webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Adolescente
Classificações insuficientes
102 Chs

Chapter 3

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagaganap sa mga sandaling ito. Ilang beses ko ng sinampal at kinurot at sarili ko pero wala talaga ako sa panaginip! Totoong-totoo itong nangyayari, kumbaga'y natural na natural at walang halong kemikal!

"Are you just going to watch me? Come on, join me while food is still hot. Don't worry, it contains no poison." Then he chuckled, saka ulit niya nilantakan ang chicken joy na tinake-out niya on his way here. 

"A-ah, okay." Dang, what's happening Abby? Ba't ka nauutal? Kalma lang self, okay? Si Rigel lang 'yan, si Rigel lang. "Napakarami naman nito. Hindi naman halatang gutom na gutom ka 'diba?" Napangisi na lang ako. Pa'no ba naman kasi, isang 6 pieces bucket ng chicken joy, isang family size jolly spaghetti, jumbo size fries, apat na pineapple pie, apat rin na regular jolly burger, at dalawang monster size McFloat na blueberry sprite flavor. Hindi pa ako kumakain pero pakiramdam ko'y busog na ako dahil sa nakikita ko dito sa lamesa.

"Oh, well, I haven't eaten a proper meal since morning. I just had a piece of loaf bread and coffee for breakfast that's why I'm starving. And of course, I want to share these yummy foods with you." At saka niya ako kinindatan. Dang, pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa katawan sa mukha ko shet. Nang-iinit ang mukha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. "I also bought your favorite monster size blueberry sprite McFloat." Oh my gosh. Pa'no niya nalaman na paborito ko ito?

"Then you should eat a lot. Eat all you can, tutal pera mo naman 'tong lahat. Kakatapos ko lang din kumain kanina, kaya hindi pa ako masyadong gutom." 

"Hmm, okay." 

"Wait lang ah, may kukunin lang ako sa kwarto." Saad ko at hindi na hinintay ang isasagot niya. Dali-dali akong pumanhik sa kwarto at dumiretso agad sa harapan ng salamin. At tama nga ang hinala ko, ang pula ng mukha ko pati na ring ang tainga ko!

Halaaaa, nakakahiya. Shet naman kasi. 

Dahan-dahan akong huminga ng malalim hanggang sa mawala ang pagkapula ng buong mukha ko at pati na rin ang aking tainga. Okay self, kalmahan mo lang. Kaya mo 'to. Si Rigel lang 'yon, wala kang dapat ikabahala. Walang dapat ika-kaba. Ilang beses rin akong nagpabalik-balik sa tapat ng salamin to make sure na hindi niya mahahalata kung ano man ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Nang makababa ako ay naabutan ko si Rigel na nagliligpit na ng kanyang pinagkainan at inilalagay sa ref ang sa tingin ko ay mga natirang pagkain, maliban sa dalawang McFloat na nasa lamesa pa rin. 

Kinuha ko ang isang McFloat at itinusok ang straw dito. 

"Ahh, salamat nga pala dito." Habang iwinawagayway ng mahina sa ere ang McFloat at saka umupo nang nakataas ang dalawa kong paa sa upuan.

"My pleasure." Ningitian lang niya ako at saka ibinalik ang atensyon sa paglalagay ng pagkain sa ref. Nang matapos siya ay kinuha niya ang isa pang McFloat na nabawasan na. Umupo siya sa silyang nasa kabilang parte ng lamesa, which is sa tapat ko. 

Spell awkward. 

R.I.G.E.L.A.N.D.A.B.B.Y

"So..." Uumpisahan ko na bago pa kami lamunin ng extreme awkwardness. Maygahd, hindi ko ito kinakaya! "If you don't mind me asking, bakit ka nga pala nandito?"

Ano'ng if you don't mind self? Aba't dapat lang niyang sagutin iyan dahil biglaan ito, hindi ako prepared sa pagpunta niya rito. 

Tumikhim muna siya bago sumagot. "I'm here to do some vlog about Philippine Culture and such." Oh muntik ko nang makalimutan, vlogger nga pa 'tong lokong 'to.

"Eh kailan pa nakarating dito sa Pinas?"

"Last week, with Jherwin and friends." Hmm, matagal na rin pala. That explains Jherwin's ig post noong nakaraang araw na kasama niya ang mga kaibigan niya na pumunta rito sa Pinas. How come na hindi ko naisip na kasama niya si Rigel?

Sumipsip muna ako sa McFloat ko bago ulit magtanong. "Hanggang kailan ka dito?"

"I don't know yet. Maybe until next month? Or maybe next next month? No one knows."

"How about Jherwin and your friends? Ba't hindi mo sila kasama? I m-mean, hindi naman sa hinahanap ko sila, nagtataka lang ako kung bakit mag-isa ka lang?" Dang, nauutal ka nanaman self!

"Oh about that, they went back to Texas yesterday." Oh I see. Nagpaiwan na siya siguro dahil do'n sa sinasabi niyang vlog.

"Sa'n ka magpapalipas ng gabi ngayon?" Napakamot siya ng batok sa naitanong ko. Sabi ko na barbie eh, sabi ko na! 

"Ahh, about that..."

"Dito ka na magpalipas ng gabi tutal it's past midnight na. Wala ka ng masasakyan papunta kung saan man ang tinutuluyan mo sa ngayon." Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko, wari'y nagcast ako ng magic word dahilan upang magningning ang mga mata niya. Hindi naman ako gano'n kasamang tao na ipagtatabuyan ang isang ehem napakakisig na tulad niya sa gan'tong oras. "You could use any of those two extra rooms sa taas-" bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay dali-dali siyang nagpunta sa labas ng bahay at laking gulat ko na lang nang pagpasok niya ulit sa loob ng bahay ay may dala-dala siyang pulang maleta! Hindi ko iyon napansin kanina  ah. Jusko Daniella, is that you? Magsusuot na ba ako ng pang-Romina attire? Charot!

Tila ba'y na-speechless ako sa mga nagaganap sa sandaling ito. Hindi naman masyadong halatang expected niyang dito ko siya patutuluyin ngayong gabi noh.

Huli na nang mapagtanto kong nakaakyat na siya sa taas kung nasaan ang mga kwarto, at agad pumasok sa isang bakanteng kwartong naroon na para bang kabisadong-kabisado na niya ang bawat sulok ng bahay.

He waved at me and whispered "Good night" before  he shut the door with his overflowing confidence right in front of my face.

T*ng*n@?

Gusto ko pa man umangal dahil sa naging aksyon niya ay hindi ko na nagawa dahil hanggang ngayon ay shookt pa rin ako. From the moment he showed in front of our door to the moment he shut the door right in front of my face. 

Nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa aking kwarto, which is katapat lang ng tutulugang kwarto ni Rigel. Dahil na rin siguro sa mga nakakabiglang ganap ngayong gabi ay agad akong dinalaw ng antok. Ayo'ko na masyadong mag-isip at maiistress lamang ako. 

Ngunit bago pa man ako mapunta sa dreamworld ay naisatinig ko ang katagang, "Dang you my online boyfriend. Masyado kang eksena Rigel..." 

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts