webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · Urbano
Classificações insuficientes
37 Chs

Chapter 7

CINDERELLA

Dumiretso ako sa cafeteria nang matapos ako sa pakikipag usap kay Mr Principal. Sa daan ay nakita ko si Laila na nakangisi habang nakatingin sa akin. I just avoided her eyes then walked towards my friends.

Sa table ay nakalagay lahat ang mga baon nila. Parang fiesta lang..

Nagmadali akong lumapit at naupo habang takam na takam sa pagkain. Iniabot sa akin ni Arana ang bag ko kaya inilabas ko na rin ang baunan ko.

Gaya nga ng sabi ni Megan, drop all your worry and just open your fridge.

Kain muna bago ang lahat.

"Kain ka na bestie! Marami akong dinala kasi naparami yong niluto ko!"Sabi ni Shanelle na sobrang excited.

"Magaling ka ng magluto Shanelle. Para kanino ba yang pagsasanay mo? Sa boyfriend mo?" Tanong ni Megan na may nakasalpak na fried chicken sa bibig. Halos hakutin ang mga pagkain sa mesa.

Umiling lang kami ni Arana sa paraan nang pagkain niya.

"Hindi.. gusto ko lang magluto."nakangiting sabi ni Shanelle at sumubo na.

"Dahan dahan lang Meg." Arana said then handed Megan a bottled water. Kumuha na rin ako ng paper plate at nagsalin sa plato ko.

"Masarap eh. Ano palang napag usapan nyo ni Prince epal?"Megan said after burping.

Umiling lang ako. Ayokong malaman nila kung anong nangyayari dahil for sure maaapektuhan din sila.

"Yong sa school anniv lang. Isasabay yong open day tapos papasyal din yung may ari ng school.."pabale wala kong sagot.

"Oh no! That's arduous!"Shanelle commented. She was tapping on her phone while eating.

"Oo. Pero kaya yan ni Bestie!" Sabi ni Megan habang kinakain ang ice cream.

"Kahit kailan talaga ang kalat mong kumain!"Arana said then wiped Megan's lips.

"Kaya turn off ang mga lalaki sayo eh!"nakakaloko kong sabi.

Napapout siya at inayos ang pagsubo.

"Oh wait besties!" Napapalakpak si Shanelle. Halata ang excitement.

"My parents will be celebrating their anniversary this coming Saturday. Tapos isasabay na rin sa celebration yong pag-uwi ni Kuya galing sa America!"

Napakunot ang noo ko.

"Ipakilala mo ako Shanelle.. baka pwede ko siyang maging jowa.." Megan said habang sumusubo ang french fries.

"Mayaman kayo so ibig sabihin mabibili niya lahat ng pagkain na gusto ko!"Nasabi ni Megan. Napailing lang kami.

"Ilang taon na pala siya Shan?"interesado kong tanong.

"Kakatwenty five lang.. nung May 27. Pero alam mo, bagay kayo!"sabay tapik sa akin.

"Bakit ako hindi ba?"napapout na sabi ni Megan.. napatango ako at tumingin kay Shanelle.

"Kay Kuya Coles ka! Bagay kayo. Maloko siya at maloko ka rin!"tumatawang sabi ni Shanelle.

Mahilig kasi sa mga boys si Megan. Sobrang curious.. maraming crush. At isa na doon si Travis.

"Ay ayoko ng maloko.. gusto ko parang si Travis.. walang pakialam sa mundo.."biglang nagningning ang mga mata nya.

"Akala ko ba si Calvin na ang the one mo?"nakataas ang kilay na tanong ni Arana sabay ayos ng eyeglasses niya.

Naiinis na hinablot ko ang salamin nya at ibinulsa. Nanlaki lang ang mga mata niya pero nanahimik din.

"Kaya nga.."Shanelle said then pulled out the invitation from her bag.

"Oo pero sa panahon ngayon, mas marami, mas masaya!"sabi ni Megan at inabot ang invitation mula kay Shanelle.

Na amaze ako kung gaano kaganda ang papel nang mahawakan ko ito. Halatang mamahalin.. inamoy amoy ko na rin. Amoy mayaman..

Napagaya na rin si Megan. At sabay kaming tumawa.

"So?"Shanelle expectantly said.

Napailing ako at inilapag ang papel sa mesa at kinuha muli ang kutsara at pinagpatuloy ang pagkain.

"Wala akong dress kung formal party yan.." tanggi ko agad.

"Marami akong dress Bestie! Dadlhin ko bukas!" Alok agad ni Shanelle.

Alanganin akong napatingin sa katawan niya at sa akin. Sa liit kong babae, baka matabunan lang ako.

