webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · Adolescente
Classificações insuficientes
21 Chs

[6] SCANDAL

[6] SCANDAL

//SCANDAL

"Guys andyan na si Trish!"

"Ghad 'di ko akalain na magagawa n'ya 'yon."

"Sa likod nang inosenteng mukha, may kalandian palang nagagawa."

"Trish paisa!"

"May gana pa talaga s'yang pumasok pagkatapos nang ginawa n'ya? wow kapal ng mukha."

"Malandi.."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang bulungan nang mga students sa school na pinapasukan ko. Nagtataka kong nilibot ang tingin sa paligid. Namataan ko ang bestfriend kong bakas ang disappointment sa mukha.

Lumapit ako sa kan'ya pero agad s'yang umatras at sinabing, "Hindi kita kilala.." tumalikod ito at naglakad papalayo sa'kin.

May lumapit sa'king isang babae, "May gana ka pa talagang pumasok? Ang landi mo pala, Trish. Akala mo kung sinong inosente." maarte nitong sinabi sa'kin na agad namang sinangayunan nang iba. Nagtataka lang akong nakatingin sa kan'ya. Tinaas nito ang kanyang kaliwang kilay at tumawa, "Ngayon nagpapanggap kang inosente? Don't tell me wala ka talagang alam?"

"Ano bang mayroon?" ramdam ko ang takot at kaba ko. Ano bang nagawa kong mali?

"Tsk tsk.." napailing ito at may kinalikot sa cellphone n'ya. Itinapat n'ya ito sa pagmumukha ko at sobra na lamang ang gulat ko ng makita ko ang sarili ko at isang lalaki. Halatang wala kaming saplot at kumot lamang ang nakabalot. Hindi kita ang mukha ng kasama ko ngunit kitang kita naman ang mukha ko. Rinig na rinig dito na may ginagawa kaming milagro. Naka max pala ang volume nang kaniyang telepono dahilan upang magtawanan ang mga nakapaligid dito.

"Ano? Kitang kita na ikaw 'yan, tatanggi kapa?" umirap ito. "'Diba boyfriend mo ang pinagkakaguluhan dito sa school? May jowa ka na nanlalandi ka pa ng iba, and worst nakipag s*x ka pa."

"A-ano?" pigil ang hiningang tanong ko.

Impossible. Nilibot ko ulit ang aking paningin sa paligid. Hindi ako tumigil hanggang sa mamataan ko ang boyfriend ko. Bakas ang disappointment sa mukha nito.

Lumapit ako sa kan'ya, pero kagaya ng itinuring kong matalik na kaibigan ay umatras s'ya.

"Let's break up." tumalikod ito at naglakad papalayo.

"No.." gusto ko s'yang habulin ngunit parang napako ako sa kinatatayuan ko. At naalala ko ang mismong pangyayari sa video.

----

[FLASHBACK]

"Babe, I want you."

"H-ha? ah eh.." utal kong tugon sa lalaking nasa harapan ko.

"Please?" pagmamakaawa pa nito at akmang hahalikan ako kaya umiwas ako.

"Babe." napaatras ako nang lumapit s'ya sa'kin. "Hindi pa ako ready."

Natigilan s'ya. Tumingin s'ya sa mata ko at nababakas dito ang disappointment. "Mahal mo ba talaga ako?"

Ako naman ang natigilan. Napailing ito at akmang tatalikod pero pinigilan ko s'ya. "Oo naman. Mahal na mahal kita. P-pero..."

"Pero hindi mo kayang ibigay ang sarili mo sa'kin?"

Tahimik akong nag-isip.

'Gusto ko. Gustong gusto kong ibigay sa'yo ang sarili ko. Mahal na mahal kita at sure na ako sa'yo. Pero ang hindi ko sigurado ay kung ganoon ka din sa'kin.'

Tuluyan na s'yang tumalikod nang walang nakuhang tugon mula sa'kin.

"Mukhang hindi mo talaga ako mahal," agad n'yang sinabi nang makatalikod s'ya. Magsasalita na sana ako pero nagpatuloy s'ya. "Mabuti pang tapusin na natin 'to-"

Agad na nanlaki ang mata ko at napailing kahit hindi n'ya ako nakikita at otomatikong nagsalita, "Hindi!"

Humarap s'ya sa'kin at parang may hinihintay sa sasabihin ko.

"Payag na ako. 'Wag mo lang tapusin ang nasimulan natin." pikit matang sinabi ko sa kan'ya. Ilang minuto ang nakalipas pero wala akong narinig na tigon gakung sa kan'ya kaya napagdesisyonan kong imulat ang mga mata.

Gulat itong nakatingin sa'kin pero napalitan 'yon ng ngiti. Ang ngiti n'yang sadyang kayganda. Niyakap n'ya ako at bumulong, "Kaya mahal na nahal kita, eh. I love you, you're the best girlfriend ever."

"I love you, too." tugon ko sa boyfriend ko.

Humiwalay s'ya sa yakap at masayang tumitig sa mata ko. Unti unti n'yang binaba ang kaniyang mukha hanggang sa magkapantay ang aming mga labi at saka n'ya ako hinalikan.

'Sana hindi ko ito pagsisisihan.'

Hindi ko alam na 'yon pa pala ang dahilan upang masira ang aking buhay...

---

Ang boyfriend ko, s'ya ang lalaki sa video. Hindi ko alam na magagawa n'ya 'to sa'kin.

Napaluhod ako at unti unting dumaloy sa aking pisngi ang mainit na luha mula sa'king mata.

Tears of pain, betrayal, and anger.

"Bagay lang 'yan sa'yo! Landi landi kasi."

Pagkatapos nang ilang minutong pag-iyak, tinanggap ko nalamg ang mga sinasabi nilang masasakit na salita, biglang umulan kaya agadsilang nagpunta sa sari sarili nilang silid.

Naiwan akong mag-isa, nakaluhod at umiiyak sa gitna ng ulan.

"BAKET?! BAKIT NANGYAYARI SA AKIN 'TO?! NAGMAHAL LANG NAMAN AKO!" buong lakas kong isinigaw hababg nakatingala sa kalangitan. Isang malakas ba kulog lamang ang naging tugon nang langit.

Napayuko ako at akmang tatayo nang mamataan ko ang dalawang tao mula sa malayo. Magkahawak kamay sila, hindi sagabal ang ulan upang hindi ko makita ang bakas ng saya sa kanilang mga mukha.

Mas lalo akong nanghina. Hindi ko akalain na magagawa nila sa'kin 'to.

Dalawang taong sobrang malapit sa'kin, pareho nila akong niloko't pinagmukhang tanga..

Ang boyfriend ko at ang kaibigan ko.

'Sa likod ng kanilang masasamang salita,

Hindi naman nila inalam muna

Ang totoong istorya,

Agad na lamang nanghusga.'

---

Akane Daltsuki