Chapter 3. Hindi
SA isang iglap ay magkapantay na ang mukha nina Jinny at Timo dahil tumukod ang huli. Dahil nahihiya ay hindi siya makatingin ng diretso rito pero parang mali ang desisyon niya dahil nanatili ang titig niya sa zipper ng pantalon nito.
"P-pasensya na." She didn't know why she's saying sorry though.
"No, I'm sorry. Dapat ay tinulungan kaagad kitang makatayo."
She bit her lower lip, then he stoop up and extended his left extremity. Walang sabi-sabing humawak siya sa kamay nito para makatayo na rin niya. "Salamat..."
"I remember where my phone is. Pasensya na sa istorbo."
She cleared her throat and just nodded. Then, the door was opened by their manager.
"Wait lang kasi baka hindi pa tapos—" Hindi na natapos ni Milka ang sasabihin dahil nakapasok na si Bree, habang si Rachel ay nakahawak pa rin sa handle ng pinto.
"Fancy seeing you here, Mr. Estacio," sarkastikong bati Bree. "I thought our meeting was over a few minutes ago."
"Ah, nakalimutan daw niya ang cellphone niya." Siya na ang sumagot.
Timo still explained and apologized right away.
Ilang sandali pa ay nagtaka siya kung bakit hindi pa ito umaalis.
"Aren't you going to leave? Magpapatuloy na kasi ang meeting niyan," nahihiyang bulalas niya't napansin niyang napailing si Rachel habang nakatingin sa bandang kamay niya—nila ni Timo.
She then realized she still didn't let go of his hand... it felt strong and she felt her hand was small compared to his.
"Oh!" she exclaimed the moment she let him go. Her gazes stayed on his hand... wherein his veins were protruding. Kaya pala pakiramdam niya'y nakahawak siya sa matatag na bagay kanina, hitsura pa lang ng kamay nito ay mukhang malakas na.
Muli, ay humingi ito ng paumanhin at umalis na roon.
Sakto namang nagsidatingan ang iba pa at nagtatakang bumaling sa kanila.
"Ito kasing si Jinny, akala ko, may gagawin silng kababalaghan—"
"Sinabi ko namang hinanap ko lang iyong cellphone niya sa ibaba ng mesa, tapos natiyempuhan mo lang na kalalabas ko lang mula sa ilalim ng mesa't nakaluhod... Hindi ko siya niluhuran!" depensya niya.
Tumawa ng malakas si Lana. "Sorry naman, hindi ko mapigilang hindi matawa, eh," anito, marahil ay na-imagine ang sitwasyon. "Teka, sino ba?"
Milka went on telling them about what happened. Napayuko lang siya.
Because at one glance, she looked like she's very ready to give Timo a head a while ago. Kaya ba ganoon na lang bigla ang pagbabago sa mukha nito nang mag-angat siya ng tingin at halos tingalain iyo habang nakaluhod siya sa tapat nito?
"Gosh, my virgin eyes!" biro pa ni Milka.
Hindi na nasundan pa ang usapan tungkol doon dahil pumasok na si Rexton at ang ibang staffs 'tsaka nagpatuloy na sila sa pagpupulong.
Tatlong araw matapos niyon ay naganap ang exclusive interview ng VBS sa bandang Sunshine. And since it's a special segment, it lasted for about an hour and they were comfortable during the whole interview.
She already expected questions about her personal life especially about her Luella but they didn't focus on that. They just asked if it's real that she's a mom and when she affirmatively said yes, they went on to the next queries. Mas nag-focus ang mga ito sa kanilang magba-banda pati na rin sa mga upcoming promotional tours.
She always glanced at Timo who did the interview for the last ten minutes but he's stiff.
She didn't want to be disappointed but that's how she felt. Ni hindi man lang yata siya nito tinapunan ng tingin.
"Dahil ba nalaman niyang may anak na ako?" dismayadong bulong niya.
"Ano iyon?" takang-tanong ni Rachel habang naglalakad sila palabas ng gusali.
"Ah, w-wala, gusto ko lang mag-CR."
Tinanong niya ang staff at itinuro ang left wing ng ground floor kung nasaan sila. Pinanindigan na lang niya ang pagba-banyo.
