webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · Urbano
Classificações insuficientes
37 Chs

Chapter 18

PLAYER

Nakapabilog na kami para sa catch up namin kada matapos ang practice namin. Sa tatlong linggong lumipas ay walang improvement si Laila. Madali siyang madistract at palaging nabubulol sa mga linya niya.

"You should concentrate more Laila if you want to retain your role!" Meredith said annoyed.

Galit na tumayo agad si Laila at lumapit kay Meredith. Agad humarang si Jethro at ang iba naming mga boys.

"You've been yapping since day one! You're so irritating. I'm doing my best here!"she shouted and tried to go past Jethro.

"Laila stop this." Jethro eyed her sharply.

"What? I'm doing my best. But what she sees is my mistake!"inis na sigaw ni Laila at nag walk out na lang nang hindi siya makasugod.

Nanginginig sa galit na tumayo si Meredith at hinablot ang mga gamit niya. Si Jethro naman ay napahawak nalang sa noo niya at lumapit kay Meredith.

Napabuntong hininga kami at nagsimula na ring tumayo para makaalis na.

"Ikaw na lang kasi Miss President.."hinabol ako ni Jazel at nag beautiful eyes na rin.

Umiling ako agad.

Ayoko ng gulo. Alam nila yon. Napabuntong hininga siya at napakamot.

"Ang gulo gulo na nang teatro. Marami nang gustong magback out dahil sa ugali niya..kaya ayan.. pati sina Pres at Vice nag-aaway na rin."malungkot na sabi ni Jazel. Napalingon kaming lahat kina Jethro dahil sa pagsigaw ni Meredith sa galit. He then grabbed her neck and kissed her squarely on the mouth.

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Jazel na nagulat din.

Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa ay sinampal na ni Meredith ang lalaki at tinulak tulak.

Hinayaan ko na sila tutal wala naman akong magagawa..

Hinahalungkat ko ang bag ko para hanapin ang phone ko nang mapaluhod ako sa tiled floor.

Napatungkod ang mga kamay ko sa sahig sa sakit. Sa gilid ko ay binawi ni Laila ang paa niyang pinampatid sa akin.

Nakangisi siya pero bigla ding napalitan ng galit ang mga mata.

"President!"sigaw ng mga nakakita at inalalayan akong tumayo.

"That's where you belong Miss President. On the floor kneeling in front of me." Galit na galit na singhal nito.

Napahawak ako sa mga tuhod kong nananakit at tinignan siya ng may inis.

"Ano bang ginawa ko? Nakakainis kana!"

"Well, makita lang kita, nasisira na ang araw ko. At alam kong ikaw ang may kagagawan kung bakit palagi akong pinag iinitan nila! You've brain washed them to do that so you can get my role you bitch!"galit na galit na akusa ni Laila sa akin.

Napapikit ako sa inis. At huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Napadilat ako nang may maramdamang lumapit sa akin at hinila ako palayo. Si Jethro..

"Laila! Why are you blaming her for your lack of focus and talent? Should you start reading and memorizing your lines to improve than do this immature shit?"seryosong sabi ni Jethro.

Nanlaki ang mga mata ni Laila sa narinig. Ni minsan ay hindi nagsalita si Jethro sa nagdaang mga araw.

"You're supposed to stand by me Jethro. You chose me to be your leading lady!"inis na sagot ni Laila.

"You're being unprofessional here. And our pain in the ass Laila since day one. I told you this is just a test. You did nothing to prove yourself to us!"galit nang sabi ni Jethro.

Napatawa si Laila at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Punong puno ng malisya.

"Oh.. i get it.. so she did what I was supposed to do Jethro? Inayawan mo ako pero dito sa muchachang ito, pinatulan mo? I never thought that you have a poor taste in girls.."she looked at me and Jethro haughtily.

"Sa lahat talaga ng bagay gusto mo ikaw ang pinakamagaling..bravo.."pumalakpak si Laila nang mabagal.

"She's not like you Laila!"Lumapit na rin si Meredith sa tabi ko at galit na sumigaw.

