webnovel

Perfectly Unordinary (Tag-Lish)

Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes and let him touch them.. No one but.. Faith Fajarah.. Nothing's ever perfect in her life, well, not anymore. She don't talk to anyone unless it's necessary, she don't listen to them, she avoids them and she won't look just anywhere because it's the reason why her life turned upside down. But what will happen when she explodes because someone's so stubborn around her.. in one single touch, nagsimula ng gumuho ang mundong ginawa niya..

IzannahFrame · Terror
Classificações insuficientes
29 Chs

Chapter 18: ABILITY

"At sino ka naman para pakialaman ako?!" Sigaw niya dito sa galit, sabay tulak. Nagpatinag na rin ito. "Wala kang alam sakin, Raindell Azarcon! Wala kang alam kaya wag kang mangialam." Umalis siya sa pwesto niya para mas makalayo dito.

Rain followed her at hinarap ulit ito. "You're right. Walang nakakakilala sayo. You just came out of nowhere. You're a mystery to all of us. Ni wala kang kaibigan sa school. Dinidistansya mo ang sarili sa lahat. Maliban lang sa mga kasamahan mo sa trabaho. Bakit ba? Why are you like that?" Frustrated niyang tanong sa dalaga.

"No one has to know me." Sagot ni Faith. "Hindi ko rin kailangan ang ibang tao. Sanay na kong mag-isa. At tungkol don sa sinabi mo kanina.." Mataman niya itong tinignan. "Hindi ko kailangan ang proteksyon mo, Rain. O ng kahit sino. I'm fine by myself."

Umiling si Rain. "Hindi mo na mababago ang desisyon ko. No one and nothing can stop me." Madiin nitong sabi na nanlilisik ang mga mata sa kanya.

Napapikit si Faith. Pagod na siya sa pakikipagtalo dito. Pero kailangan niyang mapalayo ito sa kanya. Tiningnan niya ulit ito. This time, her eyes are begging.

"Please, Rain. Ayoko ng gulo. Dinadagdagan mo lang ang problema ko. Pakiusap naman oh." Naiiyak na siya. Sobrang bigat ng loob niya. The same thing is happening. The very thing that she vowed not to do again. "Just leave me alone. Yan lang ang tanging magagawa mo sakin." Pinahiran ni Rain ang luhang tumulo sa pisngi niya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Agad niyang pinalis ang kamay nito at umatras para idistansya ang sarili.

"No--"

"Please, Rain. I've live peacefully alone these past years." Of course, that's not really true. But atleast, her life now is less complicated. Living normally as she can be. "Wag mo ng guluhin ang buhay ko. Pag nalaman ng ibang kaluluwa ang tungkol sakin, hindi nila ako titigilan. Gaya ng ginagawa mo ngayon."

Hindi alam ni Rain kung ano ang isasagot sa sinabi nito. People like her are just too few. Special. Kaya lalapitan din ito ng mga kaluluwa. Hindi na rin siya magugulat kung ilang beses na ito nakakita ng white lady. Pero interesado din siya malaman ang tungkol sa kakayahan nito. "Ano pang ibang nakikita mo maliban sa mga kaluluwa?" Kinakabahan siya sa magiging sagot nito.

She's hesitating to answer him. Pero ano pa bang mawawala, alam na rin naman nito. "Mga maligno." Nakita niya ang paglaki ng mata ni Rain. Halatang nagulat. "Engkanto, demonyo at iba pang mga di pangkaraniwang nilalang." Pagtatapos niya. "Yung iba, saka lang if I focus enough on my abilities."

Rain can't imagine what Faith's life is. It's not really peaceful. Tumatayo ang balahibo niya sa naririnig. Nakakatakot ang kakayahan nito. Seeing everything that most people don't see is really bothering. Nakakabaliw. But she doesn't have to be aloof to everyone. Tumingin uli siya dito. "Where did you came from?"

"You don't have to know." She replied firmly. "Rain, please.. I'm so damn tired." Sabi niya sabay pabagsak na umupo sa kama. "Let's forget all this things. Stay away from me so that the others won't know. Just stick with your brother. Bantayan mo nalang siya." Malumanay niyang sabi.

Hindi sumagot si Rain, nag-iisip. Nakatingala lang si Faith dito. "I can't help you if you want your body back." Sabi niya, baka kasi yun ang kailangan ni Rain.

Agad napatingin si Rain dito. That did crossed his mind. But he won't do it. Kasalanan niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng kakambal niya kaya bilang ganti, ay ibibigay nalang niya dito ang mortal na katawan. Nanghihinayang nga rin siya sa pagkakaroon ng normal na buhay. But he wants to sacrifice himself for his twin. Raimer doesn't deserve to be in Rain's situation.

"Hindi ko na yun babawiin sa kanya." Mahina niyang sabi.

Napatitig nalang si Faith dito. Hindi inaasahan ang narinig. "Sigurado ka? Siya ba talaga ang nasa katawan mo?"

