webnovel

Pet Raiser's Shop

Chimirie has promised to his friend Lervian to join their league and to play a National E-Games Tournament in Manila Philippines. Ngunit hindi inasahan ni Chimirie nang may napindot siyang Ads sa isang App Store na naging dahilan para siya'y maging transparent na parang kaluluwa at naisanib kay Zala A. Androvaje na bago lamang namatay dahil sa lason. Sa mundo na kan'yang pinuntahan ay nagtataglay ang tao ng kapangyarihan na mula sa pet, na kanilang ikinontrata mula sa ibang realm. Para makabalik sa kan'yang dating mundo ay kailangan niyang gawin ang mission na ibinigay ng system, at ito hanapin ang pumatay sa katawan na kan'yang sinaniban, at protektahan ang city kung mula beast sage kung saan nandoon ang kan'yang negosyo na Pet Raiser's Shop. Will Chimirie Accomplish her mission before the tournament or she will failed her promise to her male friends Lervian? ... Chimirie promised to her male friend Lervian to join his league after the Top 2 and Top 3 league join force their pro player into a team. Ito ang naging banta sa kanila Lervian na matalo sa Championship sa Master Pet's League National E-Games Tournament. Lervian beg to Chimirie whom played the game anonymously and has a title as Shadow Queen. Lervian wants to win the National Tournament to represent the Philippines on the Olympics E-Games. He wants to win to prove his worth to his family who doubt the direction of his Career. Ang kan'yang tanging pag-asa ay ang kan'yang female friend na ayaw ng exposure ay si Chimirie. Ngunit isang aksidente ang nangyari nang mapindot ni Chimirie ang Ads sa Apps Store. Doon naging transparent ang kan'yang katawan na parang kaluluwa. Nagising na lamang siya na nasa katawan ni Zala A. Androvaje na namatay dahil sa lason. Isang Mission ang kan'yang natanggap at 'yon ang maging Manager ng Pet Raiser's Shop. Upang makabalik sa mundo para tulungan ang kan'yang kaibigan ay kailangan niyang hanapin ang naglason sa katawan niya at protektahan ang City na kung saan naroon ang kan'yang shop na may banta ng Beast Invasion.

Nightwakerz · Fantasia
Classificações insuficientes
13 Chs

Chapter 13

Nakaupo sa kan'yang kama si Zala habang kinakalikot ang holograph. Nasa items siya at inopen niya ito. Nang makita niya ang <use it> ay agad niyo itong pinindot gamit ang kamay.

[Host, if you are in public, you can command your transparent device by the use of your mind]

Naintindihan naman niya ang system. Sa ginagawa niya mapagkamalan siyang baliw. She won't do that lalo ang alam niya ay sobrang higpit ng pinaglalagyan ng mga nabaliw na tao at pati na ang kanilang pets. Delikado kung ito'y magwala sa sarili at madadamay ang mahihina pa.

Sa kan'yang pagpindot doon ay may prompt na lumabas.

Ding!

Are you sure you want to spend 500 violet crytal for your teleportation ticket?

[Yes]

Hindi na siya nagpatumpik pa sa pagsagot. She thought na kung magtatagal pa ang pananatili niya rito ay ikamamatay niya. Also, ayaw niya rin umasa sa escort niya lalo't madadamay ito. Ayaw niyang may dumanak na dugo for her na ngayon na convenient ng mag-teleport.

Ding!

[Please choose a location where you want to teleport.]

Lumabas ang mapa ng buong empiryo. Ang Norvill State ay nasa pinaka-ibaba. Kung ikumpara ito sa mapa rati ng Pilipinas ay parang Sulo ito na nahiwalay sa mainland ng Mindanao.

Sa pinakagilid naman na nasa boundary ng Mystery forest naroon ang Border City. Sila ang unang depensa sa beast surge, at taon-taon nagpadala ang State Parliament ng mga sundalo na mula pa sa House of Emperium.

Pinili niya ang lugar na 'yon kaya may bago namang prompt ang lumabas.

Ding!

[The system teleport you in 3 minutes, please keep your patience host.]

Dahil sa walang ginawa ay pumunta muna siya sa talking cats. Wala na ang kan'yang alaga sa kama nito. Kaya naman lumipat siya sa kitchen kung saan nakita niya ang alaga na ang mata ay nasa umiikot na pagkain. Walang gana itong tiningnan ang mga pagkain. Napabuntong hininga ito at bore na bore ang mukha nito.

"Sidrach, ayaw mo ba ng gulay? Pasensya wala akong crystal para bumili ng gusto mo"

Napalukso naman si Sidrach sa pagsalita ng amo niya. Sa lakas ba naman kasi ng speaker na naroon. Inikot niya ang tingin at tangkang hanapin ang amo niya.

"Tanga, nasa labas pa rin ako. Mamaya lang ay nasa ibang lugar na tayo" ani nito.