"You're untalented and a bitch to start with. You don't deserve your role! You boss everyone around and bully them. And I'm not taking any shit from you anymore."Humarap siya kay Jethro na may matalim na tingin.

"Choose Jethro, her or me!" Napatingin kaming lahat kay Jethro na may madilim na ekspresyon.

"Sawang sawa na ako sa babaeng ito!"dagdag pa niya.

"Oh my! What a drama queen. Kaya ka pala naging Vice President dito eh..anyway Jethro.. I'll see you later huh? Maybe I can help you find a new Vice President because she sucks! And I really want this girl to be replaced by someone else because she irritates me every time I see her."sabi ni Laila at tinuro ako bago tumalikod.

"Laila.. sorry but you're poisoning our club. As a President in Teatro, I want to inform you that you're no longer a part of our club."malakas na sabi ni Jethro at hinila na kami ni Meredith palayo sa napatulalang si Laila. Narinig ko ang masayang usapan ng mga myembro ng teatro.

Nang nasa labasan na kami ay narinig namin ang sigaw ni Laila.

"I think she's fucked up in the head Miss President. And she's always so angry at you. You should be careful all the time." Nag aalalang sabi ni Meredith.

Napabuntong hininga ako. "Ewan ko ba bakit ganon..wala naman akong ginagawa sa kanya."

"Ano? hindi na bumalik yong manliligaw mong gwapo no? Siguro nagsisi na dahil napakapangit mo para ligawan nang kagaya niyang ubod ng gwapo at yaman!"

"Kung hindi ka ba naman tatanga tanga! Pinagbuhat at pinagtao mo siya sa pwesto natin! Wala ka talagang kaalam alam palibhasa walang magkamaling manligaw sayo! Tonta!" Tungayaw ni Ina nang makabalik kami galing sa pwesto. Naupo sila ni Ate at nagbukas ng electric fan para magpalamig. Dumiretso ako sa kwarto para magpalit.

Ilang Sabado na rin nilang inaabangan si Ashmere sa pwesto para 'daw' magpasalamat dahil sa pagdami ng mga suki namin. Pero dahil nga nasa America ay hindi talaga nila matityempuhan ang tao.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina para naman magluto.Sa maghapon kong pagtao sa pwesto ay ni minsan ay hindi tumayo si Ina para magbenta. Ako lang ang kumilos mag isa. Si Ate naman ay pumupunta lang kapag magsasara na.

"Ina.. hayaan mo na siya.. broken hearted na nga papagalitan mo pa. Okay na yong marami kang napagbebentahan araw araw." Tinatamad na sabi ni Ate at nagbuklat buklat ng magazine na bagong bili niya.

"Hay nako! Sayang pa rin ang grasya. Kung kay ate mo yon, baka hanggang ngayon dumadalaw at nagbibigay ng kung ano ano dito!"Sabi nya.

Napabuntong hininga na lang ako nang malipat sa ibang topic ang pag uusap nila.

Nang matapos kaming kumain ay naghugas at naglinis na ako nang bahay.

Naligo na rin ako at nahiga na habang nagbobrowse sa internet.

Napangiti ako ng mapait. Ilang araw ng walang text or tawag si Ashmere.. gusto ko nang magtampo.. gustong gusto ko na siyang kulitin.. kasi miss na miss ko na siya.

Nanlaki ang nga mata ko nang makita sina Ashmere at ang mga kaibigan niya na napapalibutan nang mga glamorosang babae sa isang party. Bigla akong napahikbi. Hanggang litrato nalang ba ako?

Maaliwalas ang mukha niya at may ngiti sa mga labi. Halatang nag eenjoy at masaya.. samantalang ako dito, nasasaktan at nagtatanong sa sarili bakit hindi na siya nagtetext.. kung bakit bigla siyang nagbago? Kung bakit biglang tumamlay? Sabi niya gusto niya akong maging girlfriend pero bakit ganito ang nakikita ko?

Hindi ko mapigilang pagkomparahin ang mga babaeng nakapalibot sa kanya. Sobrang ganda at sexy.. elegante at sopistikada..at higit sa lahat mayayaman.. nakakababa pala ng self esteem kapag nagkagusto ka sa taong mataas.. dahil hanggang tingin ka na lang kapag nagsawa siya.

