webnovel

Goodnight

Authors Note: Sorry for not updating for the past months. For some reasons, hindi ko mabuksan ang account ko dito sa Webnovel hanggang na nakalimutan ko na lang at nabusy na rin sa buhay, haha. Ayun, naalala ko ngayon at Thank God at nabuksan. Anyway, here's the continuation.

-----------------

Para akong nanaginip.

Totoo ba 'yong nangyari kanina?

I bit my lower lip habang pinagmamasdan ang daan. He's driving now and we're both silent. Siguro'y nabigla lang rin siya sa nangyari kanina.

For him... I am his brother's girlfriend. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko naman talaga gusto si Topher, I still gave my yes to him.

Did Nico like me again?

Kahit hindi niya ako naaalala?

Sandali akong sumulyap sa kanya habang tahimik pa rin siyang nagdadrive. Nakapatong ang siko niya sa nakabukas na bintana ng sasakyan, habang ang isa ay nagdadrive. Nadako ang mata ko sa daliri niyang nakapatong sa labi niya.

The butterfly inside my stomach rambled. Iniwas ko ang tingin ko upang pakawalan ang maliit na ngiti habang inaalala ko yung halik.

I've never been this happy throughout those six long years. Kahit anong pilit kong pagtanggi ay alam ko sa sarili kong siya lang ang magpapasaya sa akin ng ganito.

Naisip ko... sa ngayon, wala na akong pakialam kung hindi naaalala ni Nico ang nakaraan namin. I'm pretty sure heart can't forget, tutulungan ko siyang maalala ulit ang lahat...

Wala na akong pakialam sa masasamang nangyari sa amin. Uunti-untiin ko ang pagsasabi sa kanya, sa ngayon siguro ay kay Topher ko muna kailangang ipaliwanag iyon.

Kung hindi man maalala ni Nico, ang mahalaga ay 'yung ngayon... We'll make new memories together...

and I'll make sure he won't forget about me again.

Lumipas ang minuto at nakarating na kami sa bahay ko. Madilim na at paniguradong tulog na si Mommy dahil 1 AM na rin.

"Uh..." nilingon ko siya noong nakatayo na ako sa tapat ng gate namin. Simula noong nangyari 'yong kanina ay ngayon na lang ulit kami nagusap. "You sure ayaw mong d-dito na lang sa amin matulog? Uh... Delikado na sa daan."

Wala siya dalang sasakyan at aniya'y magbo-book lang ng kotse papunta sa bahay niya sa Centennial na malapit lang dito sa Buenavista...

He scratched his nape na para bang nahihiya. Napansin ko rin ang pamumula ng tenga niya kahit madilim.

"Hindi na... malapit na lang naman dito ang Centennial. Baka magtaka rin ang mommy mo." He chuckled.

Marahan akong tumango-tango at natawa rin. Pagkatapos ay saglit na katahimikan ang dumaan. Mabuti na lang at dumating na ang sasakyang binook niya.

"Sige na, pasok ka na, Via." Aniya.

I bit my lowet lip and wave my hand.

"S-sige. Bye..." I smiled a little saka tumalikod na sa kanya para tuluyang pumasok sa gate...

"Via," pero bago pa iyon nangyari ay tinawag niya ako ulit.

Lumingon ako at nakita ang paglalakad niya palapit sa akin. Noong makalapit ay nabigla ako noong halikan niya ako ng marahan sa noo...

Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa leeg niya. That was quick and all, pero naging slow mo ang lahat sa pangingin ko.

Noonh lumayo siya ay doon lang nagramble ang damdamin ko. I look up to him habang may glimpse ng ngiti naman sa kanyang labi.

"Good night, Via..." aniya saka ako binitawan.

Noong una ay hindi ako nakasagot agad dahil sa gulat. "Pasok ka na. Lumalamig na rin."

Doon ako natauhan.

"A-ah... ahh. Oo, haha! G-goodnight! Uhm... bye! Ingat ka, Nico!" Saka ako pumasok sa loob ng gate namin at isinara iyon...

Narinig ko pa ang marahan niyang halakhak bago ang pagbukas ng puntuan ng kotse at ang pagalis nito.