She sighed as she's already washing her hands.
"Why would I be disappointed? It's not like he's hitting—"
Napakislot siya nang bumukas ang pinto ay bumulaga ang sopistikadang babaeng tila handa nang makibaka. Her brunette long hair had big vurls and she's wearing a heavy makeup. Ang taas din ng takong ng sapatos nito, parang siya ang matitisod sa pagtingin lang sa mga iyon. All in all, she looked like a high maintenance girlfriend.
"Damn that ex-convict!" iritadong bulala nito nang dumiretso sa lababo. Pagkuwa'y tinitigan siya at pinagtaasan ng kilay.
She immediately finished washing her hands and grabbed some tissue paper to dry her hands.
"Gosh, I can't believe that that ex-convict got my slot at the evening news! Ayoko sa late night news, mapupuyat ako!"
Doon lang niya napansin nakasuot ito ng Bluetooth earphone. Akala pa naman niya, naglilitanya lang itong mag-isa kanina. Iyon pala, may kausap ito sa kabilang linya.
Nagkibit-balikat siya at nagpasya na ngang lumabas na. Muli siyang napapitlag nang may humila sa kanya't kaagad naman niyang pilit na binawi ang kamay. Nang mag-angat ng tingin ay parehas silang nagulat ng taong humila sa kanya.
Napamaang lamang siya't hindi makaapuhap ng salita habang nakahawak pa rin ito sa kanya. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa kanyang sistema at sa totoo lang ay parang ayaw na niyang bitiwan siya ng huli.
"Uh, sorry... I thought you're Liann," bulalas nito. "Have you seen a woman wearing a bright red dress?"
Nangunot ang noo niya't nang mahulaan kung sino si Liann ay nag-iwas siya ng tingin. Dalawa lang naman silang nasa restroom, at hinila siya ng lalaking ito sa pag-aakalang siya ang Liann na binanggit nito.
"Oh, the ex-convict has found his new favorite toy..."
Napalingon sila ni Timo sa nagsalita.
"Girl, you should use protection, baka mahawaan ka pa ng STD ng ex-convict na iyan," baling sa kanya ng babaeng kalalabas lang ng restroom. But her mind focused about one thing.
May Sexually Transmitted Disease si Timo Estacio?
Napaigik siya nang maramdamang humigpit ang pagkakahawak ni Timo sa kanya, sa paraang tila kinuyom nito ang palad.
"Aray..." hinaing niya sa maliit na tinig.
"God, sinaktan mo na kaagad, Valentino? Tama nga si Mommy, hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mg taong galing sa—"
"Shut up, Lyannamae!" matigas na sabad ni Timo sa sasabihin pa ng babaeng maarte.
Napalunok siya't napatitig sa mga kamay nila. Mukhang napansin naman nitong nakahawak pa rin sa kanya pero imbes na bumitiw ay niluwagan lang nito ang pagkakahawak sa kanya.
"I h-have to go. Our manager's waiting for me," dahilan niya.
He then let go of her wrist and she walked away as fast as she could.
Girlfriend niya ba iyon? May LQ sila? And what did she mean by he's an ex-convict? What did he do...?
Sobrang daming tanong ang sumulpot sa kanyang isipan at kakatwang gusto niyang malaman ang lahat, lalo na kung ano ang papel ng babaeng iyon sa buhay ni Timo.
A month after, Sunshine's schedule was occupied by their tours. Saglit na nawala sa isipan ni Jinny ang lalaki, pero ngayong nandoon ito sa venue, may nakasabit na I.D. kung saan may nakalagay na 'Media' roon, ay nanumbalik ang lahat ng katanungan niya tungkol dito.
How did he manage to get her attention without doing anything? Hindi siya easy to get... She wasn't that kind of person! Sa rami ng manliligaw niya noon, wala siyang sinagot. Kahit na iyong matagal na nanligaw sa kanya. Kaya nagtataka siya kung bakit gustung-gusto niyang lapitan siya ng lalaking ito, na sana'y kulitin siyang makipagkilala rito o kuhanin man lang ang contact number niya for personal reason—pero hindi naman siya tinapunan ng kahit kapiranggot na atensyon lamang.