"May naliitan na ako don! Wag kang mag alala.."she said then showed her puppy face..

Napatango na lang ako ng dahan dahan. Paano pa ako makakatanggi sa kagandahan niya?

"How about you Ara, bestie?" Tanong ni Shanelle.

"Oo. Basta kung nasaan si Gia, sasama ako." Arana said nonchalantly while eating.

"Yehey!"

"I'm super excited! Alam ko na talagang magki -click kayo ni Kuya bestie!"excited na sabi niya at kinuha ang cellphone.

"Wait, ipapakita ko yong picture niya-"

"Ay ang unfair.. sila tinanong mo pero ako hindi.." Sabi ni Megan sabay agaw ng cellphone ni Shanelle.

Napatawa kami.

"Ay.. akala ko basta may lechon pupunta ka?"tanong ni Shanelle.

"Oo! Pero wala kang binanggit!" Megan pouted then looked at Shanelle's screen. Her eyes went wide. She then handed it to Arana. Napatango tango sila.

"May lechon don! At maraming handa. Kaya sumama ka na rin."

"Okay."mabilis na sagot ni Megan. Hindi man lang nagpakipot. Baliw..

Nang binalik ni Arana kay Shanelle ang cellphone ay napahabol ako ng tingin.

"Diba para sa akin yong kuya niya? Bakit kayo lang ang nakakita ng pictures niya?"nagtataka kong sagot.

"Surprise na lang Pres. Para exciting.. don't worry gwapong gwapo. Malalaglag ang panty mo. Kaya advise ko lang wag ka nang magpanty sa party! Boom rhyme!" Natawa ako sa kagagahan ni Megan.

"Eh si Coles.. may picture kaba niya?"curious na tanong ko.

Mabilis na tumango si Shanelle at kinalikot ang cellphone bago pinakita sa akin.

Napakunot ang noo ko dahil parang nakita ko na siya..

"Ang family niya yong may ari ng mga Wright malls.." napatango tango ako. Ah baka sa television ko siya nakita..

"Wow! Ang astig. Mayaman. Teka.. Wright din si Travis.." Megan said.

"Oo. Magkapatid sila." Nanlaki ang mga mata ko. Baka kaya pamilyar dahil si Travis na nakikita ko sa kanya. Napahinga ako ng maluwag.

"Oh my!! Sige.. ipakilala mo ako sa kanya bestie! Kung wala akong pag asa sa kapatid, sa kuya nalang!"excited na sabi ni Megan. Habang pumapalakpak pa. Baliw talaga.

"Sure.." napangiti ng misteryoso si Shanelle sa kanya.

"Here bestie!" Shanelle suddenly dumped pile of dresses on my table covered in plastic. I was working on my plans for our school anniversary when she barged in our office.

"Woah! Ang dami naman! I just need one dress Shanelle!" Gulat kong nasabi at tinignan ang mga dress. Hinawakan ko agad ang peach na dress sa ibabaw..

Nang itaas ko ito ay nagustuhan ko agad.. It was long sleeves backless dress.

"They're all new and not my size bestie. So mas magandang ibigay ko nalang sayo yan para magamit mo kung sakaling ayain ka ni Kuya na makipagdate!" Napatawa ako sa rason niya.. talagang pinupush niya kaming dalawa ng kuya niya. Panay ang benta niya dito. Hindi ko pa siya nakikita pero parang kilala ko na siya.

Faceless nga lang.

Nang makita ko ang tag ay kuryoso kong tinignan. Naihagis ko ito pabalik sa lamesa.

"Grabe Shanelle! Ang mahal nyan tapos ibibigay mo lang sa akin?"gulat kong tanong.

Napapout siya at humawak sa braso ko.

"Please take them.. hindi na rin kasi kasya sa closet ko..tsaka para na rin naakit mo si Kuya.."

Napabuntong hininga ako.

"Okay.. thank you.."at hinalikan siya.

"Yes! So bukas magkita kita nalang tayo ah!"she giggled excitedly then bid her goodbye.

Inaayos ko ang mga lalabhan ko nang may makapa ako sa bulsa ng palda ko.

Naalala ko agad ang sinabi ni Travis kaya mabilis ko itong kinuha at binuklat. Napakagat ako ng ibabang labi nang mabasa ang nakasulat.

He waited for me.. na wala akong kaalam alam. I suddenly felt sorry for him. I should say sorry and make up with him?

Nakakainis naman kasing may pasulat sulat pa siyang nalalaman kung pwede naman niya akong kausapin gaya kahapon..

Ang lakas din nang saltik non eh.

Inilagay ko sa bag ko ang papel niya at bumalik na sa likod bahay para masimulan ang paglalaba.

