Chapter 26. Garden
AFTER that night, Romano and Nami decided to stay for one more day. Hindi naman na sila natuloy sa bar dahil nagdahilan na lang siyang pagod na at gustong makapagpahinga ng maaga. Laglag ang mga balikat na pumayag ito. Sa kanilamg dalawa, mukhang ito ang mas nangangailangang makapag-unwind.
Nang nakasakay na sila sa SUV na nirentahan nila ay tinanong niya kung saan sila pupunta. Ang sabi lang kasi nito sa kaniya ay ipagmaneho niya.
"Uuwi ako saglit. Kukumustahin ko si Tatay."
Tila isa siyang teenage boy na kinabahan na parang ewan dahil lang sa pagbanggit nito sa ama.
Get a hold of yourself, man. It's not like that that meeting the parents... Aniya sa isipan.
Naging emosyonal ang pagkikita ng mag-ama. Nanatili na lang siya sa labas ng simpleng bahay. It's an old farmhouse made of fine woods. Naglakad-lakad pa siya at ilang metro lang ang layo sa bandang likuran ng bahay ay napansin niya ang malawak na lupain. Base sa naaalala niya ay isang ektarya iyon.
"So this is their farm..." It's a poultry farm, the chicken houses could be seen where he was standing as well. Sa palagay niya ay likuran ng farm ang bahay, at ang entrance ay nasa kabilang banda.
Nakasangla pa rin iyon sa isang kilala at mayamang pamilya sa lugar. Yet, was still operational, and the twin's father was still the one who's supervising the small farm. At halos ang sweldo ay ipinambabayad upang matubos ang farm.
"Romano..." si Naomi.
Lumingon siya at nakitang papalapit ito. Namumula ang mga mata. "Are you done talking with your father?"
Umiling ito. "Hinanap kasi kita. Pasensya na, nakalimutan kitang papasukin sa bahay."
"It's alright. I purposely didn't go in."
"Ano nga palang ginagawa mo rito? I thought you're inside the car, nagpapalamig. Ang init na kaya." Alas onse na kasi ng umaga at tirik na tirik ang araw.
"Just taking a walk. Ito pala iyong farm ninyo?"
"Yes. Do you want to see it? Or, huwag na lang pala. Mangangamoy-manok tayo." She giggled at her remark that made him rose the side of his lips a bit.
"Bumalik ka na sa loob, hihintayin na lang kita rito."
"Tara na. Natanong din kasi na Tatay kung sino ang kasama ko. He thought we're in a, ano, a relationship."
"What did you say?"
"I... I'm sorry, I said yes. I couldn't say you're Glaze's boyfriend. I don't want to ruin her name more since it seems like he knew that she pretended to be me. I'm just not certain about how did he know."
"Why didn't you tell him I'm your driver instead?"
"Should I? But I already said you're my boyfriend. Hindi iyon maniniwala—"
Natigilan ito nang ginagap niya ang kaliwang palad nito. "What?" he mouthed.
"Why are you holding my hand?"
"I'm your boyfriend. Let's go?" he playfully replied. Bakit tuwang-tuwa pa siya sa pagpapanggap nilang iyon?
Hindi siya sanay na nagmamano, maging sa nanay niya ay humahalik lang siya sa pisngi, pero nagmano pa rin siya sa nakatatandang-lalaki. Napansin niyang may kapayatan ito, hindi lang siya sigurado kung ganoon na ba ang katawan nito noon pa man.
"Napakagandang-lalaki naman ng boyfriend mo, Kasey, bakit ngayon mo lang ipinakilala? Matagal na ba kayo?"
Ngumuso ang huli at gumawa ng dahilan para makalabas sila roon. Tutal ay magluluto pa lamang ang ama nito ay nagpalusot ito na ipapasyal siya saglit at babalik na lang maya-maya.
"You're right. I should've just said you're my driver, or P.A.," bulalas nito habang naglalakad sila.
"Mas bagay itong pagmumukha ko bilang boyfriend kaya hayaan mo na."
Kinantyawan siya nito at pabirong tinampal ang kaniyang braso. "You're so full of yourself! Alam mo talagang gwapo ka, e, 'no?"
"Of course!" he proudly uttered. Sa loob niya ay para siyang batang lalaki na gusto panv makarinig ng puri mula rito.
"If you're going to rank the male agents based on your looks, I think you'd say you're the first in the ranking."
"Nah, I'd say I'm the last though."
"Why?"
Hindi siya sumagot at ngumisi lang. Naglalakad pa rin sila pero hindi niya alam kung saan pupunta.
Natahimik saglit si Nami at ilang segundo pa ay binatukan siya nito at tumigil sila saglit sa paglalakad.
"Ang sadista mo namang girlfriend!" reklamo niya habang hinihimas-himas ang batok.
"You will say you're in the bottom ranking because you're confident that you are handsome, eh?" she's sarcastically blabbering. Sarcastic in a way that she's just kidding.
"So?"
"So even if you're last, you're still handsome."
"Can you repeat that for me?"
"Now, you're fishing for some compliments." Kunwaring ngumiwi pa ang babae kaya mas lumapad ang ngisi niya.
"Totoo naman kasi."
Natatawang umiling na lamang ito at humawak sa braso niya para mahila. Nagpagiya naman siya.
"Saan pala tayo pupunta?"
"We have a small garden here. I just want to check it."
On the other side of the farmhouse, there was a signage, "Grazia's Garden", and there were different kinds of plants and flowers in there.
Nami was teary-eyed as they entered the premises. She was mouthing "whoas" silently and looked really blissful.
"He still takes care of my plants... my flowers..." kagat-labi nitong iginala ang paningin sa maliit na garden. "You know what, Rome? Back when I was a kid, I used to plant here with my dad. 'Tapos, naging busy siya sa farm kaya ako na lang ang nag-alaga rito. Nangamatay lahat."
He kept still, waiting for her stories. He's interested to know more about her. He remembered those late night talks they had before and how she was expressing herself to him comfortably. Nanuyo ang lalamunan niya nang may mapagtanto—nangulila siya rito.
"When I was in high school, dad hired Aling Dalisay to help me grow some flowers and plants. She was exceptionally good at gardening! 'Tapos alam mo ba, kahit na noong naisangla na ang farm, tinutulungan pa rin niya ako tuwing weekends kahit wala nang bayad. Nakakalungkot lang na namatay siya nang inatake sa puso. Kaya, ayun, akala ko noong umalis na ako para mag-Maynila, napabayaan na ito... "
He was affectionately smiling at her when he commented, "You should give your father a big hug later."
"I will. Of course I should."
Iginiya niya itong maupo sa isang mahabang upuan na nandoon. Pinagpag niya muna ang upuang gawa sa kahoy gamit ang kaniyang palad bago ito pinaupo. Maalikabok kasi.
Pagkaupo ay natahimik naman ito; malayo ang tingin.
"What's with the long face now?" he asked.
"Do you think Tatay will go to Manila with me? I've been wanting him to go and live with me."She sighed heavily. "To be honest, I can already redeem our farm now..."
"Pero bakit hindi mo pa tinutubos? Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit nag-iipon ka noon?"
"I just realized I don't want to leave him here. Gusto ko siyang alagaan sa pagtanda niya. 'Kita mo nga, ang payat-payat na." Nangilid na naman ang luha nito. "So I want to pamper him, but I can't do that if he's not with me."
He thought she's going to cry again, but she stopped herself. Pagkuwa'y nagsalita siya, "What if he wants to stay here? To spend the rest of his life in here?"
Natigilan ito. "I haven't thought of that..."