Ang sakit sakit naman.. kasi umasa ako.. tapos wala naman kaming pinag awayan bago siya umalis.. balak ko pa nga sanang sagutin na siya pag uwi niya. Pero huli na ata ako. Kasi parang nasa iba na ang atensyon niya..

Masyado ba akong nagpakipot? Masyado ko ba siyang pinaghintay ng matagal? Kaya nagsawa sa kakahintay?

Hindi ko naman kasi alam na may expiration date pala ang damdamin niya sa akin. Disin sana'y sinagot ko na siya para may mapanghawakan ako sa kanya ngayon..

Nang manlabo ang paningin ko ay kinusot ko ang mga mata ko at humanap pa ng mga pictures niya. Kung pwede ko lang sana siyang puntahan.. gustong gusto ko siyang kausapin at itanong ang mga pictures.. for sure may sagot siya sa itatanong ko..

Wala eh.. tinamaan na ako.. lahat tatanggapin ko na..

Napapangiti ako sa mga pictures niya sa internet. Ang gwapo at ang kisig ng Mr Almost ko..

Naninikip ang dibdib kong binitiwan na ang cellphone ko. Ang sakit sakit talaga na isiping noong nakaraan lang, sa akin siya ngumingiti at naglalambing.. sa akin niya ibinibigay ang buong atensyon niya..

Ganito pala ang mga playboy.. bigla ka na lang iiwan sa ere.. walang paalam. Walang pasabi. Basta bitaw na lang agad..

Sa talino kong ito, hindi ko namalayang ako na lang pala ang kumakapit.. nagpapakatanga.. umaasa..

Bakit kasi masyado siyang pafall? Bakit mahilig magpaasa ang mga lalaki.. tapos hahayaan kang bumagsak sa huli?

Napakatanga ng mga katulad ko na agad agad nahulog..

Nang walang kalaban laban..

Nangingiting inilibot ko ang paningin sa buong school habang naglalakad papunta sa student council office. Lahat ay nasa ayos kaya positive akong magiging matagumpay ang program namin.

I went inside the room and found my members and the girls wearing colourful dresses talking excitedly to each other while sitting on the chair behind our round table.

Diosdado aka Janela our organiser got up and came towards me with his worried expression then held my arm tightly.

"Miss President! Nako!! Something came up with our three girls.. hindi sila makakadalo dahil may LBM daw!"maarteng sabi niya at nagpout.

Napatango ako at tumingin sa ibang mga girls namin. Napakunot ang noo ko sa isang babaeng napakaganda at sexy na nakaupo sa pinakadulo.

"Sino siya? Dyosang dyosa."bulong ko kay Janella.

"Nadali mo President! Si Joi yan..Hindi ko nga akalaing may tinatagong kagandahan sa likod ng makapal niyang make up.."bulong niya pabalik.

Napatango tango ako.. sobrang naamaze sa kagandahan niya..

Nabaling na ang atensyon ko sa mga kaibigan kong pumasok na gaya ko ay nakasuot din ng itim na dress at pusod ng buhok. May dress code kami para hindi mapagkamalan nang mga guests.

"Ewan ko.. pero parang sinabotage tayo!"nasabi ni Janella nang mapag usapan namin amg tatlong hindi makakadalo.

"Oo Miss President! Kasi kahapon.. may natanggap kaming mga chocolates.." kwento nina Fiona at Amy sabay pakita ng nakakahon na tsokolate.

Nagbulungan ang mga babae at inilabas din ang box ng chocolate nila.

"Buti na lang hindi ko pa nakakain!"Inilapag nila ang mga kahon sa mesa at sinuri nina Arana at Megan.

"Obviously.. sa iisang tao lang nanggaling ito!"nakakunot ang noong wika ni Arana.

"Sino naman?"seryosong tanong ni Megan.

"Sino pa bang galit na galit kay Miss President? Duh!" Galit na tanong ni Fiona at pinagkrus ang mga braso.