"Master! Gusto ko makalabas sa mundong 'to"

Sinubukan niyang magsalita kung maririnig siya ng amo. Lalo't kayang magsalita sa mundo niya ang amo kahit wala ito doon. Hindi naman siya nabigo.

Tiningnan ni Zala ang countdown at nasa 20 seconds nalang pala. Agad siyang pumunta sa menu ng laro at pinili ang <send out my pet>.

Lumitaw si Sidrach sa paanan niya kaya agad niya itong kinarga.

"System? Can Sidrach be teleported kung ako lang makagamit ng teleportation?"

[Host, you are now one with your pet, he can go with you to teleport]

Napabuntong hininga naman siya, kung hindi maaari ay ilagay naman niya ulit ang alaga sa apps. Alangan naman iiwan niya ito, at baka ikamatay pa niya. Hindi siya baliw para mang-iwan ng alaga niya na siyang maging kalakasan niya.

Naramdaman naman ni Zala ang naramdaman niya dati. Ang parang may humigop sa kan'ya na parang vacuum. Hanggang sa binuka niya ang kan'yang mata.

Lumukso naman si Sidrach mula sa pagka-karga niya. Kung hindi lang sa night vision na passive skill niya ay hindi na niya makita ang alaga niya.

Niyakap niya ang kan'yang sarili dahil naramdaman niya ang lamig ng hangin at dinig niya pa ang ihip nito. Madilim ngunit kita naman niya ang paligid dahil sa passive skill na nakuha niya mula kay Sidrach. Ang creepy ng palagid dahil ang mga huni ng insekto lamang ang maririnig habang sobrang tahimik at pakiramdam niya nasa horror movies siya.

Inilibot niya ang tingin hanggang sa dumako ang kan'yang tingin sa mataas na pader. Nasa harap siya ngayon ng malaking gate na sarado. Ikinakunot ni Zala kung bakit siya nilagay rito ng system.

"System? Ano 'to? Why did you put me outside the city?"

[Host, if you want to build your shop, it should not be owned by the government to not be restricted]

Zala still hesitant. Nasa forest siya for God sake. Paano kung may beast sage edi apektado ang shop niya hindi man ito masira ay wala naman siyang customer. Ano? Ang mga beast ang customer niya.

Napailing si Zala lalo na't para na siyang baliw na entrepreneur.

[Host, don't doubt my decision, this is for our good]

"Whatever system" irap ni Zala.

Binuksan naman niya ang kung saan naroon ang mga items. Ang tanging nandoon na lamang ay ang Pet Raiser's Shop Building Order. Gagamitin na sana niya ito ngunit naglabas na naman ng prompt ang System.

[Host, keep the distance of the shop far away from the City Wall]

Napairap ulit si Zala at hindi na lamang piniling magsalita. Baka mabaliw siya sa system niyang psycho. Ewan niya nga ba kung bakit ganito ang system.

Parang mga beast ata ang ire-raised niya. Hindi na siya magtataka na baka nga beast and monster na ang customer. Mga walang utak pa naman ito at sumasabay lang sa instinct.

Humakbang siya saka lumakad at sumunod naman ang alaga niya na tahimik lamang sa paglalakad. Nang nasa malayo na sila pero hindi naman masyadong malayo na hindi na nila makita ang wall ng Border City.

Tumingin sa paligid si Zala at maraming puno. Wala naman silang nakasalubong na beast. Dahil siguro hindi pa sila sobrang layo talaga. Dahil ayaw ng mga ito na lumapit sa city sa takot na mapatay ng mercenary.

"System? Can I build the shop here?"

[Yes host]

Ginamit na ni Zala ang Building Order at biglang may lumabas na papel at nahulog ito sa damuhan. Agad naman niyang pinulot ito.

Ding!

[Host! Please drop your blood to the building order.]

Agad siyang tumingin sa maliwanag na mata ng pusa. "Sidrach, lumapit ka rito"

Napatanong naman ang mukha nito subalit hindi nagsalita. Nanatili lamang ito sa lugar kung nasaan siya at hindi gumalaw.

"Ano ba Sidrach? Bakit hindi ka pa gumalaw riyan?"

Lumapit naman agad ito dahil parang mainit ang ulo ng kan'yang amo. Nang nasa harap na siya ni Zala at umupo naman si Zala. Inilapag nito sa lupa ang papel saka naman inilapit niya ang daliri sa harap ni Sidrach.

Tumingin naman na may pagtataka ang pusa lalo't hindi niya alam kung anong ipagawa ng master niya.

"Sugatan mo ng kuko mo ang daliri ko, ngayon na." Utos nito.

Nagtaka naman ito ngunit ginawa niya parin ang utos nito. Mabilis niyang kinalmot ang daliri nito para masugatan. Ipinahid niya ang dugo sa papel.

Biglang nagliwanag ang papel at nakatanggap siya ng prompt.

Ding!

You activated the Building Order, a 5 indigo crystal deducted to your storage.

The construction will now begin...