Nang sabihin iyon ni Zala ay agad naman nanlaki ang mata ng tatloong asawa ng kan'yang ama. For what they know, Sevara was a shy, timid, at aaray lang kung maapakan. Pero ngayon gumaganti na rin.
Ganoon ba ang epekto ng nalalason.
Habang amg babaeng may puro puting mata naman ay makahulugan na ngiti.
"Zala! Ang lakas ng loob mong insultuhin ang anak ko, ano bang akala mo! Ampon ka lang" Matalim itong tumingin sa kan'ya lalo't narinig nitong sinabihan ang anak na makati.
"Tinanggap ko na ako'y ampon, ikaw kaya kailan mo matatanggap na may kakatihan 'yang gitna sa inyong mga binti" Tumingin siya sa madrasta niya ina-inahan at kumurba ang ngiting tagumpay sa labi niya.
Habang ang tatloo pang asawa pa ng ama niya ay gustong papalakpak. Kahit na hindi naman malapit sila kay Sevara lalo't mas pinapaboran nila ang kanilang mga anak. Pero sobra silang masasayahan na matatalo sa talakan ang second wife ng husband nila.
Gusto dumamba ng babae sa mesa at sasampalin ang Zala na sinasagot siya. Pero nahihiwagaan din siya kung saan hinugot ng bata na masagot siya.
Tiningnan niya ang babaeng katabi ni Sevara na pangiti-ngiti sa kan'ya. Nakakaloko ang ngiti nito na tila nagbubunyi na.
Tumingin din siya sa mukha ng iba pero halos lahat nagpipigili ng tawa maliban syempre sa mga anak niya.
Ngunit nakita niya na nanggagalaiti ang kan'yang anak na lalaki na ikatlo mula sa panganay.
"Hindi ka ba naturuan ng asal Zala at sumasagot ka sa nakakatanda huh!" Nagpupuyos ito sa galit lalo't ina at kapatid niya ang nainsulto rito. Hindi niya alam kung ang pagbabago ba ito ay dahil sa lason na halos pumatay rito.
"Alam niyo? Sobra kayong hipokrito. Ayaw niyong masagot pero kayo ang nagsimula. Pasensyahan nalang dahil hindi na ito ang dating ako. Bakit kaya hindi kayo kumuha ng bato at ipukpok sa mga ulo baka naman may pag-asa pang tumino. Ginaganit niyo ang moralidad at respito? Mayroon ba kayo niyan? Mas mabuti sigurong tutokan mo ang pangarap mong posisyon at kung pwede lang wag kayong mandamay ng iba sa mga ipinaglalaban niyo." mahabang turan niya lalo't hindi siya makapapayag na pagtulungan siya hindi porket ampon lang siya. No way! Hindi gagana 'yan sa Palaban na si Chimirie.
Kahit naririnig ni Ramelic ay hinayaan na lamang niya hanggat hindi umabot na magsakitan sila. Gusto niya rin na nagkaroon ng malaking character development kay Zala. Palaban na ito at kung magtuloy-tuloy ito ay hindi na siya mangamba sa pag-alis niya. Gusto niya rin makita ang expression ng mga anak baka naman mahuli sa sariling bibig.
"Pinaghihinalaan mo ba ako Zala, na ako'y naglason sayo? Hindi lang ako ang may gusto ng posisyon na 'yan para ako lang paghinalaan mo" tumingin ito sa katabi niya at nagwika na naman. "Mas kahina-hinala pa si Second Brother dahil sa lahat nang magkapatid ay siya lang naman ang herbalist at alchemist" may kahulugan na sabi nito.
Mula naman sa tahimik lang na kumakain ay ngumiti naman ang isang lalaking na may suot na salamin na may makulot na buhok. Nilunok muna nito ang kinnain bago nagsalita.
"Sa ating lahat ay hindi ako ang mas hayok sa posisyon, nasa inventions ako nakatutok. Hindi na ako magtataka pa na gamitin ako para sa iba mapunta ang attention bilang salarin. Isipin niyo, hindi lang ako ang herbalist at alchemist sa imperyong ito, at kay dali makabili ang ating minamahal na kapatid" Depensa nito sa sarili.
Hindi naman nagpahuli ang panganay lalo't parang naging chain reaction na ang paghihinalaan.
