webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
282 Chs

Chapter 46: Startled

"Baby, finally.." parang nabunutan ng tinik ang boses ni Lance ng sagutin ko ang maingay na cellphone ko. Kanina pa kasi ako sa baba at ngayon ko lang naisipan na bumalik ng aming kwarto ni mommy. Iniwan ko dito kanina dahil magluluto nga kami. Tsaka ang sabi nya rin. Sasamahan nya raw si Bamby sa mall. Niyaya pa nva ako pero tumanggi ako ng todo. Naku naman! Alam na ngang di pa kami okay. Isasama nya ako. Ano nalang sasabihin nya sakin?. Kaya mas pinili kong tulungan nalang sina kuya.

"Pasensya na. Tinulungan ko pa sina kuya sa kusina.."

"Hmm.. kaya pala. Anong niluto nyo?.."

"Carbonara.. paborito ni Denise.." iyon ang sabi nila. Kaya mas desedido akong tumulong kanina. Bihira kasi syang sumabay samin. Naisip naman namin na iyon ang lutuin para kumain sya pero hinde. Hinde sya bumaba nang maghapunan na.

"How is she?.. I mean, kamusta sya sa'yo?.." nakwento ko din sa kanya ang lahat. Wala akong tinira.

"Ganun pa rin.." malungkot kong himig. Umupo sa may dulong kama saka tumitig sa mga paang nakalapag sa makintab na sahig. Tanaw ko pa mula roon ang itsura ko. Bahagyang magulong buhok at malungkot na mga mata.

"Hayaan mo na muna.. basta mag-iingat lagi dyan okay?.." anya matapos ang iilang kwentuhan naming dalawa. Mahaba iyon. Di matatapos kung di pa nya ako narinig na humikab.

"Hmm... oo naman. ako pa.." ngiti ko kahit hindi nya naman nakikita. Nagpaalam na sya kalaunan dahil tinawag sya ni Bamby. Kakausapin daw papa nila. Binaba ko na rin matapos nyang mawala.

Sana nga. Sa lalong madaling panahon. Maging maayos na ang lahat sa amin.

Sabado ng umaga. Matapos ang isa na namang mabilis na linggo. Naiwan akong mag-isa sa bahay. On duty si papa. Sila mommy at mama naman ay pumunta ng shop kasama ni Ali. Sina kuya naman, gagawa raw ng thesis. Gusto ko rin sanang lumabas kaso walang maiiwan sa bahay. Kaya minabuti ko nalang na dito nalang. Tsaka para makapaglinis na rin.

Inumpisahan ko sa baba. Mula kusina, banyo at sala. Hanggang sa may hagdanan at isa isa nang silid. Nang matapos ako sa silid ni kuya Rozen. Pumunta naman ako sa katabing silid. kwarto ni Denise. Purong abo at puti iyon. Wala nang ibang kulay. Maging ang kabinet at mga lalagyan nya ng mga libro ay ganuon din ang kulay. Ang bed sheet din ng pang-isahang kama ay kulay abo rin. Nadagdagan lang ng ilang mga disenyo na may mga iba't ibang hugis. May dalawang unan na ganuon din ang disensyo at kulay. Inayos ko iyon dahil gusot gusot. Pinagpag na rin para mawala ang alikabok. Mukha kasing di nalilinisan. Matapos nun. Inayos ko ang mga kalat sa side table nya. Mga iba't ibang papel na naman doon. Basta pinagpatong patong ko nalang. Isinampay ang mga damit na nasa sahig at pinatayo ang isang larawan sa tabi ng lampshade na nakadap kanina lang. Doon ako natagalan. Tinitigan ko iyon. Buong pamilya namin ang anduon. Ako lang pala ang wala. Pero andun sya. Akbay nina kuya. Magandang maganda ang ngiti. Ngiting, di ko na nakikita sa ngayon at sa mga nagdaan pang mga araw.

"What the hell!. Anong ginawa mo?.." nagulat ako ng biglang marinig ang boses nya mula sa likuran ko. Kalmado pa akong humarap sa kanya. Pero nang makita ang galit nyang mata na naglilibot na, salubong ang mga kilay. Duon na ako kinabahan bigla at nataranta ng sobra.

"Damn it!. Anong ginawa mo?.." ulit nya na naman sa tanong na di ko yata kayang sagutin dahil sa takot. Natatakot ako sa mata nyang namumula. Wala namang luha doon pero sobrang pula.

Di ko malaman ang gagawin. Kaming dalawa lang ang andito. Kinakabahan na talaga ako sa maaari nyang gawin.