"Paano kung nandito ang mga masasayang alaala niya? That he finds his inner peace here? Hindi mo naman masasabing hindi pa naman niya nasubukang tumira sa siyudad, doon kayo tumirang magpa-pamilya noon, hindi ba?"
Tumango lang ito.
"I'm just saying that you should support what he wants to."
"You think so?"
Tumango siya. "Based on my opinion only."
Napatango-tango ito. "Shocks, I was so selfish! Bakit hindi ko naisip ang mga bagay na iyan? Ang galing mo, Romano! Ganiyan din ba ang iniisip mo sa nanay mo?"
"You're not selfish. You're just worried about him."
Kahit hindi nakangiti ay umaliwalas na ang mukha nito kaysa kanina.
"At oo, ganito nga ang iniisip ko kung sakaling gustuhin man ni Mama na mag-abroad, o kung ano pa man basta bindi makasasama sa kaniya, susuportahan ko."
"Wow..." she mouthed. "Grabe, we always complain about how we want to get our parents support in everything that we do, but we're forgetting to give them that support, too..."
"Ikaw lang, huwag mo akong idamay," biro niya. But he got her point. She meant most of the children only thought of themselves.
Akala niya ay aakbyan siya nito nang inangat ang braso, pero bigla siya nitong in-arm lock kaya napayuko siya. Sakto namang nauntog ang noo niya sa kaniyang tuhod dahil nabigla rin siya roon. "Aray!"
"Ang OA nito! Hindi naman masakit," she complained when she removed her arms. "Teka nga," dagdag nito nang magtama ang tingin nila. Nakaupo pa rin sila sa mahabang upuan. "May bukol ka?"
"Ngayon mo lang napansin? Kagabi pa 'to, ah."
"Hindi ko talaga napansin. Bakit ka ba naman nabukulan?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Nauntog sa banyo—"
"Ay, ang tanga ng banyo!"
Tumawa siya nang malakas dahil pumalatak pa ito at umiling-iling matapos nitong mambiro.
"Bumalik na nga tayo sa bahay. May lumang piso ako sa pitaka."
"Aanhin mo ang lumang piso?" takang-tanong niya.
"Ididiin ko sa bukol mo. Mas malaki iyon kaysa sa limang piso kaya feeling ko, sakto naman sa bukol mo."
"What? Why would you press a coin on my bump?"
"Para lumubog. Duh!"
"What?!" He really couldn't get it.
"Did you really grow up in the province? Bakit hindi mo alam ang life hack na iyon?"
"What life hack? Damn it, Nam! Why are you so funny?" Hindi niya napigilang matawa ulit. "Hayaan mo na nga ang bukol ko. Hindi ka naman inaano, eh. Ang importante, gwapo pa rin ako." Sa sinabing iyon ay nabatukan tuloy ulit siya nito. Kunwaring nagreklamo naman siya. "Mabubukulan ulit ako sa 'yo!"
Tinampal naman nito ang braso niya at hinila na siya patayo. Pero imbis na bumalik sa bahay ay iginala siya nito sa maliit nitong garden.
"I wanted to have a plant nursery before," she went back to their main topic while they're looking at some flowers that were already bloomed beautifully.
"What's that?"
"Basically, it's a place where people can get readily available plants."
"Ah, yes, I remember. Kapag bumibili si Mama ng mga bagong anak niya, sinasamahan ko siya noon na mamili. You should go to our house, you'll love mom's babies. Mas mahal nga niya ang mga halaman niya kaysa sa akin." Of course, he meant that as a joke.
"Mas kamahal-mahal naman kasi ang mga halaman kaysa sa iyo na walang ibang alam kundi ang magpa-pogi."
"You know I can do a lot of things aside from that pagpapa-pogi. I'm becoming a sommelier, too."
"Ano na naman iyon? Ang mabuti pa, bumalik na tayo. Gutom lang iyan."
Nang maglakad na sila pabalik ay patuloy siya sa pagyayabang dito habang ito'y patuloy na pabirong binabara siya.