© xiarls
All rights reserved
**
6
Rena's POV
"Saan ka ba nagpunta kahapon? Bakit hindi ka nagduty?" Tanong ni Elise.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang inis ko.
"Bakit ka namumula?" Tanong niya pa ulit. Napayuko ako at napabuntong-hininga.
Sino ba naman kasi mag-aakalang may mga bagay-bagay sa lugar na 'to ay totoo pala?
"Hoy, Rena!" Sigaw na niya sa tenga ko. "Ano? Sasagot ka pa ba?" Nakataas ang kilay niyang hinihintay ang sagot ko. Napabuntong-hininga na lang ulit ako at hinarap siya.
"Ah... wala. Nasa bahay lang ako. Nakalimutan kong Sabado pala. Umaga pa lang naglaro na ako ng badminton." Sabi ko. "Bakit? Anong nangyari?"
"Ahh, okay. May naghahanap kasi sa 'yo kahapon. Lalaki. Hindi ko naitanong ang pangalan." Paliwanag niya. Tumango na lang ako at pumunta na sa staff room.
"4 hours lang ang duty niyo ngayon." Singit ni Manager. Nagtaka naman ako.
"Bakit po?" Tanong namin ni Elise.
"Don't worry, hindi magbabago ang sweldo niyo at saka hello? Estudyante pa kayo at may curfew na sa lugar. Alam kong busy rin kayo sa school works niyo kaya 4 hours na lang ang duty niyo every Saturday-Sunday. 5PM-9PM." Naalala ko ang sinabi ni Coach na may practice game kami.
"Eh Ma'am, may practice po kami every Saturday, 2-5PM. Nasa varsity nap o ulit ako ng badminton."
"Ah, gano'n ba? Sige okay lang na malate ka ng 30 minutes. Kung gusto niyong mas maaga sa 5-9 okay lang din na umaga kayo basta hindi hectic sa schedules niyo." Tumango na lang din kami ni Elise sa sinabi niya. "Sige, mag-ayos na kayo. Maraming customers ngayon." Iniwan na kami ni Elise at naghanda. Lumabas na rin kami after 3 minutes. Marami ngang customers ngayon. Sunday kasi at may mga pasok na rin bukas. Karamihan sa mga nandito, taga UBelt ot nasa university dorm ng school.
Busy ako sa pagtawag ng orders ng maramdaman ko 'yong kakaibang lamig sa katawan ko na naramdaman ko rin kahapon sa bahay. Alam kong may nakatingin na naman sa akin bukod sa mga customers na nandito para tumambay. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala naman. Namamalik-mata ba ako o ano?
Nakayuko na ako sa screen ng computer habang kumukuha ng orders. Hindi ko namalayang may tao sa harapan ko. Hindi ko masyadong maramdaman ang aura niya bilang isang tao.
"Can I have your order, Sir?" I asked him, but he suddenly touched my head. At doon na ako nawalan ng malay.
--
9 months ago
Nasa gubat akong hindi ko alam kung saan. Matapos ang nakakabinging tunog ng busina ng sasakyan, hindi ko na alam ang gagawin. Binundol kami ng truck na walang driver. The accident was plotted by someone we don't know. Hinanap ng mga mata ko kung saan sina Mama at Papa. Nakahiga sila sa damuhan. Kahit nahihirapan akong tumayo, nilapitan ko pa rin sila at ginising. Niyakap kami ni Papa. Buti na lang ligtas kami sa nangyari pero marami kaming sugat sa katawan. Hindi naming ininda ang mga sugat at sakit sa katawan at umalis sa lugar na 'yon. Medyo malayo na rin ang nilakad naming. Inaalalayan ang isa't isa. At ilang minute lang ang nakalipas nang pinasakay kami ng taong nagmagandang loob at hinatid kami sa ospital. Hindi na namin siya nagawang pasalamatan sa tulong niya. Bigla na lang siya umalis habang ginagamot ang mga sugat namin.
Pero hindi ko makakalimutan ang itsura niya... na siyang naging dahilan para mabuhay kami ng pamilya ko.
