webnovel

Prologue

Hey pips! I'm Isabella Denisse Guevarra. Ang reyna ng mga hopeless romantic sa paaralan namin.

Di lang ako reyna ng mga hopeless romantic. Reyna din ako ng mga magaganda, famous, matatalino, at opcors, reyna ng kasexyhan.

Sabi pa nga nila, ang swerte ko raw sa lahat ng bagay. Parang jump of all trades.

"Hoy Jack yun gaga!" Sigaw ng beshie ko, si Cassandra Megan De Vallamonte. But Clare na lang for short. (Oh wag judgemental choice niya yang pangalan niya.)

O ayun na nga. Jack of all trades. Nakaupo kami rito ngayon sa may canteen nang nagkaroon ako ng kakaibang feeling. Papalapit na nga siya. Ang nag-iisa kong bebe. Si Cid Mark Penuela.

Actually, nasa gym pa siya. Pero feel ko lang na papunta na siya dito. Galing siya sa Taekwondo practice nila. At routine na rin namin na magkita sa canteen pagkatapos ng practice nila at special classes namin.

Di nga ako nagkamali. Natatanaw ko na siyang naglalakad papalapit sa kinauupuan namin.

"Naglunch ka na ba?" Tanong niya. Oh diba ang bait ng bebe ko? Concerned na concerned sa akin.

"Eh Merk hende pe eh. Henentey khe kese nemen." Pabebe kong sagot. But di niya ako pinansin.

Sino bang kausap nito?

"Ah done na akong kumain." Sagot naman nung bruha sa likod.

Ah so akala din guro niya na siya ang kausap.

"Mabuti. Akala ko nagpalipas ka na naman ng gutom." Sagot pa ni Mark.

Anak ng! Hindi pala ako ang kausap? Napapikit nalang ako habang nakalagay ang palad sa aking mukha.

Yes... Swerte ako sa lahat. Except for love. E paano ba kasi? Ang gusto ng crush ko e yung bestfriend ko.

Aaminin ko, minsan nagseselos ako. Pero minsan din e iniisip ko nalang na I'm to prettyful este beautiful for him.

Tumabi si Mark kay Clare at kumain ng lunch. Nag-offer pa nga ang malandi kong beshie na subuan siya. Jusko di ko yata kayang panoorin to.

Ang lalandi wala namang label.

Makapagsound trip nga.

At dahil nga feel na feel ko yung kanta ay napakanta ako ng sobrang lakas. Like sobrang lakas talaga dahil naka-headphones ako at malay ko bang malakas na pala ang pagkakanta ko.

*Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala wala pa? Kahit na alam na nga ng puso ko na may mahal ka nang iba!*

Feel na feel ko na ang kanta nang bigla nalang akong may nakitang bola na papalapit sa akin. "ANG BETLOG NI MARK DAKO!" Yan ang huli kong sinabi bago nawalan ng malay.

⁂⁂⁂

**Clare**

Ang bulgar nga talaga ng bunganga ng bespren ko. Mahihimatay na nga lang idadamay pa ang betlog ng bebe ko.

Sinugod namin siya sa clinic dahil nga nawalan siya ng malay. At dahil hindi ko siya kayang buhatin ay si Mark nalang ang kumarga sa kaniya. Pinabridal style pa yan ha. Nakakaawa din itong bestfriend ko e.

Minsan na nga lang mahawakan ng crush niya, sa panahon pa talaga na wala siyang malay.

Medyo malayo ang canteen sa clinic kaya't matagal na lakaran ang kinakailangan upang makarating kami doon. Pag dating sa flag pole ay halatang pagod na at hinihingal na si Mark.

"Mark okay ka lang? Kung di mo na kaya baka gusto mong iwan na lang siya natin dito sa may flag pole." Tumawa naman siya. "Tch. Seryoso nga ako. Kung isabit na lang natin siya doon sa ibabaw? Sigurado may makakakita naman sa kaniya." Dagdag ko pa at tiningnan niya ako.

"Seryoso? Isasabit lang natin siya dito?" Tanong niya. Hay naku, gwapo nga binge lang.

"Joke lang. Kahit paano ay concerned parin naman ako sa gagang yan noh!" Sabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa clinic.

Pagdating sa clinic ay nilagyan siya ng ice pack ng nurse. Hindi rin naman daw masiyadong malakas ang pagkatama ng bola kaya't maliit lang ang bukol sa ulo niya. Masiyado lang siguro siyang oa kaya't nahimatay.

Charot. Sabi ng nurse ay mukhang fatigue ang cause kung bakit siya nahimatay at hindi ang bola. Mukhang sineryoso niya talaga yung dare ko sa kaniya nung isang araw na hindi siya pwedeng matulog sa loob ng 48hours. Nakakaguilty tuloy.

"Kamusta raw siya?" Tanong sa akin ni Kurt. Siya lang naman ang nakahagis ng bolang tumama sa ulo ni Ella kanina.

