Chapter 22. First Move
"SO, why couldn't you do the first move before?"
Sinamaan ni Jasel ng tingin si Vince nang balikan ang tanong na iyon, pero kunwari lang naman iyon.
"Natataranta ako kapag malapit ka," amin niya
"Hmm?" Mas lalo itong dumikit sa kanya at nabitawan niya ang nililigpit na pinagkainan. Natatawa't mabilis na sinalo nito ang mga iyon, mukhang inaasahang mabibitiwan nga niya.
"Nakakainis ka!" Bahagyang tinampal niya ang braso nito.
"Why did you keep in touch with my cousin? Pwede namang kay Chelin." They're back at the topic again. She remembered her only college girl friend. Aksidenteng nagkita sila ni Chelin at nagkaroon ulit ng komunikasyon kamakailan lang. And she was pregnant with her second child already.
"I'm keeping in touch with her now."
"Pero bakit kay Stone lang noon?" balik nito sa tanong. His eyes were tantalising. Hula niya'y hindi naman tlaga ito seryoso sa tanong. Mas kuryoso ito kung bakit kay Stone lang siya hindi nawalan ng komunikasyon.
Was he seriously getting jealous? Hindi niya ito sinagot at binigyang-pansin na lamang ang paghuhugas sa mga platong ginamit nila. Bahala muna itong sumakit ang ulo kaiisip. "Doon ka muna sa sala, magwalis ka saka mo punasan ang lamesita," taboy niya rito.
Ngingisi-ngisi siya nang tumahimik na sa kusina. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa para samahan si Vince sa sala. Baka nakaupo na ito sa sofa at abala na sa pagse-cellphone. Pero nagulat siya nang makitang nagwawalis nga ito't may hawak nang pandakot.
"Hey, stop doing that," awat niya rito. She suddenly imagined him being inside their house, as a house husband, wearing nothing but only apron and his birth suit. Tumikhim siya.
"Why? Ang sabi mo, magwalis ako," tanong nito.
"Sinabi ko lang, pero hindi naman ako seryoso."
"Tapos na rin naman ako."
Namamanghang sinundan niya ito nang ibalik ang walis at dustpan sa kusina, tinapon nito ang nawalis na alikabok sa trash bin at naghugas ng kamay. Nakita niya kung paanong maingat at maayos na sinabon nito ang bawat sulok ng mga daliri nito.
Pabirong nagkanta pa siya ng Happy Birthday Song ng dalawang beses habang naghuhugas ito ng kamay. She heard from a Healthcare personnel before that in order to wash the hands properly, sing the birthday song twice while doing so.
"Why are you singing?" Natatawang tanong nito.
"Doktor ka nga," magaang komento niya.
Napalunok siya nang bigla itong magtanggal ng t-shirt. Tumalikod siya at nagtungo sa sala, prenteng naupo sa sofa. Nakasunod naman agad si Vince at nanatiling nakatayo sa tapat niya, tila binabalandra ang matipunong pangangatwan nito sa kaniya.
"So, why?"
"Huh?" wala sa sariling tanong niya.
"Bakit si Stone?"
They were still at that topic? Pero parang ayaw na niyang pag-usapan iyon at lunurin na lang ang sarili sa paninitig dito. He was lean before, he's still a bit lean now but muscular. "Your body..."
"Hmm?" Lumapit ito sa kanya't umupo sa kanyang tabi.
"Uh, k-kasi, ano..." nauutal siya nang mas lumapit ito. Ano na nga ang tanong? Ah, oo, si Stone.
"Kasi...?"
Para siyang nawala sa sarili nang ngumisi ito, pero halata pa ring kuryoso ito.
"Hmm?"
"Pinsan mo siya," siwalat niya.
Bumaling siya rito at nakita kung paanong umaliwalas ang mukha nito. Mukhang nakuha nito ang ibig sabibin ng simpleng sagot niya.
