pamumula ng buong mukha. Uminit na naman ang pakiramdam niya lalo na nang imagine-in niyang maingat na pinupunasan ni Vince ang katawan niya habang lupaypay at dinarama ang ligayang pinagsaluhan nila.
Tumikhim siya at tumayo, nagpanggap na abala sa pinagkainan.
"Ako na," awat ni Vince at napakislot siya nang magdainti ang mga braso nila.
"Ang libog natin, 'no?" biro niya, pilit na tumawa.
"Your words, Jasel."
"Bakit? Matanda na tayong pareho. I am twenty-six, and you're turning thirty-two." Saglit siyang natigilan. Ganoon din si Vince, mukhang pareho sila ng naiisip.
"Ang tanda na pala natin. Dapat may mga anak na tayo."
"Ikaw kasi, ang tagal mong mag-aral."
"It takes years to become a neurosurgeon."
"And I'm really, really proud of you."
Sa kanilang magka-kaibigan noon college ay si Vince ang pinakamatanda. Kaya nga naging magkaklase sila ay dahil may bagsak itong ilang subjects noon, at noong first year siya't Nursing ang kurso, ay nakaklase niya nga ito at ang iba pa nilang mga kaibigan.
"Hindi na ako demure katulad noon."
"If that's true, then why couldn't you make a first move?"
Nangunot ang noo niya. "Didn't I do that on the bathroom? Nakalimutan mo na agad?"
Nangislap ang mga mata nito. "Oo nga pala. It felt surreal so I was still thinking if that really happened or was just a dream."
"A dream? You dream about fucking me?"
"Making love, baby," he corrected.
Napalunok siya. Mukhang mula ngayo'y mapapanaginipan na rin niya ito habang nasa sariling kamunduhan sila.