"Comatose raw. Di na magigising." Sabi ko naman. Of course joke lang yun noh. Nahimatay lang naman yung oa kung beshie.

"Huh totoo? Jusko ayaw kong makulong. Clare tulungan mo naman ako oh." Pagmamakaawa niya. Hay ang dali talagang lokohin ng gagong to. "Please Clare tulungan mo ako. Mag-aabogado pa ako. Pag nalaman ni papa na nakapatay ako baka ako na ang isunod non." Nakita kong tumutulo na ang luha niya kaya't tumawa ako nang malakas na malakas. As in malakas.

"HAHAHAHA PUTEK KURT NAKAKATAWA KA PRAMIS." Sabi ko habang tumatawa. Ngunit bigla akong natigil sa pagtawa nang bigla akong may maramdaman na lumabas. Sht, bukas pa naman dapat yung dalaw ko ah?

"A-anong nakakatawa Clare? Di mo ba gets? Makukulong ako!" Nauutal na sabi ni Kurt na umiiyak pa rin.

"Ang tanga mo putek. Paano mamatay yung babaeng yon eh yung barbie² na ball lang naman tumama sa kaniya? Ang lambot kaya nun amp." Sabi ko habang pinipigilan ang tawa dahil baka may lumabas na naman.

At dahil nga di ko na kayang makita ang pagmumukha ng tangang Kurt Alexander na iyon ay pumunta na lang ako sa cr upang silipin kung ano ba talaga yung lumabas.

**KURT**

Hi guys! Ako na muna raw ang magpapatuloy ng story dahil may ginagawa pa raw si Clare. So ayun nga, para parin akong baliw dito sa labas ng clinic na iyak ng iyak.

E paano ba kasi? Birthday ng kapatid ko kahapon at may natanggap siyang barbie na bola. As in katulad nung binibili sa atin ng mga magulang natin sa plaza noon nung mga bata pa tayo. Maganda naman, kaso lang lalaki siya kaya't binigay niya na lang sa akin. Lalaki din naman ako e. Pero feeling ko lang talaga na sayang kapag itinapon ko iyon.

Kaya pagkabukas ay agad ko itong dinala sa school. Sabi naman ng kaibigan ko ay maglaro kami ng volleyball gamit yun. At dahil nagpa-practice ang mga varsity teams sa gym para sa intrams, sa canteen nalang kami naglaro. Kaso nga lang ay pagkatapon ko ay di nasalo ng kaibigan ko kaya't tumama ito sa mukha ng pinsan ko, si Ella.

Mukhang malalagot talaga ako kay Daddy ngayon. Makapagpraktis na lang nga ng palusot.

"Dad di ko po sinasadya." Ay ang baduy naman. Para talagang sinadya.

"Take two. Dad naglalaro lang po kami at hindi po talaga para sa kaniya yung bola. Nabigla na lang po ako at biglang tumagilid yung bola't tinamaan siya." Ay ano yun may pakpak ang bola?

Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa pader. Paano ko ba i-eexplain kay Dad na aksidente ang nangyari? But anyway, kailangan ko silang tawagan dahil mukhang busy na naman ang mga magulang ni Ella.

Nang tingnan ko ang bulsa ko ay nakita ko na wala doon ang aking cellphone. Pumunta ako sa canteen upang icheck kung nandoon ba iyon ngunit wala rin. Napatay ko na nga ang pinsan ko nawala ko pa ang cellphone ko! Double kill talaga ako kay daddy mamaya.

Habang naglalakad pabalik sa clinic ay nakita ko ang classmate ko na si Almera. Kung tawagan ko kaya yung phone ko? Baka mas madali ko itong makita.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at umaasa na sana may load siya at pahiramin ako ng phone. Tinawag ko ang pangalan niya ngunit di siya huminto o lumingon man lang. Hay naku, snob talaga.

"Hoy Hillary Almeirra Marasigan!" Sigaw ko at lumingon na siya finally. E alangan naman di pa yun lumingon e full name na niya tinawag ko.

"A-ako ba?" Tanong niya. Namumula na rin yung mukha niya. Dahil siguro sa sobrang init.

"May iba pa bang Hilary Almeirra Marasigan dito?" tanong ko pabalik at umiling naman siya.

Maganda nga, tanga lang.

"Ah wala. Bakit Kurt Hernandez anong kailangan mo?" Tanong na naman niya ulit. Ano ba siya? Vending machine ng mga tanong?

"Pwede bang makitawag? Nawawala kasi yung phone ko kaya tatawagan ko na lang at baka nandito lang yun." Pageexplain ko.

Binigay niya naman sa akin ang phone niya. Nang tinawagan ko ang number ko ay may naramdaman akong nagvivibrate sa loob ng salawal ko. WAIT WHAT..?

"Mukhang na sa loob ng ano mo e… alam mo na yung ano." Sabi naman sa akin ni Almeirra na mas lalong namumula.

Napafacepalm nalang ako at tumakbo papunta sa lugar na di ko alam saan dahil sa kahihiyan.

—————————

—————————