Nagkita ulit kami sa Europe ng lalaking tumulong sa amin, 5 months ago. Dinala ako nina Mama at Papa para magbakasyon at makalimutan ang aksidente. Naging magkaibigan kami sa mga nakalipas na buwan. Nagkakausap araw-araw, gumagala, kumakain, nagkukwentuhan kung saan man kami napadpad dala ang sasakyan niya.
Naging mabuti ang pakikitungo niya sa akin at sa pamilya ko. At habang tumatagal, mas lalong naging kakaiba na ang nararamdaman ko sa kanya.
Pero may oras nga talaga ang lahat ng bagay. May mang-iiwan, may masasaktan.
Nakita ko siyang nakikipag-halikan sa ibang babae. Hindi lang isa, tatlo sila. At sa gitna pa ng kalsada. Kahit na hindi na bago sa paningin ko ang mga naghahalikan sa kalsada, masakit pa rin sa pakiramdam na 'yong taong gusto mo at natutunan mong mahalin, may kahalikang iba.
"Hindi naman tayo, Rena. Walang tayo!" sigaw niya sa akin! Gusto ko siyang sampalin, pero hindi ako ganun. Alam kong walang 'kami'. Ako lang gumagawa ng dahilan para mahalin siya.
Nasa tabi pa rin niya ang tatlong babae. "You and I are not in a relationship. Leave me forever!"
"You heard that, bitch?" Mataray na sabi ng isa. "You don't have any relationship with him. Because, we do have!" I slapped her hard! Pero hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry to hurt you, Rena. Please, stay away from me." Sabi niya at umalis kasama ang tatlo.
Hindi ko nagawang habulin sila, ang habulin siya. Kahit na magmukha akong tanga sa ibang bansa na 'to, wala akong pakialam. Masyado akong nahulog sa kabaitan niya pero anong nangyari? Iniwan niya akong wasak sa harap ng maraming tao na dumadaan ditto.
Hindi ko magawang umiyak. Para saan pa? Hindi siya worth it para iyakan. Ngayon ko lang nalaman ang totoong kulang niya. Isa siyang malaking kawalan sa lahi at dugo ng pamilya niya! He's a freaking jerk and a bastard!
Kahit masakit man, pinilit kong umuwi nang hindi ko pinatulo ang luha ko habang nasa daan. Nang makapasok ako ng bahay, doon ko na nilabas ang hinanakit ko. At kahit labag man sa loob ko, nag-impake ako ng gamit ko at pumuntang airport para bumalik sa Pinas. Nasa eroplano na ako ng tinawagan ko sina Mama at Papa. Sinabi kong may emergency lang kahit wala naman. Hindi na nila ako pinigilan. Gusto ko na rin naman umuwi dahil tatlong buwan na ko dito kasama sila. Malalaman at malalaman pa rin nila ang nangyari sa akin. Walang akong sikretong hindi nasasabi sa mga magulang ko.
Pagdating ko sa Pinas, dumaan muna ako sa café kung saan ako dati nagtrabaho bago ang aksidente. Sinabi ko kung pwede pa ba ulit ako, at pumayag naman si Manager kaya malaking tulong na ito para makapagsimula ulit akong maging independent.
Umuwi ako sa bahay. Parang walang nagbago sa loob nito bukod sa maalikabok na ang mga gamit. Hangga't maari noong wala kami dito, hindi namin pinasadyang linisin ang bahay sa ibang tao.
Hindi ko na naisipang magpahinga sa mahabang biyahe. Ginugol ko ang oras ko para maglinis ng buong bahay. Maganda na ito ngayon. Namili na rin ako ng mga pagkain para itambak sa cabinet at ref. Alas singko na ng hapon matapos ko ang paglilinis at pag-aayos ng bahay.
--
Kinaumagahan, tinawagan ko sina Mama at Papa para sabihing nakauwi ako ng maayos. Alam na rin nila kung bakit ako umuwi kahapon. Madalas talaga, ginagawa ko ang mga bagay na hindi nila gusto pero sa tingin ko ay tama dahil para rin ito sa buhay ko. Alam ko ang makakabuti sa akin.