Naglakad sya't inisa isa ang mga bagay na inayos ko. "Nasaan yung reap jeans ko dito?.." inis nyang tanong. Yumuko at tinuro ang hilera ng mga damit na nakahanger.

"Damn it!. Bakit mo nilagay doon?.." nagulat ako ng batuhin nya ako bigla ng notebook. Napaatras ako sa gulat. Damn it!. Ano ba kasing nasa isip mong pinakialaman mo yang mga gamit nya Joyce?!. Grrr! Ano ka ngayon?.

"Where's my books?.." unti unti nang tumataas tono ng boses nya. Muli. Tinuro ko na naman ang kabinet na pinaglagyan ko ng mga libro nyang kalat kanina.

Hindi sya sumigaw o ano. Basta nalang nyang sinipa ang lagayan ng mga damit dahilan para ito ay matumba. "Sino bang nagsabi sa'yo na linisin mo ang kwarto ko ha!?." galit na galit nitong tanong. Kulang nalang lumipad ang puso ko sa lakas ng boses nya. "Gusto mo na naman bang purihin ka nila?. Ha!." hindi ko napansin ang paglapit nya. Muntik na akong napaupo sa lakas ng pagkakatulak nya sa kanang balikat ko. Nangingilid na ang luha ko.

Damn Joyce!!

"Fuck you!! Gusto mo bang gawan kita ng pedestal ha?. Ha!!.." tinulak tulak nya ako. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Malamig na pader na ang sumalo saking likuran.

Nanlilisik na ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin. Kinilabutan ako bigla. Mommy!

"Nagmamagaling ka lang naman diba?. Attention seeker.. Gusto mo lahat ng atensyon ay sa'yo lang. Wala kang pakialam sa akin. Sa taong nakapaligid sa'yo!.." Kinilabutan na talaga ako sa kung paano nya binigkas ang mga salitang iyon. Parang hindi sya yung Denise na kakilala ko.

Maya maya. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.. Ang buong akala ko. Ganun lang ang gagawin nya. Huli na ng matanto ko ang balak nya. Sinakmal nya ang leeg ko. At unti unting iniangat sa pader. Pinipigilan ko ang kamay nya pero nanginginig ako. Para na syang sinaniban ng ibang nilalang. Nahihirapan akong huminga.

Kalaunan tumawa sya ng napakalakas ng sipain ko sya. Binitawan nya ako pagkatapos nilapitan muli at ang buhok ko naman ang nahuli nya. Hinila nya iyon pababa kaya napatingala ako ng di oras. "Denise, ano ba?. Please let me explain. Let me go.." pakiusap ko subalit parang wala syang narinig mula sakin. Lalo nya lamang hinigpitan ang hawak sa buhok ko saka hinila ako sa kung saan. Palabas ng kanyang silid.

"Bakit ka pa tumira dito ha?. May pamilya ka naman na diba?. Ginugulo mo ang pamilya ko.." gigil nyang sinampal ang magkabilang pisngi ko. Hawak pa rin ang buhok ko. Wala akong laban dahil pinanghihina ako ng aking takot. Takot na baka masaktan ko sya. "Sana namatay ka nalang.." walang tigil nyang sinabunutan ang buhok ko kasabay ng mga sampal at tadyak nya. Nanlalaban ako pero kulang pa rin. Mas malakas sya sakin dahil sa galit nya. Umiiyak ako dahil wala ang mga taong magtatanggol sa akin.

Hindi lang sampal ang ginawa nya sakin. Sipa at sinikmuhan pa. Di ko alam kung saan nya natutunan ang mga ganun pero masasabi kong, mommy!. Asan na kayo?! Help me!

Ilang ulit nyang hinila ang buhok ko. Nilabanan ko sya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makatakas sa kanya subalit hindi pa rin sapat. Hindi sya nakuntento. Sinampal nya ako ng sobrang lakas. Pakiramdam ko. Nabingi ang kaliwang tainga ko. Hindi lang iyon. Marami pang iba. Tuwing tumatakbo ako. Hinahabol nya ako't nahihila ang buhok saka sisipain at sasampalin.

Gusto kong magalit. Suklian ang galit nya pero tangina!. Bakit hindi ko magawa?. Bakit hindi ko sya kayang saktan? Bakit hindi ko kayang sabunutan din ang buhok nyang sipain at sampalin. Ganuon ba ako kahina tulad nalang ng sinabi nya?. Damn it!

Mommy! Lance!