webnovel

Chapter 16: you can kiss me anytime

                  * Sabrina Pov *

Pagtapos ko mag ayos ay paglabas ko ng kwarto ko ay sakto Naman na lumabas din si Gideon sa kwarto kaya bahagya Kaming nagkatinginan. Tsk! Sarap tusukin Yung mata.

" Good morning" ngiting bati nito sakin.

" Anong good sa morning?" Taas kilay ko rito nakakairita Yung pagmumukha. Inirapan ko ito at ni lock ang pinto ng kwarto ko. At tinungo Ang hagdan at diretsong bumaba

" I'll take you to school with me" Saad nito habang nakabuntot sakin" Hindi na susunduin Ako ni- " natigilan Ako at sabay pa kami ni Gideon na napa tingin sa pinto ng pumasok si Asher. Tamang Tama Naman Ang dating mo may baby Asher.hehe

" Oh.. hi babe you're here" ngisi ko sabay halik ng bahagya sa labi ni Asher at malaking ngiti Ang ipinukol ko rito nanlaki Naman Ang mata nito sa gulat ng dahil sa ginawa kong paghalik sa kanyang labi napayakap Ako sa braso nito at binalingan ng tingin si Gideon na Kanina ay masaya Ang mukha pero Ngayon masama na ang tingin sakin.

" Nan Dito na si Asher para ihatid Ako pano KUYA Ali's na kami byee..."mapang asar na ngisi ko Dito haharot Ako kaya walang Kang pake no!" let's go "  nakangiting baling ko Kay asher.

" Amh... ye-yeah let's go" balik sa ulirat na Saad nito at nginitian Ako. Inirapan ko muna si Gideon bago hinila si Asher palabas ng pinto.

Pinagbuksan Naman Ako nito ng pinto ng sasakyan nya kaya nginitian ko ito pero bago paman Ako makapasok ng sasakyan ay napalingon Ako Kay Gideon na nakatayo sa pinto at nakatingin lang sakin ng masama

" Blehhh .." labas dila Kong pang aasar Dito at sabay irap na pumasok ng sasakyan kala mo Ha! HAHAHA. Pumasok narin ng sasakyan si Asher at pinaandar na Ang sasakyan at inilabas ito sa gate.

Habang binabaybay namin Ang kahabaan ng high way ay bahagya akong napatingin Kay Asher na sa kalsada Ang atensyon.

" I'm sorry Kanina hehe" kamot ulong saad ko bahagya lang itong tumingin sakin at sabay ngiti Ambait Naman ng Isang to napangiti narin Ako at napatingin sa kalsada habang nagdadrive ay naramdaman ko Ang kamay nito na humawak sa kamay ko.

" It's ok you can kiss me anytime" malaking ngiti nitong baling sakin. Bahagya Naman akong natigilan sa sinabi nito at natulala ng bahagya eheheh enebe Asher weg nemeng genyan .

" Ehermmm mapagbiro ka talaga" pilit ng tawa ko sabay balik ko ng kamay nya sa manobela.

" I'm not joking " ngiting sulyap nito sakin napatikom Naman Ako ng bibig sa sinabi nito nakakailang Naman Ang ganto.

" Sab! Sana payagan mo akong manligaw ulit sayo" natigilan Ako sa sinabi nito kaya napatitig lang Ako rito dahil Hindi ko alam Ang isasagot ko bahagya ko  itong tinitigan Kaya napasulyap ito ng ngiti sakin at muling  ibinalik sa kalsada Ang paningin. Napapilit ngiti nalang Ako na ibinaling sa kalsada Ang paningin  nakakailang Naman ng ganto. Bahagya namang nabalot ng katahimikan Ang loob ng sasakyan hanggang sa nakarating kami ng university ay Wala man lang ni Isa Samin Ang naglakas loob na nagsalita.

Ipinasok na nito sa university Ang sasakyan at inantay ko na pagbuksan nya Ako at inalalayan akong makalabas.napakagentle man Naman ng lalaking to.

" Pano sunduin nalang ulit kita mamaya?" Ngiting Saad nito.tinitigan ko Naman ito at bahagyang nginitian.

" Amh... Ye-yeah sure" nauutal na Saad ko

" bye" sabay Yuko ko at nilagpasan ito bahagya akong natigilan at nilingon sya na nakapamulsa at nakangiti lang na nakatingin sakin tumayo Ako ng tuwid at bahagyang napahawak ng mahigpit sa aking bag

"amh... i--I will let you court me again" natulala Naman ito sa sinabi ko at bahagyang napa laki Ang ngiti kaya tinalikuran ko na sya at tumakbo papalayo " bye take care" pahabol nito Hindi ko na sya nilingon pa at nagmamadaling  umalis sa kakatakbo ko ay Hindi ko na namalayan na napalayo na Pala Ako sa parking lot kaya napahinto Ako at naghahabol ng hininga sa sobrang pagod.

" Ok lang bayung sinabi ko sa kanya?" Napakagat labing Turan ko.

" Hey Sab!" Napalingon Ako ng may marinig akong tumawag sakin at natanaw ko si Luna na patakbong papalapit sakin.

