webnovel

PHOEBE: The Forbidden Series 2 (COMPLETED)

A successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything seemed to crumble into pieces. Makakaya kaya niyang pigilan ang tukso kapalit ng kinabukasan ng kanyang pamilya?

AuraRued · Urbano
Classificações insuficientes
26 Chs

Chapter 12

"Gusto mo bang pumasok muna?" tanong ni Phoebe kay Siovhan nang huminto sila sa harap ng gate ng kanyang apartment. Palubog na ang sinag ng araw nang makarating sila.

"Sure."

Magkasabay na nagbukas ang dalawa ng pintuan ng kotse at pumasok sa bahay.

"Tea or coffee?" tanong ng babae habang binababa ang shoulder bag sa sofa. Katabi niyon ay ang mahabang couch na inukupa ni Siovhan.

"Phoebe."

She bit her lower lip to suppress a smile. Niyuko niya ang lalaki para kintalan ang mga labi nito ng mabilisang halik.

"Coffee or tea?" she asked once again.

"Water please," anitong ngumiti.

Nagtungo si Phoebe sa chiller at naglabas ng dalawang bottled water.

"Siovhan, about nga pala sa kotse mo. I'm really sorry. Paano natin isi-settle iyon?" aniya habang inaabot dito ang tubig.

"Is there anything to settle?"

"Yes, babayaran ko ang damage ng kotse mo, but you must give me a discount. In the first place, mali ang magpaharurot ng kotse sa parking lot kahit na sabihing ikaw ang may-ari ng lugar. Lalo na at para lang magpa-impress sa katabi."

"I don't have to do that."

Umismid si Phoebe at tinalikuran ang lalaki para kumuha ng soda. Biglang nag-crave siya ng caffeine.

"So, paano ba?"

"Phoebe, there's nothing to worry. I have no plans on  burdening you with anything."

"You being a married man burdens me already, Siovhan, kaya lubusin mo na."

Siovhan clicked his tongue. "You're too stubborn."

"Ikaw rin naman. Think about it, okay? Then tell me."

Nakayuko lang ang lalaki sa sariling kamay na nakapatong sa hita habang tumatango.

Habang nakahilig ang likod ni Phoebe sa lababo ng kusina ay pinagmamasdan niya ang lalaki. Ang guwapo talaga nito kapag naka-tuxedo. Ginagawa na nitong uniform iyon pero araw-araw ay iba-iba ang kulay at hitsura. Not fair, not dark na kung titingnan ay iisipin mong vain dahil pati detalye ng buhok at bigote ay maayos ang pagkaka-trim.

The only son of Allures' biggest shareholder. New York-made at habulin ng mga babae. Bakit ba siya na-involve sa ganoong klaseng tao? She is just an ordinary person, kahit ang mapabilang sa alta sa ciudad kailanman ay hindi niya pinangarap. She just wanted to have a decent living, earn money and provide her family's needs.

Tumungga muli si Phoebe ng soda mula sa hawak na lata.

Ang pagpasok ba nila sa restaurant with Lance and Marian ay counted na? Kahit gaano pigilan ng isip niya ang mapalapit dito ay tila may magnet itong dala-dala. Was it his charm? His kindness?

"Siovhan."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. His eyes were a picture of innocence. Nagmukha iyong mga mata ng bata na walang kamuwang-muwang sa mundo. So ironic.

"Nothing," she said shaking her head.

***

"Oh, shit! Ngayon talaga?" pilit iniikot ni Phoebe ang susi sa butas ngunit mukhang nawalan ng mood ang sasakyan niya at wala talagang planong mag-cooperate.

Sinulyapan ni Phoebe ang relo sa kamay habang sinubukan ulit na ikutin ang susi. Kalahating oras na lang at magsisismula na ang party. Kahit anong subok ang kanyang ginawa ay pugak lamang ng sasakyan ang nakuha niya.

"Okay, alright. Move-on," aniyang pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga.

Lumabas siya ng kotse at kinuha ang mga gamit--isang may kalakihang paper bag at ang kanyang shoulder bag. Naglakad ng ilang metros at pumuwesto sa gilid ng kalsada.

Sa tuwing may dumadaang taxi ay tinutuwid niya ang kamay sa harapan.

Sa pangwalong taxi na nakita ay sinuwerte si Phoebe. Dagli siyang pumasok at binigay ang address sa driver.

