webnovel

Chapter 2: Sun and Moon

Cia's Point of View

What if someone is plucking it for fun? Will the person connected to the certain leaf still die? I feel like there's something wrong in everything they're teaching us.

"Great! Now, choose a number, Faith." Ms. Hale commanded.

Don't you dare say 23, Faith.

Wait! If Serrano, Blaire was dropped out last month since she's dramatically ill that means my number is 22.                 

                             

"21~" maikling sagot ni Faith. She's silently screaming to Sean Silvestre, 'back to you!'

Inangat ko ang tingin kay Sean at nakitang napangisi siya bigla.             

"Sean, stand up" utos ni Ms. Hale at agad naman itong sumunod.               

"Here's the question, what will happen to you during the afterlife?" 

So, basically what will happen to me is go to purgatory then definitely heaven. I'm such an angel, you know? However, in this school, elders said that heaven is not true.                           

"If I still have a thing to do that I haven't done, hence, I am certain that I'll be born once again. Howev-" natigilan siya ng pumasok si Mrs. Red ng walang paalam.

Napabuntong hininga na lang kaming lahat dahil hindi na naman bago para sa amin ang ganitong eksena.             

  "May I excuse Sean Silvestre?" Sambit niya. Yun lang pala, gaano ba kahirap kumatok? She's the head of this school but a rude being.

"Iba talaga pag favorite, noh?" bulong ni Leah muli sa akin. "Wala kang magagawa, siya yung lumalaban pag may competition ih" sagot ko naman. Favoritism is never new for us. Lumakad si Sean papunta kay Mrs. Red na mukhang pagod na pagod at sawa ng matawag ng pa ulit ulit.                                                                                                                            "Oh, and also Ethan Vale" dagdag na utos ni Mrs. Red. Nagsihiyawan ng aking mga kaklase. Hindi naman nakakagulat na tawagin si Ethan pero kung kasama si Sean, syempre talagang nakagigilalas.                                                                                               

"Mukhang may eclipse na mangyayari ngayon!" sigaw ni Tan kung kaya't mas lalong umingay ang classroom. I've never knew that this would be a big deal for them.

Sean is the sun, Ethan is the moon. Sean is lively unlike Ethan who's like a stone, he hardly opens up about his feelings. Everyone likes Sean, he's pretty kind actually but a bit of a two-faced person. They are the total opposite of each other. No one ever has seen them talking to one another. There is always tension between them.

"Class, keep your mouth shut!" pagsaway ni Ms. Hale na nanggagalaiti na sa galit.           Lumabas na ng classroom ang mga taong laging excused.     

"Ano kayang gagawin nila?" pabulong na sabi ni Leah sa akin. Napakunot ang noo ko.

"Ay talaga, Leah!" muling hiyaw ni Ms. Hale. Napatawa na lang ako ng mahina. Aminin natin na minsan nakakatuwang makita na magalit ang isang tao. Ngunit nakakairita narin ang boses niya, ang tinis at sigaw pa ng sigaw. Pagpasok palang ng classroom maririnig mo na yung boses niyang pang palengke.

"Tayo, Leah!" utos niya. "Tutal ang ingay mo, here's my question-" naudlot ang dapat na sasabihin ni Ms. Dale. "Arrrghhh, kasalanan mo to'! Ang landi mo!" malakas na boses ang nagpatigil sa aming recitation. Nanlaki ang mata ko ng natandaan ko na hindi ito bago.                 

I guess, another couple's thread have darkened and have been severed.

"Seniors, Grade 12~" bulong ni Faith habang nakadungaw sa bintana.     

"Wait lang, class!" sabi ni Ms. Hale at agad agad na lumabas ng classroom. 

"Gagi, kinabahan ako. Kala ko kung ano ng itatanong ih." natatawang sabi ni Leah at naupo muli.

Dapat kasi tumahimik ka nalang, daldal mo masyado. No wonder, next time I might be scolded too because of you. 

"Leah niyo tuwang tuwa ng hindi matanong!" sigaw ni Tan. "Paano yung tuwa? Patingin." pagbibiro ni Jeorge.

Kung may Sun and Moon, syempre may Tom and Jerry. Laging ganyan naman ang eksena sa eskwelahan namin. Mag-aasaran, kakabahan sa bawat suprise quiz o recitation, magkakasagutan dahil sa mga opinyon at tuturuan kami ng mga bagay na hindi naman totoo. Dahil dyan mas gusto kong kausap si Selene kasi laging tumutugma ang isip namin. Subalit, ayaw niya kasing umupo ng malapit kay Faith.

"Class, next time nalang natin tuloy yung recitation. I have an urgent meeting." Kinuha niya ang kanyang mga gamit at nagmamadaling umalis si Ms. Hale. 

"Baka yun yung itatanong sa exam~" bulong-bulungan sa likod. 

"Di naman sila masyadong nagtuturo tapos inaasahan nila tayo na magkaroon ng mataas na grado" dagdag na reklamo ng isa and that is a fact.

