Chapter 7. Fond
PAGKAPASOK nina Jinny at Timo sa elevator ay hindi pa rin niya tinatanggal ng pagkakahawak dito. Nakaakyat na sila sa top floor at lahat-lahat at nakahawak pa rin siya sa baywang nito.
"Oh, my God!" bulalas ng kung sino nang patungo na sila sa opisina ng CEO. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit doon sila dumiretso ng lalaki. Basta nagpagiya lang siya rito na hindi naman niya gawain noon. Hindi siya madaling magtiwala pagdating sa mga lalaki.
Lumapit kaagad sa kanila si Bree na siyang nagsalita kanina.
"What happened? Ayos ka lang ba?" Nang tumango siya ay roon pa lamang yata nito napansin kung sino ang umaalalay sa kanya. "Why are you with him?"
"Tinulungan niya ako sa baba kaninang muntik na akong mabuwal."
"Mabuwal?" A short pause. "Gosh! Kaya kita tinatawagan ay para sabibing huwag ka nang tumuloy rito." Kung ganoon ay si Bree ang tumawag sa cellphone niya kanina pero hindi niya nasagot gawa nga nang dinumog na siya ng mga press.
"Bakit?" Ang dami niyang gustong itanong.
"Let's go inside first," sabad ni Timo matapos tumikhim ng bahagya.
"Hindi ka kasali sa usapan," pagsusungit ni Bree sa lalaki. "Can you please let go of my friend? Wala nang mga press dito bukod sa iyo."
Napakurap-kurap siya at mabilis na humiwalay sa lalaki. Didn't her friend see that she was the one who's clinging on to him? Napalunok siya at mabilis na napayuko dahil sa kahihiyan.
"T-tara na sa loob," pabulong na niyaya niya ang mga ito.
Bago pa makahakbang ay binara na naman ni Bree si Timo. "You aren't a member so you don't belong here."
"Apparently, I will be the one who's going to cover your interview regarding this matter."
Kaya ba ito naroon?
"Ano ba kasing nangyari? Si Acel? Okay lang ba siya?" tanong naman niya kay Bree para matigil ang bangayan ng mga ito. Hindi siya sigurado pero parang hindi niya gusto na nagkakausap ng ganoon sina Bree at Timo. Na para bang may something sa dalawa kahit wala naman.
"I don't know, too. I couldn't even get in touch with her. Nagulat na lang din ako sa balita."
Hindi niya maisip kung ano ba talaga ang maaaring nangyari. Bago sila maghiwa-hiwalay ay masaya sila nang sinabi ni Acel na uuwi na ito sa bahay na kinalakhan nito matapos ng maraming taon.
Totoo nga kayang ikakasal na ito at ipinagkasundo? Pero...
"Pumasok na nga muna tayo," anang Bree at nauna na itong naglakad papasok sa malaking opisina na nasa dulo ng palapag. The whole floor was occupied by their CEO only.
Nang makapasok ay nabungaran niya sina Rachel, Milka at Lana na nakaupo sa mahabang sofa habang tahimik, tila nag-iisip. Sa pang-isahang sofa naman nakaupo si Rexton habang nakatutok ang paningin sa laptop na nasa mesitang napagigitnaan ng mga ito. Without ado, she sat on the other sofa, just in front of the girls, farther away from their CEO. Si Bree ang naupo malapit kay Rexton habang si Timo ay nanatiling nakatayo malapit sa kinauupuan niya.
"You're alone, dude?" bahagyang nag-angat ng tingin si Rexton kay Timo para batiin ito. Tumango naman ang huli.
She didn't realise that the two were closer than wht she had thought before. Ang akala niya'y professional lang na magkakilala ang dalawa.
"Did you bring a camera?"
"I only brought my recorder, pen, and handy notebook."
"Uh, maupo ka muna, baka mangalay ka." Sumabat siya sa usapan dahil nanatili pa ring nakatayo si Timo. Nag-alala siyang baka hanggang mamayang matapos ang usapan ay nakatayo lamang ito kaya umisod siya sa espasyong pinagigitnaan nila ni Bree para makaupo ito sa gilid.
"It seems that our guitarist is fond of you."
Her jaw dropped open. Did Rexton have to voice that one out though? Kaagad siyang pinamulahan ng mukha at tumikhim naman si Rachel.
"Let's get started. We deserve to know what's happening."
Doon pa lang sumeryoso si Rexton. She felt that the meeting was confidential because there was no one in there aside from them. Hindi kagaya sa ibang meetings kung saan may kasama silang ibang staffs at hindi sa opisina ng CEO ang lugar. Mukhang hindi tungkol sa orihinal na dahilan ang pag-uusapan nila ngayon kundi patungkol na kay Acel.
Nalaman nila ang tunay na rason pero hindi nila kaagad pinuntahan ang kaibigan at ka-miyembro nila.
