Chapter 25. Cold Case
SINCE Sinned was handling the investigations of the case about the late Governor, he acquired some information that the latter was a regular at that club where he went to. The name of the club was 'The Eve', and he's going to remind Stone that they should open an investigation.
Hinanap niya rin ang waitress na nagbigay sa kaniya ng blue pill, pero wala na pala ito roon. He immediately called Arc and told him to find more about that waitress.
"Mga ilang araw kaya ang itatagal?" tanong niya.
"Give me approximately two to three days," anang nasa kabilang linya.
"Alright. Thanks, man."
Pagkababa niya sa tawag ay s-in-end niya ang litrato ng babaeng hinahanap sa email nito. Ilang sandali pa pagkatapos ay ang kapatid naman nito ang tumatawag. After the night—and day—that they first had sex, she became clingy to him. Extra clingy. She was always calling him, texting him, and even visiting him on his trials. Palagi rin itong naghihintay sa law firm, tinatanong kung kailan siya libre. At alam niyang kahit ganoon ay may trabaho ang huli. Naiirita na nga siya minsan.
He sighed and rejected the call. He sent her a text message instead:
I'm still busy. You should focus on your job.
May proyekto kasi ito kung saan rarampa sa isang Fashion Week, pero may photo shoot muna sa Pinas bago lumipad pa-France.
She immediately replied:
Okay. Just text me if I can call already.
Pagkabasa ay isinilid niya ang cellphone sa inner pocket ng kaniyang coat. Bahagya siyang napailing. So, this was what other people said about virgins. They tended to become clingy after their first sex experience.
Instead of minding about Rellie, he went back to the firm since he's still meeting a client by three in the afternoon.
Kinabukasan, tinawagan na siya ni Arc at ipinaalam na nahanap na nito ang waitress. Dapat ay magkikita sila ng lalaki pero sinabi na lang niya na abala siya kaya sabihin na lang nito ang resulta sa telepono.
"What have you found out?"
"This Ruvilyn is just a fake name. Nahanap kong marami na siyang ginamit na pangalan at pareho lang ang apelyidong ginamit niya: Jean, Saijah, Allen, Angel, at Janelle. Sa tingin ko nga, may iba pa siyang ginamit na mga pangalan. Pero ang totoong pangalan niya ay Maritess Lo. She's a notorious con-artist. Nag-AWOL sa club nang makatunog na nalaman na in-scam niya ang mga kasamahan sa trabaho sa pagbebenta ng kung ano-anong pampaganda, pero walang natanggap na produkto ang mga ito."
Tumaas ang kilay niya. Bakit ba may mga taong sinisira ang pangalan nang dahil lang na pera? "Does she have connections with the management?"
"Nah, she doesn't. Just a small time criminal." Sa dami nang kinaharap na kriminal, hindi na malaking bagay sa kanila ang mga scammer. "By the way, I sent a tip to the police on where to find her. She must be in the their custody now."
"What? You should've just spared her. I still have some things to ask her about."
"About what?" Arc probed.
He coughed and cleared his throat. Oo nga pala, hindi niya sinabi rito ang dahilan tungkol sa droga. Bakit ba niya naisip na ipa-imbestiga kay Arc ang babaeng iyon? Hindi malabong malaman nitong kinanti niya ang kapatid nito.
"Natipuhan mo ba? Pwede ko namang sabihing mali ang impormasyon na ibinigay ko sa pulisya para masolo mo ang babae mo. Mukhang naka-move on ka na, ah," kantiyaw pa nito. Alam nito ang tungkol kay Candace, ito ang h-in-ire niya noon na imbestigahan ang kababata niya.
"It's about the late Governor Devila's case, Hue," palusot niya.
"Oh," dismayadong bulalas nito. "Humanap ka na lang ng iba. Wala kang mapapala kay Maritess Lo. Walang utak na scammer lang siya. Saan ka ba naman makakakita ng scammer na ginamit ang lehitimong detalye ng kaniyang bank account para sabihin sa mga buyer niyang doon ipadala ang pera?"
Hindi na siya nakikinig kaya pinutol niya ang sasabihin nito at sinabing may kailangan pa siyang puntahan. He ended the call right after that.
Tinawagan niya si Rellie dahil hindi na ito nag-text kahapon. Ilang ring lang ay sumagot na ito.
"Kuya Sinned! K-kumain ka na?" bungad nito.
"Hindi pa. Why did you not text me yesterday?" tanong kaagad niya. Bahagyang tumaas ang kilay niya sa pagtawag nito sa kaniya na Kuya, pero hindi na niya tinapunan ng pansin.
Sandali itong tumahimik bago sumagot. "Naisip ko lang kasi na baka nakakaistorbo na pala ako, hindi mo lang sinasabi."
Medyo nga.
"Next time, I'll just wait for you to text me or call me. Iyon n-naman ang nasa kontrata natin."
"Okay."
"Uh, busy ka pa ba ngayon?"
"Yes." Palaging puno ang schedule niya.
"Oh, okay," dismayado ito. "Pero pupunta ka sa VLO?" She meant Velizario Law Offices, ang law firm kung saan siya nag-o-opisina.
"I'll probably be there by five. Why?"
"Dadaan kasi sana ako pagkatapos ng photo shoot, magdadala ako ng pagkain. Sabi mo, hindi ka pa kumain."
"It's fine. I'll just eat after this call."
"S-sige."
