webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Adolescente
Classificações insuficientes
102 Chs

Chapter 43.0

Chapter 43.0:

Abby's POV:

"You are cordially invited to attend the Peak-A PH 7th Annual ANNIVERSARY CHARITY BALL that will be held on August 24, 20** at Infinixies Astrodome. The Registration will start at 6:30 pm.

Dinner | Cocktails | Formal Attire

SILENT AUCTION | All PROCEEDS GO TO MAKE A WISH FOUNDATION"

Ilang beses ko ng binaliktad ang invitation na hawak ko pero hindi ko talaga mahanap ang hinahanap ko.

Kung bakit ba kasi ay walang nakalagay na pwede akong magsama ng kahit isang guest man lang na aattend sa ball.

*Sigh*

I guess I have no choice but to go there on my own.

This charity ball is one of the most awaited event every year of every Peak-A celebrities because from the name itself, this ball is really meaningful. Though hindi na ako active na gumagamit ng Peak-A ay hindi pa rin sila nagmimintis sa pagpapadala sa akin ng imbitasyon kada taon.

This supposedly is the 8th Charity ball, but because of the Pandemic that occured five years ago ay hindi nag_conduct ang Peak-A ng event for health and safety purposes.

Kaya nagtataka ako ngayon dahil "You are cordially invited" lang ang nakalagay sa invitation ko for this year, madalas kasi ay "You and a guest are cordially invited" ang nakalagay so I'm wondering why is it different for this year.

Ito pa lang ang pang-apat na pagdalo ko sa charity ball dahil for the past three years after ng pandemic ay si Jackie at Joyce ang pinapapunta ko dahil masyado akong naging busy ng mga panahong 'yon. Last year naman ay ako mismo ang umattend at ang inaya ko ay si Nich dahil siyempre, boyfriend ko siya at mahilig din siyang magdonate sa mga charity ball gaya ko though hindi gano'n kalaki ang amount, but still, nanggaling sa puso niya ang ibinigay niya kaya sobrang bilib ako sa kaniya. Sadly, hindi ko siya maaaya ngayon dahil walang sinabi sa invitation na magsama ako ng guest, and of course, busy na 'yon sa pamilya niya kaya hindi ko pa rin siya pwedeng basta na lang ayain.

I tried calling Joyce and Jackie to help me out in preparation for the party, but sadly, they are both busy these coming days. So I have no choice but to help myself this time.

After work, I decided to go to the mall to find something to wear. 

Next week pa ang ball pero ngayon na ako bibili ng maisusuot para pagdating ng mismong araw ng event ay hindi na ako aligaga at para na rin fresh akong tignan sa venue. Haler, syempre gusto kong patunayan kahit papaano na despite all the b*llsh* that I'm going through these past few months ay maganda pa rin akong tignan. Oh 'diba, bongga.

Tsaka may mga kakilala din naman akong Peak-A celebs na pwede kong makausap during the event para hindi ako magmukhang tangang nagsosolo flight.

Dalawang oras na akong naglilibot sa mall, at lahat na ata ng botique na nagbebenta ng formal attire dito sa mall pero ni isa ay wala pa rin akong nagugustuhan!

Well, marami namang maganda. Masyado lang talaga akong mapili ngayon sa isusuot ko. I don't know why, but I just want myself to be gorgeous for this event. I feel like something will happen na dapat kong paghandaan.

Charot! Gusto ko lang talaga ng dress magtatago ng bilbil ko kapag kumain na ako ng marami sa ball.

Ayaw ko ng masyadong fit, baka pumutok pagkatapos kong lumamon. Ayaw ko rin naman ng masyadong maluwag, baka magmukha akong naka-daster. Gusto ko ay yung sakto lang, in short gusto ko ng may magic. Charot ulit!

Huminto ako sa tapat ng last na botique na nandito da mall. Based on its appearance mula dito sa labas ay mukhang kaka-open lang nito dahil may mga pa-balloons ito sa may entrance. Tsaka ngayon ko lang din 'to nakita. And if I am not mistaken, shoe store ang nakapwesto dito dati kaya hindi ko alam na may bago na palang nakapwesto dito ngayon.

