webnovel

Sinalo

Nananadya ba siya?

"Saan po bababa 'yung naka-white?" tanong niya sa sumunod na babaeng nakatayo sa tabi ko. Talagang nilampasan niya ako sa paniningil. I clenched my teeth dahil pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang 'yung sitwasyon na 'to, habang ako e, nahihirapan na.

Is he enjoying this? Kainis!

"Sa Zeus po, ahehe! Keep the change." sagot naman n'ong babae sabay nag-extend ang braso para iabot ang 40 pesos. Inilag ko pa nga ang ulo ko dahil parang determinado si ate ng iabot ng personal 'yong bayad niya. Nastock pa ng sandali yung braso niya sa leeg ko.

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Nico. Walanghiya. Naiinis ako sa 'yo so tumahimik ka! Tss.

"Salamat ate," aniya sa babae. "Kaya lang wala naman na 'tong sukli e."

Nagsitawanan rin ang ibang mga pasaherong nakarinig n'on. Muntik na rin akong ngumiti pero ginawa ko ang lahat para magpaka-poker face. Lalo na noong makita ko sa peripheral vision ko na tinignan niya ako. Pakiramdam ko umakyat sa buong mukha ko ang lahat ng dugo dahil sa sobrang init nito. Walanghiya, walanghiya talaga!

Ilang sandali ang lumipas, nasa ganoon kaming posisyon nang hindi inaasahang mapapara ng malakas 'yong driver. Napapikit ako at nawalan ng balanse. Sobrang bumilis ang talbog ng dibdib ko dahil sa pagkagulat, ngunit pagdilat ko ay nakayakap na ako sa dibdib ng lalaking nasa harapan ko. Nakayakap rin siya sa likod ko na tila ba sinuportahan niya ako para hindi ako tuluyang mapaano, habang ang isang kamay niya naman ay nakasuporta sa handrails ng bus.

Napaangat ako ng tingin sa maamo niyang mukha na unti-unti kumunot habang binibitawan niya ako.

"Kuya Garry! Mag-ingat ho tayo!" sigaw niya doon sa driver. Hindi galit ngunit puno ng autoridad. Napatingin ako sa paligid at mukhang lahat nga kaming sakay ng bus nagulantang sa lakas ng pagkakapara. 'yong mga nasa ubahan pa nga ay muntik nang masubsob , mabuti na lang at medyo nakahawak sila.

"Oo Nico. Pasensya na, pasensya na." sagot ng driver habang tinitignan kami sa kanyang rear view mirror.

Nakatingin ako sa nag-igting na panga ni Nico, ngunit agad ring napaiwas noong tignan niya na ulit ako pabalik.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Bahagya akong umangat ng tingin para sumagot. "Hmm."

Tumango siya saka na nagpatuloy sa pagtakbo ang bus, gan'on rin ang paniningil niya ng pamasahe.

Fudge, I may appear to be calm like this pero ang totoo ay halos lumuwa ang puso ko sa kaba dahil sa insidente. Akala ko nakabangga na kami or something. Mabuti na lang at napapreno lang pala ng malakas 'yong driver.

Bumalik sa dating ambiance 'yong bus pagkalipas ng ilang minuto. Nawala na rin naman ang kaba ko. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nasa Buenavista na pala.

Kahit sinalo ako kanina ni Nico ay hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. Hindi ko pa rin itotolerate itong kakaonting nararamdaman ko para sa kanya. Hinding hindi. Kaya naman mabilisan akong bumaba ng bus at binalak na huwag nang lingunin ito katulad ng ginagawa ko nitong nakaraang mga araw...

ngunit parang dumaloy ang malakas na boltahe ng kaba sa dibdib ko noong may magsalita sa likuran ko. Mas malakas pa kaysa noong pumara ng malakas 'yong driver ng bus.

"Iniiwasan mo ba ako?" anito.

Napatigil ako saglit para lingunin siya. Tinignan ko ang mga taong bumababa ng bus na nilalagpasan lang kaming dalawa, gan'on rin ang mga taong pasakay. Hindi siya gan'on kalayo sa akin at hindi rin gan'on kalapit... sapat lang para magkarinigan kami.

I managed to raise my brow a bit. "Kailangan ba kitang kausapin?"

Tatalikod na sana ako nang mapansin kong umandar na 'yong bus at naiwan lang sa harapan ko si Nico. Napatingin ulit ako sa kanya nang nagtataka.

Doon ay humakbang na siya isang hakbang palapit sa akin nang hindi pinuputol ang tinginan namin sa isa't isa. Hindi naman siya ganoon kalapit pero grabe na ang epekto nito sa tuhod ko. Para akong nanlambot na hindi ko maintindihan. Parang anytime ay gusto kong matumba, lalo na ngayong nakikita ko na naman ang kunot ng noo at ang kilay niyang lalong dumadagdag sa kagwapuhan niya.

Napaatras ako ng kaonti dahil sa panghihina. Napansin niya iyon kaya naman napapikit siya saglit at huminga ng malalim, noong tignan niya ako ulit ay kaonti na lang ang kunot ng noo niya. Para bang may halo na itong kalungkutan.

"Oo." sagot niya, habang nakatitig sa mata ko. "Hindi ko alam kung bakit, pero oo, kailangan mo akong kausapin."

Hindi ako nakakurap dahil sa sinabi niya. Hinintay ko pa ang mga susunod dito.

"Siguro kasi n'ong sinalo kita kanina... parang ako naman 'yong mas nahulog lalo sa 'yo."