Chapter 5. Sky
"DADALHIN kita sa ospital."
"No, I'm fine." Nagpumilit si Lexin na bitiwan na siya ng delivery guy na ito. Mukhang nakaramdam naman at ibinaba na siya.
"You should report this to the authority," his baritone was really giving her chills. The sensual way. She immediately stared at his eyes and noticed that he was wearing contact lenses. Bluish-green in color.
So beautiful eyes. The Sandoval heir's dark eyes suddenly flashed in her mind. Napakurap-kurap siya.
She shook her head to shove those thoughts away. But he may had thought that that was her response when he said she should report to the police.
"No, I'm fine. Really. Uh, thank you..." ulit niya at nagbaba ng tingin. At ngayon lang niya napansin na maganda pala ang uniporme ng mga taga-FastEx. Their uniform was kind of... hot. Nag-angat ulit siya ng tingin at tila tuksong natigil ang paninitig niya sa mapupula na nitong mga labi dahil sa pinagsaluhan nilang halik kani-kanila lamang. "...Sky," she murmured the name that she read on his name plate.
Ito nama'y nanatiling seryosong nakatitig lamang sa kaniya, parang ine-engganyo siyang isumbong sa awtoridad ang tungkol sa nangyari.
"Is that your real name?" It's not like she's avoiding what he suggested. She was really curious.
Bahagya itong tumango. Nangunot ang kaniyang noo. She's really seeing someone from him.
"I don't want to be rude, but can you go out now? May aasikasuhin pa kasi ako. Aalis ako maya-maya, baka umuwi ako sa amin o baka tumuloy na lang ako sa lakad ko." Why am I explaining?
"Saan?"
"Sandoval Hot—" Siya mismo ay natigilan dahil sa agaran niyang pagsagot sa tanong nito. She wasn't like that. She didn't usually answer to any questions. Lalo na kung sa isang estranghero.
Tumango lamang ang huli.
"S-sige. Salamat sa pag-deliver. Though, I wasn't really thankful because of what happened. Sige na. I want some time alone."
Napalunok pa siya nang hindi ito natinag. Ganoon ba ang lahat ng mga delivery guys? Mukhang masungit, gwapo, matipuno, at... nanghahalik na lang bigla? Take note, magaling humalik.
Agad na umiling siya para iwaglit ang nangyari sa kaniyang isipan. Wala lang ang halik na iyon. Para sa kaniya naman kaya siya biglang nahalikan. Pero... pwede namang hindi na nanghalik, hindi ba?
"I'll go now, then."
Naputol ang pag-iisip niya sa pagsasabi nito na aalis na. Bakit bigla ay parang ayaw na niya itong paalisin? Bago pa makahuma ay ito na ang tumalikod at tumahak sa daan papalabas ng kaniyang unit.
Halos ilang minuto rin siyang nakatulala habang nakasandal sa pader. Ang daming bagay ang naglalaro sa isipan niya. Nang maalala ang mga magulang ay kaagad na kinuha niya ang cellphone at tumawag sa kanila. Ang isa sa mga kawaksi ang sumagot.
"...wala po sina Ma'am at Sir. May pinuntahan po yata. Baka mamayang gabi na makauwi," pagbibigay-alam ng huli sa kaniya.
Nagpasalamat siya rito at tinawagan naman ang cellphone ng kaniyang ina.
"O, Lexi, bakit ka napatawag?" Medyo nagulat ito. Hindi kasi siya palatawag. Kadalasan ay siya ang kino-contact ng kaniyang mga magulang.
"Kumusta naman po, 'My?"
"May sakit ka ba?" Bakas ang biglang pag-aalala sa boses ng kaniyang ina.
Bahagya siyang natawa. "Wala! Na-miss lang kita."
"Are you sure? You usually miss me, us, whenever you're sick, Lexi."
Ngumuso siya. Her mom really knew whenever something was up.
"Anak, pupuntahan kita ngayon."
"Huwag na, 'My. Uuwi na lang po ako mamaya, mag-dinner tayo sa labas kasama si Daddy."
"Sigurado ka? Pupwede naman akong magpaalam sa Daddy mo ngayon para mapuntahan kita."
"Huwag na nga, 'My. Magkita na lang tayo mamaya. Nasaan ba kayo?" pag-iiba niya sa usapan.
"Ah, naisama lang ako ng Daddy mo sa lunch meeting niya, rito sa Marciano Golf Field. Pinakilala ako sa mga asawa ng ilang business partners niya."
Napatangu-tango siya kahit hindi naman siya nakikita ng nasa kabilang linya. Ilang saglit pa ay nagpaalam na siya.
