webnovel

Pagbubunyag ng katotohanan

Editor: LiberReverieGroup

Matagal na nanahimik si Zhao Da Yong matapos sagutin ang tawag ng isang estranghero.

Ang huling sinabi ng lalaki ay paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isip na para bang isang sumpa.

Mabubuhay ka kasama ang panggigipit ng media at ang pangiinsulto ng iba sa iyo habang buhay...

Ilang araw palang ang nakalipas at halos mabaliw na siya nito. Hindi niya maisip na dadalhin niya ito habang buhay.

Kahit na hindi niya alam kung sino ang tumawag, ang lahat ng sinabi ng lalaki ay totoo.

Wala siyang takot noon dahil alam niya na nasa panig niya ang media at publiko.

Ngunit ngayon, wala nang naniniwala sa mga sinasabi niya; ang mga taong kakampi niya ay tinalikuran na rin siya. Hindi lang sa wala na siyang kakayahan na bantaan si Han Xian Yu, inaalipusta pa siya ng lahat.

Sa pag-iisip na iyon, tuluyan ng nasiraan ng bait si Zhao Da Yong….

Makaraan ang ilang araw.

Tumindi lalo matapos ang online crusade laban kay Zhao Da Yong at bayolente ang pagproprotesta ng mga tao, Nag post si Zhao Da Yong sa kanyang Weibo na nagsasabing gustong niyang linawin ang lahat at sabihin ang katotohanan sa isang press conference.

Sa araw ng press conference, punong puno nag buong lugar. Mas lalo pang dumami ang tao kumpara sa dati.

Nakayuko ang ulo ng mag-asawa at nakatayo sa harapan ng media at balisang nanunuod na talunan ang itsura.

Mukhang pagod ang itsura ni Zhao Da Yong at namumutla sa mga pagatake ng publiko. Ang kanyang mukha ay nababalot ng pagkasindak at takot.

Nang magsimula na ang press conference, nagmamadaling pumunta si Zhao Da Yong upang ipresenta ang speech na kaniyang pinaghandaan upang linisin ang kaniyang pangalan, "Hindi inabuso at ginahasa ni Han Xian Yu ang aking anak. Ang lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang upang makakuha ako ng kabayaran galing sa kanya.

Ako lang ang nag-isip na sabihin ng aking anak ang mga bagay na iyon habang kinukuhanan ko siya, at ako din ang nag kumbinsi sa aking asawa na mag sinungaling sa media. Gayon pa man, hindi ako pedophile-hindi ko kailan man ginawa ang ganong bagay sa anak ko. Ang pakay ko sa simula pa lang ay mangikil ng pera mula kay Han Xian Yu…"

Sa sandaling marinig ang mga sinabi ni Zhao Da Yong, nagkaroon ng panandaliang katahimikan at nasundan ng kaguluhan.

"O diyos ko! Talagang pinagbintangan lang si Han Xian Yu!"

"Gaano ka tuso itong mag-asawag ito?! Nakagawa sila ng ganito kasuklam-suklam sa taong tumutulong sa kanila?"

"Ang kapal ng mukha nila!"

...

Gusto na talaga ni Zhao Da Yong na lubayan na sila ng media kaya humingi siya ng lubos na kapatawaran, "nagpunta ako dito sa korte upang iurong na ang demanda. Patawad; paumanhin sa media na tumulong sa akin, paumanhin sa mga netizens na sumuporta sa akin paumanhin sa asawa at anak ko at syempre paumanhin kay Mr. Han Xian Yu...

"Natuto na ako. Sakim ako at hindi nagiisip ng ayos, at sana mapatawad ako ng lahat…"

Tinapos na ni Zhao Da Yong ang paghingi niya ng tawad at yumuko ng mababa. Humingi din ng patawad sa lahat si Li Qiao Hong na nasa tabi niya.

Nang marinig ng mga manunuod ang paghingi ng tawad ng mag-asawa, nagalit sila sa kawalan ng katarungan at lalong tumindi ang pangungutya.

"Iniisip nila na may magagawa ang paghingi nila ng tawad? Ginagawa lang nila tayong tanga!"

"Ginagamit mo ang simpatya namin para sa mga masasama mong balak; sumusobra kana!"

Mangiyak-ngiyak ang mga fans ni Han Xian Yu nang marinig nila ang pag-amin at paghingi ng tawad ni Zhao Da Yong.

"Alam ko na hindi gagawa ng ganyang bagay si Xian Yu! Ang lakas pa ng loob ng mga media at netizens sa simula na ipagtanggol si Zhao Da Yong at ang kaniyang asawa--hindi ba dapat sila ang humingi ng tawad?"

"Salamat sa diyos at nagawa natin ito ngayong araw! Nagawa din natin! Hinihitay-hintay din ang araw na ito na lumabas ang katotohanan!"

"Nahuhuli man ang hustisya ngunit lalabas at lalabas padin ito!"

Sa Jin garden:

Napabuntong-hininga si Ye Wan Wan ng mapanuod niya ang live telecast at pinapakinggan ang maraming tao na sumisigaw "Justice may be delayed but it'll always appear" na galit na galit.

Ang kasabihan na ito ay nag mula sa kasabihan na "Justice delayed is justice denied," na ibig sabihin ay kung magagmit ang legal na paglutas ngunit hindi pa napapanahon, ito ay tulad din ng hindi paglutas nito. Sa kabilang banda, sa pagpapasa ng mga salitang ito sa mga tao nabuo ang mga kataga mula sa taong bayan.

Sa kaniyang dating buhay, sa bandang huli pinanghawakan ni Han Xian Yu ang hustisya ngunit sa oras na iyon, ang kaniyang buhay ay sira na. Ano pa ang punto ng pagkakaroon ng pagkaantala ng katarungan?

Ang pag antala ng hustisya ay hindi karapat-dapat na tawagin hustisya.