Wala naman kaming magagawa first section kami eh, lahat ng atensyon sa amin napupunta kasama nadun ang expectations. Well, expectations lead to disappointment.

"Jusko, Buddha, sila'y iyong parusan sapagkat ang iyong mga anak ay pinapahirapan" sambit naman ng isa na ani mo ay babagsak sa exam. 

"Restroom tayo" senyas ni Selene na nasa kabilang sulo ng classroom at tumango naman ako kahit hindi ako naiihi, sasamahan ko nalang siya dahil ganoon naman talaga ang mga babae, hindi ba?                                                                                                          

"Sa tingin mo, bakit pinatawag ni Mrs. Red yung dalawa?" tanong niya ng lumabas kami na agad namang kumuha ng atensyon ko. "Malay ko, siguro dahil favorite nila yung dalawa" walang gana kong sagot.

"Uyy, tingnan mo" tinuro niya yung babaeng nakahilata sa first floor. "Baka yun yung sumisigaw kanina" dagdag niya. 

"Oo, siguro. Kasi diba nawawala daw sa sarili ang tao pag lumalabo at dumidilim ang sinulid niya?" tugon ko. "Bakit kasi hindi natin nakikita yung sinulid?" mungkahi ni Selene habang kinakamot ang kanyang ulo.                  

Kahit naman makakita kami, itatago pa rin ang malalaman natin tungkol sa sinulid at umastang walang katulad ng normal na tao. Halimbawa na lang yung lalaking na maskara na pula.

"We tried to see it when we're grade 6 pero wala talaga sa atin yung gift na meron ang iba." Napalingon ako sa kanya at I explained.                                                 

  Naalala ko pa noon, may monghe na nagpausok sa buong classroom. Tapos pinahiga kami sa lapag, ipinapikit ang aming mga mata habang sila ay nag seremonya, ipapamulat ang aming mga mata't tatanungin isa-isa kung may nakikita na pulang sinulid.

"Did you see what I saw?" bigla niyang tanong. "No, why? What did y-" itatanong ko sana kung ano ang nakita, ngunit napukaw agad ng aking mga mata ang dalwang lalaki na matangkad na sabay maglakad. "That's a miracle" sabay naming sabi ng makita kong magkasamang nagtatawanan si Sean at Ethan. Bakit sila nagtatawanan? What's the catch? Spill the tea. Papalakad sila sa direksyon namin.

"Lieutenant Colonel Swartz, retreat." pabirong sabi ni Selene at naglakad kami agad pabalik.

"Shall we start running back to the classroom?" bulong na payo ni Selene. Tinatanong pa ba yan? Syempre dapat lang, may ichichismis na naman ako kay Tan.

"Definitely~ but running is obvious, so let's just walk fastly" mungkahi ko. Naglakad kami ng mabilis pabalik kahit ihing-ihi na si Selene.

"Bakit pawis na pawis kayong dalawa?" agad na tanong ni Jeorge ng kami ay kanyang nakita.

"The eclipse was real" saad ko. "Huh? Anong eclipse hindi naman madilim ah?" tanong niya pabalik. Ang hina naman makaintindi ng taong ito.

"Sean and Ethan were laughing together!" sambit ni Selene. 

"Together? that's impossible. Ano ba yan? Another story both of you made?" natatawa niyang tanong at bumalik sa kanyang upuan. Gago toh ah, kung pwede lang ang cellphone edi sana I can take a picture of them together. Baka gusto mo i-wallpaper ko pa? 

"Kung ayaw mo maniwala, edi wag. We're just telling the truth!" saad ni Selene na mukhang nagalit na. Nag-away na naman sila. Ikaw ba naman sabihin na gumagawa lang ng kwento para may mapag-usapan. Naglakad si Selene pabalik sa upuan niya at nilagay ang kaniyang mukha sa arm chair.

"Sira ka, Jeorge! Pag yan umiyak" ani ni Tan. Tiyak ko na hindi naman iiyak si Selene, sadyang galit lang siya.

*door creaks*

"Hey, my boy, Sean! totoo bang kinausap mo si Ethan?" tanong ni Jeorge.  Bakit sa tono niya ay bawal kausapin ni Sean si Ethan? Is there something I should catch up on? Ayaw ba niya kay Ethan? Mabait naman ang kaibigan kong si Ethan, minsan lang may attitude.

"Medjo, ata. Bakit?" Tugon ni Sean na halatang walang gana makipag-usap. Anong klaseng sagot yun? Kaya ayaw naming kausapin tong lalaking toh, kay hirap kausap. "Sabi nila nakita nila na nagtatawanan kayong dalawa" pagtutuloy ni Jeorge habang hinawakan niya si Sean sa kanyang balikat.

"Oh ano naman para sayo yun?" tanong pabalik ni Sean na nakakunot ang noo.

I knew it, hindi dapat tinatanong si Sean ng ganyan. Ang mga sagot niya ay may nakatagong kahulugan katulad ng 'know your place'. Wrong move, Jeorge.