Nakahinga ng maluwag si Phoebe habang nakasakay sa taxi ngunit kinabahan pa rin siya dahil siguradong magiging dramatic entry ang pagdating niya. Dasal na lang ng babae na sana ay marami-rami ang nakatambay sa bukana ng hall para hindi naman masyadong center of the attraction ang kanyang pagdating.

Pagkarating ng hotel ay lakad takbo ang kanyang ginawa. Nagpunta siya sa CR at sa pagmamadaling kilos ay nag-ayos.

Kapares niya ay may dalawang babae rin siyang kasabayan kaya bahagya siyang napanatag. At least hindi siya mag-iisang mapapahiya mamaya. Sasabay na lamang siya sa mga ito.

Umayon sa hubog ng kanyang katawan ang lacy costume. Mas na-emphasize ang haba ng kanyang mga binti at bilogan niyang hita sa tanga cut ng damit. Ang plano niya ay tahian ng mesh ang bandang dibdib ngunit hindi na siya nagkaroon ng panahong ipasadya sa mananahi. Ang lagay, hinayaan na lamang niyang sumilip ang gitna ng dibdib. Hindi rin naman masyadong malaki ang harap niya kaya kahit siguro umindak siya ay hindi sisilip ang gitna. Tanging umbok lang ang makikita mula doon.

"Uhm, okay lang ba na sumabay ako sa inyo? Kasi..." Napakamot siya ng sentido kahit wala namang makati. "...nakakahiya kapag mag-isa lang."

"Sure, halika sabay na tayong tatlo. Aayusin ko lang ang mga makeups ko, ha?" anang babae na nakapula ng costume. Kapareho rin ng sa kanya ngunit walang lace. Hindi niya namumukhaan ang mga ito kaya marahil ay hindi mga modelo. Sa laki ba naman kasi ng Allures ay hindi na nagkakaroon ng pagkakataon na magkakilala ang ibang mga empleyado .

Hindi naman ito nagtagal at tinawag na rin ang kasama.

"Lyn, okay ka na? Pasok na tayo?"

"Yes, hali na kayo," sagot ng babaeng lumabas sa cubicle. Itim rin ang costume pero ang headband na tainga at ang bilog na nagsisilbing buntot ay purple.

Magkasabay na nagtungo ang tatlo sa entrance ng hall. Nagtulakan pa sila kung sino ang hihila ng pintuan pabukas. They came up with a decision na ang babaeng naka-purple tail ang bubukas.

"Okay, go!" saad nito na hinila ang dalawang malalaking handle ng mabigat na pintuan. Tumambad sa kanila ang makulay na party.

Ang mga panauhin na nakaharap sa entablado at tila may pinapanood na masayang show ay lumingon sa kanila. Napakagat-labi naman si Phoebe sa pagkapahiya. Gusto niyang manliit sa pares ng mga mata na nakatuon sa kanilang tatlo ngunit pinilit niya pa ring tumuwid ng lakad at ngumiti na tila walang nangyari.

Unti-unting nabura ang ngiti ni Phobe nang mapadako ang tingin sa stage. Mula roon ay tanaw niya si Siovhan. He was an eye candy with a bright red robe. Satin ang materyal niyon dahil kumikinang sa tuwing natatamaan ng ilaw. Maluwang ang pagkakatali niyon sa baywang kaya hantad ang dibdib nito. Kahit sa malayo ay kita niya ang toned nitong chest muscles. Sa ibaba ay itim na pajama pants. The white sailor hat above his head added to to his mischievous aura.

Siovan's head was bent down to a slender woman's face. Hapit nito ang katawan ng naka-sexy nurse outfit. Sa kabila ng blonde wig at naka-side view na babae ay alam niyang si Violet iyon.

Who else would he kiss in front of everybody kundi ang asawa?

Nang iangat nito ang mukha at humarap sa madla ay umikot na si Phoebe para magpunta sa designated table nila.

Napabuga siya ng hangin. Buti pa nagbagal pa siya nang matindi. Nasira na tuloy ang gabi niya.

Natigilan ang babae sa naisip. Bakit naman masisira ang gabi niya?

'Siovhan is nothing, okay? He's just a flirt, promiscuous man na nakilala mo. You kissed just because you find him cute sometimes. Iyon lang.'

Huminga ulit siya bago hinarap ang katabing modelo at nagbukas ng mapag-uusapan.

Might as well enjoy the night. Hindi naman umiikot sa malanding host ang party.