"Hwag kayong magsalita ng walang katibayan.. tinawagan mo na ba yong nagbid sa tatlo?"tanong ko kay Janella.

"Oo. Pero Miss President, hindi natin mahi-hit ang kota natin kapag hindi natin sila pinalitan!"napapakamot sa ulong sabi nito.

Napabuntong hininga ako at nag isip ng pwedeng gawin. Sa sobrang kaartehan ng Principal namin ay nag-set ito ng dalawang milyong kota para sa gabing ito.

Someone cleared her throat so we snapped all our heads towards Joi who was so gorgeous sitting regally on her chair.

"Why don't you replace them Miss President? You and your friends."she said in her usual thick accent.

Biglang nabuhayan si Janella at tumango tango.

"Oo nga Pres. I'm sure may magbibid sa inyong tatlo."

Napailing ako agad at tatangi na sana pero inunahan ako ni Megan.

"I'm in."walang kangiti ngiting sang ayon niya.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Arana at Shanelle. Kanina pa namin siya napapansing wala sa mood.

Napabuntong hininga na rin si Arana at tumango. Napapalakpak ang iba naming mga kasama at pinag usapan ulit ang mga gagawin sa kalagitnaan ng gabi.

Naglibot libot kami at nakipag usap sa mga guests para iwelcome. Puro mayayamang pamilya ang dumalo sa gabing ito.

Nang makita kong papalapit ang mga Monteverde ay agad akong nagpaalam na magbabanyo muna.

Masakit pa na makita siya ulit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin ko kung sakali. Nang kinulit ako nina Shanelle about kay Ashmere ay sinabi ko nalang na tinabangan ako. Ayokong malaman nila na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Pride na lang ang mayroon sa akin.. ipagkakait ko pa ba ito sa sarili ko?

"Alam mo, masakit talaga kapag first love girl."dinig kong komento nang kakapasok sa banyo.

"Oo! Matapos niya akong paasahin at saktan, ngayon babalik siya nang parang walang nangyari! Ano siya sinuswerte?"galit na wika ng isa. Halatang halata na may pinanghuhugutan nang galit.

"Ano kaba.. it takes two to tango.. why play with his feelings too? Kung pafall siya.. why not do the same thing.. make him fall in love with you too."

"No way!"matigas na tanggi ng isa.

"Oh.. so you still like him?"

"Hindi! I'm over him long time ago."

"Then do it.. unless.."

"Fine." Narinig ko ang pagbukas at sara ng gripo. Ilang sandali pa ay umalis na sila.

Napapaisip akong umalis na sa cubicle ko.

Paglabas ko ay si Ashmere Fucking Monteverde agad ang nakita kong naghihintay sa labas. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Sobrang gwapo niya talaga.. sayang lang dahil hindi siya akin..

Sumasakit na naman ang dibdib ko kaya naglakad ako palayo sa kanya. Iiwasan ko siya hanggang sa matapos ang buong gabi.. kung talagang ako nga ang ipinunta niya dito..

Nang lumingon ako ay may grade eleven na lumabas at nilapitan si Ashmere na nakayuko.

Mali pala ako.. dahil hindi ako.. hindi na ako..

FUCKING player!

Nanggigigil na naglakad ako papunta sa mga kasama ko na palingon lingon sa paligid at animong may hinahanap.

Nginitian ko sila nang makita at nilapitan. Nakipagkwentuhan muna ako sa maga kasama ko bago kami nagsi-ayos at nakinig sa welcome speech ng aming founder at principal.

Nang matapos sila ay umakyat na kami ni  Arana para magbigay din ng maikling mensahe at pasasalamat sa mga dumalo.

Inilibot ko ang paningin at nakita ko si Ashmere na kakaupo lang sa mesa nina Tita at Tito. Malamang.. naglambingan pa sila nong bago niya kaya ngayon lang nakabalik.

Naninikip ang lalamunan kong tinapos agad ang sasabihin ko para maiwasang pumiyok at ipinasa na kay Arana ang microphone.

"Sorry Ara.."paos kong bulong. Kahit nagtataka ay tinanggap pa rin niya ito at itinuloy na ang dapat kong sabihin.

