webnovel

Friend

Chapter 5. Friend

   

    

ILANG minuto pa ay naistorbo ang panonood ni Rellie ng mga iba-ibang videos pero iisa lang namang balita nang maupo si Hapi sa tapat niya. Mukhang banas ang itsura nito nang makuha nito ang atensyon niya, pero bumalik din ang tingin niya sa kanyang cellphone.

"Sorry na kung may nasabi ako, pero totoo naman iyon."

"Nagso-sorry ka, pero ikaw pa ang galit?"

"Talaga namang madikit lang sa kuya mo, umiingay na ang pangalan, ah?"

Sabagay, may point si Hapi. Pero hindi pa rin niya ito kinibo. Mali kasi ang pagkakasabi nito ng opinyon kanina, pati ang tono ng pananalita nito.

"Why don't you listen to me? I'm speaking!"

Duh, nagso-sorry ba talaga ito o ano?

"You're frustrating me!"

Doon siya nag-angat ng tingin. "Nakakainis ka naman kasi, bakit parang kinaibigan mo lang ako para makalapit kay Kuya?" hinaing niya. Sa ilang linggong kasama niya ito ay nakuha na niya na may pagka-spoiled brat ang huli. Hindi rin magaling makisama; na kung hindi lang galing sa alta-sociedad ay nunca kaibiganin ito ng ibang mga tao.

"Well," panimula nito at tumikhim. "That's one of the reasons."

Aba, umamin nga! Pero aaminin niyang nakahinga siya nang maluwag na nanggaling mismo sa dila nito ang totoo. At ang tapang nito na aminin iyon, ah!

"But that's before," Hapi added. "I really want to be your friend because you are so cool! Pasensiya na talaga sa mga nasabi ko kanina, alam kong below the belt iyon. Sorry."

"Binobola mo yata ako." Idinaan niya sa biro pero ang totoo ay lumobo ang puso niya na totoong gusto nitong makipagkaibigan sa kaniya.

"I swear, Aurelia!"

Matalim na tiningnan niya ito at tumawa lang ito.

"Friends?"

Nagkibit-balikat siya pero napapangiti na.

"Alright. I'll pose for your artwork."

"Hindi na—"

"I'll buy you a new easel stand!"

"No—"

"Painting materials?"

"I have—"

"How about you date my uncle, Jonathan?" Hindi nagkakalayo ang edad nila sa huli, kaya nga 'kuya' ang tawag ni Hapi roon.

She rolled her eyes. "I don't like him. Pogi pero mayabang."

"Ouch! That's my Kuya Jonathan you're talking about."

"O, bakit? Talaga naman."

"But he is gwapo, matipuno, gwapo, at matipuno. Hmm... Gwapo ulit?" She said that as if she's counting using her fingers.

"So?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

Hapi's uncle graduated three years ago year but she remembered him as one of the bad boys in the campus. When she said bad, she meant really bad. He's one of those guys who could make his girl and friends do bad things. Sobrang bad influence nito sa kaklase niyang girlfriend ng lalaki noon at nalaman pa niyang natutong mag-inom-inom ng alak ang babae dahil pinilit ni Jonathan Manarang.

Pagkuwa'y may naalala siya. "Pero teka, hindi ba't boyfriend niya ito?" Pinakita niya ang cellphone screen kung saan naka-flash ang mukha ni Candace Ferrer sa naka-pause na video roon.

"Nah. They're just fuck buddies. Hindi iyan bet jowa-in ni Kuya. He's just after her curvy body and her massive tits so they became instant fubu after meeting each other in a club. You know, pinakbet." Maarteng binanggit ni Hapi iyon.

"What's that? Isn't that an ulam?"

Humagalpak ito't nagpatuloy sa pagsasalita. "That's a term for f-in-uck pero hindi bet. Pinakbet." At kinuha nito ang hairbrush na nasa bag saka sinuklay ang mahaba at alon-alon nitong buhok. She suddenly thought of painting her while long and shiny ebony hair was covering her mounds. Tapos pa-inosente ang mukha na ipo-pose nito pero parang nang-aakit. Gusto niyang pumalakpak sa naisip. Sa susunod ay sa lalaking modelong mahahanap niya ipagagawa ang pose na inosente pero tila nang-aakit na hindi namamalayan.

"Ah, 'kay," nakangising untag niya dahil nasasabik na siyang magpinta!

"Kung ikaw ba, Rellie, would you settle for that kind of relationship? Puro fuck lang nang fuck?"

"That's a relationshit, then."

"Bakit naman? Other people are fine with it. Just like that girl," Ngumuso ito sa kanyang cellphone kung saan naka-pause pa rin ang video at nasakto sa mukha ni Candace. "Ang daming ka-fubu niyan. Sa tingin ko nga, nilaspag na ni Attorney iyan."

"Huh?! Huwag mo ngang sasabihin iyan! Pwede kang makasuhan ng paninirang-puri!" Pero ang totoo ay hindi niya gusto ang sinabi nito.