"Just because he is my cousin? Yeah?"
Tumango siya at pumikit ng mariin.
"Para malaman mo kung ano ang nangyayari sa akin?"
She opened her eyes and stared at him. Again, she nodded as she pouted. "It was because I kept on hoping that I would get some news about you."
"Did you get some?"
Umiling siya. Maging ang kuya niya'y hindi nahanap ang lalaki noon. She was undoubtedly broken into pieces before and her brother saw how devastated she was. Kaya naman ay pinahanap din nito si Vince, pero wala silang nakalap na anumang impormasyon tungkol dito dito.
She suddenly remembered how she was begging to Stone to tell her where Vince was, but she got nothing.
"Hindi talaga mahahanap ang mga taong nagtatago, Jase. Not unless they show up themselves."
Naalala niyang sinabi ng kanyang kaibigan noon.
"Nagtago ka, kaya paanong makakahanap ako ng updates tungkol sa iyo? Ni hindi ko nga alam na nakabalik ka na ng Pinas," katwiran niya kay Vince.
"I wanted to surprise you."
"Well, yeah, I was surprised," untag niya. "Pero huwag ka nang aalis ulit ng gano'n, ah? Kahit may research ka pa sa malayo, I wouldn't mind. We will survive long-distance relationship, okay?" aniya at humilig sa balikat nito.
"Never again," he sounded reassuring.
"Good."
"I'm sorry if I was a coward, too. I shouldn't have left you. I decided on my own when it should have been decided by both of us."
"Ewan ko sa iyo, nakakainis ka. Hindi ka kasi nagtiwala sa akin."
"I didn't trust myself neither."
"Forgiven."
Siguro ay hindi pa ganoon kalalim ang pagtingin nila sa isa't isa kaya nagawa niyang makipaghiwalay rito at ito nama'y nagawa siyang iwanan, at naglaho itong parang bula.
"Buti naisipan mong bumalik?" kuryosong tanong niya. Hindi sa ayaw niya, nagtataka lang siya lalo pa't sobrang tagal na ang nakalipas.
"Nang nag-aaral ako, marami akong nakarelasyon, pero ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko," panimula nito. "Maybe I didn't love you that much when we were still together, but when we were apart, that's where my feeling grew. That's where I regretted leaving you."
He sighed heavily.
"But, I didn't go back. I had a lot of things on my plate since I was pursuing my career, and I didn't want to just show up to you when I was still nothing."
"Paano kung may boyfriend na pala ako? O asawa?"
He groaned painfully. "That was what I also thought. It's too painful."
"Paano nga?"
"Then I'll forever regret, and probably will never get married."
"Tatandang binata ka?" Hindi niya maisip ang bagay na iyon. "Sayang ang lahi, kung ganoon." She sounded lightly.
"But that won't happen."
Yumapos siya sa braso nito, sadyang dinidiin ang sarili rito. Not that she wasn't focusing on what he was saying. She just didn't want to bring those painful memories back. Ang swerte na nga niyang hiwalayan at miskomunikasyon lang ang dahilan nila kaya sila tuluyang nalayo sa isa't isa, at pagiging 'di handa sa relasyon. Hindi katulad ng iba na may nangaliwa, nanloko, nambabae, nanlalaki—teka, hindi ba't iisa lang ang mga iyon?
She giggled and pressed herself onto his arms.
"I know what you are doing, woman," namamaos na untag nito.
"What? I only had lots of boyfriends in order to forget everything about you."
"Did you succeed?"
"Nah." Umiling siya.
"I wasn't pertaining to that though. Alam ko ang ginagawa mo ngayon."
"Oh!" Natatawang bulalas niya't bahagyang nag-angat ng tingin niya para salubungin ang puno ng pagnanasang titig nito. "Kung ganoon, ano'ng ginagawa ko?"
"First move," bulalas nito at ginawaran siya ng isang matamis na halik na buong-puso niyang tinugunan.