webnovel

CHAPTER 48

MADILIM ang paligid nang dumilat si Ruby.

Patay na ba ako? Parang patay na ako.

Pero maya maya ay may ilaw na suminag sa mga mata niya. Nasulo niya kaya sinubukan niyang takpan ng kamay ang mukha niya. Hindi niya naituloy dahil may pumigil sa kamay niya. Nalito siya nang makita kung sino iyon. Si Ted. Nadiskubre niya na nasa ospital siya, base sa itsura ng kuwartong kinaroroonan niya. Lalo na siyang naguluhan.

"Ano'ng nangyari?" Halos walang boses na lumabas sa bibig niya.

"Nasugatan ka." Tumingin sa bandang balikat niya si Ted. "Sa ulo rin," patuloy nito. "Unconscious ka rin kaya kinailangan kang dalhin sa ospital."

"A-akala ko iniwan niyo na ako."

"We did," kumpirma ng lalaki. "Iyon ang mas tamang gawin. One life versus three, well the decision is easy."

"Kung ganoon, paano ako nakarating dito?"

"May ibang nagligtas sa iyo. Mga contacts ko na tinawagan ko habang paalis kami."

Mas maganda yata sana kung hinayaan niyo na lang ako. Nag-init ang sulok ng mga mata ni Ruby nang makumpirma na naman niya na wala ngang paki sa kanya si Aegen. Na tutoo ang hula niya na umalis na ito kasama si Tatiana.

"Nasaan na si Senator Durante at iyong mga tao niya?"

"Nasa ospital si Senator Durante pero may bantay siyang pulis. Iyong ibang mga tauhan niya, kung wala sa ospital ay nakakulong na. You're safe. Gusto kong ako mismo ang magsabi niyon sa iyo kaya hinintay kong magkamalay ka."

"Salamat." Mabuti pa pala si Ted na sandali pa lang niyang nakilala ay may malasakit sa kanya kahit paano. Si Aegen, ah, malamang ay nagpapakasaya na ito kasama si Tatiana.

"P-puwede ko bang malaman ang buong kuwento?" sabi niya. "Para man lang maintindihan ko ang lahat."

"Of course." At nagsimulang magsalaysay ang lalaki. He told her about how Aegen and Hannah were childhood friends, kung gaano ka-close ang mga ito. "Hannah related how she would feel that Aegen is hiding some deep feelings for her, feelings she wanted to reciprocate but just didn't know how. You could say that they were star crossed lovers. Noong una ay iyong status nila sa lipunan ang pumipigil sa kanila na magkaroon ng malalim na ugnayan. Later on, things got so complicated that even if they did get into a relationship, it was a messed-up one because Hannah was already having some deep emotional problems. Hanggang sa tuluyan na silang maghiwalay." He went on to describe what happened. Kay Hannah raw nito nakuha ang mga detalye.

"I see," nasabi ni Ruby nang matapos ng lalaki ang mahabang kuwento. Naging masalimuot pala ang relasyon nina Tatiana, na dating si Hannah, at si Aegen. Hindi iyon sapat na dahilan para maibsan ang sakit na hatid sa kanya ng pagwawalang-bahala sa kanya ng lalaki pero kahit paano ay naintindihan niya kung bakit ganoon ang ikinilos nito. "Salamat. Sa lahat," baling niya kay Ted.

"Wala iyon. Ginawa ko lang ang dapat."

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking malamang ay doktor. In-eksamin siya nito matapos nitong magpakilala. Maayos naman daw ang lagay niya at kapag walang nakitang problema base sa resulta ng mga tests na gagawin sa kanya ay madi-discharge na siya.

"Kailangan ko nang umalis," ani Ted nang lumabas na ang doktor. "Nandito ang mga gamit mo." Ipinatong nito ang isang bag sa mesang katabi ng kama niya. Sinabi rin nito kung nasaan siya at tinanong kung may paraan siya para makauwi.

"Tatawagan ko na lang ang kaibigan ko," sabi niya. Hindi niya sigurado kung nasa Pilipinas si Bianca pero bahala na. Ayaw niyang maobliga pa si Ted sa kanya.

"Okay." Tumango-tango ito pero hindi pa rin umalis. Parang may gusto pa itong sabihin pero nag-aatubili lang."

"Iyong tungkol sa...sa mana mo. Kokontakin ka ng lawyer kapag naayos na iyon. But rest assured na tutupad sa usapan niyo si Aegen," anito.

"O-okay. Thank you." Kung dati ay sapat na ang narinig niya para mapapalakpak siya sa tuwa, ngayon ay parang lalong nahungkag ang pakiramdam niya.

"Paano, aalis na 'ko. Take care." Pinisil sandali ni Ted ang kamay niya pagkatapos ay naglakad na ito palayo.

Nang sumara na ang pinto kung saan lumabas ang lalaki ay saka hinayaan ni Ruby na tumulo ang luhang pinipigilan niya kanina pa. Sige, papayagan niya ang sarili na iyakan si Aegen. Pero pagkatapos ay kakalimutan na niya ito.

At least you will get something out of the pain, konsola niya sa sarili. Kung tutupad talaga sa usapan si Aegen, sa isang kisap-mata ay mayaman ka na. Bongga, di ba? The thought flashed in her mind. But still, the tears kept on falling.

"BONGGA ka, day," pakantang biro ni Bianca habang iginagala ang paningin sa bahay na pinuntahan nila.

Nagkausap na sila ng abogadong nagpakilalang si Atty. Gamboa ilang linggo na ang nakalipas. Naayos na ang lahat at ngayon ay nasa pangalan na ni Ruby ang properties at lahat ng iba pang iniwan umano ng lola niya kay Aegen. She is rich beyond her wildest dreams. Hindi naman kasi ganoon kataas ang pangarap niya. All she wanted was enough to live on and a little left-over stashed away for the so-called rainy days. Kaya para kay Ruby ay sobra-sobra ang napunta sa kanya. Pero hindi niya magawang maging sobrang saya. She now fully realized that money is really not everything. Dahil sa kabila ng yaman niya ay may kakulangan siyang nararamdaman.

"O, Biyernes Santo look pa rin, bes?" komento ni Bianca. "Rich kid ka na, friend. Bakit para ka pa ring Intsik na nalugi?"

Pinilit ngumiti ni Ruby. "Overwhelmed lang siguro. H-hindi pa nagsi-sink in sa 'kin na akin na ang bahay na 'to."

Para sa kanya ay ang laki ng bahay a kinaroroonan nila. 300 square meters ang floor area, 500 square meters ang laki ng lote. Fully furnished na rin iyon at kahit alin sa apat na mga kuwarto ay papasa kay Ruby na gamitin bilang master bedroom.

May isa pang magandang balita si Bianca. Nag-die down na iyong alingasngas tungkol doon sa pagpapalitan ng droga sa party na pinagdalhan dati sa kanya. May mga nahuli nang itinuturong supplier at dahil doon ay kuntento na ang mga kinauukulan. The officers in charge of the case had moved on to other pursuits and is no longer interested in looking for her. Kaya rich na siya, malaya na ring mag-circulate ulit sa mundo nang hindi kakaba-kaba na bigla na lang siyang dadamputin. Isa pa, at galing kay Bianca ang opinyon, kayang-kaya na niyang kunin ang serbisyo ng high-priced and high-caliber lawyer kung kakailanganin niya. She really had every reason to rejoice. Kaya pinalis na niya ang Good Friday look niya.

"Magsi-sink in din 'yan. Lalo kapag inilibre mo 'ko sa isang vacation getaway," ani Bianca.

"As if papayag ang dyowa mo," komento niya.