"Wow! Are you changing your lane now? Ayaw mo nang maging artist?"

"Sinasabi ko lang!" depensa niya.

"Why? Isn't that obvious?"

Ngumuso siya. She suddenly pictured the lawyer spanking the accused for being a naughty and a very bad girl while—wait, what was she thinking? Why did she suddenly think she's that accused who was being punished by that sinfully hot lawyer? She blinked her eyes twice. She could really picture herself with him!

Blimey! My innocent mind!

"'Seselos ka, 'no?"

"Of c-course not!" singhal niya at hinahabol ang paghinga. "Bakit ikaw? Gusto mo ba ng ganoong relasyon?" pag-iiba niya kaagad sa usapan.

"Of course!"

Nanlaki ang mga mata niya rito.

"—not!" dagdag nito. "I want to get married first before having sex, bruh!"

"Whoa! Am I hearing Hapi Lou Manarang?" Aaminin niyang hindi niya iyon inasahan dito.

"Pasmado lang ang bibig ko pero hindi ako pakawala gaya ng babaeng iyan!"

"O, bakit parang ang laki ng galit mo sa kanya?"

"Because she had sex with my uncle and my cousin!"

She almost shrieked in horror but she composed herself. "Baka rumor lang pala iyan, ha."

"No! It's true!"

"O, e, ano naman? Ang sabi mo'y nature na niya ang ganoong setup. Fubu fubu lang."

"But she fuck them at the same time! And... And..."

Napakurap-kurap siya. Was she hearing some porn story here? Napansin niyang namutla si Hapi.

"Uy, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Lumunok ito at tumango. Then, she composed herself.

"Ano ba kasi iyon?" kuryoso niyang tanong.

"I... saw them doing it in my brother's room. Walang tao sa bahay noon, tapos pinag-day off ang mga kasambahay kasi nga wala naman kami sa bahay."

"Eh, bakit nasa bahay ka noon, aber?"

"Dapat wala rin ako pero nagpaiwan ako para makapunta sa concert ni Taylor Swift. Ang sabi ko na lang, hahabol na lang ako sa Palawan." Sa Palawan daw pala nagbakasyon ang pamilya niya noong mga panahong iyon.

"A-huh?" Tumango siya't tumahimik para makinig.

"I mean, I was sleeping soundly, then, I woke up to the sound of my alarm clock. Nag-set talaga ako ng alarm to take a shower; to dress up for the concert. Tapos, natigilan ako kasi naisip ko na parang nilooban na kami. Na baka natiktikan na walang tao sa bahay dahil nagbakasyon ang pamilya ko."

"Tapos? Ang tagal naman ng kwento mo. Paulit-ulit sa walang tao sa bahay," naiinip na bulalas niya.

"Heto na nga, akala ko, may magnanakaw kasi narinig kong may kumakalabog matapos kong uminom ng tubig sa kusina. So as I was thinking if should I go back to my room or storm outside our home, napadaan ako sa room ni Kuya na nasa ibaba. Sa amin kasi siya nakatira mula noong mag-coll—"

"Ano na ngang nangyari?" sabad niya dahil alam niyang liliko na naman ang usapan bago ito dumiretso sa nangyari.

"Ano... I heard loud moaning and iyong parang kalabag nga, kaya sumilip ako kasi nakabukas ang pinto, tapos nakita ko nga na nagsi-sex sila sa—"

"Okay, stop. I just realized don't want to hear the details," she disgustingly interrupted her.

"Gosh!" She fanned herself using her hands. "It's traumatizing to witness that. You know what's worse? They saw me standing in the door yet they ignored me. Para silang hayok na hayok sa ginagawa at nasa sahig pa! So... I ran outside and went to our neighbor. I asked him to borrow me some money so I could go to the arena to watch the concert. Nakalimutan ko kais iyong purse ko noon kaya cellphone lang ang dala ko. Pero nakapag-withdraw naman ako sa banko."

"O...kay."

"Wala kang pakialam sa kinukwento ko, 'no?"

Tumango siya.

"You're heartless! Tanong ka nang tanong 'tapos hindi ka naman pala interesado."

"I mean, I got curious, but why would I listen to that? It's disgusting."

The latter pouted, but then, she said, "I agree. Papasang na ngang mga porn stars."

"Pero magkakilala pala kayo nitong si Candace Ferrer?"

Tumango ito. "We met at some different occasions."

"Kunsabagay, pareho ng mundong ginagalawan ang pamilya ninyo." Politics.

Nagkibit-balikat lamang si Hapi.

Bago pa maipagpatuloy ang panonood ulit sa trial sa kanyang cellphone ay tinawag siya ng mga kaibigan niyang papalapit sa kiosk kung nasaan siya. Tapos na sigurong magpasa ng mga requirements.

Si Hapi nama'y tumayo na't umalis nang walang paalam.