webnovel

Chapter 5: The Wanna Luv

Dale's Pov

"Ito yung damit mo," Saka inilagay sa ulo ko ang damit na pang yaya.

Salamat huh! Punyemas ka! Panira ka ng araw eh no?

"This is the schedule that you follow." Saka dinikit sa dingding ang isang kapirasong papel.

Napatingin ako sa sinasabi niyang schedule at nakabalandra roon ang gagawin ko.

~Gising sa umaga 4:30 am~

What? 4:30 nang umaga kailangan ba talaga dito na sakto sa oras? Baka naman pwede ma-late. Dale wag ma nang mag protesta! Sundin mo na lang kung ayaw mong matanggal sa High Flame.

~Gisingin ako ng 5:30 am~

~Maglalampaso ng sahig~

~Pool~

~Rooftop~

~Lalabhan lahat ng damit ko araw-araw~

Bla*bla*bla*

...

...

And lastly..

Napakunot ako walang nakasulat na kasunod blangko at walang laman. Napatingin ako kay Caspian na seryoso ang kaniyang mukha walang ekspresyon na maipipinta sa kaniyang mukha.

For your information Mr. Heritage Tamad ako, ni hindi nga ako pinapahawak ng walis o basahan ni kuya tapos pag tatrabahuhin mo ako? Sige subukan muna lang kung mapapakilos mo ako.

"Tignan natin,"bulong ko

"May sinasabi kaba?" Naiirita na sabi nito kaya agad akong napanganga my god lakas ng ilong neto huh? I mean tenga

"Wala a." Pasisinungaling ko

Bumaba na ako nang hagdan. Di ako sanay sa pony-tail na ipit lagi kasi akong nakalugay ng buhok. Nakalagay kasi sa Scedule na mag pony tail.

I hate a being maid, masasayang ang ganda ko dito. Mapapasubo pa ata ako, Ang dami kong tanong paano ba maglampaso ng sahig? Magwalis? Maghugas ng plato?Maglaba? richkid na kund richkid. Pero si Yolo lang ang gumawa n'an sa bahay.

"Hija!" Tawag ng kung sino na boses matanda.

Lumapit ako rito gusto ko rin namang magtanong kung paano ba ang gawaing bahay.

"Po? Sino po sila?" Tanong ko

Ang tantiya ko nasa 50+ na ang matanda nakasalamin ito. Maputi, matangos ang ilong, itim na itim ang buhok. Tina is life!

"Ako ang Bisemayora sa bahay na ito, tawagin mo ako sa pangalang Auntie Teresa." Utos nito kaya agad naman akong napatungo tanda ng pag galang.

"Okey po Auntie Teresa."

"Siguro naman nagkakaintihan na tayo?" Tanong niya kaya napangiwi ako.

"ITO ANG MGA RULES NA AYOKO."saka bumuntong hininga ito bago magsalita.

"RULE NO.1\ AYOKO NG PABEBE!STRICT TOO THE POINT NA!

RULE NO.2\ AYOKO SA TAMAD!

RULE NO.3\ AYOKO SA LAMYA KUNG KUNG KUMILOS

RULE NO.4\ NO MAKE UP ALOUD

RULE NO.5\ AYOKO SA TATANGA-TANGA!"

Pwede bang umatras? Kasi totally ayoko na talaga. Mapapaihi na ata ako sa sobrang kaba. Nakakatakot si Auntie Teresa. Kabaliktaran ako lahat sa rule maliban sa Rule#2 and 5 tamad ako!  na nagsasabi sa inyo kahit basahan o walis di ako pinapahawak ni kuya sa tanang buhay ko. Tatanganga?medyo,medyo lang!

"E, paano po kapag hindi ko po na sunod yung isa sa ayaw niyo po?" Tanong ko kaya parang nag evil smile siya.

"Maghanda-handa kana."

Agad namang nagsitayuan ang balahibo ko sa braso dahil sa sinabi niya putek ang Creep!

Nag tu-tour kami? Joke nililibot lang ako sa malaking bahay ni Caspian as what i'm said this is not a totally house. This is a big mansion. Panghigante nga lang! Iwas sa pandak. Halos malula ako sa sobrang ganda ng bahay ni Caspian pang modern house ang bahay nila, may malaking aquarium sa dingding na parang pa S-sign. Portraits, RMS Titanic diorama na aalala ko tuloy si jack at rose, jack sacrificed his life to save her one and only rose. Nakakaiyak! Pero by the way focus tayo sa road mukhang naiinis na si Auntie Ters dahil hindi ako nakikinig.

May napansin ako sa hindi kalayuan may nakahubad pang itaas at hindi ako magkakamali lalaki ito. Tinignan ko pa ng mabuti ito. Not by his 8 packs, and sexy dude. Nakakapaglaway! Nagulat ako ng hilahin ako ni Auntie Teresa.

"Mukhang tulo na yung laway mo diyan a. Ganda ba ng view?" Kaya agad naman namula ang pisnge ko sa sobrang hiya.

"O-opo! Ang ganda po ng view!"

Sarap sa eyes nung view abs!

"Enjoy na enjoy ka talaga no?" Tanong niya ulit

Sinabi mo pa!