Naging maayos naman ang umpisa ng buhay ko na hindi kasama mga magulang ko. Kinaya kong magluto at maghanap ng makakain. Maging ang paglilinis ng bahay every week, nagagawa ko mag-isa. Bumalik na rin ako sa café araw-araw. Summer break pa naman ngayon kaya walang pasok. Miss ko na rin ang mga dating classmates ko. Minsan ko na lang sila nakakausap dahil sa pang-iiwan ko sa kanila noong naaksidente kami ng pamilya ko.
"Hoy, ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Elise. Naghahanda na kami para umuwi. Tapos na ang duty shift namin.
"Wala 'to," sagot ko at sinukbit ang bag ko. "Tara na. Umuwi na tayo." Nauna na akong lumabas sa staff room. Nagpaalam na kami sa mga kasama namin. Sabay kaming sumakay sa jeep ni Elise pero nauna rin akong bumaba.
"See you tomorrow, girl." Sabi ko at bumaba.
Naglalakad na ako sa masukal na daan pauwi sa bahay. Pinasak ko ang earphone ko at nakinig sa mga paborito kong kanta (play Pinwheel by SEVENTEEN). Alas otso na ng gabi at bihirang makasalamuha ng mga tao sa daan. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong may nakahiga sa kalsada. Nilapitan ko ito at napansing duguan siya... (read Prologue for this part)
--
Back to reality
"Buti naman at gising ka na, Rena." Nag-aalalang sabi ni Elise. "I'm so worried," sabi niya ulit at hinawakan ang kamay ko.
"What happened?" namamaos kong tanong at pinilit umupo. Nasa ospital kami ngayon base sa kwarto kung saan kami. Puti ang kisame at kama. Medyo masikip rin dito.
"Nahimatay ka. Sinugod ka naming agad dito sa ospital." Paliwanag niya.
"Hindi niyo na dapat ako dinala dito. Gastos lang," sabi ko pero umiling siya.
"No, Rena. Hindi gastos. Nagtulungan kaming mga staff para sa bills mo, 'wag mo na alalahanin 'yon..." napatigil siya. "Atsaka, hindi ko na dapat sasabihin ito. Tatlong araw kang walang malay."
"What?!" three days? Imposible!
"Ako ang dapat magtatanong kung ano ba talaga ang nangyari bago ka nawalan ng malay sa café?" May halong lungkot at pag-aalala ang mata ni Elise.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Napatungo at pinikit ang mga mata ko. Pilit kong inaalala ang nangyari. But fck! My head hurts like hell! Pinapakalma ako ni Elise pero hindi ko talaga kinakaya ang sakit ng ulo ko! Parang lahat na memorya ko bago mahimatay, nawala na lang bigla. Napaiyak na naman ako sa sakit. Hinawakan ko ang sintido ko.
"Elise! Help!" sigaw ko sa kanya dahil lumabas siya at tinawag ang mga doctor. Bigla na lang din sila pumasok at hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at balikat ko.
"Doc, please, I let you find a way to cure this pain. Nahihirapan nap o talaga ako sa sakit." Pagmamakaawa ko.
"Don't worry, hija," kinuha niya ang injection sa nurse. "Just endure this for awhile." Tumango ako sa sinabi ni doc at itinurok na sa akin ang injection. Medyo kumalma ako matapos noon at medyo nanghina ang mga mata ko.
"Rena, magpahinga ka na muna. Bibili lang ako ng pagkain." Sabi ni Elise.
"Uhmm..." sagot ko. Parang nahihirapan rin akong magsalita sa gamut ng injection. Narinig ko na lang ang mga yabag niya palabas ng kwarto ko. Hindi ako inaantok pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Elise?" Tawag ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod. Parang kilala ko na kung sino ito. Nilagay niya ang kamay ko sa puso niya. Kahit nanghihina ako, minulat ko ang mga mata ko. Malabo ang paningin ko pero alam ko kung sino siya.
Ang kakaibang pakiramdam sa puso ko habang hawak niya ang kamay ko at tinutok niya ito sa puso niyang sobrang bilis ng pagtibok... impossibleng siya...
And a thought just hit me big time.
Is Vien is the guy that I helped the night before I knew him?
...to be continued