"Ou. Parati ko siyang sinusundan kaya alam kong siya yun. Narinig ko pa siya mismo na hinahanap ako at gustong makausap."

Faith just nodded. Napapaisip pa rin. Still, she wants to make it sure herself. Siya na aalam non. Napahikab siya. Sumasakit na ulo niya sa pagod at antok. Sumulyap siya sa alarm clock. Malapit na mag alas-kwatro ng madaling araw. Bumaling uli siya sa binata. "Rain, please, lubayan mo na ako. Yan lang talaga ang gusto ko. Wag mo na sirain ang buhay ko ngayon. Don't make my world upside-down again."

Bakit ba ganon nalang ang hiling nito? Parang may malaki itong pinagdaanan na ayaw na ulit mangyari. Mas gusto pa niyang dumikit tuloy at malaman ang lahat tungkol dito. Pero sa ngayon, kailangan na nitong magpahinga. Papasok pa ito mamaya. Bumuntong-hininga siya. "Ganito nalang, hindi kita kakausapin o iisturbuhin pag may ibang tao o kahit ano sa paligid. Hindi kita ibubuko sa kanila."

Nagawa pa rin nitong tignan siya ng matalim kahit inaantok na. Gusto niyang matawa, ang cute kasi tignan nito. Pero pinigilan nya ang sarili. "Promise. I'll be very careful. Babantayan lang din kita na walang makakalapit sayo."

"Hindi pwede, Rain." Gusto pa niyang makipagtalo pero wala na siyang lakas. Mabigat na ang talukap ng kanyang mga mata.

"Let's argue again later. For now, magpahinga ka na." Lumapit si Rain sa pinto at pinatay na ang ilaw.

Dahil ubos na ang lakas niya. Wala na siyang nagawa pa. Humiga na at tumalikod kay Rain. Nakatulog siya agad paglapat ng ulo niya sa unan.

Bumalik si Rain sa pwesto niya kanina. Umupo uli siya sa sahig at sumandal sa pader. Hindi na siya makatulog, babantayan nalang niya ang dalaga.

Pagkamaya-maya ay nagising si Faith sa alarm clock niya. Masakit pa ulo niya dahil sa puyat. Kahit gustong matulog nalang buong araw ay hindi pwede. Marami siyang kailangang gawin. Di niya pa napapatahimik ang alarm clock pero natigil na ang tunog nito. Gusto niyang ipikit uli ang mga mata pero kailangan na niyang bumangon.

Dahan-dahan siyang naupo na halos nakapikit pa ang mga mata. Nang maalalang bigla nalang namatay ang alarm clock niya ay saka niya pa nakitang may ibang tao pala sa kwarto.

Agad nanlaki ang mga mata niya nang makita si Rain na nakatayo sa gilid ng kama. Nakatingala siya dito. Natanggal agad ang antok niya.

Kita niyang nakangisi ang binata, na nakadungaw sa kanya.

Nagulat siya nang makita ito ngayon, saka lang naalala na kagabi pa pala ito nandon.

"You look cute with that bird's nest hair." He said and patted her head.

Winakli niya ang kamay nito. "Tumigil ka. Ang aga." Sinipatan niya at tumayo na.

Pumuntang drawer para kumuha ng susuotin at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto at school uniform. Saka kumuha ng shampoo at sabon sa cellophane na nakasabit din don. Lumabas na rin sya at bumaba don sa banyo para maligo. Naiinis pa siya kasi dati tuwalya lang dala niya at pampaligo. Ngayon, kasama na ang susuotin. Di naman kasi siya maaaring magbihis sa kwarto niya pag nandon pa ang lalaking yun.

Rain stayed inside the room. Napaisip kung anong kakainin nito sa agahan. Wala kasi siyang nakikitang pwede nito kainin. Gatas lng ang meron, nakalagay sa isang tupperware.

Napatango-tango siya sa sarili. Mahilig pala siya sa gatas.. Sumaya siya sa panibagong bagay na natuklasan dito.

Lumipas ang ilang sandali ay pumasok na ulit si Fath sa kwarto. Nakabihis na ito ng school uniform.

Umupo ulit sa kama si Rain at sinundan lang ang bawat kilos nito. Binalik nito ang mga dinala sa pinaglagyan at ang suot naman kagabing pantulog ay nilapag lang nito sa higaan. Lumapit ito sa pinaglagyan ng gatas at nagtimpla.

"Itigil mo nga yan, kung ayaw mong tusukin ko yang mata mo." Matigas na usal nito.

He cleared his throat and looked away. "Sorry." He mumbled. "Pero para ka namang hindi pa sanay." Dagdag niya.

"Noon, hindi kita nakokontra sa palagi mong pagtitig sakin dahil ayokong kausapin ka at kahit sino. Ngayon, nandito ka sa loob ng kwarto ko at nakakausap." Humarap na din ito sa kanya sabay higop ng gatas. "Don't you think i deserve some freedom from all those stares i get when i'm out of my room?" Pinagtaasan siya nito ng kilay.

