Chapter 5. Old Friend
MONTHS after, Jase stillcould not believe that her brother was madly in love with her best friend, but that would be really complicated because aside from Ice was still moving on with her ex boyfriend, she had a fiancé already. Pero base naman kasi sa kwento nito noon, pinagkasundo lang ang dalawa, at never pa nitong nakita ang lalaki. Napaka-imposible naman niyon, hindi ba?
Until their boss told Ice to take a break, binigyan nito ng one-week leave si Ice. At habang wala ang kaibigan ay may mga taong dumating, hinahanap ito. Sinadya pa talagang mag-check-in sa hotel para lang makapagtanong-tanong kung nasaan si Ice.
"Excuse me, Sir, I am the manager here. May nakapagsabi po sa akin na hinahanap n'yo raw po ang isa sa mga empleyado namin?" Naiinis man ay magalang pa rin siyang humarap sa isang lalaki na nasa lobby.
"Wala raw rito si Ice. She's on leave."
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. She crossed her arms and turned to look at him.
"My, my, my... If this isn't Sinned Immanuel. Kumusta, my devil incarnate friend?" Nakataas ang kilay niya nang pasadahan ito ng tingin.
"Jasel?" nagtatakang-tanong nito. She wanted to shrieked and hugged him out of excitement, but she stayed still. Mas kuryoso siya kung bakit hinahanap ng mga ito si Ice.
"Hinahanap n'yo raw ang best friend ko, Attorney?" Diniinan niya ang salitang best friend. Nakuha na niya agad na ito ang kasama ng lalaking nagtanong tungkol kay Ice.
"Best friend?" Bakas ang pagtataka sa mukha nito. "Damn that painter!" Marahas itong napamura habang siya'y nagtaka.
"Painter?" She raised an eyebrow.
"Nah. What are you doing here—Oh, yeah. Why did I forget about you? You work here. I could've just asked you."
"Wala akong maintindihan, but, let's go to my office. Nakakakuha na tayo ng atensiyon dito." Nasa lobby kasi sila at agaw-pansin naman talaga sila.
Nang nasa opisina ay inilahad ng mga ito ang dahilan kung bakit hinahanap ang kaibigan niya.
"So you're her fiancé, huh?" she sarcastically remarked.
Before her friend could answer, one of Ice's brothers interrupted. "I'm sorry, but I should leave now. Ikaw na ang bahala rito, Sinned. Let's meet later." Nagmadali itongumalis; hindi na nag-abalang sabihin ang dahilan kung bakit.
Tumango ito. "So, help us, okay?"
"Nasaan ang manners mo, Sinned?"
"Please?" he pleaded even if his facial expression did not show it. He looked heartless just as how he normally looked like. "In return, I'll tell you where Vince is—"
"Don't bother. Ni hindi mo nga nalamang magkaibigan kami ni Ice."
Kumunot ang noo nito, at natawa na lamang siya nang sabihin nitong hindi lahat ay sinabi rito ang mga impormasyon tungkol sa fiancée nitong hilaw.
"Bakit hindi na lang ikaw ang nag-imbestiga?"
"Because I trusted him. Matinik na imbestigador iyon kahit minsan ay mukhang basahan ang suot, na parang gula-gunalit pa."
"Hindi ba iyan paninirang-puri, Attorney?"
"Stop that."
"Why? You're really a lawyer. I still couldn't forget that first case you handled—"
"So, you're going to help me, right?"
"Ay, ang bastos po ni Attorney Hipolito."
"Jase, I'm not in a mood for your jokes now."
"Kasi kulang ang ibinigay na impormasyon sa iyo, ano? Alam mo kasi, sana, umaksiyon ka na kaagad. Sa mga babae ka lang kasi magaling."
Wala man lang itong naging reaksiyon.
Tinanong na lang niya uli ng mga bagay-bagay. Napangiti siya nang malamang nagtatrabaho nga talaga ito bilang bodyguard sa itinatag na agency ni Stone isang taon matapos silang mag-aral. The prestigious security agency really suited her college boy friends.
"Si Bobby ba, kasama ninyo?" Though, she never liked him even before, maybe he'salready a changed person now, huh?
"There's no way he'd be working with us. Dapat nga,mabulok na lang siya sa kulungan."