Ngumiti ako at inilibot ulit ang paningin pero iniwasan ko na ang upuan ni Mr Monteverde.

Napapunas ako sa tumulo kong luha nang na makita ko ang grade eleven na inaayos ang damit niya habang papaupo sa arranged seat nila.

Kung pwede lang sanang magwalk out.. ginawa ko na kanina pa.

Nagising ako sa pagkakatulala nang magpalakpakan ang mga tao.

Sumulyap ako kay Ara bago kami yumuko at nagpasalamat sa mga tao.

Iniannounce na ni Shanelle our Master's of ceremonies ang program ngayong gabi at kung sino-sino ang magpeperform pagkababa namin.

"Buti wala si Laila."bulong ni Shanelle habang nagdidinner na kami.

Tumango si Arana na mabagal na kumain. Nasa isang mesa lang kami sa right side ng presidential table kaya kitang kita kaming apat ng mga tao.

Napatingin kami kay Megan na seryosong naglalakad papunta sa amin. It was a buffet table kaya kahit ilan beses pwedeng bumalik-balik si Megan..

Nang maupo siya ay nagulat kami sa laman ng plato niya! Wala pa sa kalahati! Dati rati ay punum puno ito..

"Bestie.. may sakit ka?"tanong ko agad na inilingan niya. Nakakapagtaka talaga..

"Kinakabahan lang ako. Feeling ko isusuka ko yong kakainin ko kapag naparami bestie."ngumiti siya sa amin ng maliit at sumubo na nang mabagal.

Nagkatinginan kami nina Arana. Iba na talaga ito..

Nang matapos ay tumayo ulit si Shanelle para masimulan na ang main event sa gabing ito. Twenty four kaming umakyat sa likuran ng stage at rumampa sa harapan.

Sa gitna nang gymnasium ay may catwalk na paglalakaran namin isa-isa habang pinapakilala kami ni Shanelle sa mga tao. Pagkatapos ay babalik na kami sa likuran para hintayin ang pagtawag sa amin.

Kinakabahang pinisil ko ang mga kamay nina Arana at Megan na ginantihan din nila agad. Nang tawagin ang numero ko ay nanginginig na naglakad na ako pababa ng entablado at umakyat sa make shift na catwalk.

Bawat madaanan ko ay nginingitian ko. Nakita ko si Travis na seryoso akong pinapanood na rumampa kaya nagflying kiss ako sa kanya at ngumiti ng malaki bago lumingon sa katabi nilang mesa.

Nawala ang ngiti ko at kumabog nang masakit ang puso ko. Ang pagkakatanda ko ay sa kabilang side sila..

Biglang nalipat ang mesa ng mga Monteverde?

Pinatamis ko ang pagkakangiti kay Ashmere at nagflying kiss din bago nagsimulang maglakad ulit sa bawat mesa. Nang pabalik na ako ay hindi ko naiwasan sulyapan siya ulit..

He was still wearing the same grim expression. Napaiwas na ako ng tingin at bumalik nang humihingal sa pagod..

Napaupo ako agad.. at naikuyom ang mga palad ko.

Ang unfair.. dahil hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa mga titig niya. Kahit alam ko nang may bago siya.

Tahimik kaming naupo at panaka naka ay nagkukuwentuhan ni Arana. Si Megan ay nakapikit at nakasandal lang sa upuan. Parang tulad ko ay hinang hina rin..

Nang tawagin ang numero ko ay mahina nila akong sinabihan ng good luck bago yumakap.

Napahinga ako ng malalim bago lumabas ng nakangiti. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam na para kang paninda na kinikilatis ng mga mamimili.

Kinakabahan ako dahil ako lang ang bansot sa ming lahat. Tapos ang lalaki pa ng mga ibinayad ng mga tao sa mga nauna. Ang pinakamataas sa amin ay si Joi na two hundred fifty thousand pesos.

"The bidding starts now for Miss Sampaguita Ranoco. let's start with two thousand! Anyone?"Umalingawngaw na tanong ni Shanelle.

