webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urbano
Classificações insuficientes
19 Chs

Chapter 13 - FIRST MONDAY OF DECEMBER

Nag-umpisa ang umagang iyon ng magkapatid na Rachael at Elijah tulad ng maraming nakalipas na umaga. Abala si Rachael sa pagaasikaso sa kanilang agahan habang naghahanda naman si Elijah ng kanyang sarili papasok sa school. Araw iyon ng Lunes. Unang Lunes ng buwan ng Disyembre.

Pansin ni Elijah na medyo abala ang kanyang ate sa pag-aasikaso ng kanilang almusal at ng iba pang mga bagay. Di rin ito masyado palasalita ng umagang iyon. Tila abala ito na sa totoo lang ay wala naman dapat pagka-abalahan. Hindi na lamang nagsalita si Elijah sa napansin sa kakatwang kilos ni Rachael.

"Elijah." tawag ng dalaga bago pa man lumabas ng bahay nila ang kapatid. Nilingon naman siya agad nito, "... ilalagay ko sa ref ung dinner mo pag-uwi, kung sakaling gabihin ako basta text ka lang kung ano man ha." Bilin niya dito.

Isang malaking ngiti naman ang ibinalik kay Rachael ng nakababatang kapatid. "Salamat, ate."

Yun lang at tuluyan na itong lumabas ng pinto. At yun, naiwan na naman mag-isa si Rachael. Sa mga ganitong pagkakataon ay aabalahin niya ang sarili sa pag-iisip ng mga gagawin sa araw na iyon. Gusto niya malibang sa trabaho at sa kung anong mga bagay-bagay... pero bakit ganun? Bakit parang wala siyang gana. Ah basta magiging abala ko sa araw na ito. Usal niya sa sarili.

Ilang segundo pa lamang ang lumilipas habang si Rachael ay abala ang isipan sa kung saan-saan na animo'y may tinatakasan nang maringgan niya na nagsalita si Elijah na tila ba may kausap sa kanilang balkonahe.

"Okay tong mga to ah!" si Elijah. Narinig ni Rachael na wika ng kanyang kapatid na halata ang saya sa boses. Mahina ang boses ng kausap nito kaya di niya gaanong marinig.

Nang buksan ni Rachael ang pinto upang mapag-sino ang kausap ng kapatid ay di niya naitago ang mga ngiti sa kanyang mga mata.

Si Josh. Naka-uniform na bukas ang polo. Nakasabit ang isang brown na backpack sa balikat at may bitbit na may kalakihang karton na tila pinapakita kay Elijah ang laman. Nakangiti ito ng lingunin siya na nakatayo sa may pintuan.

"Ate, daming Christmas Lights nito oh!"

Puno nga ng mga Christmas Lights ang dala-dalang karton ng binata. Bago pa man makapagsalita si Rachael ay inunahan na siya ng lalaki.

"Ikakabit ko to mamya dito sa balkonahe nyo." Masayang wika ng binata. "Pagkauwi namin ni Elijah." dagdag pa ni Josh.

Pagkauwi nila ni Elijah. Namutawi iyon sa pandinig ng dalaga. Totoo nga ba? Akala niya kasi di na babalik pa ang binata para sa kapatid. Pero eto nandito siya.

Kinuha ni Rachael ang kahon mula kay Josh. Muli, nagtama ang kanilang mga mata. At nakita nila ang kasiyahan ng bawat isa.

"Pag-uwi mo ate galing trabaho sigurado magugulat ka na sa atin ang pinakamaliwanag." masayang wika ni Elijah.

"Ang dami naman nito?" Yun lamang ang nabanggit ng dalaga.

Kumamot sa batok ang binata na tila ba nahihiya, " Ayos lang... hindi na naman kami gaanong mag-iilaw ngayon." Sagot ni Josh.

Hindi naintindihan ni Rachael ang ibig pakahulugan ng binata sa sinabi nito. Agad naman itong nabasa ng lalaki kaya bago pa man siya makapagtanong ay nagpatuloy ito, "Sabay na kami sa pagpasok." Na tila sadyang iniba ang takbo ng kanilang pag-uusap.

"Tara." Baling nito kay Elijah. Na tila ikinatuwa ng lubusan ng huli.

Yun lang at masayang pinagmasdan ni Rachael ang dalawa habang papalayong naglalakad papasok sa kanilang eskwelahan.

May isang napagtanto si Rachael ng umagang iyon tungkol sa binata. Hindi niya ito nakita noong una. Pero ngayon sigurado siya. Na ang binatang si Josh... sa kabila ng pagiging brusko na tulad ng nakikita ng karamihan, ay mayroong malalim na pinagdadaan sa buhay. Kung ano man ito ay hindi niya alam. Pero ewan ba niya, sa puso ng dalaga ay tila nakakita siya ng isang kakampi. Kakampi nilang magkapatid na haharapin ang mga hamon ng buhay...