Nangunot ang kanyang noo. "Ano'ng nangyari?"
"He's a conman. Very cunning. He seduces rich old women and gays, then, would scam them."
Napangiwi siya. May dahilan naman pala kung bakit mabigat ang dugo niya rito noong nag-aaral pa sila.
"Huwag mong kalilimutan ang usapan natin, ah? Then, I'll tell you where Vince—"
"I said, don't bother!"
Nakaloloko itong tumawa saka na siya nilayasan. Bakit ba pilit na bumabalik sa sistema niya ang pangalan ng lalaking iyon kahit na ilang beses niyang itinaboy?
Anyway, few days after, they carried out the plan to make her brother and her friend go back home. At nang kausap ng mga ito ang kuya niya ay mukhang gusto na niyang bawiin ang pagpayag niya sa plano ng mga kuya ni Ice. Kung bakit ba naman kasi nagtanan ang dalawa ang tanda-tanda na!
"It's just a matter of time and they will be back in here. Hindi puwedeng lumayo sila. We promised mom we'll bring Ice back home by the weekend," anang kuya ni Ice na si Fran.
Napanguso siya."Bakit kasi hindi n'yo pa inamin noong makita niya kayo?"
"Nabigla kami. At ang sarap asarin ng kuya mo. Alam ko na kung kanino ka nagmana." Sinned jokingly poked the tip of her nose. They only met her brother once, or thrice before. Hindi katulad ni Vince na naging magkaibigan pa ang dalawa.
Bumukas ang pinto ng kanyang condo at si Stone ang pumasok. Kinausap din pala ni Sinned na tumulong sa plano. Magpapanggap naman daw itong bodyguard ni Ice.
"I knew there's something wrong when my client called me. Kayo pala ang may pakana niyon."
Ngumisi lang si Sinned; ngumisi rin si Stone bago nagtanguan ang dalawa.
"Grabe, ngisihan lang, nagkaintindihan na kayo ng kaibigan mong ito," naiiling na komento niya kay Stone.
"Parang itinatakwil mo na kami sa friends list mo, ah?" si Stone.
"Matagal na!" she joked about it.
And just as planned, hindi na nga natuloy abroad ang dalawang nagtanan. Gusto niyang matawa sa desisyon ng mga ito. Ang tanda na kasi para sa pagtatanan.
Pero hindi niya magawang tumawa. Kung hindi pa hinuli ng kuya ni Ice ang atensyon niya ay hindi siya makikinig sa pagkuwento nito tungkol sa kabataan ni Ice at hindi rin matatawa.
Nasa condo unit niya sila at doon hinihintay ang pagdating ng mga hinihintay nila.
"Ano nama'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" she asked Sinned.
"Law firm."
"Tipid ng mga sagot, ah? Pero, ang galing mo pala talagang abogado, ano? Buti napaniwala mo sila na bodyguard ka?"
"Bodyguard naman talaga ako."
"Seryoso nga?" Well, she remembered he's his childhood sweetheart's bodyguard... But that's all. Hindi niya alam na pati ibang tao ay binabantayan nito.
Hindi naman na ito kumibo.
Pero hindi siya natinag. "Akalain mo, abogago ka na nga, abogado pa! Two in one, 'no?"
He raised his middle finger to her.
Tumawa lang siya. "Ikaw naman, Stone? Congrats, ah! Natatag mo na pala ang dream agency mo."
Ngumisi ito. "Kunwari ka pang hindi mo alam, lagi naman tayong magka-chat."
She rolled her eyes on how sarcastic he was.
"Just get straight to your question, Jase. I know you want to ask about my cousin."
"The fuck are you talking about?" Tumaas nang bahagya ang boses niya.
"Kababae mong tao, nagmumura ka," kunwaring kastigo ni Sinned.
"Sino kaya ang mga nagturo sa akin, 'no?"
"Si Vince." Nakakaloko ang ngisi ni Stone nang sumagot ito at nag-high five pa ang dalawa.
Inismiran niya ang mga ito. Bumaling na lang siya sa mga kuya ni Ice para makipagkwentuhan, at nang mawala ang hindi maipaliwanag na kaba sa kaniyang dibdib.