"Sigurado na ba kayo sa desisyon ninyo?" tanong ni Rexton matapos ng mahabang diskusyon patungkol doon.
"Oo," it was Lana.
"Sunshine won't shine without our keyboardist," dagdag pa ni Milka. Alam niya ang ibig ipakahulugan nito, na kulang sila kung wala ang isa sa kanila.
"If that's the case, then, I'm pulling out all of your activities. I'll clear your schedules today, too. We'll refund the Debut Tour tickets as well," desisyon ng kanilang CEO. Pagkuwa'y bumaling ito kay Timo. "You heard that. But don't write anything about Acel Mariano," habilin nito. Hula niya'y mag-uusap pa ang dalawa matapos niyon.
Honestly, their decision was risky. They're just starting in the industry, but now, they're already taking a break. Alam niyang maaaring iyon na ang ikamatay ng pamamayagpag nila at kung sakaling makumpleto na ulit sila ay may posibilidad na bumalik ulit sila sa umpisa, na ang lahat ng pinaghirapan nila ngayon ay mawawalang parang bula.
"That's alright. We'll just cross the bridge when we get there." Bree stated as she stood up, taking out a stick of cigarette.
"Sit down, Brianna—"
"I'll just smoke outside," sansala nito sa sasabihin ni Rexton.
"Nasaan si Acel?" biglang tanong niya na nagpatigil kay Bree sa paglabas.
Rexton told them where she was and they all went silent. Kung hindi pa tumunog ang intercom para ipaalam kay Rexton na nakahanda na ang pina-cater na pagkain ay hindi sila magkikibuan.
Kaya may mga pagkain ay para sana iyon sa pagselebra ng successful Debut Tour ng Sunshine. Ngayo'y nagmistulang simpleng handaan lang iyon dahil sa pagputok ng issue patungkol sa kanilang keyboardist.
Kahit pinagsasaluhan ang pagkaing nakahapag sa pantry na nasa ikatlong palapag ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang sitwasyon ni Acel. Maging ang mga staff na nakasalo nila ay mailap din. Kung walang background music ay bala tuluyang maging tahimik doon.
"Are you alright?"
Napapitlag siya sa biglaang tanong na iyon sa kanya ni Timo habang kumukuha ng slices ng brownies. Muntik pang mahulog ang ikatlong piraso na kinukuha niya, mabuti na lamang at nasalo niya sa hinahawakang pinggan.
"Sorry," hinging-paumanhin nito.
"It's fine. Uh... I'm alright, too," nahihiyang tugon niya pero sa loob niya'y natutuwa siyang kinausap siya nito.
Bakit ba ako nahihiya? Wala naman akong ginawang masama...
Baka nakakalimutan mong niyakap mo siya?
I didn't! Umalalay lang ako sa kanya habang naglalakad...
But she knew better. Makalalakad naman siya nang hindi pinulupot ang mga braso sa baywang nito. Na kahit hindi niya intensyong gawin iyon ay nadala siya ng matinding paghanga sa pangangatwan nito kanina sa kabila ng mga pangyayari.
"I think we have to put cold compress though?"
"Huh?" tila lutang na sambit niya. The way he mentioned 'we' was stirring the infamous butterflies in her stomach.
"Your forehead..." Sabay titig sa partikular na parte ng kanyang mukha.
Wala sa sariling kinapa niya ang kaliwang noo.
"Not that one." He grabbed her wrist to guide her on the right side. "Here," anas nito matapos niyon.
Nabitiwan niya ang paper plate at mabuti na lang ay mabilis naagapan nito ang pagbagsak niyon na tila inasahan na nitong mangyari iyon. Nilapag nito ang pinggan sa ibabaw ng mesa at ibinalik ang mga titig sa kanya.
Wala sa kanyang nasaktang noo ang atensyon niya o sa kamuntikan nang mahulog na tatlong piraso ng chocolate brownies na kakainin niya. It was solely on the man that's in front of her. Na bahagyang lumapit sa kanya't tiningnan nang maigi ang noo niya.
"Nagkabukol nga," his baritone.
She frowned, trying to compose herself. "Pero dito ako tinamaan ng mic kanina," katwiran niya sabay kapa sa kanyang bunbunan.
"You were hit twice," he informed her.
"Twice?" Mas lalong nangunot ang noo niya. She clearly remembered she was hit by a microphone right before she stumbled and almost fell down.
"Yes—" he told her. Bahagya nitong hinaplos ang namukulan niyang noo na tila mahina siyang kinuryente ng marahang haplos na iyon. "—you were hit again when I caught you."
She gulped because she's thinking of a different meaning regarding him, catching her. It was as if he caught her when she's already falling for him.
Pangea, umayos kang babae ka! May anak ka na...