webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
282 Chs

Chapter 33: Winly

Sinalubong ako nitong si Winly nang makababa ako ng sasakyan. Kinawit ang braso sa aking braso na parehong nakahawak kanina sa strap ng bag ko.

"Good morning, beautiful.." ngisi nya sakin. Siniko ko lang sya sa pang-aasar nya.

Ewan ko. Bigla akong napag-isip sa huling sinabi ni kuya Ryle kanina bago ako bumaba. "Be careful, okay." hindi naman siguro double meaning iyon hindi ba?. Napapraning lang ako.

Oo nga Joyce. Be careful of what?. E school naman tong pinasukan ko. What does he meant by that?. Heto na naman ako't, nalilito. Hindi makapag-isip ng tama. Maging ang makinig sa mga sinasabi ni Winly.

"Uy gurl!. Ano ka ba?. Nakikinig ka ba sakin?.." inis nyang binitawan ang kamay ko saka pinanood na nilalagay ang bag sa upuan habang nakapamaywang. Ang aga!. Bat ang high blood neto?.

"Kanina pa ako dumadaldal dito.. narinig mo ba sinabi ko?.." inirapan pa ako. Naman eh!. Malay ko ba sa mga pinagsasabi nya?. Bakit, ako ba topic dun?.

Nagkibit balikat ako't tinawanan sya. Tumulis ang kanyang nguso. "Tsk! Pinagtawanan pa ako. Tawagin ko kaya si Lance.."

Awtomatikong bumalik sa seryosong mukha ang ipinakita ko sa kanya. Bwiset sya!. Ngayon na nga lang ako tumatawa, pinipigilan pa nya. Kaasar! Bakla!

"Wag ka ngang maingay. Ang daldal mo, sobra.." siring ko.

Malakas syang bumuntong hininga. Nginisihan pa ako. "Oh, back to my topic ha?. Narinig mo ba yung sinasabi ko kanina?.."

Ngumuso lang ako. Nagpipigil ng tawa. Kasi naman. Hindi na maipinta ang mukha nya. Nakangiwi ang labi tapos ang mata ay sobrang laki. Kulang nalang lumabas ito. "Sorry na. May iniisip kasi ako kanina.." paliwanag ko nalang. Baka kung anong isipin eh. Alam mo na?. Mahirap. Marami pa naman ang naniniwala sa maling akala.

"Sino?. Yung jowa mo?.." gumilid sya't inupuan ang armrest ng isang silya. Hindi ako sumagot. Anong isasagot ko naman. Oo sya nga. What Joyce!?.. Magtigil ka nga!

"Psh.. Sinasabi ko sa'yo. bago ka magsaya dyan.. pwede bang makipag-ayos ka muna dun kay Bamby.. baka nakakalimutan mo lang ha?. kapatid pa rin yun ni baby... tsaka, ako naiipit sa inyo eh.. nakakabawas ng beauty.." binuksan na naman ng maingay nyang pamaypay.

Mapang-asar pang binanggit ang 'baby'. Bwiset sya!. Pag may makarinig lang neto?. Naku! Ewan ko lang!

Doon naman ako natahimik bigla. Isang buwan na rin simula nang mangyari ang lahat sa pagitan namin. I wanted to talk to her. Hug her. Say sorry for her pero tuwing nasa harapan ko na sya't gusto nang sabihin. Natatanaw ko si Denise sa malayo na masama ang tingin sakin. Damn! Kilabot ang dulot noon sakin. Hindi ako makatulog. Kahit ang makakain ng maayos.

"Kailangan mo na syang kausapin Joyce. Maiintindihan ka nun pag pinaliwanag mo ang lahat sa kanya.." tinanguan ko na lamang sya. Tama naman. Ganun si Bamby. Malawak ang pang-unawa sa lahat. Mabait ka man o masama sa kanya.

Sinabi kong, sa isang araw nalang dahil kinakabahan talaga ako ngayon. Tsaka, di pa ako handa.

Teka nga Joyce. Kailan ka ba magiging handa ha?. Kapag wala ka nang pag-asa na kausapin sya ganun?. Tsk. Kilos na.

Ganun ang takbo ng aking isip hanggang last period ng araw. Tinutulak ako nitong si Winly papunta sa kanya subalit pinanghihina ako ng loob. Di ko nga alam kung bakit eh. Di ko rin maintindihan sarili ko minsan.