Malapit ng magsara ang mall, kung hindi man ako makakita dito ng isusuot ko para sa ball ay magpapatulong na lang ako kay tita Lisa dahil marami ring kakilala 'yon na fashion designer at tiyak ay matutulungan niya ako.

Pagkapasok ko sa shop ay sinalubong ako ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid thirties ang edad.

"Good evening ma'am! May I know what you are looking for?" Magalang at masayang sabi ni nito.

Bago ko siya sagutin ay saglit muna akong tumingin sa kabuoan ng shop.

"A night gown for a ball please."

Tumango ito at hinawakan ang kaniyang baba.

"Aha! I know something that will look good on you. Please follow me ma'am." At iginiya niya ako papuntang back part ng botique at pumasok kami sa isang pinto.

Doon bumungad sa akin ang napakaraming dress na nakasabit sa hanger.

"Wow..." Manghang sabi ko. Maganda na ang mga nakita ko sa labas, but I didn't expect na may mas magaganda pa pala silang tinatago dito.

"May I ask for your preferences ma'am?" Ani nito matapos niya akong igiyang umupo sa isang sofa.

"Hmm, I want something sexy pero hindi masyadong revealing. Simple lang, pero elegante tignan. Also, gusto ko yung maitatago ang bilbil ko kapag lumamon ako sa party." Saka ako napahagikgik.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa and vice versa bago pumunta isang rack na may mga nakasabit na dress at dahan-dahang pumili sa mga ito.

"Here it is!" Masayang sabi nito nang mahawakan ang isang hanger.

She then showed me a red glamorous form long sleeves dress featuring a plunge v-neck and leg slit.

"Wow." Tanging naiusal ko.

Agad akong tumayo at sinipat ang kabuoan ng dress.

"This is fantasic!" Hindi ko na napigilan ang pagyakap sa babae dahil sa sobrang saya.

Nang maisukat ko ang dress ay mas lalo pa akong namangha dahil saktong-sakto lang ito sa akin! Hindi siya masyadong fit at hindi din masyadong maluwag.

Umikot-ikot pa ako sa salamin upang makita ang aking kabuoan.

Oh my gosh, I am so happy!

"Ang ganda talaga nito, thank you miss~"

"You're very welcome ma'am! That dress really looks fantastic on you. Para bang ginawa talaga 'yan para po sa'yo ma'am."

"Kung alam ko lang na dito ko matatagpuan ang para sa akin ay hindi na sana ako nagpaka-pagod maglibot sa mall. Your botique is very great, sino po ang may-ari nito?"

"Thank you ma'am, at ako po ang may-ari nitong botique."

"So lahat ng nandito ay designs niyo po?" Manghang tanong ko

"May kasama po akong nagdedesign ng damit, yung kaibigan kong si Erika."

"Oh I see-- wait, Erika? By any chance, are you..."

"Yes ma'am, I'm Rizza at your service~"

"Oh my gosh! Ate Rizza at Ate Erika!" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Oh my gosh talaga, I didn't expect na makikita ko siya dito ngayon!

"Long time no see! Kamusta na kayo ni ate Erika?"

"Heto, ayos naman. Kakapatayo pa lang namin nitong botique dahil nagtrabaho muna kami ng maigi para maipundar ito. Wala dito ngayon si ate Erika mo eh, may inaasikaso para sa opening nitong shop bukas. Habang ako naman ay naiwan dito para i-double check ang lahat dito sa shop. Pinauwi ko na ang mga kasama ko para makapag-pahinga at makapaghanda sila para bukas kaya ako na lang ang naiwan."

"Wait, so hindi pa open itong shop?" Tumango si ate Rizza.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa napagtanto.

"Hala ate Rizza, bukas pa pala kayo magbubukas, eh bakit niyo na ako pinapasok. Baka nadumihan ko yung floor." Tinignan ko pa ang talampakan ng sandals at saka sinipat ang dinaanan ko baka may mga dumi akong naiwan, nakakahiya naman kung meron.

"Nako Abby, ayos lang ano ka ba. Tsaka akala ko nga ay hindi mo na ako makilala."

"Sorry na po ate." Nag-peace sign ako. "Kasi naman po bago ang hairstyle mo kaya hindi po kita agad nakilala. Pero nang marinig ko po ang linyahan mong at your service ay agad kitang nakilala syempre!"

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts