webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
282 Chs

Chapter 33: Just a dream

Naglalakad ako sa isang park. Tirik na tirik ang araw at ang hangin ay medyo maalinsangan. Maraming batang naglalaro pero iilan lang ang nakikita kong tao. Bahagya pa akong naoito dahil sa bilang ng mga batang nasa maliit na playground sa gitna ng park. Nakapamulsa akong umupo sa isa sa mga upuan. Pinili ko ang nasa ilalim ng puno ng mangga. Tiningala ko pa nga iyon at naghanap ng bunga nito. Saglit akong naging isip bata sa kilos na iyon. Parang baliw ko pang ngitian ang nga dahon ng puno bago nagbaba ng tingin sa mga paang tinatapakan ay magarbong damuhan. Mahina akong bumungisngis at napagpasyahang maupo na lamang. Kaharap ko ngayon ang maingay na playground kung saan nagsisigawan at naghahabulan ang ibang mg bata rito.

"Mommy, come on! I wanna play!.." isang boses bata ang narinig ko mula malayo.

"Mainit anak.. maybe later. " boses rin ng babae. Siguro nanay nung batang lalaki.

"But mom! Gusto ko nang maglaro. I want to play with them and make some friends.." sa sinagot ng bata, di na nagsalita ang babae. Maya maya may tumakbo nang bata hila hila ang isang babae.

That made me startled! Yung likod nung babae seems so familiar! Kumunot ang noo ko dahil sa pag-aninag. Kinailangan ko pang ilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kilay ko upang makita lamang ng malinaw ang mukha ng nakatalikod na babae at bata.

May kung ano sakin ang tumutulak na tumayo at lapitan sila ngunit hindi ko na nagawa dahil pumihit na paharap sa gawi ko ang babae.

And damn it!

Damn it!!

Sya nga!.

Totoo nga! My goodness! Totoo ba talaga ito?. O nananaginip lang ako!?

Luminga sya. Naghahanap rin ata ng masisilungan. Naglakad sya. Kunot ang noo. Nakayuko habang ang kanyang mahabang buhok ay nililipad ng hangin. Habang sya'y papalapit. Pabilis rin ng pabilis ang paghinga ko, kahit ang tibok ng puso ko. Pumikit ako o sabihin na nating nagpanggap ako na di ko sya nakikita ngayon but damn! She's now standing in front of me. Glaring and staring at me, cluelessly.

"What?..." mataray nyang sabi.

Nagulat ako't talagang hindi inasahan ang bagay na yun.

"What are you staring at huh?!.." inis na nitong ulit.

Why is she acting like that?. Hindi na ba nya ako kilala?.

"Hi.." naiilang kong bati. Nginitian ko pa nga pero nginiwian nya lang ako.

"Who you ba?. Stalker?. Ah! Well! I don't entertain boys who's not wholesome. " ngiwi pa nya tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa. Dumaan ang kilabot sa buo kong katawan. At natameme.

"Really?. You don't know me?."

"Bakit sino ka ba para kilalanin ko?." she asked back!.

Duon na ako tumayo at hinawakan sya sa magkabilang braso.

"Babe. It's me. Please, you don't have to do this.."

Nagpumiglas sya at pilit na kumakawala sa kamay ko pero lalo ko lamang hinigpitan ang hawak ko sa kanya.

"Mister. I don't really know you. Please, let me go.." nagpupumiglas pa rin sya. At sa puntong iyon. Niyakap ko na sya kahit ayaw pa nya.

"Joyce alam kong kilala mo ako. You knew that this is me.. wag naman ganyan.." naluluha ko nang bulong sa likod ng tainga nya. Tinulak tulak nya ako. Pilit talagang kumakawala sa yakap ko. Tuluyan nang nahulog ang luha sa mata ko. Hindi ko na napigilan pa na itago ito sa kanya.

"We're already done Lance. Matagal na tayong tapos at wag mo na sanang ibalik pa ang buhay ko na magulo dahil maayos na ito ngayon, nang wala ka..." pahina nang pahina nya itong sinabi ngunit sadya ngang mapanakit ang pandinig ko at narinig ko pa ito. "Please lang. Layuan mo na ako.."

"Mommy, I want ice cream!.." tawag sa kanya ng bata. Lumingon sya dto ng ilang saglit bago tumingin muli sakin.

"Sino sya?.."

"None of your business.."

"Kaninong anak sya?.."

"Wala ka na dun.."

"Joyce naman.. Kahit ngayon lang. sagutin mo naman ako ng maayos.." nag-iinit na ang pisngi ko sa inis at galit na dahil sa ginagawa nya.

"Wala na akong dapat na ipaliwanag sa'yo Lance. Di pa ba malinaw sa'yo ang sinabi ko kanina?. Matagal na tayong tapos at--.."

"Pero mahal pa rin kita babe.." putol ko sa kanya.

"Pwes, problema mo na yan. Kinalimutan na kita noon pa at kakalimutan na talaga. Wag ka nang umasa pa dahil, wala ka nang aasahan pa.." pormal na anya bago ako tuluyang tinalikuran at pinuntahan ang batang tinatawag syang mommy. Humakbang ako ng tatlong beses papunta sana sa gawi nila subalit hindi na nagkaroon pa ng kasunod ang mga hakbang ko dahil mas namuo sakin ang sakit at luha. Mahirap ba akong mahalin?. Bakit kung kailan minahal ko na sya ng buo, duon pa sya sumuko?. Totoo bang di na nya ako mahal o sinabi nya lang iyon dahil nasaktan ko sya?. Damn it! Hindi ko na alam ang gagawin.

"Lance! Lance! Lance anak!! Anak! Gising.. you're just dreaming.."gumalaw ang balikat ko at duon na ako dumilat.

What the heck!!? It's just a dream! Really really bad dream!

"Umiiyak ka, bakit?.."

"Mama.." garalgal ang boses ko nang tawagin ko sya. Agad napalitan ng lungkot ang dating nag-aalala nyang mukha kanina. She spread her arms wide open para yakapin ako.

"Nanaginip ako ma.." umiiyak ko talagang sumbong sa kanya. Nakakahiya pero wala akong magawa kundi ilabas ito sa kanya.

"Ssshh.. panaginip lang yun.. Tama na." she caressed my back slowly. Duon na rin ako kumalma. I feel so embarrassed. Parang di ako lalaki neto! Peste!

Kumalas sya ng yakap. Tinignan ako sa mata. "Teka.. Bat parang mainit ka?." tanong nya kasabay na ng paglapat ng likod ng palad nya sa noo.

"Naku! Anong ginawo mo kagabi?. Nagbabad ka na naman?.." anya. Alam nitong gawain ko ngayon ang magbabad sa tuwing nalalasing.

"Sinasabi ko sa'yo Lance Eugenio! Hindi magandang gawain ang ganyan. O ngayon?. Para kang batang natalo sa suntukan sa itsura mo ngayon. Naku! Bata ka, oo!.." umiiling iling pa to. Binubuksan ang kurtina sa silid ko.

"Ma, mainit.." reklamo ko sa sinag ng araw.

"Exactly para mainitan ka.. Ano bang gusto mo?. Pumili ka.. Sermon, batok o araw?.."

"Ma naman.." reklamo ko.

"Lance naman.. Hindi ka na bata.. at hindi ka na rin babata pa.. ayusin mo naman sarili mo. Alagaan mo naman ang katawan mo. Kung di mo ginagawa ito para sa'yo.. gawin mo nalang para sakin.. kasi lagi akong nag-aalala sa'yo.." we stare for a minute. "Wag mo naman sirain ang buhay mo dahil lang sa hindi nila makita ang halaga mo anak. Wag mong hayaan na malunod ka sa kumunoy ng lungkot. Bumangon ka at labanan ang sakit. Ngumiti ka at ipagpatuloy ang buhay.. marami pang araw anak.. let time heal you. let time make you healthy. That can help and might fix you again. Mahal ka namin anak.. Kung may problema ka, magsabi ka kay mama.. Hindi ka nag-iisa ha.." pinisil nya ang magkabila kong pisngi. Naluluha na naman sya. Niyakap nya akong muli. "Nasasaktan rin ako kapag nakikita ko kayong nasasaktan ng todo. Di ko man sabihin sa inyo pero mas gugustuhin ko nang ako ang masaktan kaysa makita kayong umiiyak saking harapan. Gusto ko lang lagi ay masaya kayo. Kayo nang mga kapatid mo.."

Tumayo na sya. Inayos ang sarili matapos punasan ang luha sa pisngi. Suminghot pa sya bago ngumiti. "Fix your bed na. Tumawag na papa mo. They're coming.."

"Yes ma. Thank you and I'm sorry po.." tinanguan nya lang ako. Iniipit ang mga labi.

"Bumaba ka na rin. Pero bago iyon. Maligo ka ng maligamgam na tubig. Ayusin ang sarili saka tayo mag-uusap muli.."

"About what ma?.."

"About you and your stuff.. I want to more about you.. you seem so many secrets in your pocket.. gusto kong malaman ang mga iyon."

"Ma?.."

"I don't accept a no answer Lance. You have to do what is told."

"Fine.. just give me a minute.." pagsang-ayon ko. Paano ba to?. Kahit mainit ang pakiramdam ko. Gumaan ng bahagya ang bigat sa dibdib ko. Di naman sa natatakot ako sa gustong gawin ni mama para sakin. Sadyang di ko lang talaga alam kung paano ito gawin. Bago kasi ito at ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng ito. Tama nga siguro sya. Kailangan ko ng tulong nya at ng iba pang myembro ng aming pamilya dahil di naman talaga ako nag-iisa. It should be a reminder to me na, I'm not an island. That instead, I'm a city boy, surrounded by people who love me.