webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
282 Chs
avataravatar

Chapter 95: Bakit

Gabi na pero hindi pa rin sila umuuwi. Kanina pa ako labas masok ng kwarto ko. Chinicheck si kuya sa dati nyang pwesto pero hanggang ngayon, wala pa ring nagbago. Tahimik pa rin ang bahay. Andun pa rin si kuya sa may hagdan at wala pa sina mama at papa. Napapaluha na ako kakaisip ng kung anu ano rito. Kahit nga ang uminom ay di ko na magawa, kakatingin ko sa kanya.

Gusto kong magtanong muli kay kuya pero pinipigilan ko ang aking sarili na wag gawin iyon dahil ramdam ko ang kakaibang awra nya ngayon. Mabigat at madilim. I wanted to help him but how?. Gusto ko ring tumawag sa kanila pero natatakot ako. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot ngayon. Kakaiba ito. Hindi lang basta takot. Takot na may kasamang masamang kaba na wala namang ibang dahilan para kabahan ng ganito.

Ilang minuto pa akong tulala sa pag-iisip bago naisip na bumaba at maghanda ng makakain para sa lahat. Dinaanan ko pa nga si kuya ngunit parang wala ito sa sarili. Tuliro itong nakatitig sa mga baitang ng hagdanan.

Pumunta ako ng kusina para maghanda na sana ng lulutuin nang biglang bumukas ang main door. Iniluwa noon si mama na akay. ni kuya Ryle. Mula kusina, makikita mo na ang papasok ng sala sapagkat wala itong ginawang harang sa pagitan ng dalawa. Binitawan ko ang hawak na mangkok upang daluhan sila sa sala. Eksaktong bumaba na rin si kuya. Pagkahinto ko sa likod ni kuya Ryle. Tabi ni kuya Rozen na halos sabay lang din kaming nakarating. Natameme na ako. Kitang kita sa mukha ni mama ang pagod, panghihina at panghihinayang. Mugto ang ilalim ng kanyang mata, bakas na kakatapos nyang umiyak.

Nakatayo ako sa likuran ngunit para akong nakalutang sa ere ngayon. Sa sobrang katahimikan nina kuya. Nararamdaman ko ang inis at galit nila.

"Ma?.." I spoke. Garalgal pa.

Wala sa kanila ang lumingon sakin. Na sa kanya lang ang atensyon nila.

"I tried to convinced him, but--- huhuhu.. he left us.." she cried out.

What?!.

Umawang ang aking labi sa narinig. Sino?. Si papa ba?. Bakit?.

"Nagpaliwanag na ako Ryle.. humingi na ako ng tawad sa kanya Rozen pero nagmatigas pa rin syang nagsinungaling ako sa inyo, Joyce.."

May kung anong kumirot sa puso ko. Anong sasabihin ko?. May dapat ba akong sabihin?. Mama?. My heart cries for the pain she felt right now. Tumatagos iyon sakin. Pakiramdam ko, ako ang nasasaktan para sa kanya.

"Ginawa ko lang naman iyon para sa pamilya.. para di nya tayo iwan.. para di nya ako husgahan pero..." suminghot sya. Lumapit si kuya Rozen sa kanya at hinagod ang likod nya. "---nagkamali ako.. dahil ganun din pala ang mangyayari.."

Suminghap si kuya Ryle at namaywang na para bang ang laki ng kanyang problema. Malaki nga naman. Sa gulo ng pamilya namin ngayon. Hindi ko na maintindihan. "Ma, magpahinga na muna kayo.."

"No, Rozen.. paano ako magpapahinga, kinuha nya si Ali.." humagulgol na naman sya.

What?.

Napanganga na naman ako.

Ano itong nangyayari?. Wala PO bang katapusan ito?

"Now that I have my own daughter.." tukoy nya ay ako. Wala pa rin akong mahanap na salita para makapagsalita. "Sya namang nawala ang isa.." si Denise yata. "And now?.." tinakpan nya ang buong mukha saka doon umiyak ng mahina. Katahimikan ang bumalot sa amin na tanging ang impit nyang iyak ang naririnig. "He left us with Ali.. why?.." she cries out loud. "Bakit, kinuha nya pa si Ali?.." Napaluhod na sya sa sahig. Agad syang sinalo ni kuya Ryle saka sapilitang pinaupo sa dati nyang inuupuan kanina.