"Sino yung ibang mga tumititig sayo?" Matigas niyang tanong dito. Yun lang din ang tumatak sa isip niya sa lahat ng sinabi nito. Nakaramdam siya ng galit don.

"Many to mention." Sabi nito sabay kibit-balikat at inubos na ang laman ng baso.

Hindi na niya ito sinundan pa ng tingin. Hinayaan nalang.

Pagkatapos lahat ng paghahanda ay sabay silang umalis ng kwarto. Nakabuntot na naman si Rain sa kanya. Dala na ni Faith ang gitara para deritsong trabaho na siya mamaya.

Hanggang sa makarating sa school ay tahimik silang dalawa.

"Hindi ka ba kakain ng agahan?" Tanong ni Rain. Wala pa namang ibang nakakapansin sa kanila.

"Sa cafeteria na ako kumakain and shut up." Sabi nito na hindi masyadong binubuka ang mga labi.

Kaya pala doon sila dumeritso. Tumahimik na din siya. Very careful sa paligid. Marami na ring mga esdtudyante.

Kinakabahan si Faith sa sitwasyon niya. Baka malaman ng iba ang kakayahan niya. Sana lang hindi siya ipapahamak ni Rain. Kumain siya pagpasok sa kusina. Iniwan na niya ang gitara sa storage room. Doon niya ito madalas iwan dahil ang cafeteria naman ang huling lugar na inaalisan niya sa school.

"Doon muna ako sa kapatid ko." Paalam ni Rain sa kanya.

Tumango lang siya at umalis na ito. Nakahinga na rin siya ng maluwag. Pagkatapos kumain ay dumeritso na sa klase.

Pagsapit ng lunchbreak ay nasa counter na naman siya. Napansin niya ang pagpasok ng pinakasikat na grupo. Kasama ang mortal na Rain, pero wala yung kaluluwang Rain. Nagtaka siya kung bakit wala ito, akala niya sa kakambal ito bubuntot.

Natigil siya sa pag-iisip nang lumalapit na ang mortal na Rain sa kanya. Ito na ang pagkakataon niya. Sumingit na din ito sa linya at kaharap na.

"Isang siopao and canned coke, please." Pagsabi nito ng order.

Gusto niyang mapangiti dito. Nice try. Trying hard to act like Rain but not enough. But what gave you away was your polite demand. Gusto niyang sabihin dito. This is her chance. Bago atupagin ang order ay tinutukan niya ang mortal na Rain. He look deeply into him and focused.

Malapit na siya, konting konsentrasyon pa. Her senses hightened. Nakikita niya ang lahat ng kaluluwa, hindi lang yung mga pangkaraniwang patay lang, kundi pati sa mga buhay na tao. She can look right through everyone's soul.

And the mortal Rain infront of her is not the one she's looking anymore. Nakikita na niya si Raimer dito. Nakatitig din si Raimer sa kanya, nagtataka at halatang kinakabahan.

Tama nga si Rain, ang kakambal nito ang nasa katawan. "Si Raimer nga." Sambit niya. She closed her eyes to lower down her senses. Her head is starting to hurt. Matagal na niyang hindi nagagawa yun kaya hindi na siya nasanay.

"Faith." Rinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

Nasa tabi ni Faith si Rain. Nag-aalala siya dahil nahalata ng lahat ang pagtitig nito sa mortal na Rain. Gusto niyang magising ito.

Habang nakapikit ay nakikita pa rin niya ang lahat sa paligid. Nakikita ng isipan niya. Nagfucos siya para makontrol ang kakayahan.

Pagkatapos ng ilang sandali ay binuka na rin ni Faith ang kanyang mga mata.

"Raimer." Sabi niya sa kanyang kaharap. Nakita niya ang paglaki ng mga mata nito.

"Faith." Pagpansin ulit ni Rain sa kanya. "Anong ginagawa mo?" Pag-aalala nito sa kanyang likuran.

Saka lang niya naalala ang ginawa niya. Umiling siya para mas magising ang sarili. She felt a little lightheaded sa ginawa niya.

"I'm sorry." Sabi niya kay Raimer at kumilos na para kunin ang order nito.

"We'll talk later." Sambit ni Rain at umalis na sa tabi niya.

Umugong sa paligid ang ginawang yun ni Faith. Ang mga usapan na tinitigan niya si Raimer at baka may gusto na daw siya dito.

Gustong parusahan ni Faith ang sarili. Nakalimutan niya ang tungkol don. Bwesit! That was a very careless move.. Ang bobo ko lang. Galit niyang usal sa isip. Very nice, Faith. Parang binenta mo na rin ang sarili mo sa demonyo. Langya! Gusto na niyang sabunotan ang sarili sa katangahang ginawa.

Umalis na agad si Raimer nang makuha ang inorder. Hindi siya makapaniwalang tinawag siya nito sa mismong pangalan niya. Naisip na baka nahalata siya nito. Nakapagdesisyon siya agad na kausapin ito, pero saka nalang. Yung silang dalawa lang. Hahanap siya ng pagkakataon na masolo ito.