" Oh bakit?" Kunot noo ko na salubong rito " si Asher bayung naghatid sayo?" Sabay kapit nito sa braso ko.

" Yup" maikling tugon ko at nag umpisa ng maglakad " kayo naba?"bahagya Naman akong Napaisip sa tanong nito at natawa na tinignan ito.

" Hahaha Hindi!" Sabay kunot noo ko " ay akala ko Naman kayo na" Pout* nito napabuntong hininga nalang Ako na inirapan to at pumasok ng room.

" Sabihin mo nanliligaw na ba ulit sayo si Asher?" Sabay lapag nito ng bag nya sa upuan inilapag ko rin sa mesa ko Ang  bag ko at umupo na animoy pagod na pagod.

" Oo pinayagan ko syang manligaw ulit sakin"nakahiga sa mesa ko na Saad" yieeee talaga?" tuwang tuwa na umupo sa tabi ko Sana maging kayo na agad para  you know pwede na tayong mag double date" ngisi nito napabuntong hininga Naman Ako at biglang sumimangot Ang mukha ko ng pumasok si Gideon Hindi man lang nya Ako tinapunan ng tingin diretso lang sa harap at inilapag Ang laptop nya.

" Sandali sir 8:30 palang Po ah" Saad ni aira na kaklase ko " yeah I know wala si mrs Castro ngayon kaya ako muna ang magtuturo sa inyo ngayon hanggang 9 Am" Saad nito napairap lang Ako Dito at  napaayos ng upo.

Discuss...

Discuss...

Discuss....

Bla bla Wala akong naiintindihan sa mga dinidiscuss nya hanggang sa natapos ang Oras Wala man lang akong naiintindihan Hindi manlang nya Ako tinapunan ng tingin. Tsk'

" Class dismiss" sabay ligpit nito ng gamit bahagya nya Naman akong tinapunan ng tingin na animoy Galit tsk' napabuntong hininga nalang Ako na niligpit Ang gamit ko.

" Hoy bat parang hindi kayo nagpapansinan ni sir Gideon?"lapit ni Luna Isa pa tong chismosa.

" Abay Ewan ko dun" kibit balikat ko at at isinukbit Ang bag ko na lumabas sa room." Nag away ba kayo" buntot nito sakin palabas ng pinto..

"Palagi Naman kami magkaaway may bago paba?" Irap na Saad ko " ganun?" ngiwi lang nito "ay nga Pala nabalitaan mo na ba?" Kalikot nito ng phone " Ang alin?"tanong ko rito

" Yung sikat na model nandito na sa pilipinas at alam mo ba na galing sya Dito nung nakaraan may pinuntahan daw Jan sa office" manghang Saad nito

"tapos?" Tanong ko lang Dito.

" Hoy hindi mo ba sya kilala Ang Ganda kaya nya " kumakalikot ng cellphone na Turan nito" tsk ' Hindi ano ba kasing pangalan?" Sabay pasok namin sa canteen at naghanap ng mauupuan.

" Si Celestina Kim Gabiano Isang sikat na model" Bahagya akong natigilan sasinabi nito ng marinig Ang pangalan ng ahas nayun" ce-celestina?" Gulat na Turan ko.

" Oo Yung sikat na model Hindi ko nga alam kung sino Yung pinunta nya Dito sa school eh sa tingin mo may boyfriend kaya sya Dito?" Sabay lapag nito ng bag sa mesa at umupo tsk' sikat na model Pala Ang ahas nayun? Tsk'

" Sandali bat parang gulat na gulat ka? Kilala mo ba sya?" Takang tanong nito sakin." Ah... Tsk' Ang ahas nayun ba? " Irap ko" girlfriend daw ni Gideon" naiiritang tugon ko.

" Ha?????"napatakip Naman Ako ng Tenga ko sa sigaw nito parang Ewan amp!!! Gulat na gulat yarnnn??

" Hinaan mo nga Ang boses mo Ang ingay mo" irap ko dito. napatakip Nalang ito ng bibig kaya napabuntong hininga nalang ako" Pero seryoso? Girlfriend nya Yung Celestina?" Bulong nito.

" Oo nga paulit ulit?" Irap ko Dito. Bahagya Naman itong Napaisip at muling napatingin sakin." Pano mo nalaman na girlfriend nya?" Takang tanong nito.

" Edi nung pumunta sya sa office ni  Gideon at nagpakilalang girlfriend daw sya ni mokong" irap ko na may halong inis Ang boses.

" Ganun? Pero Ang tanong Anong ginagawa mo sa office ni sir Gideon nung mga araw nayun?" Bahagya Naman akong natigilan sa tanong nito at muling bumalik sa alaala ko Ang ginawa namin ni Gideon ng mga araw nayun muntikan pa Kaming mahuli ng dahil dun. Napatakip Naman Ako ng mukha sa sobrang hiya ano batong pinaggagagawa ko buhay ko.

" Hoy ok kalang?" Kaway nito sa mga mata ko napakurap kurap Naman Ako ng mata at bahagyang napakagat sa pang ibabang bahagi ng labi ko.

