Chapter 8. Hans
REXTON coughed while he was driving to the airport. Nasamid siya kaya huminto muna siya sa emergency parking saglit para makainom ng tubig na nasa tumbler niya.
"Magkakasakit pa yata ako," bulalas niya sa sarili.
Napailing siya at minaneho na ulit ang sasakyan para masundo ang kaniyang Tito Harry na nasa Incheon International Airport. He's in Korea for two months now. He went there to be the acting CEO of Montreal International Entertainment Company, o mas kilala sa tawag na Montreal Agency, because his uncle needed to be with his wife in the hospital. Nakunan kasi at pinili ng kaniyang tito na alagaan ang asawa nang mas mabuti.
At dahil nagtapos siya ng may kinalaman sa musika ay hinayaan siyang humalili sa pwesto ng tito niya ng ilang buwan. Pero mapapaaga ang balik nito dahil kailangan niyang pag-aralan ang pamamalakad sa Dela Costa Malls sa Pinas. He's already third year in his business course, and their malls would serve as his advance on the job training in the field. Para kapag nag-OJT na siya sa ay may nalalaman na siya sa trabaho.
"I bet you're missing your child," nakangiting komento ng kaniyang tito nang nasa daan na sila papuntang kumpanya. Doon nito gustong dumiretso dahil maaga pa naman daw. Gustong kumustahin ang mga trainees and employees.
He's excited to go home, too, because he's missing Hans... "And I'm missing my friends, too," bulalas pa niya. "Madalang na lang kasi kung mag-usap kami ni—nila." He almost stepped on the gas as he thought about his childhood friends.
Naisipan niyang tawagan si Mendoza, not Bree, but the eldest, Brian, to ask about his younger sister. Ang huling balita niya ay lumipad daw ito pa-Korea, hindi lang niya natanong kung saan ang eksaktong pupuntahan nito.
Nang umalis siya ilang taon na ang nakalipas ay sa Gapan, Nueva Ecija siya tumungo, dahil doon itinuro ang lead kung nasaan ang nanay ni Hans. But, it's just another false news. Pero nanatili pa rin siya roon para kumalap ng impormasyon, nagpatulong na rin siya sa awtoridad subalit wala rin sa wanted list ang babaeng hinahanap niya.
At that time, Bree thought he went to Japan, when he clearly explained it's just in the Philippines. Pero hindi naman ito nakinig nang ipaliwanag niya ang dahilan.
Lumalaki na si Hans, ayaw niyang lumaki pa ito nang may takot at pangamba siya para rito. Dahil aaminin niyang napalapit at napamahal na siya sa bata kaya gagawin niya ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, na sa paniniwala niya ay ang ina nito.
He was barely nineteen when he had him. He's at the public restroom, washing his forearms because some reckless driver splashed mud on him while he's jogging at the nearby park. It was already midnight but he couldn't sleep that night, so he chose to drive to the nearest park to kill some time. Malawak ang parkeng iyon na dating bakanteng lote, at sa dulo ay matatanaw ang ilog.
After washing, while he's inside the cubicle to pee, someone came in the bathroom so he finished what was he doing quickly. When he got out, the door was shut. He pretended to not care but he alerted himself.
Tumungo siya sa sink para maghugas ng kamay at sumulyap sa kaliwang banda, kung saan hindi alam ng huli kung aatras ba o itutuloy ang gagawin.
Napapitlag ito nang binuksan niya ang faucet. Doon pa lang napansin ang presensya niya.
"Hey, Miss, this is the men's—"
"Shh..." Awtomatikong binawalan siya nitong magsalita. Nang matitigan ito ay napansin niyang nakasuot ito ng scrub suit, marungis ang suot at pawis na pawis. Nababakas din ang takot at pagkabalisa sa itsura nito. She might be younger than how she looked like, or older. He didn't know.
Baka mamaya ay baliw pala ang babae at gawan siya ng masama.
Bahagya siyang napaatras nang lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Save him..."
Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi nito.
"H-he's not dead. I only injected an ample amount of Pentobarbital so he won't be able to cry for a few hours..."
"What are you—"
"I don't have any time! Please! Promise me you'll save him..."
"Fuck! You're crazy!"
Nanginginig na bumalik ito sa pwesto kanina at binuksan ang itim na garbage bag.
"Holy shit!" Nakita niyang may sanggol doon na tila hindi na humihinga. "You killed a baby!"
"N-no! I didn't. I made sure I swapped the drugs! He's only sleeping."
Nagmura ulit siya.
"Please save him, wala siyang kasalanan sa kalupitan ng kaniyang ama. He's already a year old, and his name is Moon Bus—"
"Are you his mother?" He assumed the baby was a boy because of the pronoun the woman was using.
Because of her restlessness, he didn't get if did she nod or shake her head.
"I have to go now. Their people must see me throwing the trash into the river. They might be waiting already."
Nakatulala lang siya nang iwanan nito ang sanggol sa lababo, kinuha ang itim na pastic at nilagay roon ang basurang nasa trash bin ng banyo.
If that woman didn't accidentally meet him at that public bathroom, he's certain that the baby would be left alone in that cold tiled sink, or worse, floor, until the next day, where somebody would surely discover the abandoned baby.
"Fuck!" Napamura ulit siya nang malapitan ang bata at kapansin-kapansin ang pamumutla nito. Kung sakaling wala siya roon ay naisip niyang mahanap man ito kinabukasan ay baka malamig na bangkay na lamang ang bata. He had to move quickly now.
At dahil naka-jacket siya ay nag-tuck in siya't hinigpitang ang pagkakatali ng kaniyang jogging pants, para kapag isinilid niya ang sanggol doon ay hindi ito mahulog.
"Goddammit!" Namuo ang luha sa kaniyang mga mata nang mahawakan at maramdaman ang malamig na balat ng bata. Ni wala itong pananggala sa ginaw kundi ang suot lang nito na maluwang na t-shirt.
Paharap sa kaniyang dibdib niyang pinwesto ang bata, at inayos ang suot na jacket, z-in-ipper niya iyon hanggang sakto lang para makahinga ito. Kung titingnan ay para lang siyang lalaking malaki ang tiyan, kaya kahit may makasalubong siyang mangilan-ngilang tao ay walang maghihinalang may bata.
Pagkalabas niya ng banyo ay tahimik pa rin, at inalala ang sinabi ng babae kanina. Kung sa tabing ilog ito pupunta ay sa kabilang direksyon siya tatakbo. Ilang beses siyang nagmura dahil malayo-layo ang lugar kung saan niya p-in-ark ang sasakyan. Pero naisip niyang mainam na rin iyon para hindi marinig ng kung sino mang kasama ng babaeng hinala niya ay nanay ng bata ang pag-andar ng sasakyan niya.
"Damn it, boy, hang in there..."
Natatakot siyang baka nabalian na ito ng buto o hindi kaya'y hindi na niya mailigtas pa. Adrenaline rush na rin siguro ang nagtulak sa kaniya na magmaneho ng mabilis papalayo roon.
Makailang beses siyang sumulyap sa rearview mirror habang nagmamaneho, at nang masigurong malayo na siya ay tumigil siya sa pagmamaneho para matingnan ang sanggol na. Tinanggal na rin niya ang pagkaka-zipper ng jacket niya para hindi makahinga nang maayos.
Ang sabi ng babaeng iyon ay isang taong gulang na ito, pero parang malnourished.
Suminghap siya nang tila hindi na ito humihinga. Inilapit niya ang mukha nito sa tainga niya upang marinig ang paghinga nito. There was a faint breathing and he immediately called his parents to help him.
Mabilis na pinuntahan siya ng mga magulang. Halos labinlimang minuto lang ay dumating na ang mga ito dahil malapit-lapit naman siya sa mansiyon. At kahit walang eksplanasyon ay tinulungan siya ng mga ito na madala nang tahimik sa ospital ang sanggol na nasisiguro niyang nag-aagaw buhay na.