Nilapitan niya ang parcel na natanggap niya kanina. Hinagis lang iyon ng delivery guy malapit sa lamesita. Natigilan siya ng maalala ang pangalan ng lalaki. Sky.
Paulit-ulit na namutawi sa kaniyang isip iyon hanggang sa may maalala.
Agad na pumwesto siya sa sofa-bed at binuksan ang laptop. She searched for a particular name from the previous documents that she was reading.
Kieffer Skyler Sandoval. Kieffer Skyler. Skyler. Sky.
He had the same name with her target. But again, that was impossible. Ilang beses na niyang nakita si Kieffer Sandoval at malayong-malayo ang itsura ng lalaki kanina kaysa rito. She knew Kieffer, she always fantasised him. And yes, they almost had the same physique, but to think that they're the same man, was way too impossible. Ano nga ba naman ang mapapala ng isang businessman at hotelier sa pagiging delivery guy? That name must be a pure coincidence. Besides, Sky was a common name now.
Nagbalik ang tingin niya sa maliit na kahon at naningkit ang mga mata niya nang may mapansin sa loob niyon—isang susi? Nilapag niya ang laptop sa lamesita at lumapit sa kahon, pilit niyang inignora ang litrato ng kaniyang mga magulang. At hindi nga siya nagkamali nang makita ng malapitan ang nandoon. Isa nga iyong susi.
"Para saan naman kaya ang susing ito?" Nagtatakang-bulong niya sa sarili. She took a photo of it and sent it to Nikolaj.
She then typed in a message:
I received a parcel just a while ago. There was a key inside. Sila ba ang nagpadala nito?
Nagtagis ang bagang niya nang mai-send ang mensahe kay Niko. Posibleng may kinalaman nga ang mga taong iyon sa natanggap niyang package ngayong araw. But she didn't want to just jump into any conclusions without finding out who sent the parcel. That couldn't be them. They promised not to touch her family as long as she followed every damn thing they wanted her to do.
"I ALREADY delivered the package. But why did it have to be like that? Takot na takot siya kanina pagkakita niya roon."
"Ano naman ang nakakatakot sa isang susi at crotchless panty? Why? Didn't you fuck her?"
"Fuck you!" mura ni Sky sa katrabaho niyang si Hue. He was his partner in that mission. If it wasn't them who sent that package, then, who? Pero sigurado siyang galing iyon sa kanila. He saw the key inside the parcel. Kaya nga ba nag-abala pa siyang ipasok iyon sa loob ng unit ay para mapansin pa rin nito ang laman doon maya-maya. Bukod sa litrato at duguang balisong.
He kept still while thinking about the woman. He didn't want to believe that she's one of his jobs at that moment. She looked so fierce but not devilish. Parang ayaw niyang paniwalaan na kasama ang babae sa gumagawa ng kung ano-anong labag sa batas.
"Mukhang naka-iskor ka nga. Lutang ka na naman, eh. Matinik ka talaga!"
He only raised his middle finger to Hue and he focused on the road. Minamaneho kasi niya ang delivery truck na gamit niya kanina nang ihatid niya ang package.
He remembered the way her softness touched his now tanned skin, how he wanted to comfort and embrace her when he felt her trembling out of terror, and how did she slowly calm down when he finally claimed her mouth. How he tasted her soft and addicting lips. If she only didn't came back to her senses, most probably, she wouldn't only calm but would also cum under him. Muntik na niyang makalimutang nasa misyon siya kaninang inaalu niya ng balingkinitang babae.
"Stop the damn truck now! I will drive!"
Nagbalik ang diwa niya kay Hue na halos magsalubong na ang mga kilay sa pagkakakunot. Nawala na ang nang-aasar nitong mukha dahil mukhang yamot na yamot ito. Nagtatakang pumreno naman siya sa gilid ng kalsada. "Bakit?" iritadong tanong niya.
"Ang bagal mong magpatakbo! Hindi ka ba marunong magmaneho ng truck? Dapat sinabi mo, nang ako na lang ang magmaneho kanina pa. Mas mabilis pa yata ang bisikleta kaysa sa takbo natin."
Umigting ang kaniyang panga. Sa kaiisip niya kay Lexin Osmeña ay hindi na niya namalayan ang ginagawa. They must finish this job at once so they could proceed with the next one. Tila tukso namang nagbalik sa kaniyang isipan ang suot nito kanina. Hindi ito naka-sexy costume o kahit ano'ng magpapa-tigger sa sexual kinks niya, pero...
Agad na umiling siya nang unti-unting maramdaman ang pagsikip ng suot niyang pantalon. Hindi maganda ang kutob niya sa babaeng iyon. Mukhang sanay na sanay mang-akit.