"Ako? Kung nanghihinala man sa akin. Hindi ko na kailangan pang pumatay lalo't alam ko na sa akin din mapupunta ang posisyon lalo't hawak ko ang posisyon bilang deputy head na mas malapit sa pagiging head", may kumpyansa habang sinasabi ito at tiningnan pa sa mata sa mata ang lahat.
"Hindi ko rin alam kung sa aming tatlong magkapatid lang ang dapat paghinalaan at malay naman natin di ba may nautusan dito lalo't may mga pamilya na gustong maging Head Family, at gusto tayong magkasiraan. Malay rin natin kung hindi lang si Sevara ang isusunod nila kaya mag-ingat" pagbabala nito.
Alam nila na malakas ang inteligence gathering ang kapatid nilang ito. Isa pa ang kakayahan at kapangyarihan na hindi nila buong nalaman. They know he hides a lot of his true power.
Nangamba na rin ang iba lalo't nasa labas sila nagtatrabaho. Alam nilang hindi dapat makampante lalo't may maraming paraan na patayin sila.
Hindi sila umasa na may swerte rin sila tulad kay Zala. Ang patay na muling nabuhay. Kung mayroon din silang ganoon ay hindi malabong mapukaw ang attention ng royalties. Baka isipin pa ng mga ito na may bloodline silang kaya nila i-revive ang sarili sa kamatayan.
Hindi pa rin nila maintindihan kung paano ito nangyari. Mayroon kayang Red Realm Pet Raiser's na Life Type Magic pets ito na kayang bumuhay ng patay?
Ang nasa isip nila ngayon ay mag-ingat lalo't sa ayaw man nila sa hindi ay parte sila ng laro ng kapatid. They never know of the three was the only involved, a mastermind at dagdagan pa ng kakampi nila.
Tumikhim si Ramelic kaya naman nagbigay ng attention ang lahat dahil may sasabihin ito.
Nang makita niya nasa attention na niya ay pinasidahan niya ng tingin ang tingin ang lahat bago magsalita.
"Hindi na natin pag-usapan iyan, at sa nominado naman ng bilang head ay wag niyo sana iabot 'to sa patayin. Himukin niyo ang elder at head family ng council to vote for you lalo't hindi lang sa aking kamay ang desisyon ang susunod na Family Head"
Saka tumingin siya kay Zala, ang himalang anak na nabuhay. Sa isip ni Ramelic ay may gagampanang mahalagang responsibilidad pa si Sevara sa plane kaya ayaw pa itong mamatay ng heaven's will.
Konti lamang ang may alam sa ano ang Heaven's Will at kadalasan ang may mataas na position tulad niya. Isa siyang Head ng Faction ng Clan nila, dahil ang Clan ay nahati sa labing dalawang faction at 3rd Rank Faction ang pinamumunuan niya.
Kaya isa siya sa sinabihan ng Clan Head nito. Lalo't ang Clan nila'y isang Greater Clan na mababa lamang Powerhouse Clan. Ngunit may alam pa rin sila sa isang sekreto na hindi alam ng iba.
Sinong magbubunyag nito kung may batas na nakalagay kung sino ang makakaalam nito. Malaking kabayaran ang paglabag nito kaya't walang magbabalak.
Hindi rin naman sila takot na basahin ang utak nila o ano pa para malaman ng sapilitan lalo't protektado nang manumpa sila.
May malaki siyang expectation sa bunso niyang ito lalo't ramdam niyang ito ay pinapaboran ng Heaven's Will.
"Zala? Anong propesyon ang kukunin mo?" Tanong nito habang nakatingin sa mata ni Sevara.
Para namang na-hotseat si Zala nang nasa kan'ya ang tingin ng lahat. Dagdagan pa ng matalim na tingin ng bruha niyang madrasta.
"Tinatanong pa ba 'yan ama, sa Lurembus Academy of Music Instrumentalist di ba nga na-"
"Hindi ikaw Sediaya ang kinakausap ko, hayaan mong si Zala ang sumagot sa tanong ko" Naiiritang pigil kay Sediaya ni Ramelic.
Tinikom nalang niya ang bibig at baka maparusahan pa siya ng ama.
Alam naman ni Zala kung anong mission niya rito para makabalik at matupad ang kan'yang pangako sa lalaking kaibigan. Kaya naman ay alam niya na ito ang dapat niyang gawin kahit hindi niya ito forte.
"Gusto ko po magkaroon ng shop ama sa malayo rito para na rin sa kaligtasan ko"