Nang maalala ko ang mga dress na binigay ni Shanelle ay napangiti ako. Bigla akong naexcite sa party.. para akong Cinderella at si Shanelle ang fairy god mother ko. At ang kuya nya ang Prince Charming.. hay naku.. nakakaexcite na nakakakaba..

Naghuhugas na ako ng plato nang marinig ko ang sasakyan ni Megan sa labasan. Agad kong pinunasan ang mga kamay ko at lumabas sa bahay.

Nakita ko si Ina na magiliw na sinalubong ang mga kaibigan ko at iginiya sa bahay.

Napaatras ako para bigyan sila ng daan.

"Morning bestie!"Megan and Arana hugged me and sat on our sofa.

"Gia, itabi mo na itong mga pagkain at baka masira. Sa init nang panahon ngayon baka mamaya ay mapanis na. Ano pang ginagawa mo dyan?"inis na utos ni Ina.

Mabilis na napatayo sina Arana at hinawakan ang mga pasalubong nila. Na agad pinigilan ni Ina.

"Nako mga iha.. hayaan nyo na yang si Gia. Wala kasing magawa yan dito sa bahay kaya mabuti nang mautusan.. anyway Megan, salamat doon sa gift certificate na binigay mo nung nakaraan para sa salon. Tignan mo ang ganda nang gawa nila. At ang mahal pa ng mga services nila.."kwento ni Ina at hinawakan sa mga kamay ang kaibigan ko.

Napipilitang ngumiti lang sina Megan at Arana kay Ina. Pero halatang gusto akong tulungan. Tumango lang ako at ipinasok ang mga pagkain sa fridge namin.

Nag serve din ako ng merienda nila dahil nakikipagkwentuhan pa si Ina. Panay ang pasalamat at parinig na nananakit na raw ang likod niya kakatao sa pwesto namin.

Dapat kasi ay ako ang tatao ngayon pero dahil may lakad kami ay hindi ako makapunta. Hindi naman ako mapagbawalan ni Ina dahil laging binibigay nina Arana ang kagustuhan niya.

May iniabot si Arana na envelope kay Ina na agad niyang binuksan.

Napasimangot ako ng makita na gift certificate sa pinakasosyal na massage parlour sa lugar namin. Complete package pa..

"Hay nako.. ang babait nyo talaga. Pakisabi sa mga mama nyo na sa susunod mag bonding naman kami.."nakangiti na si Ina na tumayo. Dala ang paper bags na may bagong damit at sapatos niya.

"Opo tita. Salamat po at pinayagan nyo si Gia." Nakangiting sagot ni Megan.

Napatawa si Ina. "Nako.. maliit na bagay. Basta kayo. Malakas kayo sa akin eh." Malambing na sabi ni Ina at nagpaalam na para ideposito ang mga paperbags sa kwarto niya at umalis na nang bahay.

Napabuntong hininga ako. Nandito lang naman siya para hintayin sina Megan eh.. at ang mga pasalubong niya. Masyadong materialistic si Ina. Ilang beses ko na ring sinabihan sina Megan na itigil na ang kakabigay kay Ina pero ayaw nila.. dahil maayos kausap si Ina kapag may padulas..

"Okay na bestie.."nakangiting aya ni Megan sa akin.

Kinuha ko ang isusuot ko at sumakay na sa kotse.

Dumiretso kami sa bahay nina Megan at nakasalubong ko si Kuya Miguel ang male version ni Megan.

"Hi Babe.."nakangiti akong sinalubong ni Kuya. Napairap naman si Megan.

"Lumayo ka nga at kung saan ka nanggaling kagabi! Baka mahawaan mo ng sakit si Gia!" Asik ni Megan.

Nagkatinginan kami ni Arana na may pinipigilang ngiti.

"Ay grabe siya.. kina Dexter lang ako nagpunta. Walang babae don Babe.. promise!"sabi niya nang nakapout at itinaas pa ang kaliwang kamay. Ang cute.. kamukhang kamukha talaga siya ni Megan..

"Obvious na obvious na nagsisinungaling. Kanan ang itinataas kapag nanunumpa!"tsk ni Megan at hinila na ako.

"Kailan tayo pwedeng magdate babe? Available ako ngayon hanggang bukas.." pahabol ni Kuya Miguel. Sanay na ako sa mga banat ni Kuya Miguel.

Nang malaman kasi niyang gusto ako nina Tita para sa kanya ay sinakyan niya na. Pero tinatawanan ko nalang.. wala naman akong gusto sa kanya. Tsaka sa lagi kong pamamalagi dito ay parang kapatid na ang turing ko sa kanya..

"Tse! Kadiri ka!"angil ni Megan.