" Wala Naman Kaming ginawa dun" iwas tingin ko." Sigurado ka Wala kayong ginawa? " Natatawang tugon nito " Wala nga " irap ko Dito. " Ok.. ok HAHAH Hindi ko Naman kayo pakekelaman sa ginagawa nyo eh" natatawang Saad nito siraulong to alam ba nito Ang ginagawa naming kababalaghan ni Gideon?." Ewan ko sayo"irap ko Dito.

"Sya nga Pala Sab! Sabihin mo papano na Yung ng yari sa inyo noon ni Sir Gideon Wala na ba Yun?" Ngisi nito para Naman akong nahiya sa sinabi nito at napatingin tingin sa paligid bwiset na Babaeng to sana Naman walang nakarinig.

" Ano bang pinagsasabi mo?" Irap ko Dito" Hindi ba naka one night stand mo sya papano na Ang ngyari sa inyo nayun? Parang Wala lang ganun?.. bali  tinikman nyo lang Ang isat isa? Ganun bayun?"Saad nito napairap Naman Ako dahil sa pagbabalik nito ng nakaraan tsk' sarap putulin Ang dila

"Pwede ba luna aksidente lang Yun kaya wag mo nalang ibalik "iritang saad ko" Ehehe ok sarry Po" piece sign nito Ang hilig hilig ungkatin Ang nakaraan parang timang tsk.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Malapit ng mag 6pm at papunta nako ng parking lot napatingin Ako sa phone ko ng bigla itong nagring.

" Hello Asher asan kana?" Bungad ko sa kabilang linya.

" Papunta nako baby pakihintay nalang Ako ng konti"

" Sige " ngiting Saad ko sabay baba ng tawag napaupo Ako sa gilid at napasandal sa pader at kinalikot Ang phone ko. At binackground check Yung Celestina.

" Aba sikat nga na model Ang ahas nato" zinoom ko Naman Ang mukha nito at napangiwi Ako"  infairness maganda nga tong mukhang ahas nato " tango tango ko at nadapo Naman Ang paningin ko sa dib dib nito.

" Anlaki ng dibdib ng Babaeng to" ngiwi ko bahagya Naman akong napatingin at napahawak sa dibdib ko.

" Bat anliit ng akin?" *Pout* ko.

"Sinusukat mo ba kung kasing laki ng mangkok yang dibdib mo?" Napatayo Naman Ako sa gulat at napasimangot ng bumungad sakin Ang seryosong mukha ni Gideon.

" Pakielam mo?" Irap ko aalis na Sana Ako ng bigla nyang iharang Ang braso nya at kinorner Ako sa pader.

" Ano bang kailangan mo?" Irap ko Dito bumuntong hininga Naman ito na napatitig sakin."  itigil mo na ang kakasama sa kanya pwede ba?" cold na pagkakasabi nito.

Bahagya Naman akong napakunot ng noo at napacross arm" at bakit?" Taas kilay ko." Makinig ka nalang sakin" seryosong Turan nito

" Hindi kita pinapakelaman Kay Celestina kaya wag mo rin akong pakelaman" irap ko Dito at inalis Ang braso nito na nakasandal sa pader.

Pero bago paman Ako makaalis ay bigla na lamang nitong hinawakan Ang braso ko at idinikit Ako sa pader at walang pasabing siniil Ako ng halik.

" Mmhhhh.." pagpupumiglas ko pinilit ko na makakalas sa pagkakahalik nya kaya ng makakalas Ako sa mga labi nya ay bigla ko nlang syang nasampal

"Ito na Ang huling dampi ng balat mo sa balat ko kaya tigilan mo na ko" matalim na tingin Ang ipinukol ko rito at  sabay takbo papalayo sa kanya. Paglabas ko ng university sakto Naman na natanaw ko Ang sasakyan ni Asher na paparating  binusinahan Ako nito at huminto kaya napatakbo Ako na pumasok sa loob ng sasakyan nito.

"Are you ok?" Bungad nito sakin sa loob ng sasakyan tumango lang Ako bilang sagot at inayos Ang seatbelt ko.

" Pasensya na kung late Ako nakarating binili ko pa kasi to" sabay abot nito sakin ng Isang bouquet ng roses" ah.. th-thank you" Yukong inabot ko ito.

"Do you like it?" Ngiti nito " ah.. Oo Naman" pilit ngiti ko " mabuti Naman "ngiti rin nito at pinaandar na Ang sasakyan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

" Panu sunduin nalang ulit kita bukas?" Ngiti nito ng pinagbuksan nya Ako ng pinto ng sasakyan. Tumango lang Ako at nagpipilit ng ngiti. Lumapit ito sakin at nabigla Naman Ako ng halikan nya Ang noo ko.

" Good night" ngiti nito at pumasok na ng sasakyan nya at umalis. bahagya Naman akong napahawak sa noo ko. ibang iba sya Kay Gideon romantic sya at maalaga Hindi tulad ni Gideon na puro pampainit lang ng katawan Ang alam.

Napabuntong hininga Ako at pumasok ng Bahay at diretsong pumasok sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Ng dahil sa ginawa nya Kanina maslalo lang akong nagalit sa kanya.