Chapter 6. 50:50
NANG bumukas ang pinto ay sabay-sabay na bumaling sina Jasel sa bagong dating at natigil ang kwentuhan nang makitang si Ice iyon; mag-isa.
"Nasaan si Kuya?" nagtatakang tanong niya ngunit tila hindi iyon narinig ni Ice sa sobrang gulat nito sa naabutan.
Ilang sandali pa ay dumating sa kanila ang malagim na balitang naaksidente ang sasakyang minaneho ng kanyang kuya. Parang gumuho ang mundo niya sa nalaman.
"Ano'ng...?"
"Jasel, calm down."
"Ano'ng nangyari kay Kuya?!" sigaw niya.
"Calm down..."
"It's my fault! Dapat ay hindi na ako pumayag sa kalokohang ito! Dapat,hindi ko na honayaang umabot pa sa ganito!"
Mabilis na inalalayan siya ni Sinned habang panay ang hingi niya ng tawad.
"Hindi na dapat ako pumayag... Hindi na sana napahamak si Kuya."
She felt her breath was shortened and she was hyperventilating.
"Jase! Calm down," natatarantang bulalas ni Sinned nang hindi siya mapatahan.
She lost consciousness amidst the tragedy.
Nang magkamalay ay nasa ospital na siya. Kaagad na tinanggal niya ang suwero at walang pakialam kung sumirit ang dugo dahil sa biglaangpagtanggalniya sa karayom na nakatusok sa ugat niya. Saka siya lumabas ng silid.
"Nurse... Saang ospital ito?" pukaw niya sa atensiyon ng nars na napadaan.
"RM Center—you're bleeding!"
Pero mabilis siyang lumayo rito kaya naman ay tinawag siya nito. "Miss!"
Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya dahil naramdaman na naman niya ang takot sa maaaring mga nangyari sa Kuya niya. She went straight to the Nurse's Station while she was pressing the back of her right palm hardly to stop the bleeding. At para hindi rin niya makita nang husto ang dugo dahil may takot siya sa dugo.
"Ma'am, nagdurugo po ang kamay ninyo. Aasikasuhin ko—"
"N-nasaan iyong lalaking naaksidente? Isinugod 'ata siya rito," she interrupted the nurse who ran and followed her.
"Ano'ng pangalan, Ma'am?" tanong ng Nurse sa station.
"Ano... Si Kuya... Gwapo, matangkad, may— Shit! Pangalan nga pala," natatarantang bulalas niya.
"Jasel!" Hinihingal na tawag sa kanya ni Sinned. Nang makalapit ito sa kanya ay sinabi nito sa mga nurse na ito na ang aalalay sa kanya.
Habang nakaupo malapit sa operating room ay inasikaso na ng isa pangnurse ang dumugo niyang kamay kanina.
Nakatulala lamang siya at tila wala sa sarili habang hinihintay na matapos ang operasyon. Kahit nang lumabas ang isang doktor ay hindi rumehistro sa kanya ang sinabi nito sa kanila.
"Jase," wika ni Ice, niyuyugyog ang kanyang balikat para matauhan. "Your brother needs you..." pagmamakaawa nito.
Doon ay parang natauhan siya at inulit nito na kailangan ng dugo ng kuya niya.
"We have the same blood type! Kahit maubusan ako ng dugo, basta'tsiguraduhin ninyong mailigtas n'yo si Kuya!" bulalas niya at sumama sa medical personnel.
Nangangatog ang mga binti niya habang naglalakad. Nang maalalayan siya ng mga ito at pinasuot ng mga personal protective equipments ay pinahiga na sa isang kama. Pagkuwa'y pumasok na sa O.R. o Operating Room kung nasaan ang kuya niya. Halos manghina siya nang makita ang mantsa ng dugo sa damit nito.
"K-Kuya..."
The personnel asked if she's alright.
"Please, save him... I'm begging you..." baling niya at pagmamakaawa sa umaasikaso sa kanya sa loob ng operating room.
"Namumutla ka!"
"I'm fine. Takot lang ako sa dugo," pagbibigay-alam niya.
"Dapat ay sinabi ninyo, Ma'am."
"I said I'm fine! Just put something to cover my eyes so I won't see. Para hindi ako matakot nang husto. Please, make it as fast as you could. My brother needs me..."
They got her some sterilepiece of white clothe and put it on her eyes. Sa loob ng ilang oras ay nakatulog din siya matapos ideklara ng surgeon na tapos na ang mga ito sa mahaba-mahabang durasyon ng operasyon.
Jasel woke up feeling so languid. She was advised to rest for a day kaya na-confine din siya sa ospital.
"K-kumusta na si Kuya?" tanong niya kay Ice nang dalawin siya nito pagkagising niya.
"Successful ang operasyon. Pero hindi pa rin siya nagigising. Magpahinga ka na muna."
She felt the chills shivered down to her spine. Hindi galit si Ice. Kabaliktaran ng galit ang nasasalamin niya sa mata ng kanyang kaibigan. Alam niya iyon dahil ganoong-ganoon ang nararamdaman niya sa sinapit ng kanyang Kuya—matinding kalungkutan at hinagpis.
"Can I see him now?"
"Take a rest first, Jase. Kailangan mong makapagpahinga nang maigi."
Ice went outside while she bursts into tears. Wala na siyang mukhang maihaharap sa kanyang kaibigan. Kung sanang hindi siya pumayag sa plano ay hindi mangyayari ang lahat ng iyon. Kung sana'y sumalungat siya at hinayaan na lang nilang mamuhay sa ibang bansa ang dalawa.
Kinabukasan ay na-discharge na siya sa ospital. Dumiretso siya sa Intensive Care Unit o ICU kung saan naka-confine ang Kuya niya. Nandoon din ang Uncle nila na katulad niya'y namumugto ang mga mata. She did not see Ice anywhere, too. Kinausap daw ng surgeon ng kanyang kuya.
"Kuya..." garalgal at maliit ang tinig na bulalas niya nang makita ang lantang-gulay nitong katawan. Her heart suddenly withered by the heartbreaking sight.
"Jasel, umuwi ka muna. Kami na ang bahala rito," ang kanyang auntie.
"I'm sorry, Kuya."Tuloy-tuloy na naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi habang tintitigan ang walang ka-emo-emosyong mukha ng kanyang Kuya. Ang daming nakasaksak sa katawan nito na konektado sa mga machines, na kung magma-malfunction ang kahit isa sa mga iyon ay nasisiguro niyang babawian ito ng buhay. Napahagulgol siya sa katakot-takot na isipang iyon.
"Kuya..."
"Jasel, tama na," pagpapatahan ng kanyang Uncle.
Mabilis na tumakbo siya palabas ng ICU at may nabangga pa siyang hula niya ay medical personnel dahil naka-puti ito. Lumakas lalo ang dagundong ng kanyang dibdib pero hindi na niya binigyan ng pansin pa. Hindi niya gaanong maaninag kung sino ito dahil nanlalabo na ang mga mata niya sa mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. Hindi na rin siya nag-abalang humingi ng paumanhin dahil gusto na niyang makalayo roon.
Pagkalabas niya ng gusali ay nanghihinang napaupo siya sa isa sa mga benches sa may garden malapit sa ospital. Napahagulgol siya roon at hindi alintana ang mga taong dumadaan at nakakakita sa kanya.