"Sige." He ended the call right after he said that and decided to eat already. Nang hindi na ito tumawag ulit para lamang tanungin kung nakakain na siya. Baka mamaya, abala rin pala ito at isinisingit lang ang pagtawag sa kaniya.
Naging mas abala pa si Sinned nang sumunod na mga araw, hanggang umabot ng isang linggo. Ni hindi na sila nagkita ni Rellie bago ito tumungo sa Fashion Week kahit ilang beses na itong nagsabi na magkita muna sila.
Wala, eh, mas kailangan niyang unahin ang kasong hinawakan. He submitted the concrete evidences he found and the case was now ongoing again. Ang akala pa naman niya, noong malinis niya ang pangalan ng kababata ay wala na siyang pakialam pa sa kaso. Iyon pala, siya rin ang hahawak niyon ngayon. Pero balak niyang ipasa na lang kay Marc. Kaya na ng huli iyon.
He went to Phoenix Agency and gave Stone a flash drive where he copied the the photos and documents and compiled it in a file.
"Keep this one. Mahirap nang magtiwala. Mas mabuting may kopya tayo."
Pinagtaasan siya ng kilay ni Stone. "Why don't you keep it instead?"
Hindi siya sumagot.
"And I heard you're dropping the case?"
"Marc can do that. Sigurado naman nang madidiin si CJ Manarang."
"Don't you think it's too sudden? Paanong ang anak ni Vice Governor Manarang ang naging suspect? Hindi ba, si Julio Devila ang dapat na primary suspect?"
"His alibi was proven."
"Proven?"
"Hindi siya nag-video sa buong durasyon, iniwan niya ang recorder at nagpunta ng The Eve Club para magpakasasa sa mga babae roon," he explained.
"Ah, ganoon ba?" Pero alam niya ang tingin na ipinukol ng kaibigan sa kaniya. Hindi ito kontento sa itinakbo ng kaso lalo pa't ang nadidiin ngayon ay maituturing na good boy; isang magandang role model mula pa pagkabata.
Unang trial pa lamang ay nasentensiyahan na ng reclusion perpetua ang defendant. It's the penalty imposed for the crime of murder. Dalawampung taong pagkakabilanggo ang sentensiya nito.
But a few weeks after that, they found out the truth behind the murder case. CJ Manarang was framed up. So he went out of jail right away. Dahil binagabag siya ng kaso na iyon ay nagpatuloy siya sa imbestigasyon kahit pa nga ibinigay na niya kay Marc. He asked for Hue's aid to investigate more about that case. At doon na nga nila nahanap ang totoong nangyari.
Now, they're at The Eve club, low-key observing the place while pretending to be customers. May mga babae pa silang kasama sa mesa para hindi kaduda-duda na naroon sila. They were inside a VIP Room.
"I couldn't believe Vice Governor did that to his son. Ay, Governor na nga pala si Manarang ngayon," Arc muttered as he drank his liquor.
Hindi siya sumagot. May mga kasama sila sa silid at mahirap na kung may espiya pala sa isa sa mga dalawang babaeng nandoon. Nakuha naman ni Arc ang pananahimik niya kaya pinalabas nito ang dalawang babaeng dikit nang dikit sa kanila.
"Wala na sila. Pwede nang mag-chismisan," nakalolokong bulalas nito.
"Gagu."
Sumeryoso naman kaagad ito. "But what's your plan? Mukhang magiging cold case na naman ang kaso." A cold case was an unsolved criminal investigation which remains open.
"Wala akong magagawa." He clenched his fist. Totoong wala siyang magagawa dahil ang totoong pumatay sa nasirang gobernador ay isang waitress ng club kung nasaan sila ni Arc ngayon.
"Kung bakit ba kasi namatay rin ang killer."
His mouth was set in a grim line.
"Akalain mong ang anak mismo ni Governor Devila ang nagpapatay sa kaniya?"
Ang demonyong si Julio Devila ang tinutukoy nito, na nagpanggap na star witness noong unang mabuksan ang kaso. May isa pa itong kasabwat sa krimen, ang isang anak pa ni Manarang na si Jonathan Manarang. Ang dalawa ang nagplano sa pagpatay habang ang hinihinala nilang utak ng krimen at ang nakaluklok na ngayon sa gubernatorial seat.
"May araw rin ang mga animal na iyon. Magpakasasa na sila sa buhay na tinatamasa ngayon, hindi magtatagal iyon."
Hindi na sila magtataka kung ang pumatay sa h-in-ire na killer ay ang mga ito mismo. The motive of killing was to make Vice-Governor take the Gubernatorial seat so they could continue doing ilegal things like drugs. At nagtagumpay nga ang mga ito.
"Akala ng mga gago, tapos na ang lahat. Sila, oo; pero tayo, nagsisimula pa lang."
He only took a shot of his brandy. Ang daldal ng lalaking ito, hindi na nga siya sumasagot, pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita.
"Hindi ka interesado, ano? Pabalikin ko na ba iyong dalawang babae? Iiwanan ko kayo rito."
Nakaramdam din. Kumindat pa ito sa kaniya at nakalolokong itinaas ang kamay. He raised three of his fingers as if he's insinuating something.
'Tangina, ang bastos ng lalaking ito. Hinding-hindi siya makikipag-threesome gaya ng gawain nito.
"Ano?" Arc wiggled his eyebrows.
He raised his middle finger and got up.
"Saan ka pupunta?"
"Magbabanyo. Sasama ka?"
Ikinumpas lang nito ang kamay na parang pinapaalis siya at uminom na lang ito.