Nang makapasok na kami sa loob ay nakasimangot pa rin siya.

"Kalma ka lang."sabi ko at minasahe ang balikat niya.

"Bwisit kasi yon eh! Kung sino sino na lang na babae ang tinutusok! Kadere!"sabi niya na parang kinilabutan pa.

Naupo na kami sa bed niya at nagsimulang ilabas ang susuotin namin at isinampay para hindi magusot.

"Diba si Joi ang gusto non?" Tanong ni Arana at lumingon kay Megan habang nagbababad kami ng mga paa para sa foot spa namin.

"Ewan ko ba. Mangkukulam ata yong si Joi eh! Nabaliw si Bryce pati na kuya ko! Kaya ngayon, naging babaero nong nabasted!"

"Hayaan mo na. Bata pa naman..tsaka malay mo kami ang magkatuluyan..

papatahimikin ko na yon.." natatawa kong sagot.

"Yucks! Itatakwil kita! Mas gusto ko naman ang kuya ni Shanelle noh. Gwapo at macho! Tsaka graduate na at mayaman."

"Gwapo at may six packs din naman si Kuya Miguel ah! Tsaka sabi ni Shanelle babaero din kuya nya.."Arana defended then winked at me. Iniinis niya na si Megan.

"Basta! Ang tamad at dugyot non! Yong kwarto parang gubat! Ang baho! Amoy tamod! Buti hindi nagco-complain ang mga babaeng dinadala niya sa kwarto niya!"napatawa na kami.

"Tamod talaga? Bakit nakaamoy kanaba?"hamon ko kay Megan. Natigilan siya at nagkibit balikat lang.

"Hoy! Ano yan?" Sigaw ni Arana at hinampas si Megan.

"Hindi pa nga.. narinig ko lang kay Fiona na ibang amoy yong sperm.."

"So nag conclude ka nang sperm iyong naaamoy mo sa kwarto ng kuya mo ganon?"mataray na tanong ni Arana.

Napalabi si Megan at tumango.

"Gaga ka talaga! Malay mo amoy paa lang or putok!"

"Hindi eh.. iba talaga. Nakakasuka!"tanggol ni Megan.

"Tama na nga yan.."sabi ko na agad nilang ikinatahimik.

"Pero Gia.. wag si Kuya ah.. kasi kapag hindi umubra yong powers mo sa kanya.. masisira yong pagkakaibigan natin.."nag aalalang sabi ni Megan na ikinatango ni Arana.

"So okay lang kung kuya ni Shanelle?"natatawa kong sagot.

Natigilan silang dalawa.

"Tignan nalang natin bestie.. ang gwapo kasi talaga.. parang greek god.." naalala ko yong mala greek god na naengkwentro ko sa bar..

"Parang iyong first kiss ko lang.. mala greek god.."

Napatango silang dalawa. Naikwento ko na kasi sa kanila yong halik namin ni Ashmere.

"Oo. Kaya siya nalang. Si Kuya marami pang kakaining bigas yon!"

Tumawa kami.

Ang cute sigurong may kapatid kang kasundo mo..

"Nagpakilala ba sayo yong nakahalikan mo?" Tanong ni Arana ng matapos ang footspa, manicure at pedicure namin. Ngayon ay nakahiga nalang kami at may nakalagay na cream sa mukha.

"Oo. Ashmere. Nakakahiya nga na nauna pa yong tukaan bago iyong introduction."

"Ang hot kaya non. Oh my! Gusto ko rin ng ganon!"excited na sabi ni Megan.

"Mamaya, kumuha ka rin ng halik don kay Coles!"Arana said.

"Sige! Pustahan tayo bestie!"

"Wala akong pera. Sa katapusan ko pa makukuha yong sweldo ko."agad kong sabi.

"Hindi pera.."

"Sige, game."sagot ko at pinutol ang sasabihin niya.

Natawa si Arana.

"Ganito.. kapag nahalikan ko si Coles.. hahalikan nyo rin ung ipapartner sa inyo ni Shanelle.."napaangal agad di Arana.

"Sure.."pabalewalang sagot ko. Malakas lang naman ang loob ni Megan kapag kami lang. kapag kaharap na ang mga boys ay magtatago na sa amin..

"Sige na Ara! Ang KJ mo!"kunwaring inis na sabi ni Megan.

"Kapag hindi mo siya nahalikan anong consequence?"

"Magda-diet na ako.."

"Weh?" Sabay naming sagot ni Arana.

"Oo nga.."

"Sige. Call." Sabay naming sagot ni Arana.

Matagal na namin siyang sinasabihan na magdiet pero hindi nakikinig kaya pabor ito sa amin..