May nagtaas nang kamay at sumigaw ng "five" Isa sa mga grade twelve. Nakahinga na ako ng maluwag. Kahit magkano lang. okay na sa akin.

Akala ko talaga ay wala nang magkakainteres sa akin.

Namalayan ko nalang na nasa one hundred fifty na ang bid sa akin.

Napalingon ako kay Travis na seryosong nagtaas ng kamay para magbid din! Wow!

"Two hundred fifty thousand." Halos takbuhin ko siya para magpasalamat! Nginitian ko siya nang malaki at pinagdikit ang mga kamay na animo nananalangin.

"Anyone higher than Mr Wright?"tanong ni Shanelle.

"Okay.. going once-"

"One million."

I felt like my world paused and all I could see was him slowly raising his hand while looking at me sternly.

My heart beat so loud inside my chest.

I swallowed hard and looked at Travis to see if he could bid higher. But when he was about to raise his hand, Coles put it down and whispered something to him.

He scowled and crossed his lean arms grudgingly.

"Wow! Anyone higher?"Rinig kong tanong ni Shanelle. Pero nanatiling tahimik ang mga tao.

Napabuntong hininga ako at tumango kay Shanelle na may alanganing ngiti.

"Going one. Going twice! Sold. One million for Miss Sampaguita Ranoco." Then they all clapped their hands. Ngumiti ako kay Tita Chel na masayang pumapalakpak na rin.

"You can claim your price after the bidding. Please proceed at the back to sign a contract. Thank you very much. Your donation will help a lot of kids to reach their dreams." Spiel ni Shanelle.

Yumuko ako at tinalikuran na ang mga tao.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo na rin si Ashmere para pumirma ng kontrata sa likod ng stage kung saan nandoon ang mga teachers namin.

Halos mapaluhod ako sa tensyon nang makarating ako sa likuran. Buti nalang at naalalayan ako nina Megan na nakasilip sa amin.

"Mas lalo tuloy akong kinabahan!"nanginginig ang mga kamay na inalalayan ako ni Megan paupo dahil tinawag na si Arana.

"Grabe.."tangi kong nasabi at pinunasan ang namuo kong pawis sa noo.

Natigilan ako nang makita ko si Ashmere na pumasok back stage. Madilim ang mukha at mabagsik.

Pati si Megan ay halata ang curiosity na pinanood si Ashmere na lumampas sa amin.

"Parang galit na galit siya bestie.."bulong niya na tinanguan ko na lang.

Napasilip kami ni Megan nang may narinig kaming komosyon sa harapan. Then we found Lindsey holding the microphone and threatening everyone with his dark and brooding expression.

"Half million for Miss Ruiz."he said slowly. Nanahimik ang mga tao kaya tumango tango na si Shanelle at sinara na ang bidding.

"Going one. Going twice! Sold. Half million for Miss Arana Ruiz."masayang deklara ni Shanelle. Na pinalakpakan ng mga tao.

Huminga na nang paulit ulit si Megan nang makapasok sa backstage si Arana.

Kita ko rin ang gulat sa mukha ni Arana.

"Ang tataas ng mga bid sa inyo.. nakakahiya kung ako ang pinakamababa."kinakabahang sabi ni Megan.

Tinapik ko lang ang pisngi niya at yumakap.

"Pare-pareho lang naman ang goal natin Megan.. ang makatulong..kaya wag mo nang pakaisipin mabuti yan.."payo ko at pinakawalan siya nang marinig ko ang numero niya.

"Wish me luck."bulong niya sa amin ni Arana at lumakad na palabas sa backstage.

"Good luck.." at nakisilip na rin kami.

Napangiti ako nang magbid agad si Tito Miguelito na Daddy ni Megan.

Na agad nilabanan ni Coles nang malaking halaga.

Natahimik ang mga tao sa gulat. Nagkatinginan rin kami ni Arana. Dalawang bid palang mukha may mag uuwi na kay Megan..

"Going once.. going twice.. sold. one point five million pesos for Miss Megan Relano."announced ni Shanelle.

Nagpalakpakan ulit ang mga tao.