Hindi sya nagpatinag sa mga binubulong ni kuya Rozen. Lalo pa syang humagulgol dahilan para yakapin nya nalang ito. Humakbang ako ng isa upang lapitan sana sya pero nilingon ako ni kuya Ryle. Iba sya kung tumingin sakin. Madilim at hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil sa mata nyang nakakapaso. Bakas ang galit doon. Naitikom ko ang labi ng basta.

"Ryle, stop that.." banta bigla ni kuya Rozen sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin Rozen?.." bigla ay nagsalita sya na sa akin pa rin ang tingin. Nanuyot ang lalamunan ko dahilan para maingay akong lumunok. Nanlamig bigla ang kamay ko't pinagpawisan. "Simula nang dumating sya sa bahay na to.."

"Ryle.." banta pa ni kuya Rozen subalit parang wala syang narinig at nagpatuloy sa sasabihin.

"Simula nang dumating sya sa buhay natin.. naging malas na tayo.."

Natigilan ako't napaatras bigla. Dahil sakin?. Naging malas sila?.

What the hell!!

Matagal bago ko iyon naintindihan. Kailangan ko munang magbuga ng hangin. Lumanghap at bumuga muli para naproseso iyon. Nang matanto ang sinabi nya. Agad nag-init ang sulok ng aking mata. Hindi ko maintindihan. Bakit ako?. Anong ginawa ko?.

Huli na nang pigilan ko ang luhang namumuo sa aking mata. Nag-unahan na sila pababa.

"Ryle, sinabi nang tama na yan eh.." naiinis na ani kuya Rozen sakanya. Hindi pa rin sya nagpatinag.

"Bakit ayaw mong pakinggan Rozen?. Totoo naman diba?. Dumating lang sya, dito, naging magulo na ang lahat.." humarap sya sakin ng tuluyan. Si kuya Rozen, hinahagod pa rin si mama sa likod nito. Magkatabi silang nakaupo habang sinusuway ito.

"Ryle, pwede ba.. wag kang gumawa ng bagong gulo?. pwede ba?.." nauubusan nyang suway rito. Parang sirang gripo na ang luha saking mata. Ganun pala iniisip nila sa akin. Bakit di ko iyon naisip agad?. Bakit di iyon napansin agad para sana ako nalang ang umalis at nag-adjust?.

Gusto kong tumitig sa mata nya pero hindi ko kaya. Napapaso ako. Nagbaba ako ng tingin sa sahig upang doon pumikit at ibuhos ang luhang ayaw paawat.

Huminto na si mama sa pag-iyak. Gusto kong marinig ang opinyon nya tungkol dito pero hindi sya nagsalita. Mukhang ganun rin ang opinyon nya.

Tuloy, sakit ang nalanghap kong hangin dahilan para mabiyak itong aking puso. Bakit di nya ako ipagtanggol tulad ni kuya Rozen?. Imposible bang, ito ang totoong dahilan para ipamigay nya ako?.. Para basta nalang nya akong ibigay?.

Dammmmmmmmmmm it!

Isang hagulgol ang kumawala sa akin. Agad kong tinakpan ang labi upang wag nilang marinig ngunit, tangina!. Pasensya na!. Hindi ko na talaga kaya!.

"Ikaw ang dahilan kung bakit--.."

Tumayo si kuya Rozen nang mag-angat ako ng tingin. Sinugod nya si kuya Ryle.

"Tama na sabi eh!.." agad nyang itinulak ito dahilan para mapaatras ito at muntik nang matumba. Sila ang nagharap ngayon. Mainit. Pinilit kong lumunok pero di ko magawa. May bumabara sa lalamunan ko na di ko alam. Lumingon ako kay mama pero nag-iwas lamang sya ng tingin sakin.

Tahimik pa rin sya. Kaya naisip kong, tama nga ang hinala ko.

Masakit malaman ang katotohanan.

Kung sana, nalaman ko agad ito. Kung sana, di na ako naghangad pa ng pamilyang buo. Kung sana, di nalang nya ako binuhay. Kinginang buhay to!. Nakakapagod!

Malapit na akong maubos.

Pwede, tama na!