"O-opo! Asan po yung kusina?"tanong ko, gutom na gutom na kasi ako e.

Naging star ang mga mata ko ng dinala ako sa kusina ni Autie Teresa as what i'm said, Oo nasa kusina nga ako.

Kainan na!

Napahinto siya at binitiwan ang kamay ko bago magsalita.

"Siguro alam muna hija ang gagawin mo dito?" Tanong niya kaya napatango ako.

Hugas is real! Paano ba maghugas ng pinggan?

Napakunot pa ako at pinag masdan ang sink walang plato, walang kutsara,tinidor kaya walang huhugasan.

"Matagal na ho ba kayo rito?" Tanong ko kaya napangiti nag matanda.

"Oo hija, matagal na ako rito simula pa bata sina Maam Hazel at Caspian ay ako na ang nagpalaki sa kanila kasi-"naputol ang sinabi ni auntie ng magsalita ang boses lalake

"Auntie Tere asan po yung spaghetti?" Tanong ng kung sino hindi naman ito Caspian o si Kade kaya nacurious akong tignan siya.

Potek! Tao pa ba nakikita ko o anghel grabe ampogi naman, masasabi kong perfectly describe. Ano kaya name niya? Siya yung nakita ko kanina si Melting abs

"Dale,pakiabot nga ng spatula." Utos ni autie, kaya sinunod ko naman alam ko ang difference ng spatula sa shanse hindi yung kay spongebob na sabi daw ay Spatula. Dahil palagi akong inuutusan ni kuya Yolo sa Spatula bago magsandok ng Carbonara.

Ibinigay ko agad ito kay Auntie, nakaramdam ako na parang may tumitingin sa akin hindi naman si Auntie dahil busy siya sa paghahalo ng sause sa spaghetti. Napatingin ako sa lalake pero nag-iwas agad siya ng tingin. Kaya nagkibit balikat nalang ako pero para talagang pinag mamasdan ako neto.

"May bago pa lang katulong Auntie?" Tanong ng lalake kaya uminit ang pisnge ko.

"A, oo Yuki siya nga pala si Dale," saka dinuro ako ni Auntie, inilahan niya ang kanang kamay niya at akma ko agad itong kinuha.

"Ahmm, h-hi Yuki."saka nakipag-kamay sa kaniya,grabe anlambot ng kamay niya.

Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa niya tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko. Putek kinikilig ako! Ako na ang kusang nagtanggal sa kamay niya kaya ngumiti ito. Errr!kenekeleg eke!

"Oh siya! Maiwan ko na kayo diyan baka ako'y nakakaabala." Saka tumikhim si Auntie,

Natauhan naman ako bawal ang pabebe sa rules pero pwede lumande ganon? Umalis na rin si Auntie kaya medyo natahimik ang paligid kami lang dalawa ni Yuki ang nasa kusina.  Pero wala parin siyang binatbat kay Caspian mas gwapo parin si Caspian o di kaya si Kade. Btw, kamusta na kaya siya?

"Again, my Full name is Yuki Zamora!" 

Saka ngumiti ito "Hindi nababagay na maging isang katulong ang isang napagakagandang binibini."wow anlalim huh?

"Ha?"

"Sinong nagdala sayo dito?" Tanong nito

Nagdala? Oo si Caspian na ungas ang nagdala sa akin dito. Nakakainis siya sasabunutan ko talaga yon kapag nakita ko.

"Si Caspian."

"A, so boyfriend mo siya.. Ganun ba?" Tanong niya ulit.

Hindi na talaga ako nakaimik worst na narinig ko sa kaniya ang boyfriend ko raw si Caspian no way! Gwapo nga masungit naman.

"Hindi ko siya boyfriend no!" Saka umiling ako. Kaya napangiti naman siya.

"Good!" Saka hinaplos ang buhok ko saka ngumiti.

Err! Kenekeleg eke!

"Kapatid mo ba si Caspian?" Tanong ko napakunot naman siya saka nagsalita.

" A, si Caspian, ahm magkababata kami." Paliwanag nito. Kaya tumango na lang ako.

Sumubo ito ng Spaghetti natawa naman ako kasi sunod sunod ang pagkain niya nito kaya lomobo ang pisnge niya. Ang cute niya! Napaisip bigla ako. Mag pinsan sina Kade at Caspian tapos si Yuki at Caspian magkababata, may posibilidad bang magkakaibigan sila tatlo?

"Kilala mo ba si Kade?"tanong ko rito habang ini-enjoy ang pagkain sa spaghetti. Uminom siya ng tubig bago magsalita.

"Yeah! mag kaibigan din kami not just his friend but a close and mutually friend." Paliwanag nito saka ngumiti siya. Nagulat ako nang nagpasukan sa kusina ang sampung lalake. Mga bagong ligo at nakahubad pang itaas.

Ang init! Huuu! Sweating abs Dejavu!

"Hindi mo pa nga talaga kami kilala!" Saka umiling si Kade putcha please kapag panagip to ayoko nang magising...

"Boys, let's introduce our boy band to precious women